Share

Chapter 20

Author: Madeline Grey
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-07 22:35:27

“Ang ibig sabihin ng lola mo…”

Huminto si Adrian at muling tiningnan ang notebook na hawak ko.

“Ang taong nagdala sa iyo sa mundong ito ay hindi ang taong nagsilang sa iyo.”

Parang tumigil ang paghinga ko.

“Kung ganoon, sino ang tunay na babaeng nagsilang sa akin?”

Agad na umiling si Adrian.

“Serena, wait. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

“Pero iyon mismo ang sinabi mo!”

“May mali sa pagkakaintindi ko sa sulat. Hindi sinasabi ni Eleanor na hindi si Isabella ang tunay mong ina.”

Napatitig ako
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • I Married Him to Ruin Him   Chapter 22

    Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Adrian.May isa pang batang ipinanganak sa parehong ospital. At ang batang iyon ang dahilan kung bakit nagsimula ang lahat.Paulit-ulit kong tinitigan ang litrato ng puntod ni Dr. Emilia Navarro. Nakalagay roon ang petsang Nobyembre 14, 2001 ang araw ng kapanganakan ko.“Adrian,” maingat kong tanong, “sino ang batang sinasabi mo?”Hindi siya agad sumagot.Sa tabi ko, napahawak si Mikaela sa braso ni Rafael. Pareho silang naghihintay sa magiging sagot ng asawa ko.“Hindi ko pa alam ang buong pagkakakilanlan niya,” sagot ni Adrian. “Pero alam kong ginamit ang kapanganakan niya para pagtakpan ang isang bagay na nangyari sa ospital.”“Anong bagay?”“Ang pagkawala ng isang pahina sa medical records mo.”Napakunot ang noo ko.“Hindi ko maintindihan. Sinabi ni Victoria na si Dr. Emilia ang nag-asikaso sa panganganak ni Mama. Sinabi rin niyang walang ibang babaeng nagsilang sa akin.”“Walang nagbago roon, Serena.” Hinawakan ni Adrian ang kamay ko. “Si

  • I Married Him to Ruin Him   Chapter 21

    Namatay ang mga ilaw sa buong palapag.Sa gitna ng kadiliman, mahigpit na hinawakan ni Adrian ang kamay ko.“Stay close to me.”“Adrian, ano ang nangyayari?”“May tao sa ibaba. Kailangan nating makalabas.”“Paano si Victoria?”“Isasama natin siya.”Narinig ko ang mabilis na yabag ni Mikaela at Rafael sa likuran. Samantala, si Victoria ay tila hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.“Victoria!” tawag ko.“May isa pang labasan sa likod,” sagot niya. “Dumaan tayo roon.”Mabilis kaming nagtungo sa makitid na pasilyo. Halos wala akong makita, ngunit ramdam ko ang kamay ni Adrian na gumagabay sa akin.Pagdating namin sa likurang hagdanan, biglang may narinig kaming malakas na kalabog mula sa itaas.Napahinto si Mikaela.“May tao sa taas!”“Walang titingin,” utos ni Adrian. “Bumaba na tayo.”Paglabas namin sa likod ng gusali, agad kaming sinalubong ng isang itim na sasakyan. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang lalaking naka-suit.“Sir Adrian, kailangan na nating umalis.”Napatingin ako

  • I Married Him to Ruin Him   Chapter 20

    “Ang ibig sabihin ng lola mo…”Huminto si Adrian at muling tiningnan ang notebook na hawak ko.“Ang taong nagdala sa iyo sa mundong ito ay hindi ang taong nagsilang sa iyo.”Parang tumigil ang paghinga ko.“Kung ganoon, sino ang tunay na babaeng nagsilang sa akin?”Agad na umiling si Adrian.“Serena, wait. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”“Pero iyon mismo ang sinabi mo!”“May mali sa pagkakaintindi ko sa sulat. Hindi sinasabi ni Eleanor na hindi si Isabella ang tunay mong ina.”Napatitig ako sa kaniya.“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”Kinuha niya ang notebook mula sa mesa at itinuro ang pangungusap na nakasulat sa ibabang bahagi ng pahina.“Ang tinutukoy dito ay ang taong tumulong kay Isabella noong araw na ipinanganak ka. May isang babaeng pinagkatiwalaan niya para asikasuhin ang lahat. At mukhang ang babaeng iyon ang may hawak ng orihinal na dokumento tungkol sa kapanganakan mo.”“Victoria?”“Posible. Pero kailangan natin ng ebidensiya bago tayo magdesisyon.”Napaupo ako sa lumang up

  • I Married Him to Ruin Him   Chapter 19

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa litrato.Si Isabella.Si Gabriel.Hindi ko alam kung kailan ito kuha, pero malinaw na magkasama sila matapos ang gabing sinunog ang bahay namin.Ibig sabihin, maaaring buhay pa ang nanay ko nang makulong si Gabriel.At kung ganoon, bakit niya hinayaang maniwala akong wala na siya?“Adrian, saan galing ang larawang ito?”“Unknown number.”“May iba pa bang ipinadala?”Umiling siya.“Larawan lang.”Muli kong tiningnan ang cellphone niya. Pinalaki ko ang larawan at sinuri ang bawat detalye. Sa likod ni Gabriel ay may karatula ng ospital, ngunit hindi ko mabasa ang pangalan dahil malabo ang kuha.“May kailangan akong gawin,” sabi ko.“Sasamahan kita.”“Hindi.”Napatingin siya sa akin.“Serena—”“Hindi ko kailangan ng kasama mo. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Pati ikaw, may mga bagay kang hindi sinasabi sa akin.”“Hindi kita niloloko.”“Pero hindi mo rin sinasabi ang lahat.”Natahimik siya.Iyon ang pinakamasakit.Dahil sa bawat

  • I Married Him to Ruin Him   Chaprer 18

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa dokumentong hawak ni Celeste.Nandoon ang pirma ng nanay ko. Sa ilalim nito ay ang pangalan ni Adrian Monteverde—ang lalaking pinakasalan ko, ang lalaking nangakong tutulungan akong malaman ang katotohanan, at ang lalaking unti-unti ko nang pinagkakatiwalaan.Pero bakit may pirma siya sa isang kasunduang hindi ko alam na umiiral?“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko.Hindi sumagot si Celeste. Sa halip, inilapag niya ang dokumento sa mesa at marahang itinulak iyon papunta sa akin.“Basahin mo.”Kinuha ko ang papel. Luma na ito, ngunit malinaw pa rin ang mga nakasulat.CONFIDENTIAL FAMILY PROTECTION AGREEMENTSa unang pahina, nakasaad ang pangalan ni Isabella Vale, Victor Monteverde, at Adrian Monteverde. Mayroon ding pangalan ni Gabriel Villareal bilang isa sa mga saksi.“Bakit kasama ang pangalan ni Adrian?” tanong ko kay Celeste.“Dahil siya ang itinalagang magiging tagapangalaga mo kapag dumating ang panahon.”“Tagapangalaga? Hindi ako bata!”“Hindi

  • I Married Him to Ruin Him   Chapter 17

    Hindi ko maalis ang tingin ko sa picture, tatlong tao ang naroon. Ang nanay ko, si Celesta at isang babaeng hindi ko kilala. Nasa likod ng picture ang petsa ng kapanganakan ko, Nove,ber 14, 2001.Ibig sabihin, noong araw na isinilang ako, magkakasama silang tatlo. Pero bakit? At sino ang babaeng sinasabi ni Rafael na hindi ko dapat makilala?“Papa, kilala mo siya, hindi ba?” tanong ko.Hindi agad sumagot si Rafael. Inilagay niya ang litrato sa loob ng kaniyang pitaka at umiwas ng tingin.“Serena, may mga bagay na mas mabuting hindi mo na hukayin.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ang sagot mo sa akin? Lahat na lang ng bagay tungkol sa buhay ko, mas mabuting hindi ko malaman?”“Hindi ko sinasabing hindi mo dapat malaman. Gusto ko lang na maging handa ka.”“Paano ako magiging handa kung wala kayong sinasabi sa akin?”Lumapit si Mikaela at hinawakan ang braso ko.“Serena, kalma muna. Kailangan nating malaman kung sino ang babaeng iyon bago tayo gumawa ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status