Share

Kabanata 5

Author: Luzzy0317
last update Last Updated: 2024-10-01 09:19:41

"W-Waah! Sigaw ni Veronica mula sa mahaba niyang pagkakatulog at panaginip. Idinilat niya ang kanyang mga mata para makita ang lahat. Nalaman niyang nasa ospital siya at lahat ng nangyari mula umaga at hanggang gabi ay naganap ng isang araw lamang. At ang pag-a-akalang nasa kanyang harapan ang boss na si Erwan ay naglaho na parang bula.

At ang matandang ginang na nasa kabilang kama ay nakangiting nagtanong sa kanya. "Nanaginip ka ba hija? Napansin ko kasing na habang natutulog ka panay hila ng kamay mo sa bedsheet. Ano bang napanaginipan mo?"

Noong bata pa lamang si Veronica narinig niya na kapag pinag uusapan ang isang panaginip malabo itong mangyari sa kasalukuyan. Ngayong nagtatanong ang ginang agad niya itong sinagot nang kaswal. "Ang aking, Boss."

Tumindig ang ginang, tumango tango at napabuntong hininga ng malalim, "Hmmm! Nakakatakot siguro ang boss mo."

Sakabilang banda ng kanilang katahimikan bigla na lamang bumukas ang pintuan sa loob ng ward at nakita nila ang anino na tila matangkad na tao.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Veronica para sana magtungo sa comfort room. Nang isusuot na sana niya ang kanyang slippers, nakita niya ang paparating at muntik na siyang madulas sa sahig.

Nakatayo si Erwan na may dalang thermos na hawak ng isa niyang kamay. At ang isa naman ay isang itim na leather jacket. Nakauot siya ng white shirt na bukas ang collar nito at tinernuhan pa niya ng itim na trousers na bumagay sa kanyang mahabang biyas. Napakaelegante ng suot niya maging ang kanyang pagtindig.

Nakaramdam ng kaunting guilty si Veronica ng mga sandaling iyon. Wala siyang magawa kundi hawakan ang bedsheet ng mahigpit gamit ang kanyang mga daliri sa kabilang kama.

Ngunit mabilis na gumalaw si Erwan at nagtungo sa katabi niyang kama. Yumuko siya sa ginang tanda ng pag galang rito. "Abuela."

Nagulat at nasurpresa si Veronica ng makitang yumakap si Erwan sa ginang. Si Mr. Erwan na makapangyarihan sa kumpanya, ngayon isa siyang masunuring apo sa harapan ng ginang. "Oh! No! Siya ba ang apo ng ginang?"

Sa muling pagkakagulat ni Veronica, binuksan ni Mr. Erwan ang thermos at nagsalin ng tubig sa dala dala nito soup para pakainin ang matandang ginang. Hindi pa rin makapaniwala si Veronica sa kanyang nakikita ngunit hindi niya maiwasang mapatingin sa kabaitan ng kanyang boss na hindi siya makapaniwala na may mabuti itong puso taliwas sa ipinapakita nitong malamig na pakikitungo sa lahat.

Maka ilang ulit na tinaas ng ginang ang kanyang kamay. "Nakakain na ako ng mansanas, hindi ko na kayang ubusin pa ito."

Napalingon si Veronica at nagtama ang mga mata nila ni Erwan. "Hija, hindi ka pa ba kumakain? Hindi ko inasahang magdadala ang apo ko ng pork ribs soup. Gusto mo bang tikman?" tanong ng matandang ginang.

Nakatingi lang si Erwan sa kanya at sa mga susunod pang mangyayari. Mabilis na tumanggi si Veronica. " Hindi na po, hindi naman po ako nagugutom." magalang na sagot niya.

Ang matandang ginang ay nagligalig. "Hindi naman ako kumagat kahit na isang kagat rito, hindi mo naman siguro ako ipapahiya."

"Paano nga ba?" usal niya.

"Sa tingin ko nahihiya lamang siya." Mabilis na nagbago ang mukha ng ginang at tinulak ang kanyang apo. "Bilis, puntahan mo ang nakaka awang babae. Kanina pa siya nandito, at wala man lang akong nakitang bumisita sa kanya kahit na isang kamag-anak. Siya nga pala kanina narinig ko na nanaginip siya at halatang takot na takot. Ang sabi niya napanaginipan niya ang boss niya. Sa tingin ko masama ang ugali ng kanyang boss.." dagdag pa ng ginang.

Sinubukang pigilan ni Veronica ang pagkukwento ng matanda kaso hindi na niya ito napigilan at nasabi na ang lahat lahat.

Tumaas ang kilay ni Erwan at tumingin kay Veronica. "Really? What did you do wrong, that makes you so afraid of your boss?"

Natahimik si Veronica at walang naapuhap na sagot. Sa palagay niya hindi siya makakapag paliwanag kahit na marami pang beses. Habang nakatingin pa rin si Erwan sa kanya at gustong makita ang reaksyon ng kanyang mukha.

"P-Pupunta lang ako ng comfort room. Mag-usap lang kayong dalawa." aniya. Ayon lang ang tanging paraan niya na magtago muna sa comfort room para maiwasan ang iba pang itatanong nito.

Mabilis na pinalo ng matanda ang likod ni Erwan

"Tingnan mo ang ginawa mo, natakot tuloy ang babae." sermon niya sa kanyang apo.

Ngumiti na lamang si Erwan. "Mukha ba akong nakakatakot, abuela?" tanong niya rito.

Alam naman niyang strict siya sa trabaho pero, dahilan na ba 'yon para matakot si Veronica sa kanya.

"Hmmm." Napasinghap ang matanda at tumingin sa kanyang apo. "Hindi naman siya mukhang takot. Pero, palagi siyang tahimik at mag-isa. Sa palagay ko mabait siyang bata, at alam niya kung hanggang saan lang siya pwedeng magsalita. Gustong gusto ko siya at bagay kayo hijo." pagtatapos ng sinambit ng kanyang abuela..

"Tama na." Pagpapatigil ni Erwan sa panunukso ng kanyang abuela at sumasakit na rin ang kanyang ulo. "Meron na siyang boyfriend abuela, kaya hindi magandang pag-usapan ang mga ganyang bagay." saway niya rito.

Hindi makapaniwala ang ginang sa sinabi ng kanyang apo. " Weh? May boyfriend siya? Paano mo namang nalaman??"

"Dahil isa siya sa empleyado ko.." tipid na sagot niya at sana lang tumigil na ito kakapanukso sa kanya.

"Ah.."

--

Nang lumabas ng comfort room si Veronica, si Erwan na lang ang nakita niyang mag-isa sa loob ng ward. Pagbalik niya nakatingin lamang ito sa kanya. Hawak niya ang IV bottle na nakatusok ang karayom sa kanyang kamay. Sinubukan niyang itaas ito kaso hindi niya maabot kahit tumingkayad pa siya. Napansin ni Erwan na nahihirapan na ito kaya tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. "Akin na nga yan, ako na ang magsasabit." wika nito. Kasabay nang pagkuha nito sa kamay niya at langhap na langhap niya ngayon ang mabangong amoy nito na nunuot sa kanyang ilong.

"Salamat, Mr. Campbell." wika niya. Yumuko siya para hindi magtama ang kanilang mga paningin.

Pagkatapos naupo siya sa kama habang bitbit naman ni Erwan ang isang lalagyanan na may lamang soup sa loob at nilagay sa ibabaw ng table malapit sa kanyang kama. "Para sayo." wika nito.

Nagulat si Veronica sa ginawa nito sa kanya at bigla na lamang namula ang kanyang pisngi.

Natutuwang malaman ni Erwan na ang babae ay palaging nahihiya sa kanya kapag siya ay nasa malapit. Kakaiba siya sa mga kababaihang nagkakadarapa sa kanya. Lalo na kapag nahihiya ito nakikita ang pamumula ng mga pisngi nito. Para hindi siya pag isipan nito sinabi na lang niya. "Ipinabibigay ni abuela." aniya.

"Okay, magpapasalamat na lang ako ng personal sa lola mo mamaya." tipid nyang sagot.

Tumindig ng tayo si Erwan sa kanyang harapan. "Alam mo ba may gusto akong itanong sayo."

"Itatanong?"

Lumiit ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang bracelet na may perlas na hawak ni Erwan.

Tila sinusuri ni Erwan ang kanyang reaksyon. "Nakita mo ba ito?"

Nagbalik sa reyalidad si Veronica. "H-Hindi ko pa yan nakikita." sagot niya na kinakabahan.

Mababakas sa mukha ni Erwan ang pagkadismaya sa isinagot nito. "Sigurado ka bang hindi mo pa ito nakita?" ulit na tanong nito sa kanya.

"Oo." Halatang nenerbyos si Veronica at pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. "H-Hindi ko pa talaga nakita yan." ulit niya.

"Okay." sagot ni Erwan sabay tago nito.

Kinabahan si Veronica at panay kabog ng puso niya. Hindi siya makapaniwalang sa dami ng kanyang maiiwan ay mahalagang bagay pa.

Noong bata pa lamang siya at sakitin. Umakyat pa ng bundok ang kanyang ate para lang hingiin ito sa itaas ng temple. Sa tagal na panahon niya itong itinago sa loob ng kanyang manggas. Pwera na lang sa mga taong nakakakilala sa kanya at wala ng nakakaalam pang iba na meron siyang ganyan.

Wala siyang ibang kaibigan sa kumpanya at madalas pa siyang mag-isa, kaya wala naman siyang dapat ipangamba na malaman ng kanyang boss na siya ang may-ari. Ang ikinakatakot niya paano niya makukuha ulit ang bracelet na 'yon.

Kinahapunan, naka ilang text messages si Amalia para magtanong kung ano na nga ba ang kanyang ginagawa. Sumagot naman ng mabuti si Vernica sa dami ng messages nitong hindi nareply-an at humingi na rin ng pasensya.

Hindi naman sila masyadong close ni Amalia na dalawa kaya pagkatapos nilang mag sagutan ng dalawa o tatlong beses itinigil na rin niya ang pakikipag chat rito. Ngunit nagreply pa naman ito at nagtanong. "Nar'yan pa ba sa ospital ang boss natin?"

Bilang isang assistant team ng kanyang boss, hindi niya sigurado kung sasagutin pa niya ang tanong nito. "Baka nandyan na."

Ilang sandali lang naririnig na niyang nagriring ang kanyang cellphone at tumatawag na si Amalia..
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sarah Jane Malco
ang gulo nga bakit nasa hospital ulit???
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Ang gulo db inuwi n cia ng ate nia at umalis n din cia s bhay ng ate nia at nndun s school dormitory why nsa hospital ulit cia omg mgulo k author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 524

    Nasa Campbell building siya ng magkaroong ng meeting para sa Team Building. May bagong intern siyang ina assist ngayon. Sina Miranda at Veronica kaya naman kausap niya ang isa sa mga ito kanina. Maayos naman ang naging interview niya sa dalawa nakapasa naman si Veronica habang si Miranda ay hindi. K

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 523

    Ten years ago.. Nang makipagsalaparan si Romeo sa Manila. Matapos niyang umalis sa bahay nila Hayah. Ang pamilya nito ang umampon sa kanya ng maulila na siya ng mga magulang. Sa bahay ampunan na siya kinuha nito dahil walang anak ang mag-asawang Mr. and Mrs. Guerero. Hindi pa kasi nadating si Haya

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 522

    Lumabas ng opisina si Erwan at nagdiretso sa loob ng board room. Marami rami ng tao ang naroon. At tila naghihintay sa pagdating niya kaso lang natigilan ang lahat ng pumasok naman ang Uncle Thomas nito. He's making a trouble na naman. "I guess we need to finish it. " mariing wika ni Erwan at aya

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 521

    Ten years ago.. Sa Villa ng mga Campbell. Magwawalong taon na ang bunso nilang anak na si Vince Erwan. Pinanganak ito ni Veronica matapos ang kanilang kasal. Malaki laki na rin si Vienna na dating baby pa lang. Nag-aaral na ito bilang junior high school. Maayos ang kanilang buhay at walang gumugul

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 520

    Matapos nilang malaman na buntis ulit si Veronica pinaspasan na nga ni Erwan ang kanilang kasal at malalagot na naman kasi siya kay Ate Sandara nito. Nasa simbahan na ang lahat ng araw na iyon habang si Veronica naman ay walang kamalay malay sa lahat ng mangyayari. May pumuntang tao at sinabi na

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 519

    Nagising na lamang siya na nasa ospital na. "Ang OA talaga ng mapapangasawa ko kahit kailan." usal niya. "Erwa, anong ginagawa ba natin dito?" tanong niya kahit medyo nakakaramdam pa rin ng kaunting hilo. "Bigla ka na lang kasing nahimatay kaya dinala kita agad dito. Kumusta naman na ang pakiram

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status