Inicio / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / Chapter 250—You're the One

Compartir

Chapter 250—You're the One

Autor: Winter Red
last update Última actualización: 2025-08-26 23:56:36
Napabuntong hininga si Matthias habang pinapa-check in ang luggage niya. Uuwi siya ng Europe para magpapahinga sa misyon. Pero ang totoo, balak niyang kalimutan ang masayang alaala kasama si Aella. Napamahal na siya rito at nasasaktan siyang makita ito sa piling ng iba.

Naalala niya ang huling pag-uusap ni Theodore at gusto nitong ipaubaya sa kanya ang dating asawa. Kaso nakokonsensiya siya dahil halata na mahal pa rin nito ang dating asawa. Ayaw niyang maging hadlang sa pag-iibigan ng mga ito. Saka wala naman s'yang karapatan diktahan ang puso ni Aella kung sino ang pipiliin.

"MATTHIAS!"

Paasok na sana siya sa departure area nang may tumawag sa kanya. Agad niyang nasalubong ang kumikislap na mga mata ng babaeng kilalang-kilala niya. Napabuka niya ang bibig, kinurap ang mga mata at sandaling inintindi ang pangyayari.

"M-Matthias..." humihingal nitong sabi, nasa tono ang pagsusumamo. Naitukod nito ang isang kamay sa tuhod sabay punas ng pawis sa noo.

Hindi niya mahanap ang mga
Winter Red

Thank you for reading po! Tapos na po siya at pakiaabangan ang epilogue at special chapters Thank you ng marami po!

| 25
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (13)
goodnovel comment avatar
Nhvenz Mhae
pero eto po ksi ay kwnto lmg heheh
goodnovel comment avatar
Nhvenz Mhae
masaya ksi mabait si mathias pero ,,sayng khit gnun si theo ms ok p dn si theo para san p ang title ng nobela kung hndi sila ,,sna nbgyn ng mgndng twist ang lablyf ni matias,ksi kung ihhmbing mu sa totoung sitwasyun si theo gago n ngbago ,,si matias d dn ntin alm ang kung gnun b tlga siya katinu,
goodnovel comment avatar
Julie Elumba Salinas
thank you ang ganda ng story mo...️...️...️
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 28: After All [END]

    Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hindi

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 27: To The Rescue

    Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 26: Dangers

    Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 25: Her Regrets

    Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sini

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 24: Accomplice

    “Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo ni

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 23: Lose

    "Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status