Thank you for reading po!
Kanina pa masama ang tingin ni Sandra. Mahigpit niyang binabantayan ang anak habang kasama si Raffaelo. May amnesia nga ito pero tila alam ang iilang detalye tungkol sa kanya. Katulad ng paborito niyang gulay at kulay. "Kailangan mong kumain ng ampalaya para lumaki ka kaagad. Alam mo ba'ng paboritong gulay ito ng Mama mo?" pang-iinganyo nito sa bata. Malakas niyang hinampas ang kamay sa lamesa dulot para huminto ang dalawa. Naasar siya panoorin ang dalawa na parang mag-ama. "Ma, galit po ba kayo?" Kumikinang ang mga mata na tanong ni Antoine Dale. Napalunok siya. Nagkamali siya sa inasal. Iiyak kasi ito kapag makita siyang galit. "No, anak, na out of balance lang si Mama kaya nahampas ko ang lamesa. Kumain ka na." Tinabihan niya ito sa pag-upo. Sinikap na balewalain si Raffaelo na nakaupo sa kabilang bahagi. Umaasta itong ignorante at palaging na ko-curious sa lahat ng bagay. "Sandra, tikman mo naman ang nilito kong adobong pusit. Masarap iyan," presinta nito. Masama n
"Raffaelo? Sino 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Raffaelo. Bagamat kinakabahan na baka mabuking ang pagpapanggap ay nanatili siyang kalmado at inosente. Hindi siya magaling sa umakto at unang beses niyang gawin ito.Noong nasilayan si Sandra ay nangigili siyang yakapin ito, pero biglang pumasok sa isipan niyang magpanggap upang alamin ang dahilan ng paglayas at pagtatago nito. Dapat niya munang pigilan ang pagkasabik dito. Lalo umakyat ang pagkasabik niya nang malaman na may anak sila. Kung ganoon buntis pala ito noong iniwan siya.Gusto niyang magwala. Sa kagagawan ng madrasta niya ay nasira ang payapa nilang pamumuhay at pinagkaitan siya ng anak. Humugot siya ng malalim na hininga para pigilan ang pag-iyak. "Ikaw si Raffaelo Conti, isang multimillionaire CEO ng Conti Luxury Brand," paliwanag nito."Okay," walang gana niyang tugon. Nauubusan ng pasensiya itong hunugot nf malalim na hininga. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta alam ko na iyon ang pangalan mo.""Bakit alam mo an
"Tingnan niyo kung buhay pa 'yan," pahayag ng isa sa mangingisda. "May pulso pa siya pero kailangan natin tumawag ng ambulansya!" tugon ng isa. "Nasaan na ba si Sandra? Baka kakilala niya!" "Paano kung asawa niya!" "Ang advance mo naman mag-isip. Paano kung kapatid niya." "Hindi naman sila magkamukha!" "Tumahimik nga kayo!" Saway ng isa na kinatahimik ng lahat. Napailing si Sandra na nilapitan ang kanyang asawa. Nakahalata sa dalampasigan, walang malay. Kahit labag sa loob niya ay nagpanggap siyang mabuti. Pipi siyang nananalangin na sana'y hindi siya makikilala nito. "Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya asawa o kapatid. Isa lamang siyang dayo na nawalan ng malay—hindi ko alam kung inanod ng dagat o biniktima ng mga tulisan. Tsaka wala rin akong ideya kung bakit sinasambit niya ang pangalan ko," kalmado at matatag niyang saad. Napatango ang lahat pero maiilan na ayaw maniwala. Inayos niya ang tindig, akmang talikuran ang lalaki pero bigla nitong hinawakan ang paa niya. "S-S
Chapter 6: Madness"It's been five years but I still didn't find my wife," naiiyak na saad ni Raffaelo sabay luhod sa harap ni Aella. "Ikaw na lang ang pag-asa ko. Nagsusumamo ako, tulungan mo ko."Napatutop ng bibig ang kaibigan niya. Umabot na sa limitasyon ang pasensiya niya at hindi na niya kayang magtiis. Ito na lamang ang natitirang pag-asa niya. Matalik na kaibigan ito ni Sandra kaya may posibilidad na may alam ito kung nasaan ang kaibigan."Raffaelo, please don't it," tila nasisindak na wika nito. Luminga-linga si Aella at nakita niyang nakapamulagat sa gulat ang kanyang asawa na si Matthias. Payapa silang kumakain ng tiramisù nang dumating si Raffaelo at nagmakaawa sa kanya. Pinangako niyang poprotektahan niya ang kaibigan at bawal niyang sabihin kung saan ito."To tell you honestly, I was framed by my stepmother. Pinadala niya ang babaeng humahabol noon sa akin para gumawa ng kalokohan—""Yeah, yeah. I already know that story," pamumutol ni Aella, "tumayo ka muna. Tinitingn
"Parang kailan lang ay maglilimang taon ka na rito. Ang laki na rin ni Baby Dale." Bumalik sa hwesyo si Sandra nang umugong ang boses ng kinilala niyang lola sa isla. Nasa dalampasigan sila, kumakain ng kanilang meryenda na nilagang saging. Umuusok pa iyon matapos hinihain ni Lola Nina. Nilunok niya muna bago tumugon. "Oo nga eh. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang noong umapak kami ni Dale dito." Sumilay ang malapad nitong ngiti. "At sa susunod na sabado ay ise-celebrate natin ang birthday niya." Sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari noong nakaraan. Minsan naalala niya ang dating asawa at naiiyak siya. Nagsisisi na umalis imbes na harapin at konprontahin ito. Ngunit ano naman ang mapapala niya. Gagawin niya lamang komplikado ang sitwasyon at hindi siya tanga para hayaan itong lokohin siya. But her love to him never fades. Nasasaktan siya tuwing makikita ito sa TV. Bukod sa pamilya niya ay alam din ni Aella na nandito siya. Kinausap niya ang kaibigan na huwag itong sabihi
Sana isa na lang itong panaginip. Naisaloob ni Sandra habang pinagmamasdan ang pagkuha ng katawan ng kanyang namayapang ama sa ICU. Hindi siya makahikbi dala ng pamamanhid ng katawan at puso niya. Hindi lang isang dagok ang natamo niya kundi dalawa. "Anak, ano ng gagawin natin ngayon na wala na ang ama mo?" humikbing wika ng kanyang ina. Niyakap niya ito at hinagod ang likod. "Huwag po kayong mag-aalala, mom. Magiging maayos din ang lahat. Ligtas na ang kompanya mula sa pagkalugi at kayo na rin ang hahawak nito." Kumalas ito. "Ano ang ibig mong sabihin? Ikaw ang panganay kaya responsabilidad mo iyon." "Hindi na po mananatili rito." "Aalis kayo ni Raffaelo? Saan kayo pupunta?" Parang nahimasmasan ito sa bagong balita niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ito sinagot. "Ako lang mag-isa. Tutungo ako sa islang kilakihan niyo at doon na titira for good." "Bakit ikaw lang ang mag-isa? Saan ba pupunta si Raffaelo?" pahayag nito sa mataas na boses. Umiling-iling siya. "