“Hindi ka pa ba maayos iho?” tanong ng matanda kay Clint na tahimik na kumakain sa hapag kainan.
“Okay na ang mga natamo niyang sugat Lola pero yung alaala niya hindi pa.” sagot naman sa kaniya ni Amara. Nilingon ng matanda si Clint na inosente ang reaksyon ng mukha. Bumuntong hininga na lamang ang matanda at nakaramdam ng awa para sa binata. Inaalala rin niya ang naiwang pamilya ni Clint kung sakali.“May kaunti akong ipon jan, bakit hindi natin ipatingin ang kalagayan mo?” muling wika ng matanda. Nagkatinginan naman si Clint at Amara.“Wala namang magagawa ang mga Doctor Lola kung ipapatingin natin siya. Sasabihin lang din sa atin na baka nagkaamnesia lang siya at wala ni sino man ang makakagawang pagalingin siya.” Paliwanag niya sa kaniyang Lola na pinaniwalaan niya rin. Bahagya namang nginitian si Clint na tahimik lang naman.“I have nothing to say with your kindness Amara.&“Akala ko talaga Kuya mananatili ka na lang dun sa babaeng nagligtas sayo. Hindi ka na babalik dun?” tanong niya.“Babalikan ko siya kapag naayos ko na ang sarili ko.” hindi man niya mismo nalaman ay alam niya ng may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa at hindi niya ito pwedeng ilayo sa babae.Napahugot na lamang siya ng isang malaking buntong hininga dahil hindi siya makapag-isip ng maayos, dahil kung wala siyang ginawang kilos ay mamamatay ang kaniyang kapatid.Habang naglalakad sila ay napahinto si Clint saka siya sumenyas na huwag silang maingay.Pinakiramdaman niya ang paligid.“LOLAAAAA.” Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig kahit na malayo layo na ang kanilang nilakad. Isang pamilyar na sigaw, kahit na malayo na sila ay naririnig pa rin nila ang ingay sa kanilang paligid dahil isa iyun sa kanilang mga kapangyarigan.Walang sinayang na oras si Clint at mabi
"Kuya what's your plan?" Tanong ng kapatid niyang si Ivan. Makikitaan mo ng matinding galit ngayon ang mukha ni Clint. Ang mga kamao niyang nakakuyom, at kilay na halos magpantay na sa sobrang pagkakakunot.Hindi niya maiwasang hindi sisihan ang kaniyang sarili dahil kung hindi siya dumating sa buhay ni Amara ay hindi ito mangyayari. Ni wala siyang maisip kung paano niya ito maililigtas sa kamay ng mga bampira. Hindi niya rin alam kung paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan, ni wala siyang maalala."Kuyaaa!" Sigaw ni Ivan ng bigla na lamang suntukin nito ang isang puno ng kahoy sa sobrang galit. "Ganiyan na lang ba gagawin mo? Ang saktan ang sarili mo?! Paano mo maililigtas ang babaeng yun kung mismong sarili mo hindi mo maayos! Kuya hindi ikaw yan!" Matalim na tinitigan ni Clint ang kaniyang kapatid, napaatras naman ito sa takot na siya naman ang suntukin ng Kuya niya. "Kuya pleasee, don't worry we're gonna save her, just calm down." Dagd
“Anong ibig mong sabihin?” lumingon naman na muna siya sa pintuan at bintana saka niya inilapit ang mukha niya sa akin.“Hindi ka maniniwala kung nasaan tayo, nasa ilalim tayo ng lupa kaya wala kang ibang makita sa paligid kundi mga sulo lang. Nasa mundo tayo ng mga bampira.” Wika niya na ikinagulat ko, anong dahilan nila para kunin ako. Matagal na kami ni Lola na naninirahan sa paanan ng bundok na iyun pero walang nangyari sa amin.Naalala ko si Clint, hindi kaya siya ang hinahanap nila? Pero paano nila nalaman na nandun siya?Tiningnan ko naman si Ate saka ako umatras, kung puro bampira ang nasa paligid ko ibig sabihin hindi ako ligtas.“Huwag kang mag-alala hindi ako bampira. Galing din ako sa mundo ng mga tao, nag-a-outing kaming magkakaibigan ng may biglang may lumabas sa mga puno na mga lalaking nakaitim at dinala kami dito. Hindi ligtas ang kagubatan kung alam ko lang na totoo pala sila nag-inga
Halos matulala lang ako dito sa apat na sulok ng kwartong ito, hindi niya sa akin magagawa yun. Hindi ko man masyadong kilala si Clayton o Clint pero nararamdaman kong hindi siya manggagamit na katulad ng bampirang yun.Bumalik siya sa kaharian niya para hanapin ang sarili niya, sinabi pa niya sa akin na babalik siya pagkatapos. Hindi dapat ako magpapaniwala sa bampirang yun, dahil siya ang manggagamit sa mga tao para lang mabuhay sila.“Sino ba si Clayton?” tanong sa akin ni Ate, umupo naman ako sa kama at hinarap siya.“Siya yung taong lobo na tinulungan ko.”“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kaniya para makalabas tayo dito.” Bakas ang pagiging desperada niya pero ayaw ko namang ilagay sa kapahamakan si Clayton kung sakali. Alam kong buhay sa buhay ang nakataya dito kaya wala akong pamimilian, ayaw kong maging makasarili para lang iligtas ang sarili kong buhay.Napasapo na laman
May mga halaman man pero mga patay din, maging ang mga puno ay patay. Wala man lang bang kabuhay buhay ang lugar na ito?“Anong hinahanap mo?” tanong ni Ate Layla.“Naghahanap ako kung may makikita ba akong liwanag, gusto ko ng makakita ng sinag ng araw. Lahat ng nasa paligid ay mga patay na, wala man lang kabuhay buhay.” Anas ko, lumapit naman siya sa akin pero nasa tubig pa rin ang katawan niya.“Anong aasahan mo sa lugar na ito? paanong mabubuhay ang mga halaman at puno kung wala man lang sinag ng araw?”Tama naman siya, paano nga naman mabubuhay ang mga halaman sa ganitong klase ng lugar.“Meron naman dito.” Pareho kaming nagulat ni Ate ng may magsalita sa gilid ko, dali daling inilubog ni Ate ang katawan niya sa tubig. Inis kong binalingan ng tingin si Dracula.“Namboboso ka ba?”“Maski maghubad pa yan sa harapan ko, wala a
“Oh Ate?” takang tawag ko sa kaniya ng pumasok siya sa loob ng kwarto na walang dalang pagkain. Kapag papasok kasi siya ng mga ganitong oras ay may dala na siyang pagkain.“Sa labas ka na raw kumain, harapan mo si Dracula.” Wika niya, ano nanamang nakain ng Draculang yun at sa labas na ako pinapakain. Mas gugustuhin kong dito na lang kesa ang makita ko siyang umiinom ng dugo sa harapan ko.“Hindi ko siya haharapan, hinding hindi. Sabihin mo sa kaniya yan, kahit na magutom ako dito maghapon.” Tinalikuran ko na si Ate Layla saka naupo sa dulo ng kama ko. Rinig ko naman ang pagsarado na ng pintuan hudyat na lumabas na si Ate Layla. Ang lakas niyang ayain akong kumain kaharap niya, balak ba akong patayin nun sa pandidiri sa kaniya? Iinom siya ng dugo sa harapan ko habang kumakain? Baka gusto niyang sukaan ko siya ng kinakain ko! Maya maya pa ay bigla na lamang kumalabog ang pintuan.“Hahar
Malalaki sila, may mga sungay pa ang iba. May mga nilalang pala talaga ang nag-eexist sa mundo, may parang kalabaw pa na malaki pero maraming mga mata at may sungay. Anong klaseng mga nilalang ang inaalagaan nila?Maayos naman kaming nakarating sa dulo at halos matunaw ang puso ko sa nakita kong kalagayan nila. Hindi ko na malaman kung anong kulay na ng mga damit nila dahil puro putik na ang mga iyun. Mga tulog sila at hindi na nila namalayan ang pagdating namin. Nakita ko pa ang tira nilang pagkain na nasa isang planggana.Anong klaseng mga nilalang sila? Wala silang awa sa aming mga tao. Para silang mga hayop sa ginawa sa kanila, amoy ko na rin ang mabahong kulungan nila. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, hindi ko kinaya ang mga nakikita ko sa kanila.Pinahid ko ang mga iyun at lumapit sa kulungan nila para gisingin.“Grace, pssst.” Mahinang gising ni Ate Layla sa kasamahan niya. “Hoy Grace.”
THIRD PERSON POVHabang sila Amara at Daryll ay tahimik na kumakain sa hapag kainan panay ang tingin ni Amara kay Daryll hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin ang gusto niyang mangyari sa mga taong bihag sa ilalim ng palasyong ito.“Spill it out.” Halos magulat nanaman si Amara ng biglang magsalita si Daryll. Pinunasan ni Daryll ang kaniyang bunganga saka diretsong tiningnan si Amara. “Ano bang gusto mong sabihin? Kanina pa kita nararamdamang nakatingin sa akin.” Wika niya, napalunok naman si Amara saka ibinaba ang hawak niyang kutsara at tinidor. Sasabihin ba niya o mananatili na lang siyang tahimik subalit kaawa naman ang mga kababaihang nakakulong at halos hindi na makilala dahil sa mga itsura nila.“Sa mga taong nakakulong sa ibaba, bakit hindi mo na lang sila gawing tagapagsilbi. Magtiis na lang kayo sa pag-inom ng dugo ng mga hayop kesa ang paslangin niyo pa ang mga tao