Share

Kabanata 3

Simula ng malaman nila ng kanyang daddy ang tinatagong lihim ng kanyang mommy ay nawalan na rin si Krissy ng pakialam sa ina.

Sobrang hirap nang naging adjustment niya sa unang mga araw at linggo. Na dapat masanay siyang hindi na niya ito kailanman mabubungaran sa kanilang mansyon.

Nariyang napaaway pa siya sa mga malditang kaklase nang minsang narinig niyang pinagchichismisan ng mga ito ang kanilang pamilya. Sa labis na bugso ng damdamin ay hinila niya ang buhok ng pasimuno nito. Wala siyang pakialam kung masaktan ang chismosang ito. Buti nga sa pisikal lang. Hindi kagaya niyang parang tinutusok ng ilang libong karayom ang kanyang puso. Kay bigat na nga ng kanyang saloobin ay dinagdagan pa nito. Hanggang sa nagkagulo na at naabutan sila ng kanilang guro na nasa ganoong eksena.

"Hija, dapat hindi mo na pinatulan. Just let them think what they want to think." Pangaral ng daddy niya ng makauwi sila sa mansyon. Kagagaling lang nila sa eskwelahan dahil pinatawag ang kanyang daddy dahil sa gulong kinasasangkutan ni Krissy.

"Eh dad siya naman po yung nauna eh. Kinakalat niya po sa iba naming kaklase na iniwan na ako ni mommy dahil may ibang pamilya na siya. Tapos pag nag-asawa daw po kayo ulit, maiiwan po akong mag-isa." Nasasaktang paliwanag ni Krissy. She's pouting while holding her tears. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ng chismosang kaklase. Ang pinakaayaw niya lang ay ang marinig ito ng paulit-ulit dahil nanunumbalik din yung sakit na nararamdaman niya.

Her dad kissed her forehead at niyakap siya nito. "Hindi yun mangyayari anak. I will never do that dahil ikaw ang top priority ko. Kontento na ako sayo. Hindi man tayo buo, ipaparamdam ko sayo na walang kulang. Magkasama tayong magsisimula at magiging masaya." Madamdaming pahayag nito.

Tumango si Krissy at hinalikan ang pisngi ng ama. Napakabuti ng puso ng kanyang ama. Kung tutuusin sa yaman nito ay kaya nitong pahirapan ang kanyang mommy at ang kabit nitong si Carlos ngunit hindi iyon ginawa ng kanyang daddy. Hinayaan lang nitong maging masaya ang mommy niya kapiling ang kabit nito at ang anak sa labas.

Habang ang kanyang daddy ay mas nagfocus lang ito sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo. Magkagayunpaman, kahit sobra itong busy ay di ito nawawalan ng oras at atensyon para maalagaan siya ng tama. At para sa kanya sapat na iyon para maging masaya sila na silang dalawa nalang ang magkasama.

Hanggang isang araw nabalitaan nalang nila na wala na ang kanyang mommy dahil nagkasakit ito ng malala.

And for the last time, pumunta sila ng daddy niya sa libing nito. Ayaw niyang umiyak dahil nasasaktan siyang isipin na nawala ito sa mundo ng hindi man lang humihingi ng tawad sa kanila ng kanyang daddy, lalo na sa kanya na basta-basta na lamang inabandona para sa sariling interes nito.

Nanginginig ang buong katawan niya nang masilayan ito sa huling sandali. Iniisip ni Krissy na kung sana nasa hustong gulang lang sana siya at buhay pa ito ay susumbatan niya ang ina sa ginawa. Gusto niya itong tanungin kung bakit nito nagawang ipagpalit ang mala-reyna nitong buhay kapiling sila ng kanyang daddy. Na kung sana hindi nito pinili ang kalaguyong hardinero ay hindi ito magkakasakit. O kung magkasakit man magagamot din agad dahil maraming pera ang kanyang daddy.

Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan sa pag-agos ang namumuong butil. Wala siyang pakialam kung magkasugat ito at dumugo. Ang alam niyang lang sa mga oras na iyon, ayaw niyang magpakita ng kahinaan ng loob lalo na't nandito ang ibang anak ng mommy niya.

Humahagulhol ito yakap-yakap ang amang si Mang Carlos. Kuyom ang kanyang kamao habang nakatingin sa maliit na paslit. Ayaw niya mang maawa rito ay hindi niya mapigilan. Lalo na ang isipin kung ano ang magiging buhay nito ngayong wala na ang kanyang ina at papalakihin ito ng pobre at makasariling ama.

Ngunit hindi na siya dapat mangialam dahil alam niyang ang batang ito ang pinakadahilan kung bakit mas pinili ng mommy niya si Mang Carlos kesa sa kanila ng kanyang Daddy Henry.

Inangat niya ang mukha para makita ang reaksyon ng kanyang daddy ngunit nakasuot ito ng sunglasses habang tahimik na nakahawak sa kanyang mga kamay. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito ngunit ramdam niyang nasasaktan pa rin ito.

"Dad, let's go." Marahang usal ni Krissy sa ama. Ayaw niya ng magtagal pa rito.

"Are you sure?" Concern na tanong ng kanyang daddy. Tinanguan niya lamang ito bilang sagot.

Maya-maya pa'y inakay na siya ng kanyang daddy paalis. Habang humahakbang siya patalikod ay basta niya na lang naramdamang namamasa na pala ng luha ang dalawang pisngi niya.

************

"Couz are you okay?"

Nanumbalik si Krissy sa realidad nang basagin ni Brenda ang katahimikan.

"Kanina ka pa tahimik. Mukhang napakalalim ng iniisip mo." Puna ni Brenda kay Krissy nang mapansin nitong kanina pa siya hindi kumikibo.

Kung saan nalang kasi nakarating ang kanyang ala-ala. Actually simula biyahe nila ay wala din naman talaga siyang gana makipag-usap.

"Yeah. I'm good, don't worry about me." Tipid na sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa magandang tanawin na kanilang dinaraanan.

"I see. Ilang minutes na lang dadating na rin tayo. Sabi ni Trisha sasakay pa raw tayo ng bangka para makarating ng La Vista. Iiwan nalang daw natin yung sasakyan niya sa may parking area ng lugar." Paliwanag ni Brenda habang nagmamaneho. Sasakyan kasi ng kaibigan nitong si Trisha ang ginagamit nila since nakarating sila rito sa Cebu.

"Okay." Tanging naisagot niya lang sa mahabang sinabi ng kanyang pinsan.

"Gosh couz. Aware ka ba na lumala yung katarayan mo since nagbuntis ka? Ilang linggo kana atang moody. Hahaha I can't imagine myself like that." Nakabungisngis na sambit nito.

"Shut up and drive." Inis na tugon niya sa pinsan.

Aware naman talaga siya. Ano bang magagawa niya eh talagang ganito ang mood niya ngayon. Alangan naman siya pa ang mag-adjust.

Imbes na pansinin ang mga sinasabi sa kanya ni Brenda ay naisipan niya nalang na itulog ang natitirang ilang minuto bago sila makarating sa La Vista.

************

"Gosh! Napakaganda! Parang paraiso." Awang ang bibig ni Brenda at halos hindi na kumukurap habang nililibot ang mga mata sa napakagandang isla. Lulan pa lamang sila ng bangka ngunit sumalubong na sa kanila ang napakagandang tanawin ng dagat.

Tama si Brenda, this place is like paradise.

Tahimik lang si Krissy but deep inside she's also overwhelmed sa kanyang nakikita. Parang nawala lahat ng bigat niya sa dibdib habang minamasdan ang nakakabighaning ganda ng karagatan. Sa kanyang isip ay lubhang napakaswerte ni Calex for owning this perfect place.

Speaking of Calex, nang maalala niya ang lalaki ay bigla na naman siyang nakaramdam ng kaba. Makakaharap niya ulit ang lalaking ubod ng sungit at galit pa sa kanya. Hindi niya ma-imagine kung ano ang magiging reaksyon nito pag ipinagtapat niya rito ang kanyang kalagayan.

Kinakabahan man ay hindi pa rin siya magdadalawang-isip na sabihin kay Calex ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Kaya nga sila pumunta ni Brenda sa lugar na ito dahil ito ang pinakasadya nila.

"Wohoooo!" Nakangiting bulalas ni Brenda nang huminto na ang bangka at narating na nila ang isla. Bakas sa mukha nito ang excitement nang tuluyang maapak nito ang mga paa sa puting buhangin.

Kahit siya ay nakaramdam din ng saya. Matagal na rin kasi na hindi siya nakakapag-beach. Pinakahuli ay noong birthday niya na sinurpresa siya ni Brandon sa resort nito sa La Union ngunit hiniwalayan din siya ng loko pagkatapos.

Paano ba naman, nandoon kasi ang babaeng mang-aagaw na si Meghan, na siyang napangasawa nito ngayon. Napapailing nalang talaga si Krissy pag naalala ang kagaguhan ng ex niya.

Pagkatapos magbayad sa magbabangka ay naglakad na rin sila ni Brenda papunta sa main entrance ng resort.

"Oh Em Gee couz napakaganda rito. Kung alam ko lang na nag-eexist pala tong isla na to, edi sana dito nalang tayo nag-stay." Puring-puri na sambit ni Brenda. Napaismid naman siya.

"Sana nga. Edi sana nakaiwas ka sa pakikipaglampungan dun sa racer na may asawa." Anas niya at napanguso ang kanyang pinsan.

"Can we just forget about it. Atleast yung samin walang ebidensiya. Unlike---." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil sinamaan siya ng tingin ni Krissy. Nakuha kasi agad ni Krissy ang ibig nitong sabihin.

"Don't you dare! Baka nakakalimutan mong It's all your fault." Seryosong banta ni Krissy. Ngumiti-ngumiti naman si Brenda bilang pambawi sa irritableng pinsan.

"Joke lang couz ano ka ba. Anyway, Infairness hah pag naging kayo na ni Calex pwede kana rin magstay dito as long as you want." Pag-iiba nito ng usapan. Ngunit walang naging sagot si Krissy. Kayang-kaya niya naman magbayad kahit ilang araw pa siyang magstay rito, ang mahirap ay kung paano siya papakisamahan ni Calex. That man hated her so much.

Nagsasalita pa rin ng kung ano-anu si Brenda ngunit nanatiling tahimik si Krissy hanggang sa narating na nila ang main entrance.

"Welcome to La Vista".

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status