Share

Chapter 4

Rumors spreading fast. Maraming tao ang namangha at nagulat sa kompirmasyon ng kanyang ina na may relasyon si Gypsy kay Drake Mortel na isang hinahangaan at tinitingala ng lahat. Si Drake Mortel is a successful businessman, came from a well known family. Marami na siyang achievements. Marami ng napabagsak na kompanya na mga kontra nito sa negosyo. Marami na rin itong pag- aaring hacienda, kompanya at bilyon bilyong investments. Kaya di nakakapagtaka na mabango ang pangalan nito. 

Maraming gustong makipagimpluwensya rito ngunit si Drake Mortel ay isang mailap na tao. No one can reach out to him.  Walang makakapagsabi kong binata or matanda ba si Drake Mortel. Drake is mystery. People only know him by name  because of his wealth, power , achievements, Pero  hindi ang kanyang pagkatao.

At ngayong nabanggit ang pangalan nito na may relasyon sa isang famous engineer hooker na si Gypsy isang malaking issues at speculasyon ang nabuo sa misteryo kung sino ba si Drake Mortel. 

Maraming nagsasabi na isang makisig at gwapo na binata  si Drake Mortel. May nagsasabi ring matandang byudo ito. Kaya naging boyfriend ni Gypsy dahil pera lang ang habol ng babae rito. 

Ngunit iniinsist ng karamihan na isang binata ang lalaki at hindi ito matanda. Given sa katayuan ni Gypsy na mula sa mayamang angkan di na nito kailangan ng sugar daddy or ano pang mga material na bagay kasi kaya naman nitong bilhin kong anong gusto nito. Kaya sigurado talaga silang si Drake Mortel  ay isang lalaking tipo ng mga babaeng may taglay na ganda.

Ibat-ibang estorya ang mababasa sa pahayagan tungkol kay Drake. Ngunit lahat ng mga iyon ay haka-haka lamang. Hindi maiiwasan ang kuryosidad ng mga tao ang magandang pangalang Drake Mortel.

Habang binabasa ni Gypsy ang mga haka-haka sa pahayagan somewhat kinakabahan siya kasi napagtanto niya isang komplikadong sitwasyon ang pinasok niya. 

Gusto niyang sabihin na hindi totoo na may relasyon sila ng Drake Mortel na  biro lang iyon. Para iwasan siya ng kanyang mga manliligaw ngunit ayaw naman niyang mapahiya ang ina. Lalo pa't ito ang nagpatawag ng press para ipagkalat ang maling impormasyon. 

Naisip niyang go with the flow na lang siya. At naniniwala siyang lilipas din ang isyung ito.

Habang naglalakad siya sa  school. Naninibago siya.  Maraming bumabati sa kanya, gustong makipagkaibigan, at nag alok ng kong anu-ano. Hindi naman ganun ang trato ng mga ito sa kanya noon. Eh sa pagkakaalala niya. Iniirapan at pinagtataasan siya ng mga kilay ng mga ito noon dahil inggit at galit sa kanya dahil ang mga boyfriend  ng mga ito ay may gusto sa kanya at palaging nagpapansin. 

Hindi na lang niya pinansin ang mga tingin, atensyon ng mga ito. Paki niya sa mga ito. If she know nakikipaglapit lang mga ito knowing na girlfriend siya ng maimpluwensiyang tao. 

Wala  na ring lalaki na lumalapit sa kanya na mangungulit na sagutin niya. Tila off limits na siya ngayon sa mga lalaki dahil may nagmamay ari na sa kanya. The good thing is she can now find peace of mind. 

Sa canteen habang kumakain siya medyo naasiwa siya dahil tingin ng tingin sa kanya ang mga estudyante. Like hello, feel niya tuloy every move she make pinapansin. 

Mag-isa kasi siyang kumakain sa canteen hindi niya kasama si Melissa dahil kasama nito ang boyfriend nito. Wala naman siyang ibang kaibigan na totoo yung iba diyan sa tabi-tabi mga alipores lang niya ang mga iyon. At di niya feel makipagplastikan ngayong araw. 

Marami naman siyang matatawag na kaibigan. Seasonal nga lang pag- may party, hangouts , trip but she don't build attachment. She don't trust anyone. 

Lumapit ang grupo nila ni Rona sa kanya. Inilapag ng mga ito sa mesa ang mga dala nitong mga tray. "Dito na kami ha, wala na kasing bakante," 

"Sure no probs, patapos na rin naman  ako," sagot niya. Wala namang problema sa kanya kong makiupo ang mga ito. 

"By the way Gypsy, thank you sa tips na pinapadala mo. Guess what kami na ni Mike!" Masayang kwento ni Rona sa kanya. Good for her. The lighting and glow on her lips when she said " kami na ni Mike,"  show that she was really happy. 

"Congrats," 

"Can we be friends? You know I don't like you before not because your Gypsy and I'm insecure to you. Ayoko lang sa iyo noon dahil may gusto sayo si Mike but now it's different there's no reason para ihate pa kita so let's be friends," Rona smiled genuinely also her friends are nice. Kilala niya ang ito  since high school and they are good, so there's no problem to decline their offer. 

Apat sila sa kanilang grupo  Si Lisa, kyla, Nana, at Rona. They are best friends. They are not mean girls but they are the competitive and more on academic and leadership type of students. 

"Sure," sagot niya. 

"So bukas sabay na tayo maglunch ha," dugtong ni Lisa.

Pag-uwi niya sa bahay maraming phone calls and natanggap niya. Iniimbitahan siya for talk show, interviews ng  iba 't ibang channel. Featuring Drake Mortel. Ayaw niyang paunlakan ang mga ito. Kasi hindi totoo. Ano na lang sasabihin niya sa interview? gagawa siya ng estorya like hello. Baka nga magalit sa kanya si Drake Mortel at may gawin itong hindi maganda sa kanya. Lalo pa't nasasangkot ang pangalan nito. 

"Mom ayoko," tanggi niya sa kanyang ina. Gusto kasi ng kanyang ina na paunlakan niya ang lahat ng  imbitasyon. Na magpapainterview siya tungkol sa usapang Drake Mortel. 

"You need to," 

"Ano na lang sasabihin ko? Hindi ko alam mom," 

"Boyfriend mo naman siya diba so sagutin mo na lang kong anong tinatanong nila," 

"But the truth di ko siya boyfriend. Mom please," 

Natahimik bigla ang kanyang mom at naging seryoso ang mukha.

"Alam ko na dimo siya boyfriend. Pero pakiusap lang do me this favor ija.  This is our chance para makita kong sino si Drake Mortel," Ngayon lang niya nakita na seryoso ang kanyang ina. Tila napakahalaga  para dito na makita si Drake Mortel. Ayaw niyang edisappoint ang ina.

" But mom.....,"

"You don't need to worry once I reach out to Mortel everything will be fine,"

"Why do you all businessmen interested to Mortel mom?"  Hindi niya mapigilang magtanong. Ano ba yang Drake Mortel diyos ba yan? 

"There are some thing you don't understand. Drake influences is a threat. She can make company bankrupt also expand. So that's why businessmen stinging on Drake like a leech, but in our case hindi iyon ang habol natin sa kanya, para sa future mo lahat ng ginagawa namin "  paliwanag ng kanyang ina. 

Ngayon naintindihan na niya. Her mom not only wants to reach out Drake Mortel for the stability of business and influences but also there's another reason. She don't know what it is but she pretty sure para lang iyon sa ikakabuti Ng lahat.  Her mom wants  to be notice by Drake Mortel using me as a bait. This issue about relationship is now a trend and I'm sure ang balitang ito ay umabot na sa tenga ng lalaki. And that time Drake will contact mom about the issues  and they can have their negotiation. 

In order na makausap at manegotiate si Drake kailangan pa ng mga strategies and methods para mapilit itong makipag-ugnayan. Talagang mailap ang lalaking ito. 

But how about me? What will happen to me? Gyspsy asking herself thinking  after her mom reach out Drake Mortel. And she can visualized that she can back to normal. She feel relieved.

There's no turning back. She needs to move forward. Paninindigan niya ang kanyang kasinungalingan. Kinakabahan siya. Malakas ang tibok ng kanyang puso ngunit hindi niya pinapahalata. She keeps her posture habang nakatingin sa camera. Nagsisimula na ang talk show at pinapaulanan siya ng maraming tanong.

"Bakit mo nagustuhan si Drake Mortel?" Tanong sa kanya ng host.

Binabasa niya ang kanyang mga sagot base sa standard at ideal perspective niya sa isang  lalaki.

"Nagustuhan ko ano bakit nga ba? Well to tell you honestly pasok siya sa standard ko isang Engineer, sobrang gwapo, matalino, magaling humalik tas napacaring niya, medyo badboy din siya yun yung naglalakad ng appeal niya,"

Naghiyawan ang mga audience.

" Omg .. so ideal man talaga si Drake," 

"I told you hottie yun, " 

"So lucky girl, "

"How to be you po Gypsy?"  Ilan sa mga hiyawan ng mga nanonood. 

"Paano kayo nagkakilala?" Pangalawang tanong ng host.

"We met unexpectedly it's in the beach in Boracay. I was having a swimming alone and he accompanying me and because he's into me and I'm into him too so that's it! din naging kami, proud niyang sagot. Wala na siyang paki basta ang mahalaga masagot niya. Making stories is very difficult but she make it sounds lively every word she utters para mas dama ng mga audience. 

"Bakit ayaw ni Drake Mortel na magpakita ng kanyang hitsura sa publiko?" 

"Well he wants privacy. He wants everything about him if  possible to stay private. Just respect his decision, "  Hindi nga rin niya alam eh. Eh ano pa bang reason kong bakit ayaw magpakita nito. 

Medyo sumasakit ang ulo niya sa kakasagot ng mga tanong. Ang mga sumunod na mga katanungan ay related sa business. Wala siyang alam doon eh di nga siya nag major ng business ad. Medical student po siya. Hindi naman siya pinilit na sagutin lahat pero may tanong na sobrang sensitive like ginagamit niya lang ba daw si Drake para sa negosyo? Syempre sinabi niya hindi. Sinong tangang sasagot ng oo.

Number 1 trending ang interview niya sa usapang The mystery about Drake segment. Nabalita rin sa tv patrol  at sa ibang mga news channel. So she's sure na napanood at narinig na ni Drake Mortel ang kanyang mga kasinungalingan. 

Her mom ask her that after an interview. Kailangan niyang magstay sa bahay. Hindi siya pwede gumala. Bahay at school lang dapat ang destination niya.  They will wait sa call kung sakaling tatawag ang mga Mortel. Hindi nga siya lumabas ng bahay. Nagkulong lang siya sa kwarto nanonood ng Netflix. Weeks, months has passed but there's no sign of Drake. So she assume that Drake has no plans in showing off. 

She started shopping. Hangout with friends. Super close na sila ng squad ni Rona. Since ito nakakasabay niyang kumain at kasa-kasama. Naging part na siya ng grupo nito. Minsan niya nalang nakakasabay ang best friend niya dahil masyado itong busy sa pagmomodel at sa boyfriend nito. 

" Bar tayo," yaya ni Rona.

"Game! " San ayon nila. Medyo maluwag luwag na ang schedule ng klase di na sila masyado busy kasi patapos na ang semester. Kaya kahit may pagkanerd ang mga kasama niya di rin naman ang mga ito nagpapahuhuli sa gimmick.

Hindi pwedeng di siya sasama. Kailangan din niyang magsaya.  Kahit pa bawal siyang gumala. But this time susuwayin niya ang ina.  

"Kita kits mamaya ha," 

"Rona send mo na lang ang location sa GC," 

"Basta ha dapit present tayong lahat," 

Pag-uwi niya sa bahay nadatnan niya ang kanyang ama nakaupo sa sala tila may hinihintay. Napansin agad siya nito at sinenyasan siyang umupo sa tapat nito. 

"Dad akala ko next month pa ang dating mo?" Tanong niya. Nagtataka siya bat biglaan ang pag uwi nito. Sa abroad na kasi namalagi ang kanyang ama dahil doon nakabase ang kanilang mga negosyo. Yung mommy naman niya ay binibisita lang siya ng mga ito twice a month. Ngayon lang na buwan nakasama niya ang ina ng matagal dahil sa isyu about Drake Mortel.

"Di kaba natutuwa na nadirito ako?" Tanong ng kanyang ama.

"Of course I'm happy dad," 

"That's good. I'm staying here for a month because there is something we need to settle here," 

Settle ? Naririnig pa lang niya ang salitang settle ay medyo nagdududa na siya. Ano ang isesetle ng kanyang ama dito sa pilipinas. Sa pagkakaalam niya binenta na nito lahat ng negosyo sa pilipinas dahil mas pinili nitong sa abroad na namalagi at palawakin ang chain of hospitals and hotels nito. 

At ang mas nakakapagduda 1 month? Eh hindi nga ito makauwi noon sa birthday niya para mag celebrate dahil gusto nitong bantayan ang negosyo. Baka pag umalis siya magkaproblema. Ba't ngayon mas prinoprioritize nito ang settle here sa pilipinas kaysa minamahal nitong negosyo. Inisip niyang mas mahalaga ang pakay ng ama.

"How about your business dad?"

"Our business doing well. And there's no problem about it. There is something I want to tell you right now," Mahinahon nitong sabi. Hinawakan nito ang kanyang kamay habang tinitingnan siya sa mga mata. Seryoso ang mukha nito. Na tila napakahalaga ng sasabihin nito sa kanya.

"Ano yon dad?"

"Just promise me na you will do one thing I ask for you to do. In the right time I will tell you. Okay," she just nod as a response. Minsan lang himingi ng pabor ang ama kaya kahit ano pang ipapagawa nito sa kanya. Gagawin niya talaga na bukal sa kanyang kalooban. 

"Good. Just go upstairs and take a rest," 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status