Theo's POV "What?" gulat na tanong ni Neo. "Are you serious?"Tumango lamang ako bilang pagsagot sa kanya.Natawa siya. "Akalain mo. Kanina lang ay sobra ka kung makatanggi sa magiging papel mo rito sa kumpanya niyo. Ano ka ngayon? Ang matindi pa ay ikaw ang pansamantalang papalit kay ate Taylor bilang CEO. Do you know how hard it is to manage a company?"Sinamaan ko siya ng tingin. "Aba, malay ko! Ano bang alam ko sa mga 'yan? Saka hindi pa naman ako pumapayag. Besides, I don't believe her. Ako? Pagkakatiwalaan ng isang Mr. Irigo? Baka nga kapag nagkataon na maipit kami sa isang sakuna ay mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa tulungan ko siya.""Come on, kuya. Wag mong hayaang tuluyang magkaron ng lamat ang relasyon niyong mag-ama," sinserong sambit ni Neo at di kalaunan ay nagbaling ng tingin sa kanyang wrist watch. "Shoot! Kailangan ko na palang umalis. May pupuntahan kami ni Irish. Mauna na 'ko.""Sige," matipid kong sagot.Matapos niyon ay nagpasya na rin akong lisanin ang balc
Terakhir Diperbarui : 2025-06-04 Baca selengkapnya