Hindi maiwasang mapangiti ni Jarred habang nasa harap siya ng computer. Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil ang nasa isip ay ang namagitan sa kanila ni Jasmine kanina. Iyon ang unang pagkakataon na maangkin niya ito sa mesa at nagpapasalamat siya dahil nadala niya ito sa rur*k ng kaligayahan. Kahit ilang beses na may nangyari sa kanila at buntis na ito, para pa rin unang karanasan niya. Ganun nga siguro talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Hindi ka nagsasawang maging intimate sa kaniya kahit paulit-ulit pa. Biglang sumagi sa isip niya si Ronnel, tiyak na nakita nito ang ginawa niyang paghalik kay Jasmine. Sana sa ginawa niya malaman nito na kung sakali man na magkagusto ito kay Jasmine ay wala talaga itong pag-asa. Mapait siyang napangiti. Pag-asa? Magkakaroon na sila ni Jasmine ng anak at bubuo ng pamilya, kaya imposible na makuha pa nito si Jasmine sa kaniya kung sakali man na may gusto ito sa kasintahan. Speaking of marriage, napagdesisyunan nila na sa sus
Nang mapagtanto ni Jarred na kumalma na siya. Tumayo siya at niyaya si Sean na sabay ng umalis. Nagpaalam din siya kay Ms. Iya, na i-cancel ang lahat ng meeting niya ngayong hapon dahil pupunta siya sa bahay ng kaniyang soon to be mother-in-law at father-in-law. Nagpaalam na siya kay Sean nang makarating siya sa parking area. Kaagad siyang pumasok sa kaniyang sasakyan at pinasibad iyon patungo sa mansiyon ng Saderra family. Habang daan ay iniisip niya ang mga bagay na dapat itanong. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang magiging biyenan na baka maging dahilan ng pagtatalo nila ni Jasmine.Huminga siya ng malalim ng makarating sa kaniyang destinasyon. Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng gate. Lumabas siya ng kaniyang sasakyan at hinarap ang gwardiya na naroon."Sir, pasok na po kayo. Pwede niyo naman pong ipasok ang inyong Ferrari sa loob." anito at binuksan na ang gate at niluwangan iyon para makapasok siya. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay
"Jarred.. Ayos lang sa akin na higpitan mo ako, maging possessive ka sakin o kaya ay pagdudahan mo ako! Pero hindi ko matatanggap ang ginagawa mo kay mom! Pwede mo naman akong kausapin eh, pero ang diktahan si mom hindi ko—" hindi natapos ang sasabihin sana ni Jasmine kay Jarred nang makaramdam ito ng paghilab ng tiyan. Napahawak ito sa tiyan."Arayyy! Jarrreedd! Ang sakit ng tiyan ko!" nakangiwi nitong ani habang sapo-sapo ang tiyan at kababakasan sa mukha ang sakit na dinaramdam nito dahil sa pagtagaktak ng pawis doon. Napatingin si Jarred sa hita nito, dumadaloy ang dugo roon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at dali-daling nilapitan ang kasintahan at pinangko."F*ck! Baby, dadalhin kita sa hospital!" aniya. Dali-dali siyang lumabas ng bahay tsaka nagtungo sa Ferrari tsaka binuksan ang passenger seat at dahan-dahang ibinaba roon ang kasintahan. Nagmamadali siyang nagtungo sa driver seat pinasibad iyon patungo sa pinakamalapit na ospital.Samantala, nagtungo naman si Adhalia sa
Nang magising si Jasmine, naramdaman niyang may nakahawak sa kaniyang kamay. Nagmulat siya ng mga mata at ang unang nakita ay si Jarred na nakayukyok ang ulo sa kama at mahimbing na natutulog. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Napangiti siya ng makitang magkatabing natutulog ang kaniyang magulang sa sofa. Nakaakbay ang kaniyang ama sa kaniyang ina habang nakasandig naman ito sa dibdib ng kaniyang ama.Muli bumalik ang tingin niya sa kasintahan, bumalik sa kaniyang balintataw ang mga sinabi nito sa kaniyang ina at ang sobrang pagiging possessive nito at mga bagay na hindi na nakakabuti sa kanilang relasyon. Napatingin siya sa kaniyang tiyan, mariin siyang napapikit dahil muntik ng mawala ang anghel sa kaniyang sinapupunan dahil sa nagpadala siya sa kaniyang emosyon. Napalunok siya, siguro kailangan muna nila ni Jarred ng space sa isa't-isa. Ito lang ang naiisip niyang solusyon, masyado ng toxic ang relasyon nila. Baka sakali kung hindi muna sila magkikita ng ilang linggo
Hindi napigilan ni Jarred ang pagtulo ng luha dahil sa sobrang sakit na nadarama habang nagmamaneho at hindi alam kung saan siya pupunta. Sobra siyang nasasaktan sa mga sinabi ni Jasmine, sa naging disisyon nito sa relasyon nila. Dala ba ng pagbubuntis nito kaya ganito ito? Kung dala iyon ng pagbubuntis nito, kailangan niyang intindihin ang fiance. Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi. Hindi dapat siya maging mahina! Dapat maging matatag siya para sa kaniyang magiging pamilya. Dalawang linggo lang naman ang hinihingi ni Jasmine. Siguro makakaya niya iyon para na rin sa ikapapanatag ng loob ng kasintahan. Naisip niya si Sean, baka sakaling mapayuhan siya nito sa pinagdadaanan niya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at kinuha ang cellphone sa bulsa. Idinial niya ang numero nito, ilang ring ang lumipas hanggang sa sagutin nito ang tawag."Dude! May problema ba kaya ka napatawag?" tanong nito. Napangiti siya. Kilalang-kilala talaga siya nito. Alam t
Kanina pa nakatitig si Jasmine sa kaniyang hawak na cellphone. Nagbabakasali na makatanggap ng mensahe galing kay Jarred. Huminga siya ng malalim at mapait na napangiti. Ano ba ang aasahan niya? Humingi siya ng space dito kaya imposible na magpadala pa ito ng mensahe sa kaniya at baka nga galit ito sa kaniya ngayon eh. Natigil siya sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ng silid na inookopa niya. Bukas pa siya pwede i-discharged. "Pasok!" sigaw niya para marinig siya ng kung sinuman ang nasa labas ng silid. Dahan-dahang bumukas ang pintuan at pumasok si Ronnel na may dalang bulaklak. Nang tuluyang itong pumasok at isara ang pintuan. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito na nakatingin sa kaniya."Good afternoon, Jasmine." anito at lumapit sa kaniya tsaka iniabot ang bulaklak. Iniabot naman niya iyon.Napatitig siya sa bulaklak. Anong meron at binigyan siya nito ng bulaklak? Pwede namang prutas diba? Napatitig siya rito, maaliwalas ang mukha nito at makikita ang saya sa mukha n
"Bes!" tili ni Celine ng makapasok sa silid ni Jasmine. Kinse minuto rin ang hinintay ni Jasmine mula ng tumawag siya sa kaibigan. Dali-daling tumakbo ito patungo sa kaniya. Ngumiti si Jasmine rito at niyakap ang kaibigan ng makalapit ito sa kaniya. Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap. Tinitigan siya ni Celine at naupo sa upuan sa kaniyang tabi."Kamusta ka na? Pasensiya na naging abala ako nitong mga nakaraang araw. Kung hindi ka pa tumawag, hindi ko malalaman na nasa ospital ka." anito sa malungkot na boses. Ginagap niya ang kamay nito na nasa hita nito at pinisil iyon. "Okay lang ako, pwede na ako umuwi bukas. At tsaka, okay naman na si baby kaya nagpapasalamat ako dahil doon. Okay lang, naiintindihan ko naman eh." aniya rito nang may masuyong ngiti sa mga labi."So, ano ang problema natin? Spill it para mapayuhan kita, dahil sa tingin ko yun ang kailangan mo ngayon." tanong nito. Napangiti siya. Maaasahan talaga si Celine.Napakagat-labi siya nang maalala ang mga nangyari
Hindi maiwasang makaramdam ng kaba si Ronnel ng ipatawag siya ni Mr. Saderra sa opisina nito. May nagawa ba siyang mali o baka naman may ipapagawa ito sa kaniya? Huminga siya ng malalim at lumabas ng elevator ng bumukas iyon sa ika-walong palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng CEO. Tinahak niya ang daan patungo sa opisina ng CEO sa kanang bahagi ng pasilyo. Nang marating iyon, tumayo si Mr. William na sekretaryo ni Mr. Saderra, ayaw kasi ni Mrs. Saderra na babae ang maging sekretarya nito. Selosa kasi ang asawa nito. Binuksan nito ang pintuan ng opisina at inilahad ang kamay sa nakabukas na pintuan."Pasok ka na Mr. Sarmiento, hinihintay ka ni Sir Saderra." anito. Nagpasalamat siya rito, ngumiti lamang ito sa kaniya at bumalik na sa kaniyang mesa. Naglakad siya papasok ng opisina at ng makapasok, dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Nakayuko ang ulo ni Mr. Saderra sa mga papeles na nasa mesa nito pero alam nito na dumating na siya. Nagtaas ito ng tingin at nagtama ang ka