“Mark!”
Pag-iyak ko habang tumtakbo papalapit sa kanya. Sawakas ay nagbalik na din siya galing sa Germany, at hindi na ako makapaghintay na makulong sa mga braso nya. Sinabi niya sa akin na hindi ko na siya kailangan pang sunduin sa airport pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Ang mga asul na mga mata niya ay kuminang sa sandaling yakapin niya ako sa kanyang mga malalaking mga braso. Mula sa kanyang 6”1 na tangkad laban sa akingf 5”4 na payat na katawan.
“Namiss kita,” namula ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.
“Ako rin, kamusta naman ang byahe mo?” tanong ko, habang kinukuha niya ang kanyang mga bag habang palabas ng airport.
“Boring at hectic, ipinagdadasal ko na lamang na huminto na si papa sa kakapadala niya sa akin sa mga byaheng ganito,” ungol niya.
Si Mark ang tagapagmana ng isa sa mga malaking Architecture firms, sa kabilang banda siya ay pinanganak para manahin iyon sa kanyang Panginoon, ang kanyang ama.
Galing siya sa old family ng mga Barons. Sa kaniyang mga asula na mata, maitim na buhok, at well-toned na kulay, isa siya sa mga karapat-dapat na bachelors ng London. Wala akong ideya kung bakit siya nahulog sa akin. Nang tanungin ko siya, sinabi niya na gusto niya ang aking kahinahunan at aking pagkatao na ikinatutuwa niya. Kayang-kaya kong paghiwa-hiwalayin ang katawan niya ng ilang minuto lamang kung nais ko. Pero siyempre, hindi niya alam iyon, at wala akong plano na ibunyag ito sa kanya ...... hindi pa ngayon.
“Nag-drive ka ba?” tanong niya.
Tumango naman ako. Iyon ay isa pa sa aming pribadong mga biro. Ako ay isang napakabilis na driver. Salamat sa aking likas na wolf instinct, sanay ako sa pagmamaneho ng napakabilis. Hindi ako nakagawa ng anumang pagkakamali, ngunit tinatakot nito ang karamihan sa aking mga kaibigan kong tao kasama na si Mark doon. Kaya naman, napipilitan akong magmaneho ng mabagal upang mapanatili silang komportable.
“Huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin,” pagngiti ko sa kanya.
Tumango naman siya at inilagay sa sasakyan ang kanyang mga bagahe.
“So, ano ang gagawin mo ngayong sabado?” tanong niya at saka umupo sa may passenger side.
“Wala pa sa ngayon,” sagot ko habang dumaan na kami sa highway.
“Cool! Dadalhin kita sa kungsaan,” sabi niya.
“Saan?”
“Sorpresa iyon,” pinakawalan niya ang nakakalalaking mga ngiti niya.
At natawa naman ako.
Umaga ng Sabado, at bilang plano, sinundo ako ni Mark mula sa aking bahay. Ma-araw sa sandaling iyon, isa sa mga huli bago ang pagdating ng Winter. Nagmaneho kami sa parkeng ito, na walang ibang taong nakikita. Sa sandaling iyon, parang kami lang ang taong naroroon.
Abot tanaw ko ang malinaw na tubig na kristal sa kabila ng kawalan. Ang mga puno ay umuuga sa malamig na simoy ng karagatan. Hinawakan ni Mark ang aking kamay at lumingon kami sa kanan kung saan kami naglakad sa isang arko ng mga rosas.
Sa pagtawid namin sa arko, napunta ako sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko.
Isang puting gazebo!
Napapaligiran ito ng mga paborito kong mga bulaklak. Ngumiti ako dito dahil napakaganda ng eksenang ito.
"Para saab ang lahat ng ito, Mark?" tanong ko.
“Halika,” hinawakan niya ang aking kamay, at naglakad kami sa loob ng gazebo.
“Nagustuhan mob a?” tanong niya.
“Sino namang hindi, pero bakit?” tanong ko na may pagtataka.
“Oh! Tumingin ka doon!” biglaang sigaw niya.
Lumingon ako sa likuran ko pero wala naman akong nakita. “Wala ako makita ni anuman.”
“Lumingon ka at makikita mo ang isang bagay na kumikislap.”
Nagtataka akong lumingon pabalik kay Mark. Siya ngayon ay nakaluhod, ang isa niyang tuhod lamamg ang nakababa sa sahig at hawak niya ang isang pinakamagandang singsing sa lahat ng nakita ko.
Nagulat ako sa bumubulong sa looban ko. Umiling ang wolf ko sa hindi pag-apruba sa sitwasyon. Si Mark ay isa lamang distraction at isang pampainit lamang para sa kanya. Ang mate lamang nito ang gusto niya. Hindi ko binigyang pansin ang aking wolf, tinakpan ko ang bibig ko ng may pagtataka. Kinuha niya ang nanginginig kong kamay at tiningnan ng malalim ang aking hazel na mga mata na puno ng pagkalito kaysa sa masayang pagkatuwa.
“Alice, simula pa lamang sa unang beses na nakita kita, ikaw na ang pinakamagandang babae na nakita ko sa lahat. Sinabi ko sa sarili ko, kailangan ko siyang makilala. At natutuwa ako dahil nagawa ko. Kinumpleto mo ako sa napakaraming paraan. Binigyan mo ako ng inspirasyon higit pa sa inaakala mo. Mahal na mahal kita. Hindi ako kumpleto kung wala ka. Ikaw ang aking Reyna. At nakaluhod ako ngayon upang angkinin ang kamay ng aking minamahal para sa isang kasal. Honey, will you do me the honours and be my wife? Let me be your husband.”
“Damn!” sabi ng aking isipan.
Mahal ko si Mark pero napakarami pang bagay akong dapat sabihin sa kanya. Wala siyang anumang ideya kung sino at ano ako.
“Mark… Ito ay masyadyong mabi…” nauutal ako at kinakapa kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Ang mukha niya ay nagging malungkot at hindi ko magawanag magpatuloy.
“Hindi moa ko mahal?”
“Mahal kita… Mahal kita Mark, pero napakarami mong hindi alam tungkol sa akin… isa akong…” bigla na lang akong nanahimik.
“Sa tingin mo ba, baka pwedeng maghintay muna tayo,” nagpapanic na ako sa sandaling ito.
“Mahal kita sa kung anu ka man, Alice, pwede tayong magsama habang buhay habang kinikilala pa natin lalo ang isa’t-isa.”
Tumayo si Mark at kung paano siya tumingin sa akin, pakiramdam ko matutunaw ako. Napakalungkot niyang tignan. Naantig ang puso ko sa maraming dahilan sa mga sinabi niya. Hindi din naman ako naghahanap ng aking mate at si Mark, perpekto na siya.
“Oo, papakasalan kita,” sabi ko.
Napangiti si Mark sa sobrang saya. Isinuot niya ang kumikinang na singsing sa daliri ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at saka ako hinalikan ng napakatamis na siyang dahilan para malimutan ko lahat ng pangamba ko. Pinulipot ko ang aking mga kamay sa naglalakihan niyang pangangatawan. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa may kumot at sa ilalim ng Gazebo namin ginawa ng matagal ang bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan.
*****
“Engaged ka na!” sigaw ni Emma na dahilan upang i-mute ko ang laptop ko.
“Bakit? Alam niya na ba kung sino ka?” tanong niya.
“Sasabihin ko na sana sa kanya, pero...” napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba, patay ako rito.
“Alice, alam mo namang may wolf lang diyan sa tabi na maaaring mate mo.”
“Heto na naman siya,” sabi ko sa sarili ko.
“Emma, 24 na taon na ako. Kung mayroon man akong mate, nahanap ko na sana siya ngayon. Mahal ko si Mark. Siya yung tipo ng tao na gusto kong makasama. Hindi ko gustong mapilitang mahalin ang isang tao dahil lamang iyon ang desisyon ng tadhana, kinamumuhian ko ang mga makasariling alpha na mga iyon. Hindi ko maisip na kaya kong mamuhay ng ganun!”
“Pero hindi ko sapilitang minahal si Bobby, mahal ko talaga siya ng buong puso,” pagrereklamo niya.
“Alam ko namang na mahal mo siya, hindi ikaw ang binabanggit ko, Emma. Alam ko ang gusto ko. At sa tingin ko magiging masaya ako kay Mark,” pagpupumilit kong sagot.
“Paano kung nakasalamuha mo ang mate mo?” paulit-ulit parin si Emma sa bagay na iyon.
“Kung ganun, tatanggihan ko siya.”
“Hindi ganun kasimple iyon, Alice, ang wolf mo ay pipilitin kang tanggapin iyon. At yung tungkol sa sex... wala kang ideya kung ano ang pakiramdam ng makipag-sex sa mate mo,” ngiti niya.
“Paano mo naman nalaman? Ginawa niyo lang naman ang bagay na iyon ni Bobby noong 18 ka pa lang!”
Wala akong gaanong experience, maliban kay Mark, isa lang ang naging boyfriend ko noong high school. Nalaman kong niloloko niya ako matapos ng araw na may mangyari sa amin. At hinding hindi na siya makapangloloko pang muli, siniguro ko ang bagay na iyon. Bilang werewolf may kalamangan din kami.
“Alam kung ano ang nagagawa ng mate bond, at ikaw, hindi,” sabi ni Emma sa akin.
Umirap na lamang ako, “Oo na, sige na, panalo ka na, pero pwede bang tapusin na natin ang usapan na ‘to?”
Mas may alam ako kaysa naman sa makipag-away sa isang mated wolf. Masyado nilang prinoprotektahan ang kanilang mga mate. At dinadalangin ko na sana hindi ko kailan man mahanap ang mate ko.
Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk
AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n
AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na
Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip
OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap
Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit