Mischell's POV
"Bakit nag apply ka pa ng trabaho Mitch, hindi mo naman sinasabi na nagkukulang ka pala sa budget alam mo namang hindi kita papayagan 'diba?" saad ni tito sa akin, nagpaalam na kasi ako sa kanila na magtatrabaho ako at kagaya ng inaasahan ko hindi nga ako nito papayagan.
"Pinayagan ka na nga namin na mag apply ng scholarship sa university mo Mitch kasi ayaw mo na kami ang magpaaral sa'yo kaya bakit ka pa magtatrabaho?" saad naman ni tita, as if naman na seryoso ito halatang ka plastikan lang pinagsasabi niya.
"Nahihiya na po kasi ako e, gusto ko lang pong makatulong sa gastusin sa mga gamot ni mama," nahihiyang sabi ko.
"Mitch hindi naman kita sinisingil, pamilya ko kayo ni ate kaya bakit ka nag-iisip ng ganyan ang pamilya dapat nag tutulungan."
"Oo nga po naiintindihan ko po kayo tito, kaya nga po gusto kong makatulong dahil pamilya tayo kaya payagan niyo na po ak
Mischell's POVIlang saglit na ang lumipas pero hindi pa rin bumalik si Atom sa silid namin nahiya siguro ng subra 'yon tinulungan na nga ayaw pa.Nakabalik na rin sa silid ang ilang kaklase namin dahil may sunod na kaming subject baka mag cut pa ng class ang mukong na iyon sa kahihiyan.Nagpasya na akong hanapin ito at kausapin wala naman siyang dapat ikahiya dahil dapat siyang matuwa kasi may chance siya kay Zoey.Lumabas na ako ng classroom at nagbakasakaling hanapin ito sa kung saan man, pumunta ako ng cafeteria baka doon nito naisipan pumunta dahil wala namang p'wedeng lugar na pagtambayan sa loob ng campus lalo pa at oras ng klase.Inilinga ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria at hindi nga ako nagkamali sa akala ko at nandito siya.Agad naman ako nitong nakita kaya naglakad na ako papalapit sa table kung saan ito mag-isang nakaupo, hindi ko na
Mischell's POV"Nath bumalik na tayo sa room naiinip na ako rito sa clinic," pagpupumilit ko na rito."Bakit ako ba hindi ah, naiinip na rin ako kung alam mo lang," mataray na tugon nito sa akin."Edi 'yun naman pala eh tara na sa room.""Aba makulit din talaga lahi mo ano, kailangan mo ngang magpahinga baka gusto mong ako na mismo sumapak sa'yo para makatulog ka," panenermon pa nito sa akin.Sinong pasyente ba naman kasi ang pipilitin ang sarili na matulog kahit wala namang nararamdaman talaga, hindi pa lumalabas ng clinic si nurse Marie kaya hindi ko rin naman masabi-sabi kay Nath na nagpanggap lang ako na kunwaring nahimatay para alamin kung mag-aalala si prof sa akin.Kahit paulit-ulit ko pang sabihin kay Nath na wala akong sakit hindi ako nito pinaniniwalaan."Nurse Marie may gamot po ba kayo sa pangpatulog ang ingay ng pasyente n'yo
Mischell's POVSa ikalawang pagkakataon nakasakay ulit ako sa kotse ni prof, kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kotse nito habang siya naman ay nakatoon lang ang paningin sa daan habang nagmamaneho.Papunta kami ngayon sa puntod ng kuya niya para dalawin ito katulad nga ng sabi niya kagabi, mabuti na nga lang at pumayag si Aling Gemma na siya muna bahala kay mama at may pupuntahan ako. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Aling Gemma dahil hindi naman ako nito sinusumbong kay tita.Hindi ko na rin binanggit kina Nath na kasama ko ngayon si prof dahil sigurado ako na aasarin lng ako ng mga ito lalo pa pag nalaman ng buong klase namin laging full force ang pang-aasar nila pag nagkakasama.Huminto ang sasakyan at napansin kong nasa tapat kami ng isang flower shop."Bababa ka pa ba bibili lang ako ng bulaklak?" tanong ni prof sa akin."Hindi na prof hihintayin na
Mischell's POV"Tamang-tama ang dating niyo para sa tanghalian, naku natutuwa akong nakasama ka Mitch," saad ni Aling Sol ng makapasok kami sa bahay nila saka naman ako ngumiti rito.Kung ilalarawan ang bahay nila masasabi kong hindi iyon malaki ngunit malinis ang paligid, simple lang iyon at hindi magara, masikip ang sala ngunit pinatuloy pa rin nila kami at siniguradong kumportable."Siya nga pala Mitch ito si Arman ang asawa ko." Pinakilala nito sa akin ang medyo matanda na ring lalaki."Hello po, ako po si Mitch happy birthday po.""Salamat iha, nakita rin kita sa wakas naikuwento ka kasi ni Sol sa akin noong nakaraan ang gandang bata mo naman pala," papuri pa nito sa akin habang nakangiti."Naku 'yang mga gan'yang bagay po hindi na dapat sinasabi hahaha," tawa ko pa."Hahaha, nakakatuwa kang bata."
Mischell's POV"Hi po tita Kaitlyn," masiglang bati ko kay tita Kaitlyn ng makapasok ako sa opisina nito, sinubukan kong puntahan ito ng sumapit ang hapon dahil simula ng maihatid ako ni prof sa bahay kanina hindi na ako natigil sa pag-iisip sa kung anong kaugnayan ni tita Kaitlyn sa kuya ni prof."Ano Mitch kumusta nagbago na ba ang isip mo at itutuloy mo na ang pagtatrabaho rito?" tanong naman nito sa 'kin."Haha hindi po tita napadaan lang po ako," pilit na ngiting saad ko at saka naupo sa silya sa harap ng desk nito.Binalot kami ng katahimikan dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan itanong sa kaniya ang tungkol kanina."Pinapunta ka ba ni Zedic dito?" ikinagulat ko ang tanong nito, kilala niya si prof pero si prof hindi siya kilala."Kilala mo po si prof?" balik kong tanong at tumango ito."Tama ba ako pinapunta ka
Zedic's POVPinilit kong kuntrolin ang emosyong namamayani sa loob ko ngunit nabigo ako, hindi ko maipaliwanag kung dapat ba akong matuwa sa nalaman ko o dapat ba akong magalit sa babaeng ito dahil itinago niya sa amin ang anak nila ni kuya."Yaya pakidala na po si Kendrick sa kwarto!" Utos nito sa isang katulong na agad namang sumunod at kinarga ang bata.Makikita ang pagtataka sa mukha ng bata dahil sa ginawa ko, ngunit sa mura n'yang edad alam kong hindi pa niya mauunawaan ang lahat.Nais ko mang kumpirmahin pa sa babae upang makasigurado akong anak nga ni kuya ang batang iyon ay hindi ko na ginawa pa dahil nakita ko na rin naman ang patunay matapos kong makita ang buong pagkakatulad ng batang iyon sa kapatid ko."Paano nangyari ang lahat? Bakit hindi ka manlang nagpakita sa amin sa loob ng tatlong taon matapos mawala si kuya? Bakit inilihim mong may anak pala ka
Mischell's POVNgayong week na ang final exam namin sa first semester at kinakailangan kong pumasok ng maaga dahil maraming kailangan asikasuhin, halos nahati na rin ang oras ko sa pag-aaral habang nag-aalaga kay mama.Pero salamat na rin at nakakaya ko pa ang ganitong takbo ng buhay ko.Kasalukuyan akong naghihintay ng jeep na masasakyan papasok sa school, buti na lang at maaga rin dumating si Aling Gemma sa bahay kaya agad na akong nakaalis.Natanaw ko na ang papalapit na jeep paparahin ko na sana ng biglang may humintong kotse sa harap ko.Bumukas ang pinto ng kotse sa harapan ko at hindi na ako nagulat pang si prof ang sakay noon dahil nakilala ko na rin ang kotse nito."Hey Mitch come in, sumabay ka na sa akin 'wag ka na mag jeep," alok nito sa akin."Naku hindi na prof, mauna kana po," tumanggi ako kasabay ng iling pa.
Zedic's POVNarinig ko ang pagtunog ng phone ko na nakapatong sa lamesa, bumuntong hininga pa muna ako bago sinagot ang tawag ng makitang kay Estella iyon galing."Hi babe, I know you're busy but can I talk to you, just a seconds.""Okay," matamlay kong sagot rito."Can I invite you later and have some dinner, Mom and Dad are expecting you to come, let's celebrate our monthsary with them, babe."Muli akong napabuntong hininga sa sinabi nito, celebrating a monthsary with this fucking relationship is really sounds funny, para saan pa ang bagay na iyon wala namang pag-ibig na namamagitan sa amin at kagustuhan na lang nila."May pupuntahan ako mamayang gabi, l'm not coming," tugon ko rito."Where? Saan ka pupunta wala naman sinabi si Carlos na may schedule ka pa later at hindi ka rin pumasok sa office mo ngayon?" t