How to Unlove You

How to Unlove You

last updateLast Updated : 2024-05-14
By:  Sapphire DyaceCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.8
12 ratings. 12 reviews
164Chapters
24.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Malamlam ang liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan niya, pero sigurado siyang umaga na. Halos wala pa siya sa sarili, at grogy pa siya ng nainom niyang alak kagabi. Ang lakas ng tama ng alcohol na iyon sa kanya. Pero masaya pa rin siya, at kasama niya ang pinakamamahal na boyfriend.

Nagcelebrate sila ng ikadalawang taong anibersaryo ng pagiging magkatipan, at nangako siya sa kanyang boyfriend na ibibigay na niya sa lalaki ang kanyang sarili. Inaayos niya ang kanyang kumot, ng maramdaman niya ang paghila ng lalaki sa kanyang beywang palapit dito. Napangiti siya. Ang nakaraang gabing nagdaan ay tila isang panaginip at dinala siya sa paraiso. Ilang ulit siyang inangkin ng lalaki.

Napapikit siya at napahawak sa braso nito na nakayakap lamang sa kanyang beywang. Nagsusumiksik ito sa kanyang batok.

"Saan ka pupunta, Tamara?" ang sexy ng boses nito kapag bagong gising.

"Dito lang ako sa tabi mo, Brent," nakangiting sagot niya. Saka unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Te--teka, sino si Tamara?'

"Sino si Brent?" tanong naman ng lalaki sa kanya.

Bigla niya itong nilingon, at gayun din ang ginawa ng lalaki sa kanya.

"Sino ka?" sabay nilang tanong sa isa't- isa, "bakit ka naririto?" saka sila sabay na tumayo at naghihilahan sa kumot.

"Manyaaak!!! manyaaak!!" binato niya ito ng unan.

"Ikaw, ang manyak! bakit ka naririto?" tanong ng lalaki sa kanya na inakala niyang si Brent.

"Ikaw ang ano ang ginagawa dito, unit ko to!" nanlalaki ang mata na sagot niya dito.

"Paanong unit mo ha? unit ko to. Room 409."

"Anong room 409? room 406 ito!" sagot niya. Hinigit niya ng malakas ang kumot kaya naagaw niya ito sa lalaki. Nahantad sa kanya ang katawan nito. Napatakip siya ng mata. Saka dahan dahang lumapit sa pinto, at ipinakita ang numero ,"oh, tingnan mo, room 406?"

Nakatapis na ng tuwalya ang lalaki paglapit sa kanya. Napailing ito ng makita ang itinuturo niya

" hoy miss, kung di ka ba naman bobo at kalahati, kita mo ng nalaglag lang, iisipin mo yun agad numero mo! Ang sabihin mo, p****k ka!"

"Hindi ako p****k, FYI lang! may maayos akong trabaho! ikaw, sino ka? bakit ka nakikialam ng babaeng hindi mo kakilala?"

"Baliw ka ba? narinig mo naman ang itinawag ko sayo kanina hindi ba? TAMARA, ibig sabihin, may iba akong taong iniexpect na darating, at hindi ikaw yun!" katwiran nito sa kanya.

"Waaaaaah.. paano na ko ngayon," napaupo na siya sa harapan ng pinto, "paano na ang kinabukasan ko. Paano na kami ni Brent?"

"Wag ka nga dyan! pumasok ka dito, baka mamaya kung ano pang isipin ng iba na ginawa ko sayo," hinatak siya ng lalaki papasok sa loob ng kwarto, saka nito isinara ang pinto.

Nakaupo lang siya sa kama, habang ang lalaki ay palakad lakad naman sa harapan niya na waring nag iisip. Hindi ito mapakali.

"Alam ko na, " itinaas pa nito ang isang kamay, ngunit ang towel nito ay nakalas at nalaglag sa sahig.

"Inang ku po," bigla niyang itinakip ang mga kamay sa kanyang mata, subalit ang isa niyang mata ay bahagya pang nakasilip dito.

"Magbihis na nga muna tayo," sabi ng lalaki sa kanya.

Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang mga damit, at ang salamin na natanggal ang isang pansabit sa tainga. Tumakbo siya sa banyo at nagmamadaling magbihis. Nagsipilyo din siya dahil nakita niya na may mga bagong toothbrush sa banyo. Ng makatapos na siya, lumabas na siya para makipag usap sa lalaki. Nakabihis na rin ito. Di hamak na mas gwapo ito ngayon kesa kanina na kulang na lang ay kainin siya.

"May ginawa akong cheque," iniabot nito iyon sa kanya, " kaya na niyang baguhin ang buhay mo, manahimik ka na lang."

Sinilip niya yun, dalawang daang libong piso. Iyon ba ay kabayaran sa kanyang puri na nawala at kinuha lang ng lalaking ito ng basta?

"Hindi ko matatanggap yan!" tanggi niya dito.

"Bakit? kulang pa ba yan? teka, dodoblehin ko," kinuha nito ang checque book. Subalit bago sulatan, nilingon pa siya nito, "magkano ba ang kailangan mo? isang milyon ba?"

"HINDI AKO BAYARANG BABAE!!" pinalipad niya ang kanyang palad sa pisngi ng lalaki, "kung sino ka mang sanay magbayad sa mga nakakasex mo, pwes hindi ako ganun, dahil--" tumunog ang kanyang cellphone. "Be--Brent, mahal ko--"

hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil inunahan na siya ng lalaki.

"Jillian! kagabi pa kita hinihintay, nasaan ka ba ha?" kulang na lang ay lumabas ito sa cellphone niya sa lakas ng boses nito.

"Ka--kasi.. a--ano eh--" nagkakandautal siya pagsagot dito.

"Baka naman totoo ang nabalitaan ko, na kung kaninong lalaki ka sumama? huh! pakunwari ka pang ayaw mo ng sex, pero ang totoo, malandi ka! malandi!"

"B---Brent, let me explain!" gusto niyang magpaliwanag dito at sabihing hindi niya alam at hindi niya kagustuhan ang kung ano man ang nangyari.

"Wag ka ng magpaliwanag Jillian, I'm breaking up with you!" sabay patay nito ng cellphone.

Natulala na lang siya sa narinig. Hindi niya alam kung paano mabuhay ng wala si Brent. Constant companion niya ito, lalo na sa mga panahong wala si Alicia, ang kanyang kaibigan. Teka, nasaan na nga ba si Alicia? Parang hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya. Kaagad niyang pinahid ang luha, saka sinubukang tawagan ang kaibigan. Hindi niya ito makontak. Ito kasi ang magpapatunay kay Brent na wala siyang kasalanan. Na hindi niya gusto ang mga nangyari. Nakailang dial na siya ng numero ng kaibigan, ngunit wala pa ring sumasagot na Alicia sa kanya.

Nilalambot na siya, wala na siyang maisip pang ibang paraan at ibang tao na makakatulong sa kanya.

"Ito, kuhanin mo na lang mamaya kung nahihiya kang kunin ngayon," inilapag ng lalaki ang cheque sa side table. "maliligo lng ako. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. May pagkain dyan sa mini ref. Wag kang mag alala, hindi ko sisingilin o ibabawas sa bayad ko sayo ang kung ano mang kakainin mo." saka na siya iniwan nito at pumasok na sa banyo.

Kinuha niya ang cheque, ito ang salaping nagkakahalaga ng isang milyon! "Hindi ko pinababayaran ang dangal ko!" saka niya ito pinunit at pinera piraso sa maliliit na bahagi. Ikinalat niya ito sa sahig. "Napakayabang masyado!" Nilisan na niya ang lugar na iyon na isang talunang babae.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mairisian
Recommended
2024-06-22 06:56:42
2
user avatar
LichtAyuzawa
highly recommended
2024-05-27 08:22:30
2
user avatar
Bratinela17
Highly recommended ...
2024-05-20 15:00:52
2
user avatar
SEENMORE
Congrats, miss A for a wonderful story ...️ More update please!!!
2024-04-29 09:36:09
2
user avatar
Astraia Spring
Hello, my dear rising star! Hahaha, it's nice to be at your home. Can I cum in? ✯✯✯✯✯✯ Ohhhhh, aahhhyaann na subra pa sa five star Hotel HAHAHA. NICE STORY DEAR!
2024-04-23 20:42:25
7
user avatar
Anne_belle
......... ang galing
2024-04-18 23:13:53
1
user avatar
SKYGOODNOVEL
ang galing naman ang story mo, mapa sana all na lang ako. palambing naman, follow nyo rin ako. Thank you...
2024-04-14 12:37:59
1
user avatar
Anne
hi beh.... support....
2024-04-03 17:40:45
1
user avatar
Ciejill
Highly Recommendeeeedddd storyyyy!
2024-03-31 11:21:43
1
user avatar
Love Reinn
go miiii <333
2024-03-10 18:01:43
1
user avatar
SEENMORE
Go, bebs! Support!!!
2024-03-04 10:35:34
2
default avatar
Princes Rheanna Dulce
Ganda ng story
2024-05-23 03:11:43
0
164 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status