Share

Chapter 31: Death Threats

"Hindi ako puwedeng magreklamo. Pinasukan ko ito kaya paninindigan ko," sambit ko sa sarili habang nakahiga sa maliit na kama.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga kuwarto ng mga employee ng pamilyang Aldovar dito sa first floor ng mansyon nila.

Pero paano ako bibisita kay papa kung 24/7 ang trabaho ko? At dito rin pala ako titira sa mansyon nila habang nagtatrabaho ako.

Napabangon lang ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa gilid ng kama at sinagot.

"Bia-"

"Mia! Okay ka lang?!"

Napapikit ako at inilayo saglit sa tainga ang cellphone. Mabibingi yata ako nito ng wala sa oras. Kung makasigaw ang babaeng ito parang hindi tinamaan ng lagnat.

"Ako dapat ang magtanong iyan. Kumusta? Nilalagnat ka pa ba? Pasensiya na hindi ako nakabisita sa'yo. Marami lang nangyari."

"Okay na ako! Magaling kaya ang nag-alaga sa akin." Narinig ko pang napatawa siya sa kabilang linya.

Kahit hindi ko na tanungin kung sino, alam ko si Gabriel iyon. Mabuti naman at okay na siya. M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status