MasukIsa lang talaga ang nakayanan. Salamat sa mga gems...Goodnight.
CalessiaNakangiti akong dahan-dahang nagmulat ng mga mata habang kinakapa si Marc sa tabi ko.Pero wala siya...Dismayado akong bumangon at napadaing agad. Masakit ang balakang ko. May mahapding pakiramdam din sa pagitan ng mga hita ko.Akala ko pa naman, mukha niya ang unang makikita ko paggising. O kaya’y yayakap siya sa akin habang tulog pa ako.Bigla tuloy kumirot ang dibdib ko. Para akong maiiyak. Parang may parte sa akin na nagsisising bumigay ako sa kanya kagabi.Mabilis kong itinakip ang mga palad ko sa mukha ko nang uminit ang mga mata ko.Pinili ko ’to. Ginusto ko ’to. Masaya kong ibinigay sa kanya ang lahat.Kaya wala akong karapatang mag-drama.Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.Pagkatapos, maingat kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig at dahan-dahang tumayo.Sakto namang bumukas ang pinto.Bumungad si Marc na may dalang tray ng pagkain habang nakangiti.Napakagat tuloy ako sa labi.Nag-o-overthink pa ako kanina. Pinaghahanda lang pala niya ak
Marc“Look at me, Calessia…” mahina kong utos nang pumikit siya.Gusto kong makita niya ako.Every movement.Every reaction.Sumunod siya. Dahan-dahang ibinuka ang mga mata.Parang nahihiya pa rin siya, pero hindi kumontra nang diniin ko ang sarili ko sa kanya.Hinayaan kong maramdaman niya ang init ng katawan ko na siya ang dahilan.‘Yong hiya at kaba niya kanina, tuluyang nawala. Nagpapaubaya siya. Ang katawan niya ay kusang nag-re-react sa mga haplos ko.Umawang ang labi niya kasabay ng paghawak niya sa balikat ko. Sobrang higpit na parang doon siya kumukuha ng lakas.Ramdam ko rin ang hapdi sa kuko niya na bumaon sa balat ko.“Do you know what you’re doing to me?” bulong ko, pinahangin ang salita.Napalunok siya. Hindi sumagot. Mas humigpit pa ang kapit niya sa balikat ko.Bahagya akong yumuko. Pinasadahan ko ng halik ang gilid ng panga niya pababa sa leeg.Sinadya kong bagalan. Parang sinasanay ko siya sa mga haplos ko.Narinig ko ang paglalim ng hinga niya. Parang nanigas ang kat
MarcRamdam ko ang hiya ni Calessia habang buhat ko siya. Halos ibaon na niya ang mukha sa dibdib ko.Pero ako, ngiting-ngiti.Masaya kasi ako. Dahil alam kong masaya siya. Masaya ang mama niya. Masaya si Lola.At sa simpleng bagay na ’to… parang nabura kahit papaano ang bigat na matagal nilang dala.Pagdating namin sa estate, nagtangka siyang maunang bumaba ng kotse.Hinawakan ko agad ang pulso niya.“Wait,” mahina kong sabi.Sumenyas ako sa driver. Naiwan kaming dalawa.Pagkababa niya, agad ko siyang hinila pabalik at pinaupo sa kandungan ko.“Marc!” napatili siya. “Umayos ka nga.”Ngumisi ako. “Maayos naman ako.”“Hindi ka maayos.”“I’m perfectly fine,” bulong ko. Inilapit ko ang labi ko sa leeg niya. “I’ve got you right here.”Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Dahan-dahang dumulas ang kamay ko sa hita niya habang ang labi ko’y nakalapat sa batok niya, inaamoy ang pabango niya.“Official fiancée na kita… hindi lang sa contract…” dagdag ko, halos pabulong. “So now, puwede na—”“Anon
Kahit ayoko sa klase ng titig ni Olga, hindi ako yumuko. Hindi rin ako umiwas. Naging matapang ako at marahan kong binawi ang kamay ko.“Really?” mahina kong sabi, pero ang tingin ko ay kay Marc na.Tumawa si Olga.Napatingin ulit ako sa kanya.“You’re exactly how he described you,” sabi niyang medyo tumagilid pa ang ulo. “Quiet. Controlled… but you’ve got bite. I like that.”Hindi ako agad nakasagot.Then tinapik niya ang balikat ni Marc.“Approved siya sa akin, pinsan.”“Pinsan?” naulit ko, medyo nabilaukan pa habang sinasambit ’yon.Napatingin ako kay Marc, tapos kay Olga, paulit-ulit.Si Marc, napakamot sa ulo. Mukhang pinagkaisahan nila ako.Sinimangutan ko siya. Pero matamis na ngiti ang sagot niya, may kasamang pisil pa sa tagiliran ko.“Yes, she’s my cousin.” Nilibot niya ang tingin sa buong silid. Nangingislap pa rin ang mga mata niya. “And… she planned all of this.”Parang biglang uminit ang mukha ko. Nakakahiya, ah…Pinagselosan ko. Pinsan pala niya.At siya pa ang nag-prepa
Calessia“Bart, bakit mo ba ako dinala rito?” tanong ko habang naglalakad kami sa lobby ng DL Hotel.Sa kotse pa lang, gusto ko nang magtanong.At saka may meeting nga siya. Bakit biglang isinama niya ako? May pa-damit pa siya.Napatingin ako sa suot kong beige long dress, simple pero elegante.Kaya lang, mula nang makasakay kami sa kotse kanina, ni minsan, hindi na niya ako nilingon. Sa phone niya lang siya nakatutok, laging nakangiti.Ang nakakainis pa, hindi ko mabasa dahil sa privacy screen ng phone niya.Hanggang sa nakarating na lang kami dito sa hotel.Ngayon nga ay hindi pa rin niya ako sinasagot.“Sinama-sama mo ako, hindi mo naman pala ako papansinin…” bulong ko, akmang babawiin ang kamay ko. Pero pinigil niya.Sinuksok na rin niya ang phone niya sa bulsa. Matiim na tumingin sa akin at ngumiti nang matamis.“Bakit mo ba kasi ako isinama? May meeting ka nga, ‘di ba?”Inismiran ko siya.Mas napangiti naman siya. Inangat niya ang kamay ko at inilapat sa labi niya.“You’re my wif
Napasinghot ako. Para akong maiiyak. Na-touch ako, eh. Sobra.Literal nga na natahimik ako. Pati utak ko nag-shut down. Pero puso ko ang lakas ng kabog.Parang mas lumalim pa ang pagkakagusto ko sa kanya. Nakakatakot. Pero hindi ko na maaawat ’tong puso ko.Talagang mahal ko na yata siya.Umayos ako ng upo sa kandungan niya, bahagyang humarap sa kanya at saka tinitigan ko siya sa mata.“Sigurado ka?” tanong ko. May kasamang ingos. “Handa ka nang kalimutan… itapon ang nakaraan mo?”Tumango siya. “I’m sure. I don’t want anyone else. Just you…”Tuluyan akong napahikbi. Napayakap pa ako sa kanya. Hinaplos niya naman ang likod ko.Then, mahina siyang tumawa. “Sige na… it’s up to you what you do with that.” Nakatingin na siya sa box na hawak ko pa rin.Kumawala ako sa kanya. Saka tumingin din ako sa box at tumango.Sa isip ko, talagang ako ang bahala rito. Itatapon ko ’to sa malayo, ’yong hindi na niya mahahanap o maalala man lang.“Okay…”Tatayo na sana ako, pero pinigilan na naman niya ako







