His Reluctant Luna(Tagalog)

His Reluctant Luna(Tagalog)

last updateLast Updated : 2022-02-01
By:  N ChandraCompleted
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
110Chapters
15.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko nang tanggalin ng malaking lalaki ang engagement ring ko sa daliri ko. "Hindi!" napasigaw ako nang itinapon niya ang diamond ring. "Akin ka! Naiintindihan mo ba? Akin ka lang!" ang kanyang napakagandang berdeng mga mata ang bumungad sa akin. "Never! I reject..... " Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, nakalapat ang bibig niya sa bibig ko, inaangkin ang labi ko sa isang matinding paghalik. Maayos ang buhay ni Alice, may magandang trabaho, at isang kahanga-hangang kasintahan. Bukod sa isang maliit na lihim niya, siya ay isang werewolf, at kontrolado niya ang buhay niya.Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malupit na pag-atake ay ipinadala siya sa malayo upang manirahan kasama ang kanyang tiyahin, isang keeper. Si Alice ay tinatawag na isang urban werewolf na walang balak na hanapin ang kanyang mate. Ngunit hindi nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan nang angkinin siya ng pinakagwapo, makapangyarihan at mapanganib na Alpha ng US bilang kanyang mate. Ang kanyang wolf ay nang-iinit ngunit binabalaan siya ng kanyang isipan laban sa bagay na iyon. Paano niya tatanggihan ang pagiging Luna niya?

View More

Chapter 1

A wolf in exile

Ang malakas na tunog mula sa phone ko ang gumising sa akin sa pagkakatulog, pinatay ko ang alarm saka muling bumaluktot sa ilalim ng aking kumot ng ilan pang mga minuto. 

 Karaniwan akong natatagalan sa paggising, kaya naman nag-aalarm ako ng maaga. Sawakas at ibinangon ko na rin ang aking katawan mula sa kama at agad na ginawa ang pang-araw-araw na gawain ko. Isa akong architect, isang 24 na taong gulang, isa ako sa pinakabatang empleyado ng Bartion and Tom, isa sa mga leading Construction firms sa London.

 Hawak ang aking kape, pumasok na ako sa Tren. Lagi kong suot ang headphones ko dahil naririnig ko ang lahat. Ibig kong sabihin literal, lahat-lahat. Mayroon akong pambihirang pandama dahil hindi ako normal. Mayroon akong pambihirang bilis, liksi, at lakas.

  Mali, hindi ako isang superhero, isa akong werewolf, ganunpaman, hindi katulad ng karamihan sa mga werewolves, hindi ako nakatira sa kasama ang pack ng mga werewolves. Hindi rin ako isang werewolf na pinalayas o umalis ng kusa. 

 Isa ako sa mga makapangyarihan na packs ng north America, “The Jade moon pack.” Ako ay napakamalapit sa aking nakatatandang kapatid na lalaki na Alpha ng pack na si Rick Anderson at ang Beta na si Bobby. Ang beta ng aking ama na si Thomas Jackson, at ang kanyang kaibig-ibig na asawa na si Martha. Binibisita ko sila tuwing pasko. 

  Ganunpaman, mas gusto ko ang mamuhay ng mag-isa. Sa halip, nasanay ako sa lifestyle na ito. At may dahilan kung bakit ako nagpakalayo.

  Noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang, sinamahan ko ang aking ama sa New York City para sa isang inter-werewolf conference, sobrang excited ako sa paglalakbay na iyon, lalo na’t kami ay nananatili sa harapan mismo ng central park. Ngunit ang mga bagay ay hindi naging ayon sa inaasahan. Hindi ko masyadong naaalala ngunit namatay ang aking ama habang sinusubukan akong protektahan mula sa mga rogue at iba pang mga packs. Ang mga Werewolves ay marahas at sakim. Pinaglalaban nila ang kahit pa napakaliit na bagay. Ang aking ama ay namatay sa isang digmaan.

  Ang aking ina naman ay namatay sa labis na pagkadurog ng kanyang puso. Ang aking ama ang kanyang mate. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw kong hanapin ang mate ko. Ang mated wolves ay parang nag-hahati sa iisang kaluluwa. Maaari silang mamatay o magalit sa kalungkutan kung nawala ang kanilang mate. Napakaunti lang ang bilang ng Werewolves ang nakaligtas sa pagsubok sa pagkawala ng kanilang mga mate.

 Hindi ko gustong mapabilang sa isa sa kanila. Kahit pa na ang wolf ko ay hinahanap ang mate nito simula ng matungtong ko ang puberty at nagpalit-anyo sa unag pagkakataon.

Matapos ang pagkamatay ng aking ina, pinadala ako sa Australia, at nanirahan kasama ang aking tita. Si Tita Flora, isang keepers.  Ang keepers ay mga tao na may alam tungkol sa mga werewolves at sa iba pang mga supernatural beings.  Napakamalihim ng mga werewolves at nananatiling itinatago ang anyo sa mga tao.

 Posibleng may mga werewolves na naninirahan malapit lang sa’yo, at hinding-hindi mo malalaman. Gayunpaman, ang manirahan kasama ang mga tao ay nangagailangan ng ilan sa kanilang ugnayan, tulad ng tax filing, property dealings at mga iba pang mga legal stuff. 

 Ang mga keepers ay mga taong may alam sa pagkatao namin at tinutulungan kami. Ang aking ina ay isa ding keeper hanggang sa makilala niya ang aking ama at napagtanto nila na mate pala sila.

  Hindi ako nanirahan ng matagal sa Aurtralia, sa sandaling nagpalit anyo ako sa unang pagkakataon ay agad namang lumipat sa Europe si tita. Wala kaseng werewolves sa Australia, sa madaling salita, walang werewolf packs. At kung aksidente akong nakita ng tao, napakahirap ipaliwanag ang biglaang presensya ng isang wolf sa bansang iyon.

   Kahit  pa sa UK ay walang anumang mga ligaw na werewolf. Lahat sila ay hinabol sa pagkatapos ng ika-17 na siglo.

Karamihan sa mga werewolf pack ay lumipat sa New World upang maiwasan ang pag-uusig pabalik sa Europa. Samakatuwid, napakaunti na mga pack ang nanatili sa Europa at wala na sa UK. Umunlad sila sa Hilagang Amerika, at sa paglipas ng panahon ay lumipat sa malawak na mga bahagi ng lupa at mga ilang mga kagubatan.

Kaya ko ng kontrolin ang wolf ko ngayon. Bihira na lamang akong nagpapalit-anyo maliban na lamang kung nasa isang matinding isolation ako. Parang akong isang normal na tao.

“Alice, kamusta ang weekend mo?” tanong ng magandang kaibigan kong si Elsa na may pulang buhok sa oras na makarating ako sa cubicle.

“Wala naman masyado, binisita ko lang si Tita Flora, ikaw ba?” sabi ko habang inilalagay ang bag ko sa drawer.

“Well, tulad lang ng dati, clubbing, namiss kita, dapat samahan mo din ako sa susunod na Linggo, syempre kasama si Mark.”

 Ngumiti sa akin si Elsa, at itinawa ko na lamang. Mark Barton, ang tagapagmana ng Barton and Tom ay ang aking boyfriend o kasintahan.

“Kailan siya babalik galing sa business trip niya?”

“Middle of this week, siguro, sana nga,” sagot ko.

Si Mark at ako ay magkasintahan na ng dalawang taon na, niligawan niya agad ako nang maging parte ako ng kumpanya. Sanay na ako na nakukuha ang atensyon ng mga kalalakihan. Hindi ako katangkadan, nasa 5’4 lang ang tangkad ko, pero meron akong payat na pangangatawan, maitim na buhok, at kulay hazel na mga mata. Lahat sila ay sinasabing kamukha ko daw ang aking ina.  Napakaganda niya, marahil, namana ko ang ilan sa kanyang kagandahan.

 Noong una, iniiwasan ko si Mark dahil ang pakikipag-date sa tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ay hindi pagiging propesyonal.

Ngunit si Mark ay napaka-mapang-akit, isang sweer at mabait. Hindi tulad ng mga werewolf na napaka protektado at possessive. Hindi ko kayang manatili sa isang possessive na partner. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko ng mate!

 Si Mark ay isang tao na katulad lamang ng mga iba sa opisina at sa mga kaibigan kong nasa paligid ko, at wala siyang ideya na isa akong werewolf. Nagawa kong itago ang wolf ko ng napakatagal na taon at plano kong manatiling ganiti na lamang. Ganunpaman, kailangan kong ipaalam sa kanya ang tunay na pagkatao ko balang araw. Hindi ko alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon at iniiwasan ko ang bagay na iyon.

  Ang araw ay nagpatuloy nang walang tigil, boring kung iisipin. Gusto ko ng boring dahil pambihira ang buhay ko noon sa US.

Kakapasok ko pa lang sa aking kwarto nang tumunog ang aking cellphone. Si Emma iyon, anak ni Beta Thomas at isa sa matalik kong kaibigan.

“Hi, Emma, kamusta?” tanong ko.

Si Emma naman ay ngumiti sa kabilang linya.

“Hindi na ako makapaghintay na makita ka. Darating ka para magbakasyon sa Pasko, tama?”

“Yun ay kung ipapangako mo sa akin na hindi mo ako pipilitin na makipagkilala sa iba pang mga alphas,” sagot ko.

Si Emma at ang mga iba pang malalapit sa akin ay hindi sang-ayon sa human-boyfriend ko. Hindi dahil sa tao siya, kundi dahil hindi siya ang aking mate. Para sa mga werewolves ang hanapin ang kanilang mate ay isang mahalagang bagay sa kanilang buhay. Naguguluhan sila sa katotohanan na wala ako ni anong interest na hanapin ang aking mate.

 Ang hirap ipaliwanag. Hindi ko lang naman gusto na matulad sa aking ina o ang isa sa mga wolf sa aming pack na pinatay ang sarili matapos mawala ang kanyang mate.

Nagbuntong-hininga siya, “Alam ko namang ayaw mong hanapin ang iyong mate, pero hindi mo malalabanan ang tadhana. Kung may bagay na dapat mangyayari, mangyayari at mangyayari iyon, okay?”

“Oo na, whatever,” inirap ko ang aking mata.

“So, kamusta naman ang kalagayan sa bahay?” tanong ko at saka nagpahandusay sa sofa.

“Ang kuya mo ay pasaway pa din katulad ng dati. Dinagdagan niya ang gawain sa pagsasanay para sa lahat ng mga batang werewolves. Kaya naman, lahat sila ay iritado sa mga araw na ito. "

"Tulad lang ng dating Rick," pagtawa ko.

Kinailangan ng kuya ko na alagaan ang pack sa taong 17, pagkatapos ng pagkamatay ng aming ama. Mas matanda si Rick sa akin ng walong taon. At maswerte siya na nahanap niya ang kanyang mate na si Linda sa taong 21. Siya ang pinaka-sweet na tao at laging tinutulungan si kuya para maging balanse at payapa sa kanyang buhay.

Tinapos ko na ang usapan namin ni Emma at nagpalit na ng damit para maghanda sa gabing ito.

Nagpalit anyo ako sa aking brown wolf, si Lana. Hindi ako makalabas sa syudad para maglakbay, ngunit naiintindihan ng wolf ko iyon. Hinahayaan ko lang siyang magtatakbo at magsaya sa lugar ni tita Flora. Nagkukot na ako sa aking kama at natulog sa anyong lobo ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
ASH
a b c d e f g h i j
2024-08-28 09:26:20
0
user avatar
Cha
Maganda :) :) :) :)
2021-12-30 19:50:50
6
110 Chapters
A wolf in exile
Ang malakas na tunog mula sa phone ko ang gumising sa akin sa pagkakatulog, pinatay ko ang alarm saka muling bumaluktot sa ilalim ng aking kumot ng ilan pang mga minuto.   Karaniwan akong natatagalan sa paggising, kaya naman nag-aalarm ako ng maaga. Sawakas at ibinangon ko na rin ang aking katawan mula sa kama at agad na ginawa ang pang-araw-araw na gawain ko. Isa akong architect, isang 24 na taong gulang, isa ako sa pinakabatang empleyado ng Bartion and Tom, isa sa mga leading Construction firms sa London.  Hawak ang aking kape, pumasok na ako sa Tren. Lagi kong suot ang headphones ko dahil naririnig ko ang lahat. Ibig kong sabihin literal, lahat-lahat. Mayroon akong pambihirang pandama dahil hindi ako normal. Mayroon akong pambihirang bilis, liksi, at lakas.
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Engaged
“Mark!”Pag-iyak ko habang tumtakbo papalapit sa kanya. Sawakas ay nagbalik na din siya galing sa Germany, at hindi na ako makapaghintay na makulong sa mga braso nya. Sinabi niya sa akin na hindi ko na siya kailangan pang sunduin sa airport pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang mga asul na mga mata niya ay kuminang sa sandaling yakapin niya ako sa kanyang mga malalaking mga braso. Mula sa kanyang 6”1 na tangkad laban sa akingf 5”4 na payat na katawan. “Namiss kita,” namula ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.“Ako rin, kamusta naman ang byahe mo?” tanong ko, habang kinukuha niya ang kanyang mga bag habang palabas ng airport. &
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Home
Si Tita Flora ay isa sa mga nasabing kakaiba. Halos lahat ng keepers ay may kakaibang persona. Hindi madaling maging iba sa lahat, ang kakayahan mong makita at makitungo sa mga supernatural na nilalang ay may kaakibat ding hindi maganda. Isa na rito ang kalungkutan. Si tita Flora ay may kasintahang espirito, iyon ang kanyang sinasabi. Hindi ko din iyon nakita kahit kailan, walang kakayahan ang mga werewolves na makakita ng mga multo, napakabait niya, kaya pinaniniwalaan ko siya. Sa ngayon, umiiling siya nang sabihin ko ang tungkol sa pag propose ni Mark.“Hindi iyan magugutuhan ng mate mo,” sagot niya at umiling.50 taong gulang na si tita Flora, pero mukha siyang nasa 35. Napakaganda niya sa maikli at pula niyang mga buhok at sa matikas na taste niya sa mga kasuotan. Naaalala ko sa kanya s
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Mates
ALICE Sa sandaling makataas na kami mula sa pool, ang mga kamay niya ay nakapulupot pa rin sa akin. At sa sandaling iyon ay napagmasadan ko ang isang pares ng pinakamagandang pares ng kulay berde na mga mata na nakita ko sa lahat.Tumigil ang oras, tumigil ang paghinga ko. Lahat ay nawala, wala akong ibang makita o maramdaman maliban sa napakagandang lalaking ito na nakatayo sa aking harapan. Hindi dapat napakaganda, masyado iyong pangbabae. Isa siyang kakaibang lalaki.Basang-basa siya at ang magulong kulay kayumanging buhok niya ay naglaglagan sa kanyang noo. Mas mataas siya sa akin at halos tatlong beses ang laki niya sa akin. Mayroon siyang pangangatawan ng isang warrior, na tumigil ng ilang taon sa pag-eensayo. Wala siyang suot na pang-itaas at basang-basa siya na naging dahilan upang mabaliw ang wolf ko.
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Pack Life
Dahan-dahan akong nagising at sinusubukang lalahanin ang nangyari na parang bang sinususbukan kong lumangoy pataas mula sa malalim at madilim na tubig.Alas-nuwebe nang muli, at may usok sa paligid. Ang mga tao ay tumatakbo sa paligid at sinusubukang makatakas sa apoy, may mga putok ng baril. Sinara ko ang aking tainga at sinusubukang alisin ang gulong nangyayari nang may humawak sa aking balikat, ang sakit nun.Tumingin ako sa mukha ng lalaki, ngunit malabo ang lahat. Pagkatapos nun ay  tumatakbo na ulit ako, nagtago ako sa ilalim ng isang mesa at ipinikit muli ang aking mga mata at tinakpan ang mga tainga ko. “Huwag kang matakot, proprotektahan kita...” sabi ng mahinahon na boses. Lumingon ako at mayroong isang lalaki, mas matanda siya kaunti sa akin. Nagtatago siya kasama ko habang
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more
Kidnapped
Nang magpasya akong bisitahin ang club, na ironically na tinatawag na “The Lycans,” ay nagbihis ako na nakaayon dito. Sinabi ni Emma na pwede ko itong maging impromptu bachelorette party at tawa kami ng tawa tungkol dito. Nagmaneho kami sa lungsod kasama si Emma at isa pang batang babae na si Melanie.Si Bobby na isang possessive mate ay nagpumilit na samahan kami, pero gusto namin ng girl’s night out. Nasa bahagi kami ng bayan para sa mga tao, kung saan walang presensya ng kahit anong werewolves, kaya na namin ang sarili namin mula sa mga lalaking mga tao.Noong mga sandali ko sa London, kamuntikan na akong madukutan habang pabalik ako sa amin ng ano ng oras. Ang kinailangan ko lang ay ang aking mga kuko. Ang takot sa mukha ng prospective na mandurukot na iyon ay walang katulad. Ang
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more
Rescued
Bumukas ng malakas ang pinto at isang matangkad na pigura ang bumungad. Humakbang siya sa silid ng tatlong malalaking hakbang at dumiretso at nagpahinga sa harap ko. Nakasuot siya ng masikip na itim na t-shirt at itim na cargo pants. Ang kanyang itim na bota ay napalibutan ng putik at mukha siyang galit na galit.“Ang mate ko!” Ang aking wolf ay umawit sa kaligayahan habang tinititigan ko siya at hindi makapaniwala.Itinaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko at naramdaman ko ang labi niya sa aking buhok. Tinanggal niya ang nakatakip sa aking bibig."Ikaw! Ginawa mo ito sa akin?" Basag ang boses ko. Ito ay higit pa sa isang katanungan kaysa sa isang pahayag. “Salamat sa Diyos at ligtas ka,” bulong niya.
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more
Escape
Pakiramdam ko napakalandi ko. Nagawa kong lokohin si Mark! ‘Napakasama ko,’ nasa isip ko. ‘Siyempre, hindi, hinalikan mo lang ang iyong mate na dapat mo lang gawin,’ natutuwa ang wolf ko. ‘Isang pervert ang wolf ko,’ minura ko ang aking sarili. Sawakas at nagawa ko na ding bumaba sa kandungan ni Lucian at saka ibinaba ang skirt ko, pinulipot ko ang mga kamay ko at saka dumungaw sa bintana. Nanatili ang mga kamay niya sa akin. Ang lugar ay pamilyar sa akin. Ang daan ay ilang milya lang ang layo mula sa pack lands. Ganunpaman, hindi pa rin ako makagawa ng kahit ano para maging kunekta
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more
Homecoming
Huli na para sa akin na tumakbo. Nakatingin lang ako sa paparating na mga sasakyan at huminto ang isa sa mga ito sa mismong harapan ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang amoy ni Rick. “Alice! Salamat sa Diyos at ligtas ka,” sabi nito sa may taas ng ulo ko, nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap niya ako. Agad naman akong pinapasok sa loob ng Van at naupo ako roon kasama si Rick. “Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari?” tanong ni Rick ng mahinahon. Hindi ko alam kung paano ba mag-uumpisa. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat, kung paano ako dinakip at kinuha ng mga rogues at saka niligtas ni Lucian Blake. Nanigas ang mukha ni Rick. Galit na galit siya, pansin ko iyo
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more
Attacked
Nakatitig lamang sa akin si Emma na blanko ang ekspresyon sa mukha. “Wow!” Bigla na lamang siyang tumayo at malalim ang iniisip at saka naupo muli. “Wow! Ito at sobrang... sobrag...” “Fucked up?” tanong ko upang tulungan siyang tapusin ang sinasabi. “Hindi, romantik, sobrang romantik nito,” sabi niya at may namamanghang ekspresyon. “Ano?” sigurado akong nababaliw na siya. “Well, pareho kayong nasa magkaaway na kampo, na nahulog sa isa’t isa. At kailangan niyong harapin
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status