Share

Kabanata LXV

“What's bothering you?”

Nilingon ko si Tyler, diretso itong nakatingin sa akin habang tinatanggal ang kaniyang necktie. Napabugtong hininga ako at umiling dahil hindi ko ito gaanong narinig.

Kararating lang namin galing sa trabaho, dito kami sa kwarto dumiretso para makapag palit ng damit bago kumain sa baba, si Tyler ay nag sisimulan ng magpalit ng damit samantalang ako ay tulala lamang na nakaupo sa ibabaw ng kama.. malayo ang tingin at lumilipad ang isip.

“Kanina pa malalim ang iniisip mo, ayos ka lang ba?”

“Pagod lang siguro..” Matamang nakatingin lang ito sa akin, hindi naniniwala sa sinabi ko.

Isang linggo pa lang ang nakalipas mula ng bumalik ako sa pag tatrabaho kaya paanong napagod ako? Eh ni hindi nga niya ako masyadong inuutusan dahil ayaw niyang mapagod ako na minsan na naming pinag awayan. Ang gusto ko kasi ay kahit may relasyon kaming dalawa ay magpaka amo pa rin siya sakin.

Gusto kong labas ang personal naming relasyon sa loob ng opisina para maging patas sa lahat ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status