"Can I cook?" ani ko pagkapasok sa kusina agad namang lumingon sa akin si Yollie bakas ang pagkagulat at kaba sa mga mata nakita ko rin ang agad nitong pagtago ng cellphone sa kaniyang bulsa dahilan ng pagkunot ng aking noo.
Kausap niya ba ang pamilya niya? "Nakaka-istorbo ba ako?" ani ko muli. "Ah hindi po pasensya na nagulat lang ako," ani Yollie at kumamot sa ulo at lumingon sa likod niya kung nasaan ang mga kasangkapan panluto, "magluluto po kayo? Pero may mga chef po tayo na nakalaan para doon." "Nais ko lang malibang. Wala masyadong gawain dito, nababagot na ako." "Tanungin ko po muna ang Mayordoma," ani nito at agad tumakbo palabas ng kusina pagkatango ko. Pagkaalis nito ay nawala ang aking mga ngiti. Kausap niya lang ba talaga ang pamilya niya? Bakit malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling siya. Pinuntahan ko ang kinatatayuan niya kanina at nakita roon ang magazine na hawak niya kanina. Naroon ang mukha ni Zacharias at bakas ang gusot rito. Hindi ko man gusto si Zacharias, asawa niya pa rin ako. Ano man ang maaring mangyari sa kaniya ay damay ako. Tumingin ako sa malaking binta ng kusina at nakita ang kulay kahel na ulap, sobrang payapa tignan ngunit nangangahulugan ng panibagong pagtatapos. "Miss, pupwede daw po, nakausap na ni Ed- este Mayordoma ang mga chefs," ani ni Yollie, bakas ang kasiyahan sa tono. "Yollie, may tanong ako." Lumingon ako rito at nakitang natigilan ito ngunit mabilis din nitong ibinalik ang kaniyang mga ngiti. "Ano po yun?" "Anong pakahulugan mo sa sunset?" Binalik ko ang tingin sa labas ng binta. "Katapusan, kadiliman, at nakakatakot." Ngumiti ako sa naging sagot nito dahil ganoon din ang opinyon ko noon. "Minsang nasabi sa akin ng aking guro noon. Ang mga taong takot sa bola ay hindi naman talaga takot, ang mga taong takot sa matataas hindi rin totoo. Dahil ang totoong kinakatakutan nila ay ang resulta. Takot matamaan ng bola at takot mahulog." "Bakit niyo po sinasabi sa akin iyan?" "Dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon." Lumingon ako rito at nagbigay ng maliit na ngiti. Natatakot ako sayo. Sa maari mong gawin, patuloy ko sa aking isipan. --- "Nakahanda na po ang lahat," ani Yollie pagkababa ko galing sa aking kwarto. "Maraming salamat Yollie, Cecilia, at Vivian," ani ko. "Walang ano man ho," sabay sabay nilang bigkas. "Hindi po ba kayo kakain?" tanong ni Yollie. "Kakain." "Bakit po ganiyan." Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa dahilan upang ako at ang dalawang katulong ay napatingin din sa suot ko. Barbie print na pantulog. "Tinatamad akong magbihis ng pormal, kakain lang naman," sagot ko. "Yollie, andiyan na," tawag ni Cecelia kay Yollie, awat sa balak pa sanang sabihin ng huli. Napatingin ako sa tinitignan nila at nakita roon si Zacharias kasama ni Maverick. Ramdam ko ang pagka-tense ng mga katabi kong katulong sa presensya nito dahilan ng pag nguso ko. Ganito ba talaga epekto niya o masyado lang siyang mapagmataas kaya natatakot sa kaniya ang mga katulong. Nakangiti akong sumalubong kila Zacharias at bumati, "kumain na kayo?" tanong ko sa mga ito. Pero wala naman talaga akong pakielam kung kumain sila o hindi, kakain sila sa ayaw at sa gusto nila ako kaya ang naghanda niyon. "O-" Natigil ang sasabihin ni Maverick ng itinaas ni Zacharias ang kaniyang kamay. "Anong kailangan mo?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa akin. "Mag-aaya lang ako na kumain." Ngunit signal lang para kay Maverick ang natanggap naming sagot at agad na itinulak ni Maverick ang wheelchair nito patungo sa Elevator. Nanlaki ang mga mata ko at nanlulumong yumuko, hindi siya kakain? "Pero luto ko iyon para sayo," nanghihinang sabi ko habang nakatungo at tingin lang sa sahig. Hindi matanggap na hindi nito makakain ang pinaghirapan kong kasamaan. "Did I say I won't eat?" tanong nito. Hindi ko napansing huminto pala sila ni Maverick sa pag-alis ngunit hindi ko makita ang itsura nito dahil nakatalikod silang dalawa ni Maverick sa akin, "wait for us," ani nito at nagpatuloy na sa pag-alis. Hindi ako makapaniwala sa sagot nito at halos mapatalon sa kasiyahan. Pero syempre hindi ko pinahalata dahil hindi lang naman ako ang narito ngayon, isipin pa nila ay baliw ako. --- Pagkarating nila ay agad akong naging abala kinuha ko ang pitchel ng juice at lumapit kay Maverick at sinalinan ito ng juice. Lalapit na sana ako kay Zacharias ng maalala ang sinabi nito kanina kaya naman agad akong huminto at ibinalik sa katabi kong si Yollie na nakaalalay sa akin ang pitchel. "What about me?" ani nito dahilan upang matigilan ako at lumingon dito. Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa kulay tsokolate nitong mga mata kahit na ganoon masyado pa rin iyong nakakapanghina. Kaya naman bago pa ako tuluyang malulong sa mga mata nito ay nag-iwas na ako ng tingin at binawi ang pitchel at saka sinalinan ito. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang ito nalapitan ng ganito kalapit at amoy na amoy ko ang panlalaki nitong amoy ngunit hindi matapang sa ilong. Sakto lang, sobrang bango nakakalulong ngunit hindi masama sa ilong. Matapos masalinan ay agad akong lumayo at bumalik sa kabilang kabisera, natatakot sa nararamdaman. Nang tignan ko sila ay halos matawa ako sa kanila. Parang kasing si Maverick ang asawa at ako ang assistant. "Let's eat!" Nakangiti kong ani. Kumuha si Zacharias ng isang serving ng kaldereta at inilagay sa kaniyang plato tapos ay hiniwa niya ang karne, tanging ang pagkaskas ng kaniyang kutsilyo sa plato ang maririnig sa ngayon. Napaka dramatic naman ng eksenang ito. Matapos mahiwa ay isinubo na nito. Hinihintay ko na magmura, magalit, at bigla ako nitong ipakaladkad sa mga guards upang palayasin ngunit ni isa ay walang nangyari kaya agad akong kumuha ng serving para sa akin at tinikman ang aking luto ganoon din ang ginawa ni Maverick ngunit halos mapamura kami sa lasa, sobrang alat at anghang! "Anong klaseng panlasa meron ka?!" ani ko. "Huh?" tanong nito habang patuloy sa pagkain at kumuha pa ng pangalawang sandok! "Wala," ani ko at bumuntong hininga habang masama itong tinitignan. Mabilaukan ka sana tanda! Sinulyapan ko si Maverick at nakita ang sobrang pulang mga labi nito. Atleast kahit isa sa kanila nagantihan ko. Tumayo ako at intentionally kong sinagi ang juice sa akin upang mapansin nito ang aking suot na damit. Agad itong nag-angat ng tingin at tinignan ako pati ang damit ko dahilan ng aking pag ngiti. Yes! "Whaaaa! Ang damit ko favourite ko ito," ani ko habang nagkukunwari pang umiiyak. Favourite my ass I hate barbies! "Stay away from the glass," ani ni Zacharias, ang tinutukoy ay ang nabasag na baso at nagpatuloy pa rin sa pagkain. Halos maibato ko sa kaniya ang glass na sinasabi niya ng makitang wala man lang itong pakielam. Akala ko ba ayaw mo ng informal na damit! "Go to your room and change," seryong ani nito gusto ko pa sanang umangal kaso sobrang lagkit ng juice at nanlalamig na rin ako dahil nabasa mula bewang ko at kalahati ng aking kaliwang paa. "Sige, ubusin mo yan ha!" Pagkasabi ay tumalikod na ako at umalis, agad naman akong sinundan ni Yollie upang tulungan. Sa totoo lang wala akong pakielam kung maubos niya iyon o hindi, talo pa rin ako sa sarili kong plano. Habang naglalakad sa hallway patungo sa aking kwarto ay napansin ko ang kulay berdeng pintuan. Ito ang tinutukoy niya na wag galawin. Pinagmasdan ko ito at tila ba may kung anong malakas na pwersang nanghihila sa akin papasok rito. "Miss!" tawag sa akin ng isang tinig dahilan ng aking paglaya sa kung anong barrier na nagkulong sa akin kanina. Liningon ko ito at nakita si Yollie na bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Huh?" ani ko. "Kanina pa ho kita tinatawag, Miss. Tara na ho at baka lamigin kayo at saka hindi po kayo pupwedeng pumasok diyan hindi ba?" ani nito at hinawakan ang aking kamay na nakahawak na pala sa door knob. Paanong? May katamtaman pa akong layo sa pintuan kanina ah? "Tara na ho," ani nito at hinila ako palayo sa pintuan, ako naman ay palingon-lingon doon. Anong meron sa pintuang iyon.Ziantynna's POVTumingin ako sa mga painting materials na nakalatag sa kwarto na gawa sa salamin upang malayang makita ang tanawin sa likod bahay kung saan makikita ang mahinahong hampas ng dagat sa dalampasigan."Nagustuhan niyo po?" tanong ni Cecelia na siyang nagdala sa akin dito matapos naming kumain ni Zacharias ng breakfast.Linggo ngayon kaya naman pareho kami ni Zacharias na nasa bahay at walang ginagawa... ako lang pala dahil ang isang iyon ay nagkulong na naman sa opisina niya para sa mga naiwang trabaho."Kelan pa ito nagawa?" tanong ko dahil noong unang nilibot ko itong bahay wala pa ito."Simula pa noong pumasok na kayo sa kumpanya. Ginagawa po ito kada wala kayo sa bahay," nakangiting saad ni Cecelia.Dahilan ng pagtaas ng aking kilay. He made this sanctuary for me but let others surprise me. What a thoughtful man.Ngumiti ako kay Cecelia at inutusan itong ikuha ako ng kape upang may mainom habang sinusubukan itong mga materyales na halatang bagong bili dahil sa amoy.Ku
Third Person POVBehind Rebecca's stern face is her trembling body. After searching for some information Rebecca knows there is something wrong in here. So she asked Ziantynna to have a little talk to be sure."Do you want to drink?" tanong ni Rebecca kay Satana pero umiling lang ito.Bumuntong hininga si Rebecca at nagsimula nang magtanong. Pinili niya ang pinaka sulok nang Cafeteria para walang makarinig sa pag uusapan nila knowing the possibility that Ziantynna wants to keep everything in secret."I know you are Ziantynna Quinzel - Lamprouge," panimula ni Rebecca dahilan para makuha nito ang buong atensyon ni Satana."Well based on your position in this company I think you want to hide this information, right?" saad ni Rebecca."Yes, what do you want?" diretsong tanong ni Satana.Satana knows Rebecca based on the folder that Zacharias gave her before.Rebecca has a strong background. She studied abroad and earned a degree, then worked for a well-known company before relocating to t
Ziantynna's POVHabang nagsusuklay ako ng aking buhok sa harap ng salamin ay napatigil ako at tinitigan ang aking sarili na hanggang ngayon ay bakas ang pamumutla."Tama ba ang hiniling ko?" wala sa sariling tanong ko."Po?" tanong ni Cecelia.Nagising ako sa aking tinuran at tumingin kay Cecelia na may kuryosong tingin sa akin. Ngumiti ako rito at umiling."Wala iyon. Sige na at maari na kayong umalis ako ng bahala," saad ko sa mga ito.Agad namang tumango si Cecelia at Vivian atsaka umalis.Ibinaba ko ang aking suklay na hawak at napabuntong hininga.Hindi ko dapat hiniling iyon. Sasabihin ko na lamang na kaya ko na at maayos na ang pakiramdam ko. Marahas akong tumayo upang pumunta kay Zacharias para sabihin ang naisip ko ng aking nasagi ang suklay at bumagsak ito na siyang naglikha ng tunog.Dahil sa tunog na iyon ay bigla akong natigilan at paulit ulit na parang sirang plaka ang imahe ni Z
Third Person's POVAfter Ziantynna's peaceful lunch she comes back to Zacharias office without looking at the man.Sa loob ng opisina ni Zacharias ay pagtatrabaho lang ang ginawa ng dalawa. Nag uusap lang ang mga ito kung may kailangang ipagawa si Zacharias o hindi naman ay mga tanong mula kay Satana.Ngunit walang naging usapan na hindi tungkol sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang takipsilim.Zacharias close the last folder he scanned and signed. Atsaka tumingin kay Ziantynna na ngayon ay busy na lang sa pagbabasa ng libro."Let's go home," saad ni Zacharias.Lumingon si Satana rito at matapos ay sa orasan.7:35 pmHindi nito namalayan ang oras. Matapos kasi nitong matapos lahat ng trabaho ay nagbasa na lang ito ng libro.Sinara ni Satana ang libro at tumayo upang ayusin ang mga gamit. Matapos noon ay lumapit si Satana kay Zacharias at tinulungan itong itulak ang wheelchair nito.Wala namang hi
Habang nangyayari ang meeting ay hindi mawalawala ang paningin ni Satana kay Daphne hanggang sa hindi nito namalayang natapos na ang meeting at kanina pa siya tinatawag ni Zacharias."Satana," Pangatlong ulit ni Zacharias sa pangalan ng asawa. Sa inip ni Zacharias ay hinila na nito ang braso ng asawa papalapit sa kaniya."Wife," bulong nito kay Satana sinisiguro na silang dalawa lang ang nakakarinig.Dahil sa ginawa ni Zacharias ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Satana."Hey," ani ni Satana nang mapansin ang lapit nila ni Zacharias at saka ibinalik ang tingin sa board na nakatingin sa kanilang dalawa ni Zacharias.Puno ng kuryosidad ang mga matang nakamasid sa dalawa dahilan upang matamaan ng hiya si Satana.
Third Person’s POV "You have two beautiful secretaries," saad ni Satana pagpasok nila ng opisina ni Zacharias dahilan nang pagkunot noo ni Zacharias at kapagkuwan ay pag ngisi na hindi nakikita ni Satana dahil ito ay nasa likod ni Zacharias na siyang nagtutulak ng wheelchair. "Yes, I enjoy seeing beautiful people, especially ladies," dagdag niya. "Oh, maybe that's the reason why you chose me as your wife?" sarkastikong saad ni Satana at tumalikod upang magtungo sa office table nito. "At least now you have a clue," pahabol ni Zacharias. Nang makarating si Satana sa pansamantala niyang table ay padabog na ibinagsak nito ang mga gamit na dala at binuksan ang Ipad upang tignan ang schedule ni Za