Share

Chapter 12

"Anong ginagawa mo dito!?" singhal niya kay Mac.

"Ikaw, ano ang ginagawa mo dito? bakit mo ako tinakbuhan?" paangil na tanong nito sa kanya.

"Teka, magkakilala kayo?" naguguluhang tanong ni lola Liz.

"Opo!" sagot niya.

"Hindi no!" tugon ni Mac.

"Ano ba talaga? ang gulo niyo!" sagot ni lola Liz sa kanila.

"Lola. naalala niyo po yung ikinukwento kong lalaki sa inyo?" tanong niya sa matanda.

"Yung tatay ng dinadala mo?" nakakunot ang noo ng matanda, saka nanlaki ang mga mata, "apo ko ang batang yan?" binalingan nito si Mac, "walanghiya ka Mckenzie! anong kalokohan ang ginagawa mo ha? hindi kita pinalaking ganyan!"

"Lola.. lola--- magpapaliwanag ako," habang sinasalag nito ang mga palo ni lola Liz.

"Napakawalang hiya mo talagang bata ka! anong kalokohan ang naisip mo at basta ka mambubuntis tapos ipapalaglag mo ha!?" tinamaan sa ilong si Mac bago napaupo, "anong ginagawa mo ha? bakit gusto mong ipalaglag ang anak niyo ha?"

"Lo--lola.. baka- baka hindi--aray!! araaay!!" piningot itong itin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status