LOGINNAGMAHAL lang naman siya at umasa na balang araw ay mamahalin rin siya nito. Buong akala niya ay totoo ang lahat. Buong akala niya may pag ibig na ito para sa kanya, pero mali pala siya. Muli na naman ba siyang aasa? Paano niya haharapin ang katotohanang ginamit lang siya nito? Ipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya rito o kusang magparaya na lamang?
View MoreChapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong
Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i
Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."
Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.