Share

Kabanata 6

Author: Luzzy0317
last update Last Updated: 2024-10-01 12:09:19

"Hello.! Veronica, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" bungad na tanong ni Amalia ng makausap siya at mababakas sa boses nito ang pag-a-alala.

Tumango tango lang si Veronica. "Oo, mas maayos na ako ngayon."

"Meron ka pa bang lagnat? May lunch ka ba? Nagugutom ka na ba? Paano kung mag order na lang ako ng pagkain o ano bang gusto mong kainin para ipadala ko sayo." sunod sunod na tanong ni Amalia.

Nakita naman niya ang ipinapakitang pag-a-alala nito sa kanya kahit na hindi sila magkamag anak na dalawa. At ang pagpapakita nito ng labis na pag-a-alala ay ikinatuwa niya. Na napakabait nito sa kanya at ayaw niyang maging ungrateful. Sinagot niya ang mga tanong nito ng isa-isa. "Wala na akong lagnat. Nakakain na rin ako at hindi ako nagugutom. Salamat sa pag-a-alala, Amalia sobrang natatouch ako." aniya.

"Oh." Natahimik sandali si Amalia. Maya maya lang muli itong umimik. "Kasama mo pa ba si boss?"

"Umalis na siya."

"Oh! Bumalik si boss dyan para makita ka." tanong nito.

"Hindi." Wala ng ibang sinabi pa si Veronica rito. Hindi niya rin ipinaalam na nandito ang lola ng kanilang boss at kung ano man ang masabi niya at makaka apekto sa kanyang trabaho.

Nag-iisip si Amalia sandali at natahimik ulit. "Bakit bumalik si boss sa ospital?" usisa nito.

"Sa tingin ko naman baka may binisita na kaibigan lang." sagot niya.

"May binisita si boss na kaibigan niya sa ospital?" tanong ulit nito.

"Hindi ko alam kung ano pa ang ibang detalye." sagot niya.

"Oh." Hindi naman na nagtanong pa ito sa kanya at mukhang naniwala naman na sa mga sinabi niya. "Siya nga pala libre ako mamayang gabi, anong gusto mong kainin at dadalhin ko dyan." tanong nito.

"Hindi na, hindi naman na ako magtatagal pa rito." sagot niya at ayaw na niyang maka abala pa, kaya tumanggi siya.

"Oh, okay. Magpagaling ka na lang muna dyan. Hwag mo ng alalahanin ang trabaho mo. Tutulungan na lang kita rito." sagot pa nito.

"Salamat." sagot naman niya.

"Walang anuman, magkatrabaho tayo. Hindi na kita aabalahin pa ng makapag pahinga ka na." huling wika nito.

"Okay.."

Pagkatapos maibaba ang tawag ni Amalia. Nakaupo siya habang nag-iiisip. Hindi niya namalayang lumapit si Jenna sa kanya at nagtanong. "Kailan ka pa naging close sa bagong intern? At kailangan mo pa siyang dalhan ng pagkain?" usisa nito.

Tinaas ni Amalia ang kamay. "Naawa lang naman ako sa kanya." sagot nito.

"Ano namang nakaka awa sa kanya?" hindi sang-ayon ni Jenna sa sinabi ng kanyang kaibigan. Marami na akong nakitang ganyang tao sa trabaho na ginagamit ang kanyang pagkabata at kahinaan para kaawaan ng lahat, para tulungan sa mga gawain sa trabaho. Nakakatawa kayong lahat alam niyo ba 'yon.."

Ngumiti na lamang si Amalia at hindi na sumagot para hindi na rin humaba ang diskusyon nila ng kanyang kaibigan. Nag-iisip pa rin kasi siya kung pupunta siya ng ospital mamayang gabi.

---

Mag a-alas singko na ng maubos ang laman ng dextrose ni Veronica. Gusto na niyang umuwi sa dormitoryo kung saan siya ngayon nakatira. Pero,. hindi naman niya gustong iwan ang lola ng kanyang boss na mag-isa rito. At hihintayin na lamang niya na bumalik ang kanyang boss mamaya bago siya umalis.

Maya maya lang bumukas ang pintuan ng ward at bumulaga sa kanyang harapan ang kanyang ate na may dalang lunch box.

Tumayo si Veronica at bumati sa kanyang ate at nagtanong na rin. "Bakit ka nandito?"

Itinabi ng kanyang ate ang dalang payong sa may gilid. Ngumiti ito sa kanya at sumagot. "Nagdala ako ng hapunan. Gutom ka na ba?"

Nang buksan niya ito nakita niya ang mga pagkain niyang paborito kaya naman natakaman siyang tikman ito.

"Ako na ate, kaya ko na ang sarili ko." sagot niya.

Ang bahay nila mula sa ospital ay malayo. kung magbabalik balik ang ate niya rito. At ang isa pa sa pangamba niya baka magalit na naman ang kanyang kuya sa kanya. At pagmulang pa ng away na naman ng mga ito. Naiintindihan naman ng kanyang ate ang kanyang pangamba. "Gagabihin ang kuya mo at may appointment pa siya. Ayoko namang maiwang mag-isa sa bahay habang naghihintay." sagot naman nito. Medyo malakas rin kasonang ula kaya nag alala siya para sa kanyang ate. "Ayaw mo bang nandito ako sa ospital, para maalagaan ka?" tanong nito.

Tumango tango na lamang si Veronica at kumuha ng dalawang tissue paper para punasan ang nabasang balikat ng kanyang ate.

"Tama yan." singit ng lola ni Erwan na malapit nang maiyak sa nakikitang tagpo sa kanilang dalawang mag-ate. Pinunasan nito ang luha niya gamit ang mga palad nito. "Alam mo bang may kapatid rin ako, kaso maaga siyang nawala. At kung sana nabubuhay pa ang kapatid ko, paniguradong nandito rin siya para bisitahin ako." maluha luhang sagot nito.

Ang mag-ate ay nalungkot pagkatapos nilang marinig ang kwento ng ginang.

"Hwag na po kayong malungkot lola, sa palagay ko kung makikita ka ng kapatid mo na malungkot sa langit mas malulungkot siya." pagpapalubag ng loob ni Veronica rito.

"Tama ka." sagot ng lola ni Erwan na ngumiti ng napilitan lang. "Pasensya na kayo, matanda na kasi ako."

"Okay lang po 'yon." sagot naman ni Sandara. At kahit matanda na po tayo, kailangan pa ring nating pahalagahan ang mga tao sa buhay natin buhay man o patay na sila. Ang mahalaga ay pangalagaan natin ang mga buhay na nakakasama pa natin.

Tumango tango ang lola ni Erwan. "Tama ka."sagot niya.

Nilabas ni Sandara ang iba pa niyang dalang pagkain sa hapunan. "Lola, hindi ka pa ba nakain? Gusto ko bang tikman ang niluto ko?" magalang na tanong ng kanyang ate Sandara.

Ngumit ang lola ni Erwan. "Okay, nagugutom na nga rin ako." sagot niya.

Ang tatlo ay masaya ng kumain sa hapag kainan.

---

At Campbell's building

Pagkatapos nang trabaho ni Amalia at ang huling kanyang tinitipa ay sinave na niya ang mga form baka mawala pa ito. Nang tumingala siya nakita niya si Erwan na naglalakad palabas ng office nito na parang wala sa sarili.

Nagmamadaling pinatay ni Amalia ang computer at hinabol ito.

Malakas na ang buhos ng ulan sa labas ng maabutan niya si Erwan na nakatayo habang nakasandal sa pintuan at hinihintay ang sasakyan nito.

Naglakad siya palapit rito at nagtanong. "Mr. Campbell, pauwi na po ba kayo. Tapos na ang trabaho niyo?"

Lumingo si Erwan nang may pagtataka. "Yeah." tipid niyang sagot.

Hinawi ni Amalia ang tumatabing na kurtina sabay sambit. "Oh, no. Napasobra ako sa tranaho, nakalimutan kong dalhan ng pagkain si Veronica sa oapital." aniya.

Nang marinig ito ni Erwan napalingon ulit siya kay Amalia. "Anong sinabi mo?"

"Nangako kasi ako kay Veronica na dadalhan ko siya ng hapunan, kaso masyado akong busy kanina kaya nakalimutan ko." sagot niya.

Sobrang lakas ng patak ng ulan at mahirap nang makasakay ng taxi sa mga oras na 'yon.

Nagtanong si Erwan. "Pupunta ka pa ba ng ospital?"

"Opo." tipid na sagot ni Amalia.

At sa pagkakataong 'yon dumating na ang sasakyan ni Erwan dala ng kanyang driver.

"Pumasok ka na sa loob, pupunta rin naman ako doon." wika ni Erwan.

Walang pag aalinlangang pumasok sa loob ng sasakyan si Amalia.

---

Pagpasok nila sa loob. Naabutan nila na nahihimbing na natutulog si Veronica katabi ng lola ni Erwan.

Bukas pa ang telivision at ang ingay nito ay sumasabay sa lagaslas ng tubig ng ulan mula sa labas.

"Veronica." wika ni Amalia. At napansin niyang kinakawaya siya ng kanyang boss. Hindi na kasi ito pumasok pa sa loob at sinara na lamang ang pintuan sa ward.

Lumabas si Amalia ng ward na may halong pagtataka. "Mr. Campbell."

"Nahihimbing na siya sa pagtulog, hwag mo na lang siya munang gisingin."

Nagulat si Amalia sa sinabi ng kanyang boss. Sa isang araw lang nagkaroon ng pag aalaga ito lay Veronica. Nalaman na kaya nito ang sekreto niya. Samakatuwid parang may mali sa nangyayari.

Kung alam na nga ni Mr. Campbell ibig sabihin dapat na humingi ng sorry si Veronica sa kanyang nagawa. Pero, kung alam na nga niya bakit pa niya ako ihahatid sa ospital.

Sa tingin ko dapat ko pang alamin ang lahat.

Kinuha ni Erwan ang dala niyang box na may lamang pagkain. "Pwede ka nang umiwi at ako na lang ang mag-aabot nito kay Veronica." wika nito.

Walang nagawa si Amalia kundi tumago. "Salamat sa lahat." sagot niya..
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Luzzy0317
yes mayaman po kaso iyong Lola kasi ang may ayaw.
goodnovel comment avatar
Sarah Jane Malco
ang gulo naman
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
bakit baka ward lang c lola eh di ba mayaman sila.bkit hindi private room..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 550

    Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala siya ng altar. Kung saan nakangiting naghihintay ang kanyang mapapangasawa. Nag bless lang siya sa parents niya at sa foster parents ni Romeo at maging si Romeo ay nag bigay galang sa magulang ni Miranda na mamaya magiging magulang na rin niya at sa tumay

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 549

    Heto na ang pinakahinihintay ng lahat ang kasalang Romeo at Miranda. Abala ang lahat sa Clifford Villa kung saan gaganapin ang reception at kasal. Masayang masaya si Miranda habang nakaharap sa salamin. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na mangyayari ito sa kanya. Lalong lalo na ang maka

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 548

    Matapos ang masayang engagement party ng dalawa. Kasal naman ang kanilang pinagkaka abalahan. Mas abala nga lang si Miranda lalo na't mas pinili niyang ipatahi ang kanyang traje de boda sa sikat na fashion designer na si Mr. Miko Syete. Lahat ng mayayamang artista, at kilalang tao sa lipunan ay dito

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 547

    Naging mabilis ang araw at oras sa engage couple at ngayon na ang araw nang kanilang engagement party na itinakda bago ang kanilang nalalapit na kasal. Ginanap ang engagement party sa malawak na bakuran ng Villa ng mga Clifford. It was a solemly event. Mga kilalang tao sa pamilya Clifford ang inv

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 546

    Naging maingay ang buong department ng malaman ng lahat ang tungkol sa pagpapakasal nila Miranda at Romeo. Lalo sa president department, nandon na kasi si Miranda at masaya niyang ibinalita kay Veronica lang sana kaso narinig ng iba pa kaya kumalat na rin. Wala na ngang nagawa si Miranda kundi ngumi

  • I Accidentally Sleep With My Boss   Kabanata 545

    Mag gagabi na ng umuwi si Romeo mula sa bahay nila Miranda at masaya siya sa nangyari. Hindi niya lubos akalain na kayang tanggapin ng pamilya Clifford ang kanilang pagmamahalan. Hindi talaga totoo na kapag nasa itaas o tugatog ay hindi na kayang magmahal ng isang mababa na kagaya niya. Aaminin niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status