Share

Chapter 3

Maaga silang nag-ayos ni Melissa para sa party ngunit late silang dumating. Sinadya nilang magpalate para maging maganda ang kanilang entrance. Papasok sila sa pag dadausan at makukuha nila ang atensyon ng mga naroroon. Lahat mapapatingin sa kanila. Especially Kay Gypsy na pinaghandaan ang gabing iyon. 

Ganun nga ang nangyari. Pagpasok pa lang nila. Mga mata agad ng mga nagagwapohang bisita ng kuya ni Melissa ang humahagod ng tingin sa kabuuan ng dalawang bagong dating.

Hindi inaasahan ni Gypsy na sobra pa sa kanyang inakala ang party na pinaghandaan ng mga Ichari. Bigatin nga talaga ang mga bisita. 

"Gyps, buti napilit ka nitong si Melissa na dumalo sa party ko" bungad sa kanila ng celebrant na si Jed.

"Palalampasin ko ba ito? Minsan ka na nga lang magpaparty eh," sabi niya 

"Sus, minsan nga lang tapos pinagdadalawahang isip mo pang dumalo. Akala ko nga di kana darating di ka kasi nagreply sa chat ko," sabi nito na puno ng pagtatampo.

"Ikaw talaga kuya Jed dumadrama ka pa. By the way welcome back! " maligaya niyang turan sabik tapik sa balikat nito.

"Naku ! Naku! Kuya. I can't wait nasaan na yung pinamamalaki mong mga kaibigan mo pakilala mo naman kami please yun pa naman ang sadya ni Gyps dito," sabi ni Melissa sa kapatid.

Siniko niya si Melissa. Kung anong pinagsasabi. Nakakahiya Kay Jed baka isipin niya bisita niya lang ipinunta ko.

"Ahh," turan ni Jed habang tumatawa.

Iginiya agad sila sa isang table na pinagkukumpulan ng mga malalapit nitong kaibigan.

At perfect spot ang pinag-upuan. Nasa gitna sila ng table at ang beauty ng dalawa nakadisplay talaga. Sila lang dalawa ang babae sa kanilang table and the rest are the circles of young bachelors. 

"Hey guys! I want you meet my sister Melissa and her best friend Gypsy," pakilala ni Jed sa kanila sa mga kaibigan. Isa-sa silang binati at pinagkamayan ng mga ito.

Iniwan siya ni Melissa sa table dahil sinamahan nito si Tristan na boyfriend nito na kararating lang. Siya na lang ang nag-iisang babae sa kumpulan. Napaka marupok talaga ng best friend nong isang araw paiyak-iyak dahil nagcheat si Tristan tapos ngayon okay na, na parang walang nangyari. Uso talaga sa bokabolaryo ng best friend niya ang comeback.

 Hindi naman siya naaaout of place dahil kinakausap naman siya ng mga kaibigan ni Jed. At pasimple rin siyang nilalandi ng ilan sa mga ito. Lalo na itong si Tyron Velasquez na isang neurologist. Okey sana ang lalaking ito kaya lang doktor ito hindi engineer.

Si knight Vega rin ay nagpakita rin ng motibo sa kanya na isang architect at ilan pa sa mga nakilala niya sa party. Kagaya ng sinabi niya she's no interest to the guy na hindi engineer.

Hindi nakawala ang maraming pares ng mga mata sa taglay na kagandahan ni Gypsy. Tila naghihintay lang ang mga ito ng pagkakataon na masolo ang dalaga. 

"Gypsy, are you free tomorrow? Yayain sana kitang lumabas," anyaya sa kanya ni Tyron.

"Sorry hindi kita masasamahan. I'm busy, " sagot niya Kay Tyron.

"How about the other day? or some time kapag di kana busy?" pangungumbinsi nito sa kanya.

Ayaw naman niyang maging rude. Kaya siguro pagbibigyan na lang niya.

"Naku, Tyron mukhang natamaan ka kay Gypsy ha?" singit ni Jed

"Sino bang hindi? Sa taglay niyang kagandahan talagang-talaga,"

Tumawa lang si Jed.

"Pre, habang maaga pa back off. Di niya tipo ng doktor. Engineer ang hanap niya," patawa tawang bulyaw ni Jed.

"Diba Gyps? Nahiya ka pang tanggihan si Tyron," 

Si Tyron at ang iba pang naroroon ay natigilan sa narinig.

Ngumiti na lang siya at medyo naasiwa siya sa tingin ng mga kasama nila sa mesa sa kanya.

Nahihiya siyang aminin sa harap ng mga ito.

"Whoa!! Engineer sayang naman. Kung alam ko lang sana na makatagpo ako ng babaeng katulad mo na engineer ang hanap. Sana di na lang ako nag doctor," Biro ni Tyron.

"Tyron back off dika engineer," sabi ni knight.

"Back off din dika engineer," 

"Back off tayong lahat di tayo engineer," sigaw ng ilan pang naroon.

"Kuya naman bakit mo yun sinabi sa kanila. Nakakahiya," bulong niya Kay Jed.

"I'm just helping you out. Alam Kong di mo sila type. Mapipilitan kang um oo sa paanyaya ni Tyron."

Ang usapan ng magkaibigan ay narating sa kung saan-saan at somewhat di na siya makarelate. Wala rin siyang makausap dahil yung best friend niya ay busy sa boyfriend nito.

Nagpaalam si Gypsy Kay Jed na pupunta siya sa rest room. 

Papunta siya sa rest room ng pumagting ang tenga niya sa narinig.

"Did you know after 3 years Drake Mortel is back!!" Sabi ng babae na hindi niya kilala

"Ahhh yung sikat na successful engineer?" Tanong naman ng kausap nito.

" Oo, I'm so curious ano kaya ang itsura niya?" singit naman ng isa pang kasama nito.

"Sure naman akong gwapo yun. Kasi may nakakuha ng litrato ng likod niya. Maganda ang shape ng pangangatawan,"

"Kung gwapo yun eh bakit di niya ipinapakita ang mukha? Siguro pangit yun," at sabay pang tumawa ang mga ito.

Hindi ugali ni Gypsy na makinig sa usapan ng iba. Pero somewhat nakuha ang kanyang interest sa pinag-uusapan ng mga ito.

Nakarnig lang siya ng engineer na salita parang nabubuhay ang matamlay na sistema niya. 

Ang pangalang Drake Mortel ay hindi mawala sa isip niya. Pangalan pa lang alam na niyang ito yong mga tipo niya. Drake Mortel sino ka ba talaga?

Hindi mawala sa isip ni Gypsy si Drake Mortel. Kahit pa hindi pa niya ito nakilala at nakita sa personal. Pero pangalan pa lang nito may iba na siyang nararamdaman. Kahit pa nameet niya si Clarence Tecson at Trent Ragoza sa party na isa sa ipinagmamalaki ng building industry sa pilipinas ngunit hindi siya nagkaroon ng interest sa mga ito na patulan kahit pa lantaran na pagpapahiwatig ang mga ito ng pagkakagusto sa kanya.

DRAKE MORTEL, DRAKE MORTEL, DRAKE MORTEL na lang puro ang nasa isip niya. Kahit pa pangalan ng best friend niyang si Melissa muntikan na niyang makalimutan dahil nag-iisang pangalan lang ang nasa isip niya walang iba kundi si Drake Mortel.

Araw-araw may naglalagay ng chocolate, flowers, notes sa locker niya mula sa kanyang mga admirers. Nangyari lang naman ito simula nung naging single siya. 

Maraming mga lalaki ang nagyaya sa kanyang lumabas. Lahat tinatanggihan niya. Ngunit these past few days nakukulitan na siya sa mga ito. Kahit anong taboy niya di pa rin siya tinatantanan.

"Gyps, magshishift na ako ng engineering payagan mo lang akong ligawan ka," sigaw ng lalaki na di niya kilala.

"Gyps, kung pwede sana yayain kitang lumabas?"

"Gyps, sama ka sa amin sa bar,"

"Gyps, I like you," 

"Gyps, I love you to the moon and back,"

Naririndi na siya sa kanyang mga admirers. Kahit saan siya magpunta sa klase, sa canteen, sa mall, sa restaurant o sa kahit saan pang lugar di siya tinatantanan. Gusto na niya ng kapayapaan.

"Can you please get rid of me!? " sigaw niya sa mga ito.

"MAY BOYFRIEND NA AKO! AT WALA KAYO SA KALINGKINGAN NIYA. KILALA NIYO SI DRAKE MORTEL SIYA YUNG BOYFRIEND KO!"

Natahimik ang paligid at lahat ng nakarinig sa kanya ay napapatigil. What's wrong sa sinabi niya.

Narinig lang ng mga ito ang pangalan na DRAKE MORTEL nag iba na agad ang ihip ng hangin sa paligid. Anong meron ba talaga sa DRAKE MORTEL na iyon? Nagwawonder siya.

NAGISING si Gypsy sa lakas ng kalabog sa pintuan. Tiningnan niya ang kanyang orasan 6:00 pa lang ng umaga. Sino naman kaya itong taong maagang namumulabog sa mahimbing niyang tulog?

"Gypsy ! Buksan mo ang pinto!"

Nabalikwas siyang bumangon sa kanyang kama para pagbuksan ang kanyang ina. Alam niyang mahalaga ang pakay nito kasi hindi naman ugali nitong puntahan siya sa kanyang Condo ng ganung kaaga.

"Mom, it’s to early what's the matter?" Bungad niya sa ina pagkatapos pagbuksan ng pintuan.

"Totoo ba itong kumakalat na balita na boyfriend mo raw si Drake Mortel?" 

Hindi niya alam ang sasabihin.

"Mom, saan niyo naman yan narinig?"

Hindi niya akalain na ang Kasinungalingang iyon ay makarating pa mismo sa kanyang ina. At sa inaakto nito mukhang kilala nito ang lalaki.

"It doesn't matter anymore anak, basta ito lang ang mahihiling ko sayo. Wag muna siyang palitan pa. The future I want to give to you depends on him," seryoso nitong sabi sa kanya.

"Mom, ano ba ang ibig sabihin mo? I don't understand," tinaasan lang siya ng kilay nito at tumingin sa relo na nasa bisig nito.

"I gotta go. Basta yung sinabi ko sayo. Yun lang naman ang ipinunta ko rito," tinalikuran siya ng kanyang ina at umalis na sa kanyang condo.

She don't understand her mom. Dati wala naman itong pakialam sa mga karelasyon na buwan lang inaabot sa kanya. Pero ngayong nagpanggap siyang girlfriend ni Drake Mortel. Bigla-bigla na lang susulpot at makikiusap sa kanya na huwag itong hiwalayan. 

Si Drake Mortel ay isang hiwaga para Kay Gypsy. She has no idea who he is. And the thought to get rid sa mga masusugid niyang manliligaw is to pretend na may roon na siyang boyfriend. Dahil sa hindi mawala sa isipan niya ang pangalang Drake Mortel. Ang pangalang ito ang kanyang nagamit. 

Hindi niya akalain ang malaking epekto ng kanyang pagsisinungaling sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Gyps! Grabe ka haba ng hair mo!" Napalingon siya sa tili ni Melissa. 

"Huh?"

Pinamayngawan siya nito.

"Anong huh, huh? I'm your best friend tapos di mo sinabi sa akin na boyfriend muna pa la si Drake Mortel. Nakakatampo ka sa iba ko pa nalaman,"

"Naku! Naniwala ka naman joke lang iyon. For a show para tantanan na ako ng mga boys,"

Namilog ang dalawang pares ng mga mata ni Melissa.

"What are you serious? Joke lang yun?"

"Oo nga eh,"

"This is a big trouble. It's all over the internet. May pahayagan na ring nagpupublished tungkol doon. Gyps, alam mo ba ang kahihinatnan ng gulong pinasok mo? And among all the names na pwede mong gamitin bakit Kay Drake Mortel pa. Do you have an idea who he is?"

"Wala. Di ko nga siya kilala eh. Sino ba siya?" kibit balikat niya. 

"Drake Mortel is the most famous personality in the business world. Everyone are interested to him. Why? Because he is mysterious. And believe me wala pang nakakita sa mukha niya ".

"Hoy anong kilala sa business world? Di siya businessman engineer po siya," 

"Second course na niya ang engineering." 

Kinilabutan si Gypsy sa nalaman. The person name she is using ay hindi basta-basta. Pag nalaman nito ang pagpapanggap niya. Sigurado siyang may gagawin itong hindi maganda sa kanya. Lalo pat walang nakakilala sa mukha niya. Baka hindi niya namalayan nakasalubong niya na pala ito at patalikod siyang saksakin.

"Mel's, anong gagawin ko?"

"Bawiin mo yung kasinungalingan mo," 

Naisip ni Gypsy na tama si Melissa bago pa maging komplikado ang lahat kailangan niyang bawiin ang kanyang mga sinasabi.

"Mel's! Tawagan mo si Reporter Reyes. Magpapatawag tayo ng press conference," 

Agad namang tinawagan ni Melissa ang kaibigan nilang si Reporter Reyes.

Habang kausap ni Melissa si Reporter Reyes hindi naman mapalagay si Gypsy. 

"Gyps, its to late. Naunahan ka ng mommy mo,"

"Anong ibig mong sabihin? Diretsahin mo nga ako,"

"Nagpatawag ang mommy mo ng press conference kaninang umaga. Your mom confirm na you and Drake Mortel is in a relationship,"

“WHAT?”

Truly this is a big trouble and yet, she’s not ready to face the new adventure of her lovelife.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status