I Married Him to Ruin Him

I Married Him to Ruin Him

last updateÚltima actualización : 2026-10-29
Por:  Madeline GreyActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
No hay suficientes calificaciones
6Capítulos
13vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Limang taon kong hinintay ang pagkakataong makapaghiganti sa pamilyang sumira sa buhay ko. Namatay ang aking ina, nakulong ang aking ama, at nawala ang lahat sa akin dahil sa mga Monteverde. Kaya nang ialok ni Adrian Monteverde, ang tagapagmana ng pamilyang kinamumuhian ko, ang kanyang kamay sa kasal, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ito. Para sa kanya, isa akong babaeng makatutulong sa kanyang makuha ang kapangyarihan sa kanilang imperyo. Para sa akin, isa siyang hagdan upang pabagsakin ang pamilyang nais kong makita sa kanilang mga tuhod. Ang plano ko ay simple: pakasalan siya, kunin ang tiwala niya, at wasakin ang lahat ng pinaghirapan nila. Pero hindi kasama sa plano ang mahulog sa lalaking dapat kong kamuhian. Sa bawat halik, yakap, at sandaling ipinapakita niya ang kanyang kahinaan, unti-unting nagiging malabo ang hangganan sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Hanggang sa matuklasan kong may mga lihim na nakabaon sa nakaraan—mga katotohanang kayang bumaligtad sa lahat ng pinaniniwalaan ko. Paano kung ang lalaking nais kong wasakin ay hindi ang tunay kong kalaban? At paano kung ang taong pinagkakatiwalaan ko nang buong buhay ko ang siyang dahilan ng lahat ng aking pagdurusa? Sa kasal na nagsimula sa kasinungalingan, sino ang unang magtataksil—ang pusong natutong magmahal o ang kaluluwang nabuhay para maghiganti? Dahil minsan, ang pinakamapanganib na pagkakamali ay ang mahalin ang taong hindi mo dapat pagkatiwalaan.

Ver más

Capítulo 1

Chapter 1

SERENA

Limang taon.

Limang taon kong hinintay ang gabing ito.

Limang taon kong tiniis ang bawat gabing umiiyak ako sa harap ng litrato ng aking ina. Limang taon kong kinimkim ang galit sa mga taong dahilan kung bakit nakulong ang aking ama at nawasak ang aming pamilya.

At ngayong gabi, sa wakas, muli akong makakaharap ng lalaking pinangakuan kong sisirain.

Si Adrian Monteverde.

The golden heir. The untouchable billionaire. Ang lalaking minsang tumayo sa harap ng korte at buong lamig na tumestigo laban sa aking ama.

Ang lalaking dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat, at hindi niya alam na bumalik ako para kunin ang lahat ng meron siya. 

“Ma'am Alessandra, we're here.”

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ng driver.

Tumingin ako sa labas ng tinted window ng itim na Mercedes-Benz. Sa harap namin ay nakatayo ang isang napakalaking hotel, napapalibutan ng mga mamahaling sasakyan at mga lalaking nakasuot ng itim na suit.

Sa itaas ng entrance, kumikislap ang pangalan ng Monteverde Group sa isang malaking digital screen.

Tonight was their annual charity gala.

Isang pagtitipon na dinaluhan ng mga pinaka mayaman na negosyante sa bansa, mga politiko, at mga taong kayang bumili ng katahimikan ng iba sa pamamagitan lamang ng isang tseke.

At ako ang bagong bisita sa kanilang mundo.

“Are you sure about this, Serena?”

Napalingon ako sa babaeng nasa kabilang upuan.

Si Mikaela Santos. Ang matalik kong kaibigan, ang nag-iisang taong nakakaalam ng lahat ng pinagdaanan ko, at ang tumulong sa akin na buuin muli ang sarili kong pagkatao.

Tumingin ako sa kanya bago inayos ang laylayan ng itim kong gown.

“Wala nang atrasan, Mika.”

“Kapag nalaman nila kung sino ka talaga, hindi lang pangalan mo ang mawawala. Baka pati buhay mo.”

Napangiti ako nang bahagya.

“Then they should have thought about that before destroying mine.”

Hindi na siya sumagot, kinuha ko ang maliit kong clutch at huminga ng malalim bago binuksan ang p***o.

Paglabas ko, agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi. Maririnig ang sunod-sunod na shutter ng mga camera habang pumapasok ang mga bisita sa hotel.

I lifted my chin and walked forward.

Walang takot o pag-aalinlangan

Dahil ang babaeng minsang lumuhod sa harap ng kabaong ng kanyang ina ay wala na. Ang natira na ay ang isang babaeng marunong maghintay, magplano at manakit kung kinakailangan. 

At sisiguraduhin kong pagsisisihan ng mga Monteverde ang araw na ipinanganak sila.

“Ms. Alessandra Vale?”

Isang lalaking nakasuot ng navy-blue suit ang lumapit sa akin sa entrance.

“Yes?”

“Mr. Monteverde has been expecting you.”

Bahagyang kumunot ang noo ko.

“Mr. Monteverde?”

“Mr. Adrian Monteverde, Ma'am. He specifically requested that we escort you to him once you arrive.”

For a moment, hindi ako nakapagsalita.

Adrian knew I was coming?

Impossible.

Wala pang isang linggo mula nang tanggapin ko ang imbitasyon sa gala. Wala akong anumang koneksyon sa pamilyang iyon, at ang pangalan kong Alessandra Vale ay hindi dapat nangangahulugan ng kahit ano sa kanya.

Unless...

No.

I shook the thought away.

Perhaps it was nothing more than a courtesy extended to an important guest.

“Very well,” sagot ko.

Sinundan ko ang lalaki papasok sa ballroom.

Pagbukas pa lamang ng malalaking p***o, sinalubong na ako ng malambot na tugtog ng piano, tawanan ng mga bisita, at kinang ng mga chandelier na nakasabit sa kisame.

Everything looked perfect.

The people. The money. The power.

Nakakasuklam.

Dahil sa likod ng lahat ng karangyang ito, may isang pamilyang nakatayo sa ibabaw ng buhay na kanilang winasak.

At gusto kong ako ang maging dahilan ng pagbagsak nila.

“Miss Vale?”

Lumingon ako sa isang babaeng nakasuot ng silver gown.

“I'm sorry, but are you new in the business circle? I don't think I've seen you before.”

I gave her my most charming smile.

“I prefer working behind the scenes.”

“Oh, how mysterious.” Tumawa siya ng mahina. “Well, you're certainly turning heads tonight.”

Hindi ko na siya sinagot.

Dahil sa sandaling iyon nakita ko na siya, ang lalaking sumira ng buhay ko.

Nakatayo si Adrian sa kabilang bahagi ng ballroom, may hawak na baso ng whisky habang nakikipag-usap sa dalawang lalaking nakasuot ng mamahaling suit.

He was taller than I remembered, mas matikas, mas gwapo at mas nakakatakot. 

Ang maitim niyang buhok ay maayos na nakasuklay. Ang itim niyang tuxedo ay tila sadyang ginawa para sa kanya, habang ang malamig niyang mga mata ay nagbibigay ng impresyong walang sinumang makalalapit sa kanya nang hindi niya pinahihintulutan.

Five years ago, nakita ko siya sa loob ng korte.

I remembered the way he stood, he spoke and the way he looked at my father as if the man deserved every second of his suffering. 

At higis sa lahat, naaalala ko ang araw na bumagsak ang martilyo ng hukom at tuluyang nagbago ang buhay namin. 

My father's voice still haunted me.

“Anak, huwag kang magtiwala sa mga Monteverde.”

I never did.

At hindi ako magsisimula ngayon.

“Ms. Vale.”

Muli akong napatingin sa lalaking gumabay sa akin.

“Mr. Monteverde is waiting.”

I straightened my shoulders and walked toward Adrian.

One step.

Two steps.

Three.

Habang papalapit ako, unti-unting tumahimik ang mundo sa paligid ko. Hanggang sa tuluyan na akong huminto sa harap niya.

“Mr. Monteverde,” bati ko.

Dahan-dahan siyang lumingon.

At nang magtagpo ang aming mga mata, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya.It was subtle, almost unnoticeable. 

But I saw it, surprise. Recognition? No, that couldn’t be possible. He extended his hand.

“Alessandra Vale.”

I accepted it.

“Adrian Monteverde.”

Mainit ang palad niya, ngunit malamig ang mga daliri niya sa pagkakahawak sa akin.For a brief second, neither of us spoke.Then his lips curved into a faint smile.

“It's a pleasure to finally meet you.”

Finally?

Napakapit ako nang bahagya sa kanyang kamay.

“What do you mean?”

He tilted his head.

“I've heard a lot about you.”

“Really? From whom?”

His gaze lingered on my face.

“People who know you better than you think.”

Nanlamig ang batok ko, ngunit hindi ko hinayaang makita niya iyon. 

I smiled.

“Then I hope they've told you good things.”

“Not all of them.”

His eyes dropped briefly to our joined hands before he released me.

“Would you care for a drink?”

“Perhaps later.”

“Of course.”

He stepped closer, lowering his voice so only I could hear him.

“Tell me something, Alessandra. Do you always look at people as if you're planning their downfall?”

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sin comentarios
6 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status