Share

Kabanata 60

Siya rin ang naghatid sa akin pauwi noong gabing iyon. Hindi ko na mahanap sina Kelmer sa bar kaya nauna na ako. I just texted them that I already went home, and that I couldn't find them anywhere.

"Blooming, ah!" salubong sa akin ni Daisy nang makapasok ako ng restaurant kinabukasan. "Baka naman nakahanap ka ng lalaki do'n sa bar kaya ganyan ha," ngumisi siya.

Napairap ako.

"Hindi ba pwedeng maganda lang ang gising?" balik ko.

"Sus!" dinunggol niya ang balikat ko. "Sige, kunwari hindi ko alam na nagkakamabutihan kayo ni Sir pogi. Ang sweet at may paghatid-sundo pa plus bantay na bantay all day! Nabawasan na nga ang customer nating mga babae simula nong nagkalapit kayo niyan. Baka siya ang kasama mo kagabi. Naku ha!"

Ngumiwi ako. Hindi na lamang ako nagsalita at dumiretso na sa staff room para magbihis ng uniform. Paglabas ko'y natanaw ko si Forth sa palagi niyang pwesto. He is looking on his laptop while he is holding a phone on his ear, seryosong nakikipag-usap sa kung sino.

Lum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status