Mag-log inSiya si Marikit, ang babaeng sa sobrang ganda ay binansagan siya bilang si Miss Manananggal. Sa baryo San Lazaro, ang pagkakaroon ng porselanang balat at balingkinitang katawan ni Marikit ay hindi biyaya kundi isa itong sumpa. Para sa mga taga-rito, ang babaeng ubod ng ganda ay hindi tao, kundi isang halimaw na nahahati ang katawan pagsapit ng dilim. Habang ang lahat ay nanginginig sa takot tuwing nakikita si Marikit, para kay Joaquin ay isa itong biyaya. Mataas ang paghanga niya kay Marikit dahil sa gandang meron ito. Bukod doon ay namamangha siya sa katatagan ng loob ng dalaga dahil kinakaya nitong sikmurain ang lahat ng pangungutya ng bayan sa kaniya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Pero paano kung ang mga tao na ang humadlang sa kanilang dalawa? Anak ng Mayor si Joaquin habang si Marikit naman ang itinuturing na salot sa lugar nila. Sapat na nga ba ang paghanga ni Joaquin para ipaglaban ang isang babaeng sa paningin ng madla ay hindi dapat minamahal? O kailangan din ba niyang maging halimaw para lang maprotektahan ang kaisa-isang dyosa ng buhay niya?
view moreSimula nang mangyari ang insidente sa opisina ng Principal, literal na wala na talagang nagtangkang mambully sa akin. Siguro ay kumalat na sa buong San Lazaro National High School ang tungkol sa pagpoprotekta sa akin ni Joaquin. Kahit ang mga dating tinitingnan ako na parang dumi sa kalsada, ngayon ay umiiwas na rin ng tingin o kaya naman ay napipilitang ngitian ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway. "Marikit, oh! Sandwich, baka magutom ka sa susunod na subject," abot sa akin ni Jace habang naglalakad kami patungo sa susunod naming subject. "S-salamat, Jace. Pero nakakahiya na, halos araw-araw mo na akong nililibre," sagot ko. "Sus, maliit na bagay! At saka, reward ko rin ito sa sarili ko dahil ako na ang unofficial bodyguard mo kapag wala si Sir Wacky," pagmamalaki niya. Ganito na siya sa akin ngayon. Kung minsan ay naririnig ko pa siyang pinagsasabihan ni Brent sa gilid dahil sa pagiging malapit na namin, pero wala lang iyon sa kaniya. Ang nakakagulat pa, dahil sa pagigin
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong opisina ng Principal. Ang kaniyang boses na seryoso at ang mga mata niya ay tila nag-aapoy sa galit, sapat na para manginig sa takot sina Celeste. Kahit ako ay hindi na rin makatingin nang diretso sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga palad sa balikat ko, indikasyon na matindi na talaga ang galit niya."Sir Joaquin... a-ano po kasi, nagkakabiruan lang naman po ang mga bata," pilit na pagpapakalma ng Principal, pero isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Joaquin. "Nagkakabiruan? Ma'am, look at her hair. Look at her blouse. Biruan pa ba ang sinapit niya? Dati ko nang nababalitaan na lagi siyang binubully pero bakit parang wala pa ring aksyon?" bulyaw ni Joaquin. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong babae na ngayo’y nakayuko na. "Sino sa inyo ang unang humawak sa kaniya?"Walang nakasagot. Pati si Jace ay tila natakot din dahil dahan-dahan siyang napaatras nang kaunti, pero agad din nakabawi at tinuro na si Celes
Kinabukasan, maaga na naman ang pagparada ng Hilux ni Joaquin sa tapat ng bahay namin. Pero sa pagkakataong ito, may dala na siyang pang-almusal naming pamilya. Tatlong kape at isang balot ng pandesal. Pero saglit lang siyang nag-stay dahil dadaan daw muna siya sa munisipyo bago ako ihatid. Saktong tapos na kaming mag-almusal nina Inay at bihis na bihis na rin ako nang bumalik din siya. "’Yan na ba ’yung bagong sapatos? Bagay sa'yo," puna niya habang nagmamaneho."Opo, salamat po ulit," tipid kong sagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Hangganan. Ngayon pa lang ay dapat itatak ko na talaga sa utak ko na hanggang kuya lang dapat ang tingin ko sa kaniya at hindi na pwedeng lumampas pa doon.Pagbaba ko sa school, hindi na ako nagulat nang nasa amin ang mga tingin ng estudyante. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis nang nagtungo sa room ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ni Celeste sa mismong bukana ng room namin. Kasama niya ang dalawa niyang mga al
Parang gusto ko na lang talaga maging totoong manananggal sa oras na ito para lang makalipad ako palayo at maglaho sa paningin ng lahat. Maganda kong kapatid? Nakakahiya! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Hala, Marikit! Kapatid ka pala talaga ni Sir Wacky?" hindi makapaniwalang tanong ng isa kong kaklase na kanina pa nakatayo sa tabi ko. "A-ah... h-hindi... k-kapatid-kapatiran lang," halos pabulong kong sagot bago ako napilitang humakbang palabas ng room. Sinalubong ako ni Jace sa may pinto at tinapik ang balikat ko. "O, kapatid pala turing sa'yo, e. Huwag mong kakalimutan 'yung sa assistant ha? Una na ako, best friend!" Hindi ko na siya nasagot dahil diretso na ang tingin sa akin ni Joaquin. Naglakad ako pababa ng hagdan habang nakayuko, ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw sa bawat corridor ng building. "Bakit hindi ka agad lumabas? Akala ko tuloy kanina tinakbuhan mo na naman ako,” bungad ni Joaquin nang makalapit ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu