LOGINDahil sa labis na kapusukan at padalos dalos na desisyon ay naggawang ipagkaloob ni Nadia ang sarili sa kanyang kasintahan na si Nathaniel. Dahil labis na pagmamahal niya kay Nathaniel ay walang pagdadalawang isip niyang tinanggap ang alok nitong kasal. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nila ay nagpakasal sila sa huwes dahil pareho naman sila sa wastong edad ay naging legal ang naganap na kasalan.Buong magdamag nilang pinagsaluhan ang init ng pag-iisa ng kanilang nag-aalab na mga katawan.Ngunit matapos ang isang gabing walang sawang pagniniig ay bigla na lamang nagpaalam sa kanya ang asawa at hindi na siya binalikan pa. Inabandona siya nito at ang mas masakit pa ay nagbungq ang kapusukan nila.Paano kung magkukrus muli ang landas nila ni Nathaniel sa isla kung saan siya napadpad ng tadhana ngunit may mahal na itong iba? Makakayanan kaya niyang makitang masaya na ang asawa sa piling ng iba samantalang siya ay mag-isa lamang itinaguyod ang anak na dapat sana ay magkatuwang silang dalawa? Ano kaya ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag- ibig upang mabawi ang asawang umabandona sa kanilang mag-ina? Dapat pa ba niyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay Nathaniel kung ito mismo ang dahilan ng kawalan niya ng tiwala sa mga lalake o kakalimutan niya na ang dating asawa at magpatuloy sa buhay? Paninindigan niya kaya ang pagiging Abandoned Wife o ipaglalaban niyang maging Chosen and Loved Wife?
View MoreWARNING!!! RATED SPG READ ⚠️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️
Tila bumalik ako sa nakaraan habang pinagmamasdan ang dalawang nilalang na nagpapalitan ng "I do" sa harap ng pari na nagkakasal sa kanila. Hindi ko mapigilang mapaluha. Parang kahapon lamang ako ang ikinasal na punong- puno ng sa saya at pag-asa. Iyon yata ang pinakamasayang yugto ng aking buhay, ang magpatali sa isang lalakeng akala ko ay aking magiging panghabang-buhay. Pitong taon na rin pala ang nakalipas ngunit ngayon lang ako biglang nagbalik- tanaw sa nakaraan ko.Siguro dahil damang-dama ko ang napagdaanan nila Sir Boss at Mam Loren bagong humantong sa puntong-ito. Ilang kasalan na rin ang nasaksihan ko dito sa Isla Verde kung saan maraming magsing-irog ang napiling dito ganapin ang kanilang pag-iisang diddib. Marahil hindi ako masyadong apektabo sa mga nagdaang kasalan dahil hindi ko sila kilala. "Ayieh.. bagay na bagay talaga silang dalawa nuh? Parang fairy tale come true...," bunghalit pa ng isang lady crew ng resort na nasa aking pamamahala. "Sinabi mo pa heheheh...sana ako rin makatagpo rin ng Prince charming tulad ni Sir Lance, gwapo na bilyonaryo pa!," ganti naman ng isang lady crew na katabi ng unang nagsalita na mas tumaas ang boses. "Shhhh... huwag nga kayong maingay napakaseryoso ng seremonya, heto kayo panay ang warak ng bunganga... mamaya na nga kayo magtsismisan atupagin n'yo ang mga trabaho n'yo!," saway ko sa mga ito. Dati naman akong naging resort crew bago ako napromote na maging manager pero never akong naging pabaya sa trabaho at sinasamahan ng landi o tsismis. Marahil iyon ang nakita ng amo ko kung bakit ako niloklok niya sa posisyon na manager ngayon. Ni hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral. Second year college lamang ako ng mahinto ako sa pag-aaral dahil nabuntis ako kay Thea. Hindi na ako nakabalik pa ng pag-aaral dahil sa masaklap na pangyayari sa aking buhay. Ang akala ko ay panghabang- buhay na ang sinumpaang pag- iibigan namin ng lalakeng pinagkatiwalaan ko sa huwes ay hindi pala. Kinalimutan ako nito at basta na lamang nawala na parang bula matapos ang aming unang gabi bilang mag-asawa. Dise-nuwebe anyos pa lang ako noon at hindi ko alam ang gagawin. Nalinlang ako ng pag-ibig dahil ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral ay hindi ko na natupad pa. Ulila na ako sa aking mga magulang. Ang tiyahin ko na lamang ang nagpapaaral sa akin. Sa takot kong malaman niya ang nangyari sa akin ay nagpakalayo- layo ako at dito nga ako napadpad sa isla. Dito ko na rin isinilang si Thea at nagsimula muling bumangon at harapin ang hamon ng buhay. Kasado kami ni Nathaniel at legal ang naging kasalan namin sa huwes pero kailanman ay hindi ko ginamit ang apelyido niya o ng aking anak. Kasabay ng paglayo niya at pagkalimot sa akin ay pinilit kong burahin siya sa buhay naming mag-ina. Pero ngayon na sinasaksihan ko ang pag-iisang dibdib nila Sir Dex at Mam Tess ay parang bumalik lahat ng saya at sakit ng nakaraan. Talagang masasabi kong tunay kaming nagmamahalan noon ni Nathaniel bago pa kami maikasal. Graduating na siya sa college at isang buwan na lang ay graduation niya na ng inaya niya akong makasal kami sa huwes. Isang taon na rin kasi ang aming relasyon. First year college lang ako ng maging kami. Nasa isa siyang pribado at eklusibong college nag-aaral habang ako ay nasa public university lamang pero hindi iyon naging hadlang sa aming pag-iibigan. Nagkakilala kami sa boarding house na tinitirahan ko dahil ang isang boardmate ko ay katropa niya sa basketball. Noong una ay hindi ko siya pinapansin dahil nga sa mukhang babaero at maporma. Pero matiyaga niya akong niligawan at sinuyo. Siyempre nahulog din ako sa huli. Sa isang taon na naging magkasintahan kami ay walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin ang kanyang pagmamahal, respeto at pag-aalaga. Hindi siya nagtake advantage sa akin o hiniling na may mangyari na sa amin. Masasabi kong napakaresponsable at napakabait niyang kasintahan. Kaya nga ng alukin niya ako ng kasal ay hindi na ako tumanggi pa dahil ayaw ko na ring mawala pa siya sa aking buhay. Nagpadalos- dalos ako sa aking desisyon na sa huli ay pinagsisihan ko rin. Iniwan ako ni Nathaniel sa ere. Hanggang ngayon ay kimkim ko pa rin sa dibdib ko ang sakit ng kanyang ginawa. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit naiinis ako sa mga babaeng malalandi tulad ng mga resort crew na mga iyon. Pero hinding- hindi ko pinagsisihan na dumating sa buhay ko si Thea na siyang pumapawi sa lahat ng sakit at depresyon ko sa buhay. Ngiti pa lang ni Thea sa akin ay lumiliwanag at gumagaan agad ang aking dinadalang problema sa araw- araw. Naalala ko kaninang naglalakad sa aisle ang anak ko bilang nag-iisang junior bridesmaid.Cute na cute ito sa kanyang white gown na tenernuhan ng white flower crown sa mahaba at kulot nitong buhok. Marami ngang bisita ang napahanga at napangiti kay Thea at isa na nga ako roon. Si Thea at ang pamangkin ni Sir Dex na si Timothy ay kasama rin sa entourage bilang junior groomsman. Hindi nga mapaghiwalay ang dalawa na naging matalik na magkaibigan. Mabait na bata si Timothy kaya't nakagaanan ko na rin ng loob. Kawawa din ito dahil lumaking walang tunay na ina at ama na nangangalaga. Tiyak kong uhaw na uhaw din ito ng pagmamahal at pag-aalaga. Kaya't sa tuwing naririto si Timothy sa isla ay binibigyan ko rin ito ng atensiyon at kalinga na para ko na ring tunay na anak. Sadyang hindi lang ako stage mother na pupunta talaga sa harapan para kumuha ng larawan ni Thea at Tim. May official videographer at photographer naman kaya hindi na ako tumutok pa sa kanila. Masaya na akong nakatanaw sa kinatatayuan ko ngayon. Ni hindi na nga ako nag- abala pa sa okasyon ngayon na magbihis tanging uniporme ko lang ang isinuot ko. Gray suit na may inner white blouse. Pencil cut na palda at gray blazer at ang aking nameplate na suot ko sa upper left chest. Isa akong empleyado ng resort at trabaho ang mas uunahin ko. Naging mabuting amo sa amin ng anak ko si Sir Lance kaya't nararapat lang na maging maayos ang takbo at kalalabasan ng beach wedding nila ngayon. "You may kiss the bride," saad pa ng pari sa bagong kasal sabay tilian rin ng mga bisitang naroroon na nagpabalik sa akin sa realidad. Nagmadali naman akong humayo sa dapat pang ayusin at asikasuhin. Hindi dapat pumalpak ang pagkakaayos ng lahat. Matagal na itong pinagplanuhan at inayos ni Sir Dex àt isa nga ako sa pinagkatiwalaan niya ng mga detalye ng catering at iba pa. May wedding coordinator naman kaya lang pagdating sa iba pang bagay lalo na sa over-all set- up, main course ng dishes na eeserve at accomodation ng mga bisita ay ako ang umayos. "Relax, you are doing great, mukha ka yatang tense diyan, hindi naman ikaw ang ikinasal!," bulong sa akin ng baritonong boses sa likuran ko kaya't napaharap ako rito. "Sir Ethan kayo ho pala!," isa mga VIP guest namin sa resort na madalas na magcheck-in sa isa sa mga bamboo cottages. "Ooops, Ethan na lang sabi, ikaw talaga Nadz mukhang pinapatanda mo naman ako niyan, hindi mo ako boss kaya't huwag mo na ako esir!," saway pa nito sa akin. "Ahmnn... sige... ikaw talaga bolero ka talaga oo! O narito ka, nasaan si Mam Eunice? bakit hindi mo kasama?," nagkibit- balikat lang ito sa tanong ko sa kanya at hindi na ako sinagot at una na itong humakbang palayo sa akin. Haist, pag-ibig nga naman. Sa tagal ko ng nagtratrabaho sa isla. Ang dami ko ng nasasaksihan at nasumpungan na mga kuwento ng pag-ibig. Isa na roon sina Ethan at Eunice, kakaiba rin ang mga pinagdaanan ng mga iyon. Hindi ko lang alam kung sila ba sa huli. Pero mukhang alam ko na ang sagot. Mukhang malungkot at problemado si Ethan. Nag-away siguro ang mga iyon. Paano kasi isa namang babaero at womanizer itong si Ethan. Baka may kasalanan naman itong naggawa sa kasintahan. Sa wakas natapos na rin ang pictorials ng bagong kasal at ng mga bisita. Nagsimula na ang wedding banquet at pumunta na sa stage ang bagong kasal at nagsimula na rin ang program. Abala na rin ako sa pag-aasikaso at pagsusupervise sa mga crew members sa pagserve ng pagkain. Nagkakasayahan na ang lahat at halos lahat na ay nakakain na. Malapit na ring matatapos ang programa ng nakadama ako ng gutom at pagkauhaw. Wala pa pala akong kain mula kaninang umaga tanging sandwich lang at gatas ang laman ng tiyan ko. "Okay ka lang Mam Nadz?," rinig kong saad ng isang lalakeng crew na si Jonathan na working student. "Ah... oo tan-tan, gutom lang siguro itong pagkahilo ko... siguro ay kakain muna ako sa loob," sabi ko pa. "Kaya n'yo pa bang maglakad papuntang kitchen, Mam? Mabuti pa dito na lang kayo at maupo, kunan ko na lang kayo ng makakain," concern na tugon nito. "Hala okay lang sa iyo?," turan ko pa. "Oo naman Mam!," hindi na nito hinintay ang sagot ko at dali-dali na itong kumuha ng pagkain. Isa si tan-tan sa mga crew na kasundo ko. Mabait at may dedikasyon ito sa trabaho. Nang bumalik ito ay may dala na itong isang pinggan na may maraming pagkain na laman. "Heto, Mam Nadz, kumain na ho kayo baka magkasakit kayo niyan!," nagpasalamat ako at ngumiti lang ito sa akin at bumalik na ito sa puwesto nito. Katatapos ko lang kumain at medyo nahimasmasan na ako sa aking pagkagutom ng lumapit sa akin sina Thea at Tim. Agad ko naman silang bineso-beso. Talagang napakagwapo at napakaganda ng mga ito. "Tita Nadz, titodad wants to talk to you, lumapit ka daw sa kanila!," turo pa ni Tim sa bagong kasal na may kausap na dalawang tao na nakatalikod sa amin. "Alright, pupuntahin ko sila, by the way, Tim pakisamahan mo muna si Thea ha, magbehave lang kayong dalawa hindi pa tapos ang work ko... Thea, binabalaan kita, huwag magpapasaway ha?," baling ko sa anak. "I am a good girl naman po, nay... si Tim ito ang kulit eh, gusto din gawin iyon gawa ni Tita Tess at Sir Dex!," walang humpay na sumbong ng anak ko. "Oi Tim, mga bata pa kayo para lang iyon sa matatanda!," babala ko kay Tim na pinandilatan ko ng mata siyempre babae yata ang anak ko. "Pero promise me kapag pareho na tayo nila titodad, we gonna say I do okay? Kahit saan papakasalan kita, tita, I will marry your daughter someday!," parang matandang lalake kung magsalita si Tim sa akin na imbes ikinagalit ko ay naaliw na lang ako sa kainosentahan ng mga ito. Akala nito na ganoon lang kadali ang pagpapakasal na parang laro-laro lang na kung ayaw na ay ititigil na. Ginugulo- gulo ko ang mga buhok ng bawat isa at naglakad na ako patungo sa bagong kasal. "Sir Dex ..Mam Tess, congratulations..," bungat ko sa mga ito kaya't napatigil ang mga ito sa pakikipag-usap sa dalawang bisitang nakatalikod sa akin. "Oi Nadz, thank you... I want you to meet the sole owner of Degallo's Winery, they came straight here to see me, at timing na kasal ko ngayon at nakahabol sila.. Mr. Nathaniel Degallo and his beautiful fiancee, Sofia... Sir, meet my efficient resort manager, Ms. Nadia Reyes!," parang dumagundong na kidlat ang bumulasok sa aking taenga nang marinig ko ang pangalan ng aking asawang kinalimutan ako. "Hi, Ms. Reyes, glad to finally meet you in person," nakipagkamay ito sa akin na parang kaswal lang na ngayon pa lang ako nakilala at ang kasama nitong babae ay napataas kilay lang sa akin. Agad naman akong napabitaw sa kamay nito dahil biglang may kuryenteng dumaloy sa aking kalamnan sa paglapat lang ng aming mga kamay sa isa't isa. Imposibleng hindi niya ito naramdama at imposibleng hindi niya ako nakilala. "Guys, it's our wedding day, let us not talk about business, ibigay nyo na ito sa aming mag-asawa... Nadz, ikaw na bahalang mag-istema sa kanila at sumama ka sa kanila pabalik ng France. I trust your taste when it comes to our drinks especially sa wine, okay? Me and my wife will be having a lot of time to catch-up, bawal estorbo!," nakangising sabi pa nito at humarap kay Mam Tess at may ibinulong. "Eh... sir, paano si Thea?," una kong naisip ang anak ko. "Bring here with you!," tipid nitong sabi. "Paano ang resort?," hirit ko pa. "Kami na ang bahala!," sagot pa ni Mam Tess na kumindat pa sa akin. "We will be flying back in France a day after tomorrow, me and Nathaniel will be roaming around the island, parang masarap pang magtampisaw sa dagat, hindi ba babe?," lambing pa nito kay Jayden na ikinaismid ko. "Kapal ng pagmumukha mong babae ka, asawa ko iyang nilalandi mo," sabi pa ng isipan ko. "Yes, babe...!," hindi na nahiyang sagot ni Nathaniel na humalik pa sa labi ng mukhang impaktang kabit nito. "Well... well... lovebirds, please excuse us, me and my wife will have our sweet moments too... enjoy... Jane, take charge!," kapwa ng umalis sa harapan ko ang mga magkakapareha. Ang sakit nun. Hindi man lang ako nakilala ni Nathaniel. Ano iyon ganun- ganun na lang? Para lang kaming estranghero sa isa't isa. Asawa ko siya, kasal siya sa akin. Bakit nakalimutan niya na ako? Hindi niya ba ako naalala? Ang daming katanungang naglalaro sa puso at isipan ko. Bigla na lang nagsipagbagsakan ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Makakaya ko kayang makasama ang aking asawa at makitang masaya na siya sa ibang babae? Na hindi na ako ang mahal at inaalagaan nito? Ako si Nadia Reyes, the abandoned wife. Mababawi ko pa kaya ang asawa ko? maibabalik ko pa kaya ang dating pagtangi niya sa akin? May karugtong pa kaya ang bitin naming pag-iibigan?WARNING RATED SPG‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ NADIA POV “Ahh!!!! Faster babes—- more— more— ahhh!!,” hiyaw ng malanding babae sa ilalim ni Nathaniel. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Napatakip na lang ako ng aking bibig sa takot na baka marinig nila ang aking paghikbi. Masaganang luha ang umagos sa aking pisngi na hindi ko na napigilan pa. “Mga walang hiya, ang bababoy nila—- paano mo nagagawa ito sa akin Nathaniel, talaga bang nakalimutan muna na asawa mo!,” sigaw ng isip ko habang tumatangis; piping saksi sa pagtataksil ng aking asawa. Hindi ko na makayanan ang aking nakikita kaya’t tumalikod na ako at nagtatakbo. Hindi ko mawari kung saan ako patutungo. Ayaw kong bumalik sa silid namin ni Nicole. Baka kasi makita niya akong umiiyak. Matalino ang anak ko at mabilis makaramdam ng kakaiba sa kanyang paligid lalo na sa akin na ina niya. Natungahayan ko na lang ang aking sarili sa malawak na patio na napapalibutan ng mga halaman na nakalagay sa malalaking paso
NADIA POV“Thank you, you can call me Nadz and this is my daughter, Thea Nicole,” pagpapakilala ko sa kanila na malapad ang pagngiti. Kitang-kita ko ang pag-ismid ng labi ng isa sa mga housemaid na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang. Tinaasan pa kami ng kilay ni Thea na akala mo ay may naggawa kaming kasalanan sa kanya. Sa isip- isip ko ay huwag na huwag niya akong tatarayan. Wala pa yata akong sinusukuan na laban. Basta’t alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama sa kanya ay talagang hindi ko siya uurungan. “Ikinagagalak ka naming makilala at paglingkuran ka Ms. Nadz at ang anak mo… ako nga pala si Doris ang mayordoma ng villa at ito naman ang mga kasamahan kong kasambahay,” masiglang pahayag ni Manang Doris sa akin na isa palang Pinoy. Isa- isa namang nakipagkilala at nakipagkamay ang iba pang mga kasambahay except sa housemaid na tinaasan ako ng kilay. “Lena, samahan muna ang mga panaunhin natin sa magiging silid nila!,” anya pa ni Doris sa kasambahay na hind
Kasalukuyan…NADIA POV “Welcome to our winery villa, Ms. Reyes!,” bungad sa akin ni Nathaniel ng makababa na kami ng kotseng sumundo sa amin sa aiport. “Wow, ang ganda po dito tito Nathan!,” agad akong napalingon kay Nicole na kumapit na sa braso ni Nathaniel. Kailan pa sila naging close? “Really… you like it here, baby? You want me to tour you around?,” agad na lumuhod si Nathaniel at pumantay kay Nicole. “Babe… you forgot to open the door for me!,”maarteng sabi ng fiancee ni Nathaniel na nakalimutan ko ang pangalan. Kanina pa sa eroplano ako naiinis sa kaartehan ng babaeng kinulang ang tabas ng tela. Nakaskinny jeans nga pero butas- butas naman at nakablusa nga pero tube top naman pero kita ang pusod. Haist, wala ba siyang lamig sa katawan? Oo, nga naman para sa mga foreigner wala lang ito sa kanila, liberated nga naman ang culture nila. Pero, wait, hindi naman foreigner itong babae na ito pero kung umusta parang westernized na ang culture. Ito ba ang pinalit sa kanya
Seven years ago… WARNING: RATED SPG!!! SOME SCENES USED SENSITIVE AND VULGAR WORDS! READ AT YOUR OWN RISK! NADIA POV “Shhhh… I am so sorry love… hindi ko sinasadya… maraming salamat dahil ako ang nakauna sa iyo!,” marubdob nitong sabi sa akin at kinintalan ako ng halik sa aking labi. Dala marahil ng pagod ay hindi na ako nakaimik at nakatugon pa kay Nathaniel.Biglang bumigat ang aking talukap na gusto ko na lang matulog. Nakangiti akong nakatulog nang sa wakas ay pag-aari na ako ng isang Nathaniel Degallo, ang superhunk at hearthrob ng university campus. Naggising na lang ako ng may kakaibang hatid na kiliti sa aking leeg. Pagdilat ko ay natunghayan ko si Nathaniel na nakangiti at malamlam ang mga matang nakatitig sa aking mukha. “Are you still sore,love? Can I get in again, please?,” ang gwapo- gawapo talaga ni Nathaniel sino ba naman ako para tumanggi sa kanya. “Uhmnn… oo, pe—ro kakayanin!,” napangiti siya sa akin at sa isang iglap ay mainit na naman naming pinagsaluh


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.