Share

Kabanata 2

Habang binabaybay nila ang kahabaan ng daan papuntang La Vista, di mapigilang maalala ni Krissy ang lumipas na kahapon.

Tanaw ng kanyang mga mata ang magandang tanawin na kanilang dinaraanan, sinariwa ng kanyang ala-ala ang lahat. Ang dahilan kung bakit lumaki siyang palaban at hindi nagpapatalo.

(Flashback)

Nasa sala si Krissy at nilalaro ang paborito niyang manika. Nasa walong taong gulang na siya ngunit nabibilang lang sa daliri ang kanyang mga kaibigan dahil napakastrict ng mommy niya. Bihira lang siya makipaglaro sa mga kaedaran niya kaya kadalasan niyang nilalaro ay ang kanyang manika na pinangalanan niyang Monica.

"Oh ayan you're so pretty na Monica just like me." Puri nito sa hawak na manika pagkatapos mabihisan.

Ang ngiting sumilay sa kanyang labi ay biglang naglaho nang masilayan niya ang kanyang ina pababa ng hagdanan ng kanilang mansyon.

May dala itong malaking maleta at mga bag na animo'y mag-aabroad gaya ng mga napapanood niya sa telebisyon.

Mabilis naman ang naging hakbang ng kanyang daddy na nakasunod sa kanyang mommy. Pilit nitong inaagaw ang mga bag na dala ng mommy niya.

"Elisa pag-usapan natin 'to. We can fix this!" Nagmamakaawang pakiusap ng daddy niya.

"Pagod na ako Henry! Pagod na akong intindihan ka. Puro ka nalang trabaho. Wala kanang oras sa amin ng anak mo. Ilang beses mo na akong binigo sa tuwing anniversary natin. Ilang beses na akong naghihintay lagi sa wala." Galit na pahayag ng mommy niya. Sa murang edad ay malinaw niyang naiintindihan ang mga pangyayari.

Habang pinapanood na nag-aaway ang kanyang mga magulang ay wala ng nagawa pa si Krissy kundi ang mapahagulhol. Buong buhay niya ay ngayon niya lang nakita ang mga magulang na nagtalo ng ganito.

Nang mapansin ng kanyang mommy ang presensiya niya ay nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit.

"Mom, are you going to leave us?" Maluha-luha ang mga matang tanong niya sa ina.

"Baby, magpapalamig lang ng ulo si mommy okay? Don't worry, babalikan kita rito." Tugon ng mommy niya habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok.

"No mom please! Sasama ako sayo." Hagulhol ni Krissy habang nakahawak sa bestida ng kanyang mommy. Ngunit tumayo ito nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kanilang mansyon na parang walang narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit biglaan ang mga pangyayari. Kung bakit parang napakababaw na dahilan ang kawalan ng oras ng kanyang daddy para magalit ito ng ganoon.

Nilingon niya ang kanyang daddy na wala ring nagawa upang pigilan ang mommy niya. Kuyom ang kamao nito at bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman.

Ginugol nito ang buhay sa pagtatrabaho para mabigyan sila ng magandang pamumuhay. Na hindi naman nabigo dahil lumago ang mga negosyo nito. Ngunit hindi pa pala iyon sapat para magkaroon sila ng masayang pamilya.

"Dad! Pigilan mo si mommy please." Umiiyak na pakiusap ni Krissy sa ama ngunit yumuko lang ito na tila ba tinanggap nalang ang pangyayari.

Nang pinaandar ng mommy niya ang sasakyang dala nito ay mabilis niya itong hinabol.

"Mommy! Mommy!" Tawag niya sa ina habang tumatakbo patungo sa umaandar na sasakyan. Nagpang-abot na ang luha at sipon niya. Hindi niya kayang isipin na mawawala sa tabi niya ang kanyang mommy.

Natigil lamang siya nang habulin at yakapin siya ng kanilang katulong para pigilan.

"No! Mommy come back!" Nagpupumiglas na sigaw ni Krissy habang awat-awat ito ng kanyang yaya.

Bigla lang siyang natahimik nang maramdam ang paglapit ng daddy niya. Kinarga siya nito at niyakap.

"Stop crying my baby. Gagawin lahat ni daddy para bumalik si mommy mo as soon as possible okay?" Tugon ng kanyang daddy. Nakaramdam naman siya ng kapanatagan sa pangako nito.

Tumahan siya sa pag-iyak at isinandal ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang daddy.

************

Mabilis lumipas ang mga araw ngunit hindi pa rin umuuwi ang Mommy Elisa niya. Hinintay niya ang pag-uwi nito dahil sa pangako nitong babalikan siya ngunit hanggang ngayon kahit anino nito'y hindi nagpapakita.

Buti nalang at hindi siya binigo ng kanyang daddy pagka't isang araw ibinalita nito na natagpuan na ang kinaroroonan ng kanyang ina.

At ang ikinatuwa niya ay isasama daw siya nito para sunduin ito.

Excited si Krissy na sumakay ng sasakyan. Miss na miss niya na ang kanyang mommy lalo na ang masarap na luto nito. Hatid-sundo din siya nito sa eskwelahan. Kadalasan lang kasi na nasa bahay ito. Ngunit kung magbakasyon naman ito ay sulit gaya nalang ng pumunta ito noon sa Amerika at ilang buwan ding nanatili roon. Lahat naman ng gusto nito ay suportado ng kanyang daddy kaya ipinagtataka niya kung bakit humantong pa sa paglalayas nito ang mababaw na dahilan.

"We're here na hija." Anas ni Henry sa anak at inihinto ng driver ang sasakyan nito sa tapat ng isang bahay. Simple lang iyon, isang townhouse na medyo may kalumaan. Kung tutuusin kasinglaki lang ito ng maids room na nasa mansyon nila.

Bumaba si Henry bitbit ang anak. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kakaibang kaba habang naglalakad papalapit sa gate nito.

Huminga muna siya ng malalim bago nagdoorbell. Nakatatlong ulit pa siya bago may lumabas na isang lalaki at pinagbuksan sila.

Gayun na lamang ang gulat at pagkabigla sa mga mata ni Henry nang makilala ang lalaking bumungad sa kanila. Si Carlos ito, ang dating hardinero ng kanilang mansyon.

Awang din ang bibig ng lalaki. Bakas sa mukha nito ang nerbyos at kabang nararamdaman. Samantalang ang batang si Krissy ay nakangiting binati ang lalaki. Walang ka ide-ideya si Krissy sa tensyong nagaganap.

"Goodmorning po Mang Carlos." Aniya. Ngunit hindi nakapagsalita si Carlos habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mag-ama.

"Hon what took you so long? Sino ba yan?" Irritableng tanong ng isang pamilyar na boses ng babae.

At gayun na lamang ang pagkagulantang ng kanyang ama nang makita ang kanyang mommy.

Nagsimula ng gumulo ang isip ni Krissy. Puno ng pagtataka ang kanyang isipan kung bakit tinawag na 'Hon' ng kanyang mommy ang dati nilang hardinero at kung bakit magkasama ang dalawa sa iisang bahay.

Ramdam ni Krissy ang pamumula ng mukha ng kanyang daddy. Bakas sa hitsura nito ang magkahalong emosyon. Galit ito at lubhang nasasaktan. Wala pamang paliwanag ang kanyang mommy ay alam na ng kanyang daddy ang ibig sabihin ng mga nakita nito.

"Mommy!" Ani Krissy pagkakita sa ina. Natutop ng kanyang mommy ang bibig nito ng makita sila. Hindi makapaniwala na nasa harapan nito ang kanyang daddy at kasama siya. Gulat na gulat din ito.

Samantalang, nagbabadya nang tumulo ang mga luha ni Krissy. Sa murang isipan niya ay alam niyang may mali sa mga nangyayari.

Sa loob ng ilang segundo ay walang ni isa sa kanila ang nagsasalita. Naagaw lang ang kanilang atensyon sa paglapit ng isang batang babae.

"Mommy! Daddy!" Tawag nito sa kanyang mommy at kay Mang Carlos. Lalo lang nagtataka si Krissy kung bakit mommy din ang tawag nito sa mommy niya. Tantiya niya ay nasa anim na taong gulang ito, matanda lang siya dito ng dalawang taon kung tutuusin.

"Edgar! Get Krissy out of here." Baritonong utos ni Henry sa kasama nitong bodyguard. Ayaw niyang masaksihan ng anak ang kawalang-hiyaang ito ng kanyang asawa.

Nagpupumiglas si Krissy ngunit sa laki ng katawan ng bodyguard na umakay sa kanya ay hindi niya magawang makagalaw. Agad din siya nitong ipinasok sa loob ng sasakyan.

"What's happening? Gusto kong makausap si mommy?" Sambit ni Krissy at tuluyan ng napahagulhol. Tiningan niya sa tinted glass ng kanilang sasakyan ang daddy niya habang kausap pa nito ang kanyang mommy at si Mang Carlos.

Nakita niya ang paghagulhol ng kanyang mommy habang nakahawak sa braso ng kanyang daddy. Umiiyak rin ang batang babae at nagmamakaawa ang mukha ni Mang Carlos na nakayuko sa harapan ng kanyang daddy.

Maya-maya pa'y tinalikuran sila ng kanyang daddy at naglakad ito patungo sa sasakyan.

"Dad?" Usal ni Krissy sa ama nang makapasok ito sa sasakyan nila na agad ding pinaharurot ng driver paalis.

Nag-uunahan sa pag-agos ang malalaking butil sa mga mata ni Krissy. And for the very first time ngayon niya lang nakitang umiyak ang kanyang daddy.

Niyakap siya nito habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok. "You're too young para maintindihan mo ang lahat hija. But I want you to know na hindi na tayo kailanman babalikan ng mommy mo." Garalgal ang boses na sambit nito. Her daddy is in so much pain.

"But why? Explain to me dad. I maybe young but gusto ko pong maunawaan lahat." Pakiusap ni Krissy sa ama. Nagsimula ng naningkit ang kanyang mga mata sa kakaiyak.

"Matagal niya na pala tayong niloloko. She has an affair with Carlos at nagkaanak sila nang wala manlang tayong kamalay-malay. Napakagaling magtago ng mommy mo." Mapait na pahayag ng kanyang daddy habang kuyom nito ang kamao.

Kaya pala napakababaw ng ginawang dahilan ng kanyang mommy para makalayas na ito sa kanila at makasama na nito ang bago niyang pamilya. At ang masakit, may anak pa ito sa lalaki niya. Sumikip ang dibdib ni Krissy sa realidad na ito. Hindi niya kailanman kayang tanggapin na may kapatid pala siya sa labas na bunga ng kataksilan ng mommy niya.

"It's all my fault anak! Nagpakasubsob ako masyado sa trabaho just to give you and your mom a better life. Hindi ko man lang nagawang tutukan ang mga pangyayari sa bahay. I don't give any single malice nang minsang naabutan ko ang mommy mo noon na kausap si Carlos. Kaya pala may time na inaabot ng ilang buwan ang bakasyon ng mommy mo sa ibang bansa, may nangyayari na palang hindi maganda. I was so damn stupid! Masyado akong nagtiwala." Mahabang salaysay ng daddy niya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito.

Sobrang nasasaktan man siya ngayon pero alam niyang mas nasasaktan ang daddy niya. Hindi niya lubos maisip na nagawang pagtaksilan ng mommy niya ang kanyang mabuting ama. Pinagpalit man lang ito sa isang hardinero! She's a shame! And knowing all of these, mas nangingibabaw ang pagkapoot na nararamdaman niya sa mommy niya ngayon.

Gamit ang dalang panyo ay pinunasan ni Krissy ang malaking butil ng luha mula sa ama.

"It's not your fault dad. I know your a busy man but still it's not the reason para maghanap ng iba si mommy. You're the best dad in the world. It's mommy's fault for being a bitch." Ang pahayag na ito ni Krissy ang lalong nakapagpahagulhol sa ama. Tila ba napakamature niya ng e-handle ang ganitong sitwasyon gayung nasa walong taong gulang pa lamang siya.

Mula noon, Ipinangako ni Krissy sa sarili na la-laki siyang matatag at matapang. She really needs to be dahil alam niyang mabilis kumalat ang issue at may mga kaklase siyang bully. Kailangan niyang protektahan ang sarili at all costs and she promised herself na when she grew up, gagawin niya lahat wag lang maagawan ng taong minamahal. Gaya ng ginawa ng hardinerong si Carlos sa kanyang daddy. Hindi niya hahayaang maulit sa kanya ang mapait na nangyari sa kanyang daddy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status