Share

Chapter 16: JS Prom

Halos mag-iisang Linggo na matapos ang nangyaring krimen. At bukas na rin gaganapin ang JS Prom. Ngayon ang huling practice namin at kahit ni-isa walang bumabanggit sa nangyari. Parang nakalimutan na ng lahat.

Pagkalipas ng ilang oras sa pagpractice natapos rin kami. Pinagtipon-tipon naman para sa mahalagang announcement.

"Alright, students! Thank you for your cooperation. Please be there tomorrow at seven o'clock in the evening," sabi ng isang guro.

"Saan nga pala 'yong venue?" si Bianca. Nasa tabi ko siya ngayon.

"Hotel Azurela," sagot ko.

"Oh! Yung pinakasikat na hotel dito sa Pilipinas?" gulat niyang baling sa akin.

"Siguro." Nagkibit-balikat lang ako.

"Grabe talaga ang Hanclifford Academy bigatin talaga kapag may event."

Sa isang hotel gaganapin ang JS Prom namin. Hindi na ako magtataka kung sa isang sikat na hotel gaganapin ang event dahil Hanclifford Academy ito magpapahuli pa ba ang may ari nito? May celebrity pa nga na special guest.

"And please students kapag dumating ang sp
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status