LOGINIsang linggo na simula nang lumipat si mama sa mansyon ng mga Freniere at isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Madalas ay sa tawag lang kami nag-uusap.
Maaga akong pumasok dahil may magaganap na rotation sa trabaho. Ibig sabihin ay pwede kaming mapunta sa ibang department depende sa demand ng man power.
Habang papasok sa trabaho ay napansin ko ang mga matang nakatingin saakin at mamaya-maya ay magbubulungan na. Hindi ko iyon pinansin at pumasok na sa department ko.
Ngunit maging pati si Klare ay may kakaibigang tingin saakin.
"Babaita! Promoted ka na sa Engineering office!" Sabay hampas saakin ni Klare sa balikat.
Kung noon siguro ay matutuwa pa ako ngunit ngayon ay hindi. Alam kong may pakulong gagawin si sir Eros at sigurado akong may kinalaman na naman ito kay mama.
"Alam mo ba ang usap-usapan? May nangyari raw sa inyo ni sir Eros kaya ka na-promote! Diba pumunta ka roon lastime? Baka raw maganda performance mo sa anuhan kaya ka na-promote!" Gigil na bulong saakin ng kaibigan.
"Ano? Ibang babae ang kalampungan niya! Bakit ako ang naidawit." Problemado kong saad.
Kaya pala kung makatingin ang ibang empleyado saakin ay halos talupan ang nang buhay pa. Mabilis akong nagligpit sa desk ko at mabilis na tumungo sa bagong floor assignment ko.
Pagkarating ko roon ay malaki ang ngiti saakin ng kanyang secretary. Ang ibang engineers naman ay binati ako. Hindi ko alam kung nakarating ba sa kanila ang maling balita. Nakakahiya at hindi manlang ba nag-deny si sir Eros?
"Welcome to the engineering deparment Ms. Cervantes!" At itinuro saakin ng secretary ang desk ko. Kasama ko ang mga engineers sa left wing ng opisinang ito.
May nagpresenta pa na buhatin ang dala kong box kaya agad siyang kinantyawan ng ibang naroon. Nagpasalamat lamang ako at nag-umpisa nang ayusin ang gamit ko.
Hindi pa ako nakakaupo ay may gabundok na papeles ang bumagsak sa desk ko. Narinig ko ring naging tahimik ang paligid.
Napaangat ako ng tingin sa naglapag ng mga papeles. Si sir Eros na halos kararating lang rito sa opisina. Napapikit ako dahil unti-unti kong napupuna ang mga detalye sa kanyang mukha.
"Finish this within this day and submit your report the other day." Malamig niyang utos at mabilis na umalis.
Hindi niya manlang ako pinagsalita at tinanong kung kaya ko bang tapusin ang mga ito! Pang-isang linggong trabaho ito pero gusto niyang tapusin ko lang ito ng isang araw?
Kung magrereklamo naman ako ay baka masesante ako nang wala sa oras. Siguro ay hindi na lamang ako matutulog para matapos ang pinapagawa ni sir Eros.
.....
Naging mabilis ang oras at 5:00 pm na. Isa-isa nang umalis ang mga tao sa opisina at tanging dalawa na lamang kami ng isang Engr. ang narito.
"Ma'am anong oras ka matatapos? It's getting late. Maybe pwede ka nang umuwi." Concern niyang saad.
"Mamaya pa ako. Nakalahati ko na rin naman kaya tatapusin ko nalang ito sir." Sagot ko at itinuon ang tingin sa screen ng laptop. Kailangan kong patunayan kay sir Eros na hindi ako basta-bastang empleyado lamang rito.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang may biglang nagsalita mula saaming likuran.
"Engr. Santi, you may leave. Maaga pa tayo bukas para sa site visit. Let Ms. Cervantes finish her task." Malamig na utos ni sir Eros.
Nagtanong pa saakin si sir Santi kung may masasakyan pa ako. Sinabi kong kaya ko namang umuwi mag-isa at nagpresenta siyang hintayin na lamang ako sa baba ngunit tinanggihan ko iyon. Baka machichismis na naman ako.
......
Sumilip ako sa orasan at nakita kong alas-dyez na ng gabi natapos ko na rin ang pinapagawa ni sir Eros. Bukas ko na lang gagawin ang report para maipasa sa isang araw.
Kanina pa umalis si sir Eros kaya naman ay naging komportable ako sa pagtapos ng trabaho. Naka two way mirror glass ang opisina niya kaya alam kong mula sa loob ay nakikita niya kami.
Nang makapagligpit na ako ay dumiretso na ako pababa. Nag-book na lamang ako ng grab taxi para mabilis na makauwi at medyo delikado na rin dahil gabi na.
Nang buksan ko ang pintuan ng apartment ay hindi iyon naka-lock. Agad akong nakaramdam ng kaba kaya naman ay inilabas ko ang dala-dala kong syringe. Oo noong nasa nursing school pa ako, iyon ang baon kong pang self defense kung sakali mang may masamang tao na manakit saakin.
Tinanggal ko ang takip nito at dahan-dahang pinihit ang pinto. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang ninanakawan ang apartment!
"Shit! Huliin niyo ang babae!"
Sa sobrang takot ko ay hinampas ko ng vase sa ulo ang isa at ang isa naman ay tinutukan ko ng syringe.
"Mga walanghiya kayo!" Sigaw ko. Ngunit nakita kong naglabas sila ng patalim kaya naman ay napa-akyat ako sa kwarto nang wala sa oras.
Ni-lock ko iyon at napaupo sa takot. Narinig kong kinakalampag nila ang pintuan nang walang tigil. Kung may baril sila ay mabubuksan nila ang kwarto. Doon ay nakaramdam ako ng matinding takot para saaking sarili.
Limang minuto ang nakalipas at tuluyan nang nawala ang ingay. Napalitan iyon ng isang tinig na hindi ko inaasahang marinig.
"Analeia?!" Galit na tawag ni sir Eros mula sa labas. Kasunod noon ay nakarinig ako ng police siren dahilan kung bakit napatakbo ako pababa.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni sir Eros nang makita ako. May takot sa mga mata niya ngunit bigla iyong nawala at napalitan ng malamig na ekspresyon.
Igting panga itong lumapit saakin at mabilis na hinablot ang palapulsuhan ko.
"Aray ko sir!" Angil ko.
"Are you deaf? I'm calling you earlier! Ipapahatid ka ni dad sa company driver. But you ran like a crazy." Madilim niyang sambit.
"Nasasaktan po ako sir!"
Nang makita niyang namumula ang palapulsuhan ko ay marahas niyang binitwan iyon. Napahilot siya sa kanyang sentido at mariin akong tinignan.
"Damn woman." He spat coldy at nakipag-usap na sa mga pulis. May mga kapitbahay ding naging witness sa nangyaring nakawan sa apartment ko.
Nang mahuli na ang mga suspek at umayos na ang lahat ay kaming dalawa na lamang ni sir Eros ang natira. Kita ko kung paano sumungaw ang mga ulo ng mga tao saamin. Iniisip siguro nila na baka lalaki ko itong si sir.
"You are going in the mansion with me." Matigas na utos ni sir Eros.
"Hindi ako sasama roon, sir."
"I'm not asking your opinion." Mariin niyang balik. "It's dad's order and you can't do anything about it."
"Hindi ba ayaw mo akong makita kung saan saan? Kaya hindi ako sasama roon sir."
Bago pa ako makatakbo sa loob ng apartment ay agad niyang nahablot ang palapulsuhan ko.
"Sir Eros!"
Nang makapasok kami sa loob ay napaharap ako kay sir Eros. "Sir, hindi niyo po dapat binayaran ang apartment. Kaya ko naman pong magbayad e. Kunin ko na lang po ang bank account at number niyo." At nilahad ko ang aking kamay at masungit siyang napatingin roon."Alright." At binigay niya.Nang ma-transfer ko na ang pera ay pinapupo ko muna siya sa maliit naming sala. "Pasensya kana sir, maliit lang itong apartment namin." Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa buong sala. "Ano pala ang sinasabi kanina ng landlady mo? Inaabangan ka ng mga tambay doon? And still you want to live here?" May inis sa tono ng boses niya."May mga gwardiya naman diyaan sir, wala lang sila ngayon kaya kala mo open area itong saamin." Sagot ko. Dahil iyon naman ang totoo. Iniwan ko siya muna sa baba at umakyat ako para kunin ang mga kailangang gamit. Ilang araw lang naman ako roon kaya iilang damit lang ang dinala ko. Pati na rin ang mga files sa trabaho ay isinama ko na. Nang pababa ako ay nakita
Hindi ako nakatulog buong gabi hanggang sa oras ng flight namin. Nakita ko na bagong ligo si sir Eros na para siyang bagong tao. Hindi na ito lasing at naka-damit ng maayos. Hindi na katulad ng postura niya kagabi na lasing, magulo ang damit at tuliro ang mga mata. Busy ito sa kanyang cellphone. Mukhang nakaka-usap niya nga si Katherine. Baka magbabalikan pa sila. Hindi nakatakas sa mata ni Klare ang hitsura ko. "Puyat na puyat ah!" Sita niya at kiniliti ako sa bewang. "May tinapos akong report." Dahil iyon naman ang totoo. Hindi na ako makatulog dahil sa lintek na halik ni sir Eros kaya naman naghanap na lang ako ng makakapagabalahan. "Siguro pinuyat ka ni Leo no! Aba! Callmate mo siguro?" At humalakhak ito. Nakita kong napatingin sina sir Larce at sir Eros sa direksyon namin. "Hindi nga, Klare. May insomnia lang talaga ako.""Imbento ka! Nagka-insomnia ka nong nakita mo ex mo? Oyyy hindi pa nakaka-move on." At hinampas hampas pa ako. "Kaya hindi nakatulog yan kasi nagkiss mu
Napatango-tango na lamang ako. Siguro ay mahal pa talaga ni sir Eros si Katherine kaya hindi pa siya nagse-seryoso. Ayaw ko rin namang tanungin kay Larce ang dahilan ng break ng mga ito."Sana pala sinabi mo muna bago ko siya make-up-an. Nakakaiya rin kasi 'yong ginawa ko. Parang nagimbala ko ang privacy niya." Seryoso kong saad.Nahihiyang ngumiti saakin ito. "Sorry, Analeia, nextime hindi na kita hahatakin. Gusto ko lang ma-confirmed kung naka-move on na si sir at mukhang hindi pa talaga." "Tara na guys! Let's dance! Deserve natin ito! Woooh! Uuwi na rin sa wakas!" At hinila kami ni Klare.Lakad takbo kaming pumunta sa may bonfire. Naroon na ang mga tutugtog pati na rin ang mga staff na sasayaw. Nakita kong nakaupo si sir Eros at pinapagitnaan niya ng mga babae. May hawak siyang baso ng whiskey at nakakalahati niya na ito.Mas magandang iiwas ako sa kanya. Iba ang galaw nito kapag nakainom siya. Na para bang katauhan niya iyon na hindi dapat makita ng sinuman. Napatingin siya sa
Malalim akong napalunok bago nakapagsalita. "Ah, yes po sir. Civil naman po ang pakikitungo namin sa isat-isa. We are good po sir Eison." I gave him the assurance para hindi niya na kami alalahanin ni sir Gabriel. "I'm glad to hear that hija. Pwede bang pag-uwi niyo galing Iloilo sumabay ka na kay Eros dito sa mansion? Gusto ko sanang mag-stay ka muna rito hanggang sa formal event ng engagement namin ng mom mo, is that okay to you, Analeia?" "Huwag po kayong mag-alala sir Eison. Sasabay na po ako kay sir Eros pagbalik po diyaan." Magiliw na sagot ko.Nang matapos ang tawag ay agad ko naman binigay kay sir Eros ang cellphone niya. "Here's the deal. We must pretend na we are sweet and caring sa isa't-isa. Dalawa lang ang babae saaming magpipinsan, all are men. You can bond with the girls and stay away from the boys." Utos niya."Pati sina sir Nigel at sir Tres, iiwasan ko po?" "Of course. The big event will happen in just three days. So stop messing around, Analeia. Maybe I don't
Akala ko ay papakawalan niya na ako pagkarating namin sa tapat ng unit niya ngunit hindi nangyari iyon."Sir Eros!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong hinila papasok sa kanyang unit.Noon pa man, noong unang araw kong magtrabaho sa Moreau, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal at lalong hindi ko kayang makasama siya sa iisang lugar lamang. Iba ang nararamdaman ko at mas lumala iyon ngayong nagkakaroon na kami ng interaksyon dahil saaming mga magulang. "Shh. Stop shouting, Analeia. We are going to talk into something. I think parehas tayong magkikinabang." At natitigan ko ang malalim niyang. Ang mga mata niyang napaka-misteryoso. Para akong kinihila nito. He is hypnotyzing me and I'm afraid that I'm half giving in."Makikinig po ako sir." Maikling kong sagot. Imbes na tumayo lamang siya saaking harapan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit saakin dala-dala ang baso ng kanyang whiskey. Hindi siya nakuntento at umikot pa ito saakin. Pakira
"Sir. Nag-aalala lang po iyon sa presentation namin bukas. Syempre kapag may nangyaring masama saakin, e diba sayang ang project?" Pag-deny ko sa akusasyon ng kausap ko. "Analeia, ayos ka lang ba? Muntik nang magpatawag ng rescue team si sir Eros dahil may masamang panahon tapos stranded pa kayo sa isla." Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang dumating si sir Eros. "Analeia, come with me." Malamig niyang utos. Tatayo na sana ako ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong binuhat ako ni sir Eros. Pati sina Klare at sir Larce ay nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni sir Eros. Kaya sa sobrang ka ba ay hindi na ako humihinga."You can breath. Dadalhin ka namin sa clinic." Paliwanag niya. Nang maipasok niya ako sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng isang doctor."Sir, please dito niyo na lang po ipaupo ang girlfriend niyo." Utos ng doctor.Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit binuhat ulit ako ni sir Eros at dinala sa kabilang bed. Nang







