Share

Kabanata 55

Para akong nakalutang nang magising kinabukasan. Bukod sa nabagabag ako sa enkwentro namin ni Forth kagabi, hindi rin ako nakatulog ng maayos.

I walked out on him. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod sa akin at hinayaan akong umalis roon ng mapayapa. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng mga nasabi ko, na alam ko namang may punto rin, may parte sa aking nagsisisi.

And I shouldn't feel that way. He abandoned me. He used me. He hurt me. Siya ang dapat na makaramdam ng pagsisisi at hindi ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko'y mali ang mga nasabi ko sa kaniya kagabi.

Pinilig ko ang aking ulo sa mga naiisip at itinuon ang pansin sa mga pagkaing inilagay ko sa lunch box ni Carson. Nilingon ko ang anak ko na ngayo'y pumipikit pa sa kaantukan habang kumakain.

Sinarado ko ang lunch box at isinilid sa bag niya. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. He jumped a bit when he saw me through his closed lids. Agad siyang napadilat at umayos ng upo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status