Louise Francoise, 18
Half Human, Half Dove
Special Abilities:
•kaya niyang sumanib sa ibang tao para kontrolin ito
•ang peacemaker, ang kaniyang balahibo ay parang injection na kapag tinamaan ka o naturukan ka ay kakalma ka it means manlalata ka
•ang kaniyang pakpak ay humihiwalay sa kaniya para maging bumerang
Si Louise ay hanggang beywang ang itim na buhok na medyo wavy, tapos may side bangs siya na nasa bandang kaliwa, maputi, hindi katangkaran, ang suot niyang damit ay laging pang detective with matching cap pa, tahimik kasi shy type, deep inside makulit at palatawa, isip bata rin, mahilig maglaro ng chinese garter kaya kapag niyaya ka niya ay talagang mapapasabak ka kasi tuturukan ka niya ng pampakalma gamit ang kaniyang balahibo. Introvert person kaya gusto niyang harapin ang mga problema niya na hindi niya malagpasan at makalimutan. Gusto niya kasing mapagtagumpayan ito.
Sa ating mundo ay mayroong dalawang uri ng tao na naninirahan dito. Una, ang mga taong mortal. Sila 'yung mga taong normal lang ang pamumuhay. Wala silang pakialam sa paligid dahil mga makasarili sila at hindi nila iniisip 'yung iba. Pero hindi naman lahat ng taong mortal ay gano'n.Pangalawa, ang mga taong humanimals. Sila 'yung mga taong half human at half animal. Sila 'yung may angking kakayahan o abilidad para maprotektahan ang mundo. Noon ay hindi nagtatagpo ang mga tao at mga humanimal, tila ba may kaniya-kaniya silang dimension ng pamumuhay. Basta ang alam lang nila ay masaya sila sa buhay na mayroon sila.Ang mga taong mortal ay may tatlong klase ng pamumuhay, mayaman, middle class at mahirap.Ang mga mayayaman ay tila sila ang batas. Maraming mayayaman ang namamahala sa kanilang lugar. Karamihan sa kanila ay mayaman na at mas lalong nagpapayaman pa. May kapangyarihan silang kontrolin ang lugar na iyon pati na ang mga tao sa pamamagitan ng pera. Ma
Czarina BanksPara namang akong may nakahahawang sakit nito kasi walang may gustong lumapit sa akin para makipagkaibigan man lang. Hindi naman ako mukhang masamang tao, a? E bakit gano’n na lang ang mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko? Hay, buhay.Lagi na lang akong walang kasama tuwing lunch break. Nagmumukha tuloy akong loner sa kalagayan kong ito. Sadyang kaawa-awa pero imbis na kaawaan ako ay kabaligtaran naman iyon sa iniisip nila kasi takot silang lahat sa akin marahil sa aura ko. Sa unang tingin ko pa lang, nasisindak na sila.Fierce as a tiger, iyan ang tag-uri nila sa akin. Para daw akong tigre na mangangain kaya marapat lang na iwasan.Ang hirap ng sitwasiyon ko ngayon, hindi ako sanay sa mundong mapanghusga. Isa akong middle class kaya may karapatan pa rin akong ipahayag ang sarili kong nararamdaman hindi gaya ng mga mahihirap na tinatanggalan nila ng karapatan at para bang basahan na tinatapak-tapakan lang.Ang tatay ko n
Maricon Go"O, Maricon, mukhang kubang-kuba ka na niyan sa pag-aaral, a? Baka ma-perfect mo na ‘yung exam niyan mamaya,” wika ng kaibigan ni Maricon na si Jean na prenting-prenti lang na parang walang pinoproblema sa buhay."Hay naku Jean, iyan ka na naman, e! Ayaw mo kasing mag-review kaya tuloy kapag exam nganga ka at aligagang-aliga ka sa pangangalap ng sagot," saad ng dalaga habang pinipigil ang pagtawa.Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at after noon ay exam na nila sa Physics. Mag-best friend ang dalawang iyan simula noong first year high school at hanggang ngayon fourth year ay sila pa rin ang magkasama."E ang hirap kayang kabisaduhin ng mga formula. Feeling ko ay matutuyuan ako ng utak kapag nakikita ko palang ‘yung libro natin diyan, e," anito habang nagre-retouch."Alam mo Jean my bff, matalino ka at magaling ka naman kaso ayaw mong magsipag sa pag-aaral. Hindi ka ba nahihiya kapag nangongopya ka o nangongodigo
Louise Francoise"Ang weird mo! Matanda ka na pero ganiyan ka pa rin, hindi ka na nagbago! Isip bata ka kahit kailan! Grow up, Louise!" singhal ng kaniyang madrasta."Sorry po, nag-e-enjoy po kasi ako kapag ganito ‘yung mga ginagawa ko, e. Heto po ‘yung nagpapaligaya sa akin kaya sana po ay tanggapin n’yo kung ano ang gusto kong gawin," nakayukong turan ni Louise rito."Nagdrama ka pa riyan! Hubarin mo na nga iyang suot mong pang-detective na damit! Kung anu-ano kasi ang pinapanood sa TV e," sigaw nito sa kaniya."Huwag naman po kayong KJ, pagbigyan n’yo naman po ako kahit ngayon lang. Alam n’yo naman pong idol ko ang mga detective, e. Saka pinabili ko pa po ‘yung damit na ito kay Papa…" pahayag ni Louise habang may mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.Dahil nasa middle class si Louise, nagagawa niya ang gusto niya at naibibigay naman ng kaniyang ama ang gusto niya. Pero kahit na gano’n, hi
Audrin Paz"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon.---"Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.
Enzo Heil"ANG GUWAPO KO! HAHAHA!" sigaw ni Enzo habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Napagkakamalan tuloy siyang baliw ng mga taong kasabay niyang tumatawid sa pedestrian lane."Mama, tingnan mo ‘yun, o! Si Kuyang matangkad, guwapo raw siya…" wika ng batang babae na paslit sa kaniyang ina habang nakaturo kay Enzo."Naku anak, baliw iyan! Tingnan mo nga ‘yung suot, o, ang dusing! Para siyang taong grasa. Kaya huwag kang lalapit diyan kasi kukuhanin ka niya saka ka itatapon sa ilog gusto mo ba iyon?" ani ng matandang babae sa kaniyang anak."Naku Ma, tara bilisan na natin ‘yung paglalakad at natatakot na ako sa kaniya, e," sambit ng batang babae. Dulot ng sobrang takot ay nagtatago siya sa likuran ng kaniyang ina."Miss, ang guwapo ko, ‘no? HAHAHA! Puwede na ba akong maging modelo?" saad ni Enzo sa maputing dalaga na nakasalubong niya pagkatawid sa pedestrian lane. Umaakto pa siya ng pose na tila isang modelo.
Lilly Hunter"Dinaig ko pa si Sleeping Beauty! Kung siya ay natutulog, ako naman ay nagpapatulog gamit ang aking mahiwagang halik kaya tuloy hindi ako magkaroon ng lovelife, e. Ayaw ko nang ganito! Gusto kong mabuhay nang normal!" sigaw ni Lilly sa rooftop ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan.---Nagsimula ang lahat noong mayroon siyang tinulungang matandang babae noong anim na taon pa lang siya.Inutusan siya noon ng kaniyang ina na dalhin ang nilutong pagkain nito sa kaniyang lola na nasa kabilang ibayo pa. Kailangan niyang bagtasin ang kagubatan bago siya makarating sa lugar ng lola niya.Habang tinatahak niya ang loob ng kagubatan ay mayroon siyang natagpuang matandang babae na nakahandusay sa daan kaya naman dali-dali niya itong tinulungan."Lola, ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya rito nang magkaroon ito ng malay."Pasensiya ka na, ineng, isang linggo na kasi akong hindi kumakain, e, kaya heto n
Tavitta Chan"Ang tanga-tanga mo kahit kailan, Chuchay! ‘Di ba sinabi ko na sa iyong flauccinocinnihilifilification ang sagot e bakit supercalifragilisticexpialidocious pa ang sinagot mo? Hay, ang tanga mo talaga! Utak biya! Sana hindi na lang kita naging kapartner! Ayan tuloy, loser tayo! Hay! Pinag-iinit mo ang ulo't dugo ko!” singhal ni Tavitta.“Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo, e! Makaalis na nga lang sa lugar na ito!" anas pa niya sa kaniyang kaklase na si Chuchay. Tila yamot na yamot ang dalaga kaya minabuti niyang lumayo muna.Katatapos lang ng kanilang quiz bee. Hindi matanggap ni Tavitta na natalo siya kaya masyado niya itong dinibdib at sinisisi si Chuchay sa nangyari.Si Tavitta ay kabilang sa mahirap na lipunan ngunit siya’y masyadong mapagmataas. Gusto niya ay siya ang laging nasusunod at higit sa lahat, ayaw niyang pinangungunahan siya ng ibang tao.Dali-daling nagtatakbo ang dalaga sa may hardin da