Share

Kabanata 3

Penulis: eveinousss
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-19 17:46:38

Hindi ko kayang iproseso ang mga bagay bagay sa aking isipan. Hindi ko aakalain na isang Freniere ang mapapangasawa ni mama. Hindi ito maaari, maimpluwensya ang mga ito at marami ring koneksyon. Samantalang kami ay isa lamang simpleng tao. 

Magiging kapatid ko si sir Eros? Napailing ako at napatakip ng mukha. Pipigilan ko ba ang engagement ceremony? Paano na ang trabaho ko? Mas lalo akong pag-iiinitan ni sir Eros nito. 

"Miss are you okay?" Tanong ng isang pamilyar na boses. 

Napaangat ako ng tingin at hindi nga ako nagkakamali. "Sir Nigel?" 

"Analeia!" May pagka-aliw mula sa kanyang tono nang sambitin niya ang pangalan ko. 

"Why are you here? Relative ka ng son-to-be-bride? Hindi ka naman siguro namin nawawalang pinsan?" Natatawa nitong tanong saakin. 

Sasagot na sana ako nang bigla akong tawagin ni mama. "Analeia!" Doon ay nakaramdam ako ng kaba. 

Nilingon ko si mama at nakasunod na sa kanya ang mag-amang Freniere. Nakangiti si sir Eison ngunit kabaliktaran ng ekspresyon ni sir Eros. Blanko ang kanyang mga tingin ngunit naka-igting ang panga. 

Lumapit ako sa kanila kahit na nangangatog ang aking mga binti. 

"Anak akala ko ay hindi ka na pupunta?" At bumaba ang mga mata ni mama sa suot ko. Nakita kong nadismaya siya.

"Akala ko may girlfriend na itong si Nigel. Ikaw pala hija." Masayang saad ni sir Eison.

"Good evening sir Freniere." Bati ko kay sir Eison. "Pwede po bang mag-usap lang kami ni mama saglit?" Kalmado kong saad. 

Tumango naman si sir Eison. "Sure hija. Basta ibalik mo saakin si Amelia, okay?" Marahan niyang saad. Napapikit na lamang ako nang halikan niya si mama sa noo. 

Nagpa-alam muna ako kay  Nigel at tuluyan nang nagpunta sa garden nitong venue. 

"Analeia anak, ano-----"

Hindi ko na pinatapos si mama. "Ma! Isang Freniere ang napili niyong mapangasawa?!" Ngitngit ko. "Bakit Freniere pa mama! Hindi niyo manlang ba inisip ang trabaho ko? Ang katahimikan natin? Ma! Maimpluwensya sila!" 

"Anong gusto mong gawin ko anak? Hiwalayan si Eison?" 

"Oo mama! Oo! Hindi ako tutol na mag-asawa ka ulit ma. Pero sana hindi sa katulad ni sir Freniere. Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ng ibang bisita kanina? We are like gold diggers!" 

"Mahal ko si Eison anak! Matagal na kaming nagmamahalan. Hindi pa kayo pinapanganak ni Eros ay may namamagitan na saamin ng ama niya." 

Doon ay mas lalong kumunot ang aking kilay. "Kaya ngayong wala na ang asawa niya ay pwede na kayo?" Sarkastiko kong tanong.

"Anak, mag-usap tayo sa ibang araw dahil marami pa kaming bisita ni Eison. Nagpa-reserve kami ng villa rito para sayo." Pagbabalewala ni mama sa mga sinabi ko. 

"No. Uuwi ako sa apartment. Iginagalang ko si sir Eison mama, pero sana alam mo kung ano rin ang nararamdaman ko ngayon." 

Mabilis kong dinampot ang aking sling bag at dali-daling umalis. 

"Analeia!" Tawag ni mama ngunit hindi ko iyon pinakinggan.

....

Madilim sa dinaraanan ko dahil mas pinili kong dumaan sa back gate. Ayoko kong makakuha ng atensyon mula sa mga bisita at mas lalong ayaw ko rin na magkasalubong kami ni sir Eros. 

Hindi na ako magugulat kung ang dahilan ng galit niya saakin kahapon ay may kinalaman kay mama. Tatahakin ko na sana ang daan palabas ng gate ngunit may mahigpit na kamay ang humawak sa palapulsuhan ko at hinatak ako pabalik sa loob ng garden. 

Nakita ko kung paano tumama saakin ang nakamamatay na titig ni sir Eros. 

"Stop playing na parang ayaw mo ang nangyayari." Malamig niyang saad. 

"Sir Eros, kahit na ayaw ko ang ginawang desisyon ni mama kung doon siya masaya, sino ba naman ako para tanggalan sila ng kaligayahan?" 

Ngunit ngumisi lamang siya nang walang amor. 

"Hindi iyan ang nakikita ko sa'yo. Don't fucking fool me. I know you are doing something dirty." Akusa niya. 

"Sir, mawalang galang na po pero ano po ang magagawa ko? Uutusan ko si mama na makipaghiwalay kay sir Eison? Mali po kayo ng iniisip. We are not here for the money of your family." 

Ngunit isang nakakainsultong halakhak lamang ang sagot saakin ni sir Eros at mahigpit na hinawakan ang dalawang balikat ko. 

"Palalabasin ko ang tunay niyong kulay. If I caught you doing something dirty, ako mismo ang magpapakulong sa inyong mag-ina." Malamig niyang banta at tuluyan na siyang lumakad sa kadiliman. 

.....

Nagising na lamang ako nang may narinig akong kumakalampag na gamit sa baba ng apartment kaya napabalikwas ako at kaagad na tumakbo roon.

"Sino po kayo? Bakit niyo po kinukuha ang mga gamit namin?!" 

"Ma'am binenta na po ito ni ma'am Amelia. Sabi niya po ay lilipat na kayo ng bahay." Sagot saakin ng isang staff at patuloy pa rin sa paglalabas ng mga gamit namin. 

Agad kong tinawagan ang landlord at sinabihang patigilin ang mga inutusan ni mama. Sunod kong tinawagan si mama para kausapin siya.

"Ma? Pati ba naman apartment natin papakialaman mo? Ako po ang bumilli ng mga gamit na yon!" 

"Anak, lilipat na tayo sa mga Frenieire. Hindi ka ba sinabihan ni Eros na ngayon ang lipat natin sa mansyon?" Narinig ko sa kabilang linya na nasa byahe sila mama. Mukhang uuwi talaga siya sa mga Freniere.

"At bakit doon na tayo titira? Hindi pa po kayo kasal ma! Sa tingin niyo po ba ay sasama ako sa inyo? Hindi po ako aalis dito sa apartment. Dito tayo nag-umpisa kaya hinding hindi ako aalis dito mama. Kaya pakiusap po, paalisin niyo na ang mga inutusan niyo bago pa po ako magalit." 

Nang hindi tumagal ay ibinalik nila ang mga gamit sa loob at tahimik na umalis. Agad kong ni-lock ang pinto at napahilamos na lamang ng mukha. Sobrang bilis ng pangyayari at halos hindi na ako makasabay sa mga ito. 

.....

Pagpasok ko ng opisina ay nalaman kong pinapatawag pala ako ni sir Eros. Alam ko na naman ang mangyayari kapag pumunta ako roon. Makakarinig na naman ako ng masasakit na salita. 

"My father was looking for you. Bakit hindi ka sumama sa mansyon?" Madilim niyang tanong. 

"Si mama lang naman ang magiging Freniere, sir Eros. Sa apartment pa rin ako uuwi." Paliwanag ko.

Igting panga siyang lumapit saakin. "Good decision. Huwag mo nang balakin pang tumira doon. I'll make your life hell if you will live in the mansion." Angil niya. 

Napatitig na lang ako sa kawalan. Hindi ko alam ngunit unti-unti akong nadudurog sa mga salita niya. Siguro ay saakin niya binubuhos ang galit niya kay mama. Dahil alam niyang hindi magugustuhan ni sir Eison kapag si mama ang kakausapin niya ng ganito. 

"Sir, please. Kung galit kayo kay mama, saakin nalang po kayo magalit. Hindi naging madali ang buhay niya noon at ngayon ko palang siya nakitang ganoon kasaya kaya sana po ay pakitunguhan po siya nang maayos." 

"Sure, if that is what you want. Ikaw ang sasalo sa lahat ng galit ko, Analeia." Malamig niyang saad.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 18

    Nang makapasok kami sa loob ay napaharap ako kay sir Eros. "Sir, hindi niyo po dapat binayaran ang apartment. Kaya ko naman pong magbayad e. Kunin ko na lang po ang bank account at number niyo." At nilahad ko ang aking kamay at masungit siyang napatingin roon."Alright." At binigay niya.Nang ma-transfer ko na ang pera ay pinapupo ko muna siya sa maliit naming sala. "Pasensya kana sir, maliit lang itong apartment namin." Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa buong sala. "Ano pala ang sinasabi kanina ng landlady mo? Inaabangan ka ng mga tambay doon? And still you want to live here?" May inis sa tono ng boses niya."May mga gwardiya naman diyaan sir, wala lang sila ngayon kaya kala mo open area itong saamin." Sagot ko. Dahil iyon naman ang totoo. Iniwan ko siya muna sa baba at umakyat ako para kunin ang mga kailangang gamit. Ilang araw lang naman ako roon kaya iilang damit lang ang dinala ko. Pati na rin ang mga files sa trabaho ay isinama ko na. Nang pababa ako ay nakita

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 17

    Hindi ako nakatulog buong gabi hanggang sa oras ng flight namin. Nakita ko na bagong ligo si sir Eros na para siyang bagong tao. Hindi na ito lasing at naka-damit ng maayos. Hindi na katulad ng postura niya kagabi na lasing, magulo ang damit at tuliro ang mga mata. Busy ito sa kanyang cellphone. Mukhang nakaka-usap niya nga si Katherine. Baka magbabalikan pa sila. Hindi nakatakas sa mata ni Klare ang hitsura ko. "Puyat na puyat ah!" Sita niya at kiniliti ako sa bewang. "May tinapos akong report." Dahil iyon naman ang totoo. Hindi na ako makatulog dahil sa lintek na halik ni sir Eros kaya naman naghanap na lang ako ng makakapagabalahan. "Siguro pinuyat ka ni Leo no! Aba! Callmate mo siguro?" At humalakhak ito. Nakita kong napatingin sina sir Larce at sir Eros sa direksyon namin. "Hindi nga, Klare. May insomnia lang talaga ako.""Imbento ka! Nagka-insomnia ka nong nakita mo ex mo? Oyyy hindi pa nakaka-move on." At hinampas hampas pa ako. "Kaya hindi nakatulog yan kasi nagkiss mu

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 16

    Napatango-tango na lamang ako. Siguro ay mahal pa talaga ni sir Eros si Katherine kaya hindi pa siya nagse-seryoso. Ayaw ko rin namang tanungin kay Larce ang dahilan ng break ng mga ito."Sana pala sinabi mo muna bago ko siya make-up-an. Nakakaiya rin kasi 'yong ginawa ko. Parang nagimbala ko ang privacy niya." Seryoso kong saad.Nahihiyang ngumiti saakin ito. "Sorry, Analeia, nextime hindi na kita hahatakin. Gusto ko lang ma-confirmed kung naka-move on na si sir at mukhang hindi pa talaga." "Tara na guys! Let's dance! Deserve natin ito! Woooh! Uuwi na rin sa wakas!" At hinila kami ni Klare.Lakad takbo kaming pumunta sa may bonfire. Naroon na ang mga tutugtog pati na rin ang mga staff na sasayaw. Nakita kong nakaupo si sir Eros at pinapagitnaan niya ng mga babae. May hawak siyang baso ng whiskey at nakakalahati niya na ito.Mas magandang iiwas ako sa kanya. Iba ang galaw nito kapag nakainom siya. Na para bang katauhan niya iyon na hindi dapat makita ng sinuman. Napatingin siya sa

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 15

    Malalim akong napalunok bago nakapagsalita. "Ah, yes po sir. Civil naman po ang pakikitungo namin sa isat-isa. We are good po sir Eison." I gave him the assurance para hindi niya na kami alalahanin ni sir Gabriel. "I'm glad to hear that hija. Pwede bang pag-uwi niyo galing Iloilo sumabay ka na kay Eros dito sa mansion? Gusto ko sanang mag-stay ka muna rito hanggang sa formal event ng engagement namin ng mom mo, is that okay to you, Analeia?" "Huwag po kayong mag-alala sir Eison. Sasabay na po ako kay sir Eros pagbalik po diyaan." Magiliw na sagot ko.Nang matapos ang tawag ay agad ko naman binigay kay sir Eros ang cellphone niya. "Here's the deal. We must pretend na we are sweet and caring sa isa't-isa. Dalawa lang ang babae saaming magpipinsan, all are men. You can bond with the girls and stay away from the boys." Utos niya."Pati sina sir Nigel at sir Tres, iiwasan ko po?" "Of course. The big event will happen in just three days. So stop messing around, Analeia. Maybe I don't

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 14

    Akala ko ay papakawalan niya na ako pagkarating namin sa tapat ng unit niya ngunit hindi nangyari iyon."Sir Eros!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong hinila papasok sa kanyang unit.Noon pa man, noong unang araw kong magtrabaho sa Moreau, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal at lalong hindi ko kayang makasama siya sa iisang lugar lamang. Iba ang nararamdaman ko at mas lumala iyon ngayong nagkakaroon na kami ng interaksyon dahil saaming mga magulang. "Shh. Stop shouting, Analeia. We are going to talk into something. I think parehas tayong magkikinabang." At natitigan ko ang malalim niyang. Ang mga mata niyang napaka-misteryoso. Para akong kinihila nito. He is hypnotyzing me and I'm afraid that I'm half giving in."Makikinig po ako sir." Maikling kong sagot. Imbes na tumayo lamang siya saaking harapan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit saakin dala-dala ang baso ng kanyang whiskey. Hindi siya nakuntento at umikot pa ito saakin. Pakira

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 13

    "Sir. Nag-aalala lang po iyon sa presentation namin bukas. Syempre kapag may nangyaring masama saakin, e diba sayang ang project?" Pag-deny ko sa akusasyon ng kausap ko. "Analeia, ayos ka lang ba? Muntik nang magpatawag ng rescue team si sir Eros dahil may masamang panahon tapos stranded pa kayo sa isla." Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang dumating si sir Eros. "Analeia, come with me." Malamig niyang utos. Tatayo na sana ako ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong binuhat ako ni sir Eros. Pati sina Klare at sir Larce ay nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni sir Eros. Kaya sa sobrang ka ba ay hindi na ako humihinga."You can breath. Dadalhin ka namin sa clinic." Paliwanag niya. Nang maipasok niya ako sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng isang doctor."Sir, please dito niyo na lang po ipaupo ang girlfriend niyo." Utos ng doctor.Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit binuhat ulit ako ni sir Eros at dinala sa kabilang bed. Nang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status