Share

Chapter 255

Author: zeharilim
last update Huling Na-update: 2025-10-05 22:10:17

Samantha' POV

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang tuluyan na rin naming narating ang bahay ni lola Ursula.

Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang itsura ng kanyang munting tahanan.

Bahay na gawa sa pawid, maraming mga halamang herbal sa paligid, napupuno ng mababango at naggagandahang mga bulaklak at mayroon ding mga alagang hayop.

Noon pa man ay madalas na naming puntahan ang lugar na ito ng mga kapatid ko ganoon din ng mga kalaro ko.

Dito kami madalas maghabulan, maglaro at magtambay lalo na kung tirik na tirik ang araw.

"Lola mo siya? Kaninong side?" tanong ni Theo.

Umiling ako. "Hindi. Siya ang itinuturing na lola ng buong barangay namin. Siya kasi ang pinakamatanda sa lahat kumbaga ba pagdating sa bagay ay antigo na."

Tumango siya. "Ilang taon na siya?"

"Mga 92 or 93," tugon ko na ikinabilog ng mga mata niya. "Nakakabigla, diba? Pero kapag nakita mo siya ng personal, mas mabibigla ka."

"Bakit naman?"

I smiled at him. "Dahil kasinglakas pa niya ang kalabaw.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • His Dangerous Desire   Chapter 255

    Samantha' POVIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang tuluyan na rin naming narating ang bahay ni lola Ursula.Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang itsura ng kanyang munting tahanan. Bahay na gawa sa pawid, maraming mga halamang herbal sa paligid, napupuno ng mababango at naggagandahang mga bulaklak at mayroon ding mga alagang hayop. Noon pa man ay madalas na naming puntahan ang lugar na ito ng mga kapatid ko ganoon din ng mga kalaro ko. Dito kami madalas maghabulan, maglaro at magtambay lalo na kung tirik na tirik ang araw. "Lola mo siya? Kaninong side?" tanong ni Theo. Umiling ako. "Hindi. Siya ang itinuturing na lola ng buong barangay namin. Siya kasi ang pinakamatanda sa lahat kumbaga ba pagdating sa bagay ay antigo na."Tumango siya. "Ilang taon na siya?""Mga 92 or 93," tugon ko na ikinabilog ng mga mata niya. "Nakakabigla, diba? Pero kapag nakita mo siya ng personal, mas mabibigla ka.""Bakit naman?" I smiled at him. "Dahil kasinglakas pa niya ang kalabaw.

  • His Dangerous Desire   Chapter 254

    Theo's POV"Pagpasensyahan mo na si kuya Elias," anas ni Victorino na agad kong ikinabaling sa kanya. "Mahirap talagang pakisamahan ang lalaking 'yon. Noon pa man kasi ay siya na ang palaging nandyan para kay ate Samantha. Bilang kapatid, siyempre, ayaw niyang masaktan ng paulit-ulit 'yong isa."Tumango ako. "Naiintindihan ko naman. Masaya nga ako para kay Samantha dahil may kapatid siyang tulad ninyo lalo na ang tulad ni Elias. Bibihira lang ang ganyan at kung minsan pa nga ay wala."Natigil siya at tinapunan ako ng tingin. "Ikaw ba?" aniya at isinubo ang kapirasong mangga na hiniwa niya. "May kapatid ka ba? Let me guess, ikaw ang panganay, 'no?"Umiling ako at pagak na natawa. "Ako ang bunso at ang masasabi ko lang ay walang pinagkaiba si Elias sa kuya ko. Pareho silang...""Seryoso, magagalitin at hindi mabiro." Hagalpak niya na bahagya kong ikinatawa. "Alam mo 'yong tipong nagkukwento ka lang pero mamaya kung ano-ano nang advise na binibitawan niya. Daig pa nga niya sina mama at

  • His Dangerous Desire   Chapter 253

    Samantha's POV"At ano namang alam niyo tungkol sa lalaking 'yon?" tanong ni Elias kay papa. "Ganoon niyo ba siya kakilala para sabihin niyong mahal talaga niya si ate? Nakapag-usap na ba kayong dalawa? Nagkakilala na kayo? O baka naman sinasabi niyo lang 'yan para gumaan ang loob sa inyo ni ate?"Umiling siya. "Hindi ko pipilitin ang ate niyo na patawarin niya 'ko sa ginawa ko o kahit ni sino sa inyo. At para sagutin ang tanong mo, hindi pa kami nagkaharap o nagkausap ni Mr. Buendia. Pero ang masasabi ko lang ay mabuting tao siya."Pagak na natawa si Elias. "Mabuti? Posible 'yon. Pero hindi niyo maiaalis sa kanya ang pagiging babaero niya. Aanhin ni ate Samantha ang pagiging isang mabuting lalaki niya kung sa huli ay masasaktan lang din siya?"Saglit na natigil si papa. Hindi kalaunan ay isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya habang nakatanaw mula sa di kalayuan kung saan naroon sina Theo at Victorino. "Nakita ko kung paano umiyak at magwala si Theo nang dukutin ang ate

  • His Dangerous Desire   Chapter 252

    Samantha's POV"Nasaan si Theo?" tanong ko kay mama na abalang nagluluto ng tanghalian.Kadalasan ay inaabot ako ng mahaba-habang minuto kapag naliligo ako. Pero ngayon ay napagpasyahan kong bilisan dahil gusto kong maabutan ang usapan nila sa sala kanina.Pansin ko kasi na tila ba seryoso ang topic nila at kulang nalang ay magtayo ng beer sa gitna ng lamesa. Mas sanay kasi ako na maingay at masaya ang usapan ng pamilya ko lalo na kapag umuuwi ako. Well, iyon din naman kasi ang gusto nila.But this time, it's different.Gusto ko nga sanang ipagpaliban ang pagpasok ko sa banyo kanina at nang malaman ko ang pinag-uusapan nila. Pero iritang-irita na kasi ako dahil ang init-init at parang ang lagkit-lagkit ng pakiramdam ko."Inaya ni Victor papuntang sakahan," sagot ni tita Luisa. "Maglalakad-lakad daw muna sila. Ililibot daw 'yong nobyo mo at nang malaman niya kung anong lugar ang pinanggalingan mo."Pagak akong natawa. "Hindi naman ignorante si Theo para hindi niya malaman kung saan ako

  • His Dangerous Desire   Chapter 251

    Theo's POV"Ano ba kasing ipinuputok ng butchi mo, kuya Elias? Simula yata nang sabihin ni ate Samantha na may boyfriend na siya ay hindi ka na mapakali," iritableng anas ni Victorino. "Bakit? Oh, let me guess. Siguro ay dahil alam mong taob ang Noah na 'yon dito kay kuya Theo, 'no? Iyon ba ang dahilan kung bakit galit na galit ka?"Salubong ang kilay ni Elias na tinapunan ng tingin ang kapatid. Nag-iwas ito ng tingin at sa muli nitong pagharap sa kapatid ay pagak itong natawa. "Bakit? Wag mong sabihing boto ka sa lalaking 'to?" aniya sabay turo sa akin. "Baka nakakalimutan mo kung ano ang nalaman natin sa isang Theo Buendia? Babaero siya at napakabarumbado. Isa pa, you still haven't know him. Why does it seems like you're defending him?"Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Victorino bago nagsalita. Binitiwan nito ang cellphone nito at inilapag sa lamesa. Matapos niyon ay hinarap nito si Elias na sa mga sandaling iyon ay hindi maipinta ang pagmumukha. "Yes. I am defen

  • His Dangerous Desire   Chapter 250

    Theo's POV"Maiwan muna kita rito saglit," anas ni Samantha.Salubong ang kilay kong hinarap siya. "Saan ka pupunta?""Maliligo," mabilis niyang sagot at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. "Kanina pa kasi ako init na init. Isa pa, gusto ko na ring magpalit ng damit pambahay. Naiirita ako rito sa suot kong dress. Makati sa katawan."Umangat ang dalawang kilay ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Pagak akong natawa. "Naiirita ka? Hindi ba't ikaw mismo ang pumili ng damit na 'yan? Ang sabi mo pa nga nagagandahan ka at kung hindi mo isusuot ay–""Alam ko ang sinabi ko!" Pinantaasan niya ako ng kilay. "Pero hindi ba pwedeng magbago ang isip? Besides, we're not in an airconditioned place right now. Ikaw ba? Hindi ka naiinitan dyan sa suot mo?""Hindi. Sakto lang naman saka mahangin naman dito sa inyo hindi tulad sa Maynila."Umiling siya at bahagyang natawa.Akmang lalakad na siya upang lisanin ang lugar na iyon ay mabilis pa sa alas-kuatro ko siyang pinigilan."Iiwanan mo 'ko rito?"

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status