Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s
Makalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R
"Good morning po, Ate Tessa." bati ni Jarred ng madatnan si Tessa sa kusina at abala sa pagluluto. Lumingon sa kaniya ang kasama at binigyan ng isang ngiti."Good morning din." bati nito sa kaniya at muling itinuon ang pansin sa niluluto. Umupo siya sa mesa at nagtimpla ng kape. Nang mga sandaling iyon patapos na sa pagluluto si Tessa at inihanda na iyon sa mesa. Ipinaghain si Jarred ng almusal tsaka umupo sa upuan na nasa tapat niya."Kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Tessa sa kaniya. Mula sa kinakain, nag-angat ng tingin si Jarred at tiningnan ito. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng lungkot ng maalala ang usapan nila ni Jasmine kagabi. Huminga siya ng malalim."Gusto po ni Jasmine na sa huwes ka mi magpakasal." aniya at ikwento dito ang dahilan kung bakit yun ang gusto ni Jasmine. Hindi maiwasang mapailing ni Tessa sa mga narinig. Hindi inaakala na ganun ang ugali ni Beatriz. Ginagap ang kamay ni Jarred, tinuring na kasi niya itong parang anak. Nasasaktan ito, pero naiint
Alas-onse ng umaga ay nagpasyang umuwi si Jarred para manghalian sa mansiyon. Pagkatapos niyang kausapin kanina si Jasmine na halatang wala sa mood dahil sinusungitan siya nito. Nagpabili ito ng cokefloat at hamburger dahil naglalaway daw. Napailing-iling nalang si Jarred habang sinasariwa iyon sa kaniyang ala-ala habang nasa isang fastfood chain at inoorder niya ang pinapabili nito. Hindi niya rin pinapansin ang mga tinging ipiupukol ng mga babaeng service crew sa kaniya. Yung isang crew naman na katabi ng crew na pinag-orderan niya, dahil sa kakatitig sa kaniya hindi niya napansin na may costumer pala sa harapan, ayun! Nabungangaan ng costumer. Kawawang crew.Nang maibigay ng crew ang order niya ay lumabas na siya ng restaurant at nagtungo sa sasakyan. Inilapag niya ang dala sa passenger's seat. Mamaniobrahin na sana niya ang sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Alam niya na ito ang tumatawag dahil may sariling ring tone si Jasmine para kung iba ang tumatawag pwede niy
"Si Cathy Saura." aniya. Hindi alam ni Jarred kung ano ang mararamdaman. May dahilan ba kaya ginawa iyon sa kaniya ni Cathy. She's an efficient employee, wala siyang masabi sa galing nito bilang HR Head Dept. Napasinghap si Jasmine dahil sa sinabi niya na nakatakip ang bibig."Bakit niya iyon nagawa?" manghang tanong ni Jasmine. Tinitigan niya ito na may malamlam na mga mata at napailing-iling."Hindi ko alam. Magaling si Cathy at talaga namang walang nagrereklamo na mga empleyado sa kaniya. Nagtataka lang ako kung bakit siya nakipagsabwatan kay Beatriz." aniya na may pagkakunot ng noo. Kababakasan ng lungkot ang mukha ni Jasmine."Baka may dahilan kaya niya iyon nagawa. Magset ka ng meeting sa kaniya at kausapin mo siya para malaman mo ang side niya. Baka nagawa niya iyon dahil kailangan." Napatingin siya sa maamong mukha ni Jasmine, bakit ba napakamaunawain nito? Bakit ba napakabait nito? Kaya nga sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo niya itong minamahal. Na para bang nakakakata
"Maraming salamat po, Manong Samyo." ani Genesaret sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak sa isang flower shop sa bayan."Walang anuman, iha. Balik ka ulit ah?" anito. Ngumiti siya sa matanda at tumango."Oo naman po!" aniya at ikinaway ang kamay rito."Mauna na po ako." aniya habang naglalakad patungo sa glass door ng flower shop habang ikinakaway parin ang kamay rito."Mag-iingat ka!" anito na tinugon niya ng tango.Nang makalabas siya, tinungo niya ang bisekleta niya na nasa tabi lang ng shop. Inilagay niya sa basket ang mga pinamili at umangkas sa bisekleta. Malapit na siya sa daan ng biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan niya. Hindi niya napansin iyon, dahil sa labis na pagkagulat nawalan siya ng balanse na naging dahilan para matumba siya. Na nagdulot sa kaniya ng sugat sa kamay at paa. Naiiyak na siya dahil sa sakit. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napasulyap siya doon. Nakahanda na siyang bulyawan ang lalaki pero natigilan siya ng makita ang kabuuan ng lalaki
Nang makarating si Jarred sa mansiyon at makababasa kaniyang sasakyan. Nagtungo siya sa pintuan at agad siyang pumasok sa kabahayan tsaka hinanap ng kaniyang mata si Jasmine. Nakita niya ito sa kusina na abala sa pagtulong kay Ate Tessa. Nang humarap sa kaniya si Jasmine, nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito at nilapitan siya. Ipinalibot ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. Si Ate Tessa naman na nakamasid sa kanila ay masuyong nakangiti, masaya ito dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa."Kamusta yung babae?" anito habang natamang nakatingin sa kaniya. Hinaplos ni Jarred ang mukha ng katipan."Hindi ka nagseselos?" tanong niya na ikinapagtaka niya. Kumunot ang noo ni Jasmine."Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman na ako lang ang mahal mo. Walang dahilan para pagselosan pa ang babae." anito na masuyong nakatitig sa kaniya. Pinisil niya ang ilong nito."Gusto ko iyan. Hm, ayos naman na siya, mukhang galos lang naman ang tinamo niya." sagot niya. Tumango-tango ito."Kamusta