Share

Kabanata V

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas mula ng nag punta ako sa loob ng palikuran upang mag buhos ng malamig na tubig.

“Hays, Kainis naman.” Sambit ko habang nakaharap sa salamin.

“Wala akong pamalit,” Ani ko habang tinititigan ang sarili. Basang-basa ang bandang dibdib ng suot kong damit at amoy sinigang ito. Gusto sanang labhan ngunit baka abutin pa ito ng tatlong oras para lang matuyo kaya sinuot ko na lamang ulit pag katapos kong mag buhos.

Napabugtong hininga ako. “Kaya mo iyan Calixta. Lalabas ka lang naman at lilinisin ang kalat.” Pampalakas loob ko sa sarili.

Pag labas ko ay naabutang ko si Mr. Salazar na nakaupo sa dulo ng kama patalikod sa aking gawi. Nakayuko siya habang hawak ang kaniyang sintido at hinahaplos iyon nang dahan-dahan.

“Ahm... Mr. Salazar ayos lang po ba kayo?” tanong ko at lumapit sa kaniya ng kaunti. Hindi naman siya kumibo kaya nag-alala ako.

“May masakit po ba sa inyo?” tanong ko ulit at sa pag kakataong ito ay bumaling siya sa akin bago umiling nang marahan. Bumaba ang kaniyang tingin sa bandang dibdib ko at agad ding umiwas at marahang napalunok.

“Ano pong nararamdaman n'yo?” Pangungulit ko. Inilingan niya lamang ulit ako na tila pinaparating sa akin na huwag ko siyang kausapin o tumahimik na muna ako.

Lumabas ako ng kuwarto ni Mr. Salazar upang mag hanap ng panlinis. Ang kinagandahan sa bahay na ito ay hindi siya gaanong kalakihan kaya madali mong makikita ang mga kagamitan na hindi ka naliligaw. Sa mga susunod na araw ay susubukan kong mag tingin-tingin sa labas ng bahay, Madaming puno at bulaklak kaya tiyak na malilibang ako.

“Mr. Salazar, linisin ko lang po muna ang natapon kanina.” kinatok ko ito ng tatlong beses.

Bitbit ko ang mop, dustpan at walis bago pumasok. Mabigat ang mop na gamit niya rito kaya nahirapan akong buhatin iyon.

Habang nag lilinis ay napapansin kong pasulyap-sulyap siya sa akin. Siguro ay naiinip na siya o tinitignan niya kung marunong ba talaga akong mag linis.

“Ehem.” Napahinto ako sa pag wawalis noong narinig ko ang pag tikhim niya.

“Bakit ho sir?” Pag kalingon ko ay agad na nag-init ang aking mag kabilang pisngi lalo na noong napag masdan ko ang kaniyang kalagayan. Basang basa siya ng pawis ngayon kaya bakat na bakat ang kaniyang matipunong katawan sa kaniyang damit. Mula sa kaniyang gwapong mukha ay bumaba ang aking maharot na mata sa kaniyang leeg na kitang kita ang maarkong gulung-gulungan pababa sa kaniyang maskuladong dibdib.. pababa sa..

“Ehem.” Agad akong napaiwas ng tingin na tila nahimasmasan noong narinig ko ulit ang kaniyang pag tikhim. Shit. Nakita niya atang pinag nanasaan ko siya. Ano ba Calixta umayos ka, Amo mo iyan! Sermon ko sa sarili ko.

“Ano pong kailangan n'yo sir? gusto n'yo na po ba kumain?” Nahihiyang tanong ko.

“Kanina pa ako pinag papawisan..” aniya at hinintay ko ang kasunod nito. “Ni hindi mo manlang ako magawang tapunan ng tingin para masigurado na ayos lang ba ako.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil tunog nag tatampo ito.

“Galit ka ba sa nagawa ko?” Pahabol na tanong niya na hindi ko inaasahan. Nasulyapan ko rin ang pag haba ng kaniyang nguso. Kanina ay masungit ngayon naman ay parang batang nag mamaktol. Nako sir, binabaliw n'yo po ako.

“Ha? Ano sir, Hindi po ako galit sainyo. Nag lilinis po kasi ako. Gusto niyo po bang buksan ko ang air-con?” natatarandang tanong ko at umiling naman siya.

“Baka mas lalo akong mag kasakit pag natuyuan ng pawis.” Mahinang usal niya bago binagsak ang katawan pahiga sa kama tsaka pinatong ang isang braso sa kaniyang mata upang takpan ito.

“Punta ka sa kabilang bahagi nitong kuwarto malapit sa restroom at itulak mo ang pader. Makikita mo roon ang walk-in set ko. Kuha mo ako ng pamalit na shirt” aniya at sinunod ko naman kaagad. Tinulak ko ang pader malapit sa restroom niya, Unang tulak ay hindi naman ito bumukas. Nilingon ko si Mr. Salazar at nakita kong nakahiga pa rin ito. Humugot ako nang malalim na hininga bago ulit itinulak ang pader sa ikalawang pag kakataon at nag bukas na ito. Ginala ko ang paningin bago pumasok, nakita ko ang mamahalin niyang mga damit. Maayos itong nakahanay base sa uri nito. Ang dami niyang necktie na may iba't ibang kulay at disenyo, siguro ay dahil business man siya o mahilig lang talaga siyang mangolekta. May mga relos din siya na nakalagay sa mamahaling salamin, 'Yung salamin na makikita natin sa mga national museum. Madami rin siyang iba't ibang uri ng sapatos at tatak. Nilapitan ko ang isang kabinet na nakasara at binuksan ito, bumungad sa akin mga t-shirt na itim at puti.

“Puro ganito lang ba kulay ng damit niya?” usap ko sa sarili habang pinag mamasdan ito bago pumili ng kulay puting damit para presko. Lalabas na sana ako ng silid ng may naalala ako.

“Dapat din ba akong kumuha ng brief, short at boxer?” namumulang tanong ko sa sarili ko. Siguro ay huwag nalang at nakakahiya iyon.

Lumabas ako ng kuwarto at nilapitan si Mr. Salazar na hindi pa rin nag papalit ng puwesto.

“Mr. Salazar mag palit na po kayo.” Mahinang tawag ko, binuksan niya naman ang kaniyang mata bago nag desisyon na maupo.

“You should change your clothes.. Mamaya nandito na ulit si Ajax.” Pahina nang mahina ang kaniyang boses at hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi.

“Wala po akong mapalit.” Ani ko bumaba ang tingin sa damit. Gusto ko nalang talagang kainin ng lupa ng maalala na bakat nga pala ang panloob ko. Siguro iyon ang dahilan kung bakit 'di siya nakatingin sa akin nang matagal.

“Hala! Sorry sir!” natatarandang sabi ko sabay yakap sa sarili upang itago ang hindi dapat makita.

“You can borrow my shirt.– I mean I have a lot of unuse shirt.” Aniya gamit ang mababang boses bago umayos ng upo “Kung gusto mo lang naman. Kung ayaw mo edi 'wag!” pahabol niyang sambit at medyo inis na ang tono nito. Napangiti naman ako. Parehas sila ng ugali ng kaibigan niya. Mabait 'tas biglang mag susungit.

“Salamat po.” Sabi ko sabay takbo papasok ulit ng walk in set niya. Pag pasok ko ay agad akong sumandal sa pinto na parang hingal na hingal. Nakakahiya ka Calixta.

Itim na damit ang kinuha ko roon at lumabas ng kuwarto. Mahirap na baka may CCTV siya sa loob ng walk in set lalo na't mamahalin ang kaniyang mga gamit.

“Sir, Mag bibihis lang po ako tapos mag hahanda na ng makakain ninyo. Ano po bang gusto n'yong kainin?” Tanong ko. Hindi pa rin siya nag papalit ng damit. Siguro ay hinihintay niya pang makalabas muna ako ng kuwarto niya.

“Gusto kong tikman 'yung niluto mo kanina.” Mahinang sambit niya na kinangisi ko naman. Alam kong mabait siyang tao kahit napaka moody niya.

Pag labas ko ng kuwarto niya ay tinungo ko ang magiging kuwarto ko rito. Sa katunayan ay si Ajax ang nag sabi sa akin na lahat ng natitirang silid ay pwedi kong gamitin dahil wala namang ibang tao rito. Pag katapos kong maligo ay napag masdan ko ang aking sarili. Maputla na akong tignan dahil sa pag babad ko sa malamig na tubig at ang damit ni Mr. Salazar ay masyadong malaki sa akin, Maluwang siya at hanggang binti ko ang haba, Maganda at makapal rin ang tela kaya ang ginawa ko ay nilabhan ko ang aking bra dahil amoy sinigang pa rin ito. Malakas ang loob ko dahil alam kong kami lang naman ni Mr. Salazar ang nandito. Mamaya pag-ihahatid ko na ang kaniyang pag kain ay mag ba-bra na ako.

Ikaw ang liwanag,

Na nag sisilbing gabay sa madilim kong daan.

Salamat dahil dumating ka't may dalang pag-asa-

“Ay potek ka!” nagulat ako at natigilan sa pag kanta nang may biglang pumasok sa loob ng kusina. Nandito na pala si Ajax at may dalang apat na paper bag.

“Yabang singerist.” pabirong aniya.

“Ewan ko sayo. Ano iyang dala mo?” tanong ko at tumalikod bago yumuko upang tignan ang bandang dibdib ko. Buti na lamang ay 'di kalakihan ang dibdib ko kaya hindi halata na wala akong suot na bra.

“Pasalubong ko 'to sayo.” nakangising sagot niya. Tinignan ko iyong dala niya bago lumapit, Aabutin ko na sana ng bigla niya itong itinaas sa ere.

“Abutin mo muna.” Aniya. Mukhang nasa wisyo si Ajax ngayon at hindi na siya masungit.

Sinusukan ko itong abutin ngunit 'di hamak na mas mataas siya sa akin. Tawa siya nang tawa habang ako naman ay nahihirapan na sa pag-abot.

“Huwag mo na kasi akong pag laruan. Ano ba iyan?” Hingal na tanong ko.

“Regalo ko nga sa'yo dahil naging mabait kanina.” natatawang turan niya.

“Sa tingin ay nakonsyensya ka lang sa ginawa mong pang-aaway sa akin kanina” Sabi ko at sinubukan ulit abutin ang paper bag na nasa ere ngunit nawalan ako ng balanse kaya napasandal ako sa lamesa na nasa likod ko at napahawak sa balikat ni Ajax. “Oh shit!” natatarantang sampit n'ya noong nahulog din siya papalapit sa akin. Napahawak siya sa baywang ko at sobrang mag kalapit na ang aming mga mukha.

“What's happening here?” Agad kaming napahiwalay sa isa't isa na tila napaso noong narinig namin ang boses ni Mr. Salazar na umalingawngaw sa loob ng kusina. Nang nilingon ko siya ay nakatitig siya sa amin ni Ajax gamit ang nag-aapoy niyang mga mata habang nakahalukipkip. Napalunok ako bigla, Lagot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status