Ngayon ko mas naintindihan kung bakit minsan mas ligtas ang manahimik kaysa magtanong. Nakatayo ako sa loob ng opisina na puro salamin. Ito ang pinakataas na palapag ng Belmonte Holdings. Magkadaop ang mga kamay sa harap ko, tuwid ang pagkakatayo kahit parang may mabigat na dumidiin sa dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga, habang tanaw ang lungsod sa ibaba, maganda, ngunit malayo, hindi ko abot. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Marc Landon Belmonte. Hindi siya galit. At alam kong mas nakakatakot iyon. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang folder sa kamay niya, kalmadong-kalmado, galaw na sanay magwasak ng mga kumpanya, isang salita niya lang. Suot niya ang maitim na suit. Matigas ang panga, may matang malamig, sapat para maramdaman kong wala akong maitatago sa kanya. “So,” sabi niya sa wakas, isinara ang folder. “You’re the Zerdan girl.” Itinaas ko ang mukha. “My name is Calessia.” “I know.” Saglit niyang sinipat ang mukha ko, sinusuri, tinatantiya. Humigpit
Last Updated : 2026-02-11 Read more