Nanging tahimik ang lahat pero hindi maka focus sa trabaho after ng incident. Ang katahimikan ay nagdudulot kay Lory ng kakaibang kaba. Ilang oras na ang nakalipas ay wala pa ring balita kung ano na ang nangyari kay Jesabell. Hindi rin nila nakikita si Ms. Katibag. Naiinis siya kay Jesabell pero hindi naman niya gustong mamatay ito dahil sa ginawa niya. Oras ng uwian, nagmamadaling pinuntahan ni Lory si Emily . Ngunit wala ang babae sa opisina nito. Hindi niya rin mahanap ang kaibigan nitong si Katibag na ipinagtataka niya. Pagbalik niya sa area upang kunin ang bag ay nagulat siya nang makitang may mga lalaking nakabantay sa pinto."Ms. Lory?" tanong ng lalaki."Ako nga po, ano ang kailangan nila?" Kinakabahang tanong ni Lory sa lalaki."Pinatatawag po kayo ni Mr. CEO."Nagdududa ang tingin niya sa lalaki. Nang makita si Ruth at kasama din ang isa pang lalaki ay lalo siyang kinabahan. Wala siyang magawa kundi ang sumama kasama si Ruth. Dinala nga sila nito sa opisina ng CEO. Nang mak
"Emily, hindi ka dapat dito pumunta kung totoong tumakas ka lang kay Tyron." Kinakabahang turan ni Dory."Itinatakwil mo na ba ako dahil wala ka nang maasahan mula sa akin?" Galit na panunumbat ni Emily sa matalik na kaibigan."Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lamang na madamay. Isa pa kung pareho tayong makulong, paano natin matulungan ang isa't isa?" Paliwanag niya kay EmilyNaiinis at naglikot ang mga mata ni Emily. Tama naman ang kaibigan, wala siyang ibang maasahan ngayon kupndi ito lang. "Hanapan mo ako nang pansamantalang matuluyan."Nakahinga nang maluwag si Dory at nakinig ang kaibigan. Kaagad niyang ibinigay ang susi ng nabili niyang apartment sa kabilang bayan. "Sa bahay ng tiyahin ko iyan at nasa ibang bansa siya kaya ipinagtakatiwala niya muna sa akin." Pagsisinungaling niya. Hindi maaring malaman ni Emily na siya na ang may ari niyon dahil tiyak aagawin sa kaniya. Pera kasi nito ang ginamit niya na hindi nito alam.Nagmamadali nang umalis si Emily dala ang susi
Napasimangot si Jesabell nang masalubong ang mukhang gulat at takot na mga tingin ng dalawa. "Mukha ba akong white lady?"Sabay na napaurong ng hakbang sina Timothy at Jason habang nanlalaki ang mga mata na mukhang nakakita ng multo."Kanina ka pa gising?" Mukhang hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.Mukhang inaantok na tumango si Jesabell. Natawa siya nang makitang mukhang Nahihiyang tumingin sa kaniya si Timothy dahil narinig niya ang kuwento ng buhay nito. "Basta chismis talaga ay active ang braincells mo. Mabuti naman gising ka na at parang mabaliw na si Tyron sa pag alala sa iyo." Buska ni Jason sa dalaga.Biglang nabura ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa paligid. Nagtataka din siya kung bakit naroon siya sa hospital. "Nasaan siya?""Pinaparusahan ang mga taong involved sa nangyari sa iyo." Si Timothy na ang sumagot at ngumiti sa dalaga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"Parang biglang nilamig si Jesabell pagkaalala sa nangyari sa kaniya kanina. Ang
"Hey, its alright. Ngumiti si Tyron nang masalubong ang natatakot na mga titig ng dalaga. Dahan dahan siyang humakbang palapit. Ang akala niya ay mahirapan pa siyang pakalmahin ito pero nagulat siya nang salubungin siya ng yakap."I'm scared!" Umiiyak na ani Jesabell habang yakap ng mahigpit ang binata."Sorry if I'm late. But I promise, everything will be ok from now on." Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at hinayaan lang itong kagatin ang balikat niya. Napangiti siya habang naluluha. Masaya siya at bumalik na ang kilala niyang bata noon. Ganito kasi ang ginagawa nito kapag natatakot noon. Alam niyang hindi magtatagal at kakalma na ito. Massage niya ang mga braso, nalita at paa nito at nakakatulong iyon upang mawala na ang panginginig ng kalamnan nito.Mukhang nanghihinang isinubsob ni Jesabell ang ulo sa matigas na dibdib ng binata nang bumalik na sa wisyo ang pag iisip niya at nawala na ang takot. "I'm sorry, nawala na naman ako sa sarili ko.""It's not your fault. C'mon, give me
"Maging si Lory ay hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pangta traidor sa iyo!" Dumilim ang anyo ni Tyron at napatiim bagang.Namilog ang mga mata ni Jesabell at hindi akalaing maging si Lory ay na discover ng binata. Inabot niya ang palad nito at hinila palapit sa kaniya. "Hayaan mo na si Lorry nagantihan ko naman siya nang hindi niya alam."Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron. "Kailan mo pa alam na traidor siya? At bakit hinayaan mo pa rin siyang kaibigan ka niya?""Noong masaksak ako. Bago ako nawalan ng malay noon ay narinig ko ang boses niya na akala ko ay iniwan na ako. Doon ko napagtanto na sinamantala niya ang pagrerebelde ko sa iyo. Ang akala ko ang pagganti ko kay Emily na turo niya ay makakabawi ako. Hindi ko naisip na naglilikha lamang ng panibagong gap sa pagitan natin at misunderstanding."Naaawang niyakap niya ang dalaga at hinalikan ito sa itultok ng ulo nito. "I'm sorry!""Si Jason, huwag mo na sanang pag initan dahil tunay ko siyang kaibigan." Humilig siya sa bal
Wala pang twenty minutes ang nakalipas ay nakabalik agad si Tyron. Ang bilis pa nitong maglakad na para bang takot maiwan."Hindi ko itatanan si Jesabell kaya relax." Pang aasar ni Jason kay Tyron. Sinamaan lang ni Tyron ng tingin si Jason bago nilapitan ang dalaga na nakasandal sa headboard. "Puwede na daw kita ilabas ngayon kung wala ka nang ibang nararamdaman?" Kung siya ang masunod ay ayaw pa niyang lumabas ito ng hospital. Ngunit ayaw niyang sumama ang loob o ipilit ang ayaw nito. Natuto na siya at nasasaktan ang kalooban nito nang hindi sinasadya.Natuwa si Jesabell sa narinig. Ayaw na talaga niyang mag stay sa isang hospital at pakiramdam niya ay lalo siyang magkasakit."Mabuti naman, mauna na ako ng alis at nag aaya ang anak kong kumain sa labas ngayon. Baka gusto ninyong sumama?" ani Timothy. "Libre mo?" sabik na tanong ni Jason."May choice ba ako eh wala ka namang pera."Napangiti si Jesabell habang nakikinig. Katuwa at parang barkada na lang ni Jason si Timothy at Tyron.
"Gusto ko po ng mommy na kasing bait at ganda mo!" Maktol ni Trix at mukhang paiyak na."May kilala akong na ganiyan!" Pumitik pa sa hangin si Jesabell at napangiti."Talaga po?" Biglang umaliwalas ang mukha ng bata at excited sa narinig."Yes, ipakilala ko siya sa iyo kapag may time na siya." Pangumbinsi niya sa bata.Napangiti si Timothy nang biglang sumigla ang anak at hindi na ipinilit ang gusto. Hindi na niya inalam kung sino ang ipakilala ng dalaga sa anak dahil alam naman niyang inuuto lang nito ang anak niya. Napatingin siya kay Jason, talagang sinulit nito ang libreng pagkain at ang daming order saka mga mamahalin pa. "Buddy na ba tayo?" Nakangiting ginulo ni Tyron ang buhok ng bata."Kapag nag anak kayo dapat po ay babae at ako ang mag aalaga sa kaniya." Demand ni Trix.Natawa si Tyron at tumango sa bata saka bumulong sa dalaga. "Mukhang kailangan nating agahan ang pagagawa ng baby girl." Biro niya sa dalaga.Namula ang pisngi ni Jesabell ar bumilis ang tibok ng puso niya d
Kabadong binuksan ni Nida ang pinto nang makitang dumating na ang amo. Pero nagulat siya nag makitang buhat nito si Jesabell. "Good eve po, sir, hindi pa po umuuwi si Ma'am Emily. Baka—""Mula ngayon ay huwag mo siyang banggitin pa sa akin at itapon ang mga damit niya sa labas!" Matigas na utos ni Tyron sa katulong.Nanlaki ang mga mata ni Jesabell sa narinig. Alam niyang masamang magalit ang binata pero hindi niya akalaing wala itong awa kahit sa taong gumawa dito ng kabutihan. Parang natakot siya bigla para sa sarili. Baka itapon din siya nito kapag nakagawa siya ng kasalanan. "Ang dami mo nang kasalanang nagawa pero hindi ka magawang itakwil." Bulong ng isang bahagi ng isipan.Napangiti si Jesabell at yumakap ng mahigpit sa binata. Iba nga pqlq ang pagmamahal ng binata sa kaniya kaya hindi siya matulad kay Emily. Pagtingin niya kay Nida ay halos mamutla na ito. Malamang natatakot na ito sa isiping wala na ang amo kaya tiyak mapatalsik na rin ito sa trabaho."Ibaba mo na ako at kay
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang