Tahimik akong naglalaba sa gilid, nililingon lingon ko naman itong lalaking ito na busy ng naglalaro. Para talagang bata, bakit kaya siya naging ganiyan?
Ano rin kaya ang pwede kong ipangalan sa kaniya? ang hirap naman kasi na hoy lang. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko halos mapaupo pa ako ng magulat ako dahil bigla siyang lumitaw sa gilid ko. Napahawak na lang ako sa diddib ko, aatakihin ako sa lalaking ito eh. “May kailangan ka ba?” tanong ko pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa mga labahin ko. “Maupo ka na dun, huwag mo akong guluhin dito.” Pinagpatuloy ko na lang ang labahin ko pero nanatili siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Nang matapos ako ay tumayo ako at pinatayo ko rin siya. “Bombahan mo ako ah? Ganito yan, taas baba mo lang ito para lumabas yung tubig. Okay?” dinemo ko pa kung paano nakatingin lang naman siya sa akin. “Oh ikaw naman, subukan mo.” Wika ko saka ako umatras. Hinawakan niya naman na iyon saka ginaya ang ginawa ko kaya napangiti ako. “Ganiyan nga, para mabilis akong matapos.” Nagsimula na siyang magbomba kaya nagbanlaw na rin ako pero napatingin na lang ako sa kaniya ng parang nanggigigil na siya sa poso. “Hindi ganiyan! Sisirain mo ba yang poso!” sigaw ko sa kaniya kaya napaatras siya. Akala na lang yata niya laruan na lang lahat. Gwapo ka sana eh, sira lang ulo mo. Hays. “Dahan dahan lang, ganito lang para hindi masira.” Usal ko, hinawakan niya uli at nagbomba naging maayos naman kaya naupo uli ako at nagbanlaw. Inis kong naihampas ang kamay ko sa tubig ng biglain niya nanaman yung poso. “Ano ba! Nananadya ka ba ha?! kung ayaw mo magbomba at para kang nagdadabog umalis ka na lang jan at maupo ka ron!!” sigaw ko saka itinuro ang kaninang inuupuan niya. Napahilot na lang ako sa sintido ko ng yumuko lang siyang parang bata. “I’m not mad, please just go there.” Mahinahon kong saad sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan kaya hinayaan ko na at naupo uli. Maya maya pa ay nagbomba nanaman siya at dahan dahan niya na iyon.Marunong naman palang makinig gusto pang masigawan bago sumunod, tsss.
Nang matapos kami ay nagsampay na rin ako. “Huwag mo ng pakialamanan yan, ako na jan. Maupo ka na dun.” Inalis alis ko lahat ng mga pinagsasampay niyang mga damit, basta isinampay na lang. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko kaya hindi ko na lang pinansin. Napalingon na lang ako sa kaniya ng iabot niya sa akin ang isang damit kaya napangiti ako. Kinuha ko naman iyon saka isinampay ng maayos kaya ang nangyari siya ang nag-aabot sa akin ng mga damit at ako ang nagsasampay. Natapos kaming dalawa pero wala pa rin si Lola kaya nagluto na ako ng makakain namin. Nakatingin lang siya sa bawat galaw ko, ng matapos akong magluto ay naghain na ako saka ko inalagay sa mesa. Kumuha ako ng pinggan at pagharap ko napairap na lang ako sa hangin at napakuyom ang mga kamao sa gigil. Kinain niya lahat at walang tinira! Para siyang patay gutom na aso sa kalye kapag nakakita ng pagkain sinusunggaban agad. Pagkatapos niya ay tiningnan niya lang ako na para bang wala siyang ginawa, mabuti na lang at may tinira pa pala ako sa kaserola para sa amin ni Lola. “Amara.” Tawag sa akin ni Lola ng makapasok siya sa kusina, sumasakit ang ulo ko dito sa lalaking ito. Tumabi sa akin si Lola at kunot noo ring nakatingin ngayon sa hapag kainan at sa lalaking ito. “Kinain niya nanaman ba lahat? Magsaing ka na lang ng kanin sa ating dalawa may dala akong mga de lata.” Wika ni Lola saka niya inilagay sa taas ang mga pinamili niya saka niya isinarado at nilock. “May natira pa naman po La, papapasukin ko lang ito sa kwarto ko tapos kain na po tayo.” Saad ko saka ko hinila itong lalaking ito papasok ng kwarto ko. “Jan ka lang naiintindihan mo? Huwag kang aalis jan.” Banta ko sa kaniya, diretso lang naman siyang nakatingin sa akin. Iniwan ko na siya dun at nagtungong kusina para kumain. Mabuti na lang at nakinig siya kaya nakakain kami ni Lola ng maayos. Nang wala na kaming magawa sa bahay ay lumabas kaming dalawa ng lalaking ito, hindi pa rin pala ako nakakaisip ng pangalan niya. Ano kayang maganda? “Clint na lang kaya ipangalan ko sayo?” tanong ko sa kaniya ng makaupo kami dito sa ilalim ng puno ng narra. “Kapag tinawag ko ang Clint, ikaw yun naiintindihan mo?” usal ko, pero nanatiling tahimik lang siya sa akin. “Tuturuan kita kung paano kumain ng tama naiintindihan mo? Para naman kapag hinain lahat ni Lola yung pagkain hindi mo kami mauubusan.” Kinuha ko ang mga nilagang mais. Bakas naman sa mukha niya ang pagkatakam don kaya hindi na muna ako lumapit sa kaniya. “Kapag sinabi kong ‘go eat’ saka mo kakainin okay? Kapag sinabi kong stop, tumigil ka.” Pagpapaliwanag ko pero sa mais pa rin siya nakatingin. Kinuha ko ang isa at dahan dahan akong lumapit sa kaniya, nakatingin naman siya sa hawak ko. “Go eat.” Saad ko mabilis niya namang sinunggaban ang hawak kong mais. “Stop!” saad ko pero hindi niya ako pinakinggan. “Clint I said stop—OUCH!” malakas kong sigaw ng makagat niya ang kamay ko. Nabitawan ko ang hawak kong mais at inis ko siyang tiningnan. “Sinabi ko naman sayong kapag sinabi kong stop, tumigil ka! Tingnan mo ginawa mo sa akin! Aray ko huhu.” Daing ko ng halata dun ang ngipin niya. Matalim ko siyang tiningnan at napaatras naman siya habang nakayuko. “Hindi ka ba marunong makinig?! Para kang aso! Tinuturuan kita ng maayos pero kinagat mo yung kamay ko!” galit kong sigaw sa kaniya, nakakainis! Ako pa naguiguilty kapag titingnan ako ng mga maaamo niyang mata. “Isa pa! kapag sinabi kong go eat kainin mo, kapag stop tumigil ka.” Wika ko nanaman. Kahit na masakit yung nakagat niyang kamay ko ay nanguha uli ako ng mais. “Isang kagat mo pa! isa pa at hindi ka nakinig! Ibabalik na kita sa gubat!” inis kong saad, titingnan niya ako tapos yuyuko agad, tsss. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya habang hawak ang mais. Titingin siya dun tapos titingin sa akin. “Go eat.” Saad ko pero hindi siya nakinig, nanatiling papalit palit lang ang tingin niya sa hawak ko at sa akin. “Clint I said eat.” Mahinahon kong saad, tiningnan niya uli ako saka kinain ang hawak kong mais. “Stop.” Wika ko at tumigil naman siya kaya napangiti ako. “Kaya mo naman palang sumunod eh.” Saad ko. Ibinigay ko sa kaniya yung mais at paspas niya nanamang kinain iyon parang laging nagugutuman. “Makinig ka sa akin, dahan dahan kang kumain hindi yung parang aso. Tuturuan kita kung paano gumamit ng kutsara at tinidor at kung paano kumain ng maayos.” Wika ko, pumasok ako sa loob at nanguha ng kutsara, tinidor, pinggan at pagkain. Paglabas ko ay para siyang batang naghihintay sa ina, tsss.4 YEARS LATERApat na taon na rin ang nakalipas simula noong maganap ang malakihang digmaan na nangyari sa kasaysayan. Hindi madali, hindi naging madali sa akin ang nakalipas na apat na taon. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makikita pa. Araw-araw kong hinihiling na muli ko siyang makita kahit na sa panaginip lang pero bigo ako, ni hindi man lang siya dumalaw sa mga panaginip ko. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang naging kapalaran naming dalawa. Hindi namin siya makakalimutan, siya ang naging dahilan ng katahimikan ng lahat. Gaya ng pangarap niya ay naging mapayapa ang mundo namin, halo-halo na ang mga nilalang na makikita mo. Wala na ring gulong naganap pa. Maaari na rin naming puntahan ang iba’t ibang kaharian ng walang iniisip na mangyayaring masama.Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago pero hindi ang nararamdaman ko. Wala siyang sinabihan sa plano niya, sa naging desisyon niya. Ginawa niya
Tila huminto ang mundo ko sa mga nangyayari. I can’t move my body, nakatitig na lamang ako kung saan sila nakapwesto kanina, para bang panaginip lang lahat. Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya ginawa yun? Ilang beses akong napailing, kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi ito totoo, na nasa isang panaginip lang kaming lahat. Ininda ko ang sakit na nararamdaman ko at dahan dahang tumayo. This is not true, please this is not happening. Tila ba natuyo ang lalamunan ko sa nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Sinubukan ko siyang intindihin, sinubukan kong lumayo, sinubukan kong alamin kung anong nagawa ko sa kaniya pero bakit parang hindi naging sapat, parang wala na lang ako sa kaniya.Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko, ang pagsakit ng puso ko sa nasaksihan ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Anong kulang? Anong nagawa kong kasalanan para dumistansya ka sa akin? Bakit siya pa rin ang pinili mo hanggang
“Kailangan mo na talagang bumalik Amara dahil marami ng nawawala sa mga mahal mo sa buhay, isang linggo ka ng natutulog sa kama na iyun.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong isang linggo na akong natutulog?! “You’re kidding right? Tell me.” nakikiusap ko pang saad sa kaniya at hinihiling na nagbibiro lamang siya subalit nanatiling seryoso ang mukha niya. “Wala akong panahon para makipagbiruan sayo Amara.” “Then who the hell are you?!” galit ko ng sigaw sa kaniya. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para gisingin ako at ibalik sa mundo ko! “Ikaw at ako Amara ay iisa, nakakababa ako sa mundo niyo ng dahil sayo. Ako ang Dyosa ng buwan.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya. Kailan pa nangyari na ako at ang Dyosa ng buwan ay iisa? “Alam kong mahirap paniwalaan, bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay ibinigay ko na sa iyo ang kalahati ng buhay ko para iligtas ang mundo mo at mapanatili ang katahimikan at kapayapaan. Ikaw na ang
Hindi ko alam kung paano nagsimula. Masyado akong nabibingi sa ingay sa paligid ko. Masyadong nanigas ang katawan ko sa nangyayari. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw ni makapagsalita ay hindi ko magawa. Rinig ko ang iyakan ng mga nilalang sa paligid ko ang pagsigaw nila at paghingi ng tulong. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko at ang oras, wala akong makita sa paligid, para bang ang sigaw nila ay hindi ko na rin marinig. “Amara!” malakas na tawag sa pangalan ko at dun lang ako napabalik sa realidad. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, masyadong naging mabilis ang lahat. Dahil sa galit ni Clayton ay marami siyang napatay na alagad ni Lucifer na naging dahilan ngayon ng digmaan. Hindi ko na rin makita si Lucifer at Daryll. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ni Clayton. “DIEEEE!” malakas niyang sigaw at walang awang pinaslang ang ilang bilang ng mga kampon ng kadiliman. ‘I’m sorry, I’m really sorr
“Hindi siya madaling kausapin Ina, kung ang tunay niyang Ama ay nakaya niyang patayin paano ka pa kayang former Princess lang? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka kapag nalaman niyang isa kang banta sa trono niya.” “Kailangan niya naman talagang mawala sa trono Amara dahil hindi maganda ang pamamahala niya sa kaharian ng mga bampira. Kailan man ay hindi sila tinuruan ni Ama para pumatay ng tao para lang mabuhay sila.” “Pero Ina.” “Don’t worry baby, mag-iingat ako. Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko.” inalis na ni Ina ang pagkakahawak ko sa kamay niya at mabilis na umalis. Nilingon ko naman si Lucas saka kami sumunod sa kaniya. “Manatili ka kay Clayton, hindi tamang iwan siya ng mag-isa sa kwarto niya.” wika ni Lucas saka dumiretsong naglakad at sinundan si Ina. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya at nagtungo na akong kwarto ni Clayton. Naabutan ko naman si Ivan na nagbabantay sa Kuya niya. “What are you doing
“He’ll be okay.” Saad ni Amaia ng makita ang anak na patuloy pa ring umiiyak at hindi umaalis sa tabi ni Clayton na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.“I don’t know what to do mother, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” umiiyak niyang saad, hinawakan niya ang kamay ni Clayton at hinalikan ito habang nakatitig siya sa mukha nito.“Alam kong may dahilan ang lahat Amara, hindi ako mangingialam sa mga desisyong binibitawan mo. Alam kong kaya mo, alam kong may tiwala ka sa sarili mo.“Paano kung wala? Natatakot ako sa maaaring mangyari Ina, natatakot ako sa maaaring kalabasan ng mga ginagawa ko. Natatakot ako para sa kaniya.”“You can do it and I know you can, just trust yourself anak. Maiiwan na muna kita.” Hindi naman na sumagot si Amara at hinayaan ng makalabas ang kaniyang ina sa kwartong iyun. Tinitigan niya si Clayton na mahimbing pa ring nat
*** Nang magising siya kinabukasan ay tiningnan niya si Amara kung nasa tabi pa ba niya. Bahagya naman siyang ngumiti ng makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog.“I love you Amara no matter what happened, I don’t know what I did wrong to you. I am confused.” Mahina niyang saad kahit na tulog pa si Amara, pinunasan na lamang niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi saka siya bumangon at lumabas ng kwarto. Napansin niya namang lumabas na ang mga kababaihan at kabataan na inilagay nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo.“Nasaan ang mga bantay ngayong umaga?” tanong ni Clayton kay Ivan ng mapansin niyang halos lahat ay nasa loob ng palasyo.“Nagpahinga na muna silang lahat Kuya dahil bago pa man sumikat ang araw kanina ay wala na ang mga kampon ng kadiliman.”“Huwag kayong pakakasiguro Ivan, bilisan nilang kumain at magpahinga at bumalik sa pagbabantay.” M
Ang lahat ay naghahanda na sa maaaring mangyaring digmaan. Hindi na rin nila ipinaalam pa sa ibang nilalang ang nangyari kay Amara at ang maaaring paggising ni Lucifer. Gaya ng plano nila bago pa man sumapit ang dilim, lahat ng mga bata at matatanda na hindi kayang sumama sa laban ay inilagay na nila sa isang malaking kwarto sa ibaba ng palasyo. Naging abala ang lahat ng mga kalalakihan para sa pagbabantay sa buong paligid. Habang nagbabantay ang ibang kalalakihan ay natulog naman ang iba para makapagpahinga.“Maayos na ba ang lahat?” tanong ni Amara dahil kaunting oras na lamang ay babalutin na ng kadiliman ang buong kapaligiran.“Maayos naman na, okay ka lang ba?”“Ayos lang ako Lucas.” Blangkong sagot ng dalaga, kunot noo namang nilingon ni Clayton ang dalawang nag-uusap. Ayaw niyang magselos subalit hindi niya mapigilan, gusto niyang tusukin ang mga mata ni Lucas dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya
THIRD PERSON POVIlang minuto pang nanatili si Amara sa lugar na iyun. Kahit na anong isipin niya ay hindi niya alam ang gagawin niya. Masyadong okupado ang isip niya sa mga maaaring mangyari lalo na sa kaniyang kapareha. Natatakot siyang magkatotoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ng orakulo.Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi at tumayo. Wala kang mababasang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha, naglakad na siya palabas ng mundong iyun at hindi na pinansin ang pagbati sa kaniya ng mga fairies. Nag-anyong lobo na siya at mabilis na tumakbo pabalik ng kaharian ng mga lobo. Tila naging hangin siya sa mga dinaraanan niya.Nang makarating siya sa kaharian ay dirediretso lamang siyang naglakad at hinanap ang mga mahahalagang tao sa kaniya.“Amara,” tawag sa kaniyang pangalan, ng lingunin niya ito ay nakita niya si Clayton na bakas na ang galit sa kaniyang mukha. “Where have you