Share

Kabanata IV

“Galit ka ba sa akin?” Tanong ko kay Ajax dahil napapansin kong hindi niya ako masyadong kinikibo at parang iritado rin siya sa akin mula pa kahapon.

“Ano sa tingin mo?” Walang gana niyang sagot. 

Napabugtong hininga ako. “Alam kong galit ka.” Wika ko at malungkot siyang tinignan.

“Alam mo naman pala bakit ka pa nag tatanong?” Iritadong usal niya.

Alam kong galit si Ajax sa akin dahil sa ginawa kong pag takbo nung nakaraang araw. Oo, dalawang araw na ang lumipas mula nang nakita ko si Khuaqin at tinakbuhan. Kasalanan ko ba? Natakot lang naman ako at idagdag mo pa ang kakaibang kabog ng dibdib ko.

“Pasensya na Ajax, Nabigla lang talaga ako. Hindi ko naman sinasadya.” Mahinang usal ko. Ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya dahil ginagalang ko pa rin naman siya bilang kaibigan ng amo ko. Hindi porket maayos niya akong kinausap at pinakisamahan nung nakaraang araw ay may karapatan na akong magalit din sa kaniya.

“Hindi mo kasi naiintindihan. Umiyak si Khuaqin nung nakaraang araw. Tinatanong kung bakit ka raw tumakbo. Matalinong bata si Khuaqin, Calixta. Ang iniisip niya tuloy ngayon ay ayaw mo sa kaniya. Bakit ka ba kasi nag padala sa takot mo!?”  pagalit na sabi niya na nakapag pagulat sa akin.

“Nabigla lang ako.” Pinigilan ko ang aking emosyon. “Biruin mo. Kakasabi mo pa lamang sa akin ng tungkol sa kalagayan ni Mr. Salazar tapos umalis lang siya sandali pag balik niya naging isip bata na siya. Nag iba na ang katauhan at naging si Khuaqin na. Kahit sino mabibigla roon. Intindihin mo naman ako.” 

“Tss.” Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na pag kairita sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong mali ang ginawa kong pag takbo ngunit ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya makuha ang punto ko. 

“Anyway, Huwag mong sasabihin kay Tyler ang nangyari kahapon. Hindi niya alam na tinakbuhan mo si Khuaqin.” Aniya pag kalaan ng ilang minuto.

“Ha? Hindi niya alam?” Nag tatakang tanong ko.

“Oo, Pag nag papalit siya ng alter 'di niya alam ang nangyayari.” paliwanag niya habang bakas pa rin ang inis sa kaniyang boses.

“Bali hindi niya alam ang ginagawa ng mga alters niya?” tanong ko.

“Kakasabi ko lang diba?” Masungit niyang sagot. Napabugtong hininga na lamang ako at tinalikuran siya. Mas magandang tignan ang labas kaysa makipag-usap sa lalakeng akala mo ay babae sa sobrang sungit.

Habang nasa biyahe ay tahimik lamang kami ni Ajax. Hindi na kami muling nag-usap. Siguro ay dahil galit pa rin siya sa akin at ayaw ko ring mag salita dahil alam kong hindi niya ako kikibuin. Ayos lang naman sa akin na hindi niya ako kausapin kaysa kausapin niya ako ng labag sa damdamin niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aming biyahe, nagising na lamang ako noong Naramdaman kong tumigil ang sasakyan at tumunog.

“Nasaan tayo?” Mababang tinig na tanong ko kay Ajax. 

“Nandito tayo sa comfort place ni Tyler.” Aniya at lumabas na ng sasakyan. 

Paglabas ko ng sasakyan ay nilibot ko ang aking paningin. Napapalibutan ito ng mga matataas na puno. May fountain at wishing well din akong nakita at mula sa aking kinatatayuan ay natatanaw ko ang comfort house ni Mr.Salazar. Kulay puti ito na may halong asul at abo.

“May sakit si Tyler ngayon kaya hindi siya makakapasok ng trabaho. Kailangan niyang mag pahinga.” Wika ni Ajax gamit ang malumanay na boses at tumango naman ako at hindi na nag salita.

“Walang ibang kasama rito si Tyler kundi ikaw at ako lamang.” aniya at tinaas ang isang banga na nasa gilid at kinuha ang susi roon. 

Pag bukas ng pinto ay kusang bumukas ang ilaw at tahimik kong pinag masdan ang loob. Naunang pumasok si Ajax at nag tungo sa isang kuwarto na nandoon, Pag labas niya ay may hawak na siyang lalagyanan ng gamot at umupo sa sofa.

“Come here. Ituturo ko sa iyo kung paano siya papainumin ng gamot para makapag simula ka na sa trabaho mo.” tawag sa akin ni Ajax at dali-dali naman akong  naupo sa sofa na nasa harapan niya.

Binigyan niya ako ng listahan at pinakita sa akin ang iba't ibang gamot na iniinom ni Mr. Salazar. Mayroong gamot na antidepressants at marami pang iba.

“Pag may tanong ka ay tumawag ka sa akin. May apat na kuwarto ang bahay na ito at bawat kuwarto ay may telepono kaya pwedi mo iyong gamitin Incase of emergency.” Tumango naman ako at nginitian siya. 

“Hindi ka na galit?” tanong ko kay Ajax dahil malumanay na siyang mag salita ngayon.

“Hindi ako galit, naiinis lang ako.” Aniya na kinatango ko.

“Halika at ihahatid kita sa kuwarto ni Tyler.” 

“Sa tingin mo lalabas ang isa sa alter ni Mr. Salazar ngayon?” kuryosong tanong ko kay Ajax.

“Iyan ang hindi ko masasagot. Oras- oras puwede silang lumabas.” Napabugtong hininga na lamang ako sa sagot niya.

Pumasok kami sa pinaka dulong kuwarto ng bahay. Nakabukas ang ilaw nun at nakita ko si Mr. Salazar na nakaupo sa kama habang pawisan.

“How are you?” simpleng tanong ni Ajax at lumapit kay Tyler. 

“I-i'm fine.” Aniya.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto upang lumapit din doon at napag masdan ko ng maayos ang kalagayan ni Mr. Salazar ngayon. Magulo ang pawisan niyang buhok at mukhang hinang hina.

“Sinama ko ang personal maid mo ngayon upang alagaan ka.” 

“Leave me alone,” Nagulat ako ng biglang lumamig ang boses niya ng malaman na nandito ako. 

“Don't be so hard headed, Tyler. You need your personal maid to take care of you.” Naiinis na wika ni Ajax dahil sa katigasan ng ulo ni Mr. Salazar.

“Calixta, Iiwan na muna kita.” Aniya at tumango na lamang ako. 

Pag labas niya ng silid ay unti-unti akong naupo sa kama ni Mr. Salazar. “Ano pong nararamdaman niyo ngayon sir?” malumanay na tanong ko.

“Leave.” Matigas niyang sabi. Hindi na ako nag salita at lumabas ng kuwarto niya upang hanapin ang kusina upang mag luto.

Ipag luluto ko siya ng pag kaing may sabaw upang makainom na siya ng gamot at makapag pahinga. Gusto ko sanang lugaw na lamang ang iluto ngunit walang malagkit kaya sinigang na baboy na lamang ang aking niluto dahil maganda rin naman sa may sakit ang sinigang. Pag katapos kong mag luto ay pumunta na ulit ako sa kuwarto niya at nadatnan ko siyang natutulog.

“Mr. Salazar. Kain na po kayo.” Tawag ko sa kaniya at dahan dahan naman niyang dinilat ang kaniyang asul na mata.

“Didn't I told you to leave me alone?” aniya at dahan dahang umupo. Gusto ko man siyang alalayan ay 'di ko magawa dahil natatakot akong hawakan siya.

“Trabaho ko po ito.”malumanay na wika ko.

“Tss.” Aniya at pinag kunutan ako ng noo.

“Nag luto po ako ng sinigang upang makakain kayo at makainom na ng gamot.” sabi ko at dahan dahang inilapit sa kaniya ang pag kain.

“Sabi ko umalis ka. Hindi ko sinabing pakielaman mo ang kusina ko at mag luto!” galit na sigaw niya at hinawi ang tray na dala ko at natapon ito sa akin.

“OH SH*T!” Napamura ako dahil sa hapdi ng pag katapon ng mainit na sabaw sa aking dibdib. 

“Nata–...” Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita dahil dali-dali akong pumasok sa loob ng nahanap kong palikuran at hinubad ang aking kasuotan bago binasa ang aking katawan ng malamig na tubig upang maibsan ang nararamdamang hapdi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status