He is a drop-dead gorgeous widower and she is the thirteenth mate. Desperate enough to find the truth behind her bestfriend's death, Loralee married her bestfriend's widow. The marriage between her and Oryrius Delacorte became possible when Connor Billiones, one of the richest businessman in town adopted her. When Oryrius agreed to the arrange marriage proposed by Connor in exchange of business merging, they believed that Oryrius fell on their trap. What Loralee didn't know, it's the other way around. It's all Oryrius' trap to make the prophecy happen. Magtagumpay kaya ang kani-kanilang mga plano sa oras na mahulog ang damdamin nila sa isa't-isa? Would Loralee set aside her growing feelings and continue the investigation? Would Oryrius also forget his real agenda and start protecting Loralee to the pack? O mas pipiliin nilang isakatuparan ang kani-kanilang misyon kasya palawigin ang umusbong na pag-ibig?
Lihat lebih banyakMark your calendar. Tonight, on the first full moon of the year, I will marry my bestfriend's widow.
Iginala ko ang aking paningin. Mula sa mga sanga ng matatayog na mga puno ay nakalambitin ang mga puting paper laterns. Sa ibang bahagi ng mga sanga ay mayroong nakalambitin na LED lights na lalong nagpaganda sa disenyo ng paligid. Kung titingnan ito mula sa malayo ay tila nagmumukha itong mga alitaptap na aandap-andap.
Kung tutuusin ay malalim na ang gabi ngunit maliwanag ang paligid dahil sa mga nakahilera na kalalakihan na unipormado ng itim na tuxedo. May hawak ang bawat isa sa kanila na malalaking torch. Para silang mga estatwa sa kanilang kinatatayuan at tila nagsilbi silang bakod sa venue. Artipisyal ang mga hawak nilang torch, tila kahoy ang disenyo ng handle nito. Naglalabas iyon ng light effect na tila nagmumukhang tunay na apoy.
Infairness, magaling pumili ng lugar ang aking groom. Kahit nasa gitna kami ng gubat ay malawak naman ang espasyo. Nasa higit dalawang daang katao ang bisita. Napanindigan naman ang forest wedding na tema ng kasal. Gawa sa kahoy ang mga mahabang upuan na may sandalan. Napapalamutian iyon ng artipisyal na dahon at bulaklak na lalong nakadagdag ng ganda sa paligid.
Infairness ulit sa groom. Mukhang hindi siya kuripot dahil halatang pinagkagastusan nng husto ang kasal. Venue pa lang ay pak na pak na.
I started walking with confidence. Why not? I am wearing the most expensive gown in town. Isa itong off shoulder ballgown wedding dress. Simple lang naman nang disensyon kung tutuusin per napapalamutian ito ng white gems na nagpamahal nang husto sa gown. Maging ang suot kong accessories ay mayroong diyamanteng bato.
Totoo nga yatang napakayaman ng lintek!
Sabagay, hindi na ako magtataka. Sa labing-dalawang beses siyang nabyudo, tiyak na kinamkam niya ang ari-arian ng dati niyang mga asawa. Ayon pa naman sa nakuha kong impormasyon, pawang galing sa mayayaman at kilalang pamilya ang mga ito. Ayon sa record, taon-taon ay lalong yumayaman ang damuho.
Smells fishy. Doon palang, mukhang pwede na siyang magkaroon ng motibo para gumawa ng krimen.
Nang tumapat ang aking paa sa tapat ng arko na may disensyong twigs, artipisyal na dahon at bulaklak ay nagsimula ring umugong ang tunog ng trumpeta. Ilang sandali lamang ay pumailanlang na ang malamyos na tunog mula sa piano at violin.
Gaya ng mga lalaking nakahawak ng torch ay unipormado rin ng kulay itim na tuxedo ang mga musikero.
Wedding in the middle of a forest.
Weird kung weird, pero kahit papaano naman ay maganda ang ginawa ng event organizer. Labis akong namangha sa kanilang ginawang dekorasyon.
Sa bawat paghakbang ng aking paa sa nakalatag na red carpet ay sumisindi rin ang replika ng buwan na nakahilera sa magkabilang gilid ng carpet.
Nang mapunta ang tingin ko sa dulo ng altar ay natagpuan ng aking mga mata ang lalaking kanina pa nakatitig sa'kin. Nasa six feet ang height nito. Kitang-kita ang matipuno nitong pangangatawan sa suot nitong gray three-piece suit.
Infairness! Kahit sa malayo, mukha pa rin siyang gwapo.
Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay lalo ko siyang natitigan nang husto. Ilang beses ko na ring nakita ang mukha niya pero ito ang unang pagkakataong nakita ko siya nang malapitan.
Lalaking-lalaki ang makapal nitong kilay. Nakakahalina ang mga bilumata nitong kulay abo at ang malantik nitong pilik-mata. Perpekto ang tangos ng ilong nito. Mamula-mula rin ang labi nitong tila kaylambot. Mapapansin rin ang pangahan nitong mukha na lalong nakadagdag sa kanya ng angas.
Sa kakisigan niyang taglay ay pwede na siyang maging bida sa romance movie.
Sayang siya. Sayang na sayang.
Nakakapanghinayang lang ang kagwapuhan niya dahil ang magiging ending ng kwento namin ay ang pagpapakulong ko sa kanya o maaaring ang pagkitil ko sa kanyang buhay.
"Ladies and gentlemen, we are all gathered today to join Oryrius and Loralee as they unite their hearts in the holy matrimony."
Napabaling ako sa pinagmulan ng tinig. Nagmula iyon sa lalaking nakasuot ng brown suit. Matamis ang ngiti nito kasabay ng pagbigkas ng mga salitang binitiwan. Puti na ang bigote nito at nagsisimula na ring makalbo ang bumbunan dahil sa katandaan. Duda ko ay isa itong judge dahil 'di naman siya mukhang pari. Masyadong materyoso ito para maging alagad ng Diyos. Bukod kasi sa gold na relo nito ay mayroon pang malaking singsing sa daliri nitong may malaking bato na kulay moss green. Mukhang katerno ng suot niyang pendant na gano'n din ang kulay ng bato.
Nagsimula ang seremonya ng kasal. Nagpatianod lamang ako sa mga pangyayari. Pinilit kong ngumiti kahit kumukulo ang aking dugo. Nang hawakan ni Oryrius Delacorte ang aking kamay ay pilit kong kinalma ang aking sarili kahit sa totoo lamang ay gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa labis na puot.
"I, Oryrius," Panimula niya dahilan para matuon ang pokus ko sa anong dapat kong sabihin.
"I, Loralee." Walang emosyong kong saad.
Dumako ang tingin niya sa'kin. Kahit nakasuot ako ng belo ay para bang tumagos ang kulay abo niyang mga mata roon. Tila naabot nito ang kasuluk-sulukan ng aking kaluluwa. Para akong nahihipnotismo at para bang kusang bumuka ang aking bibig upang sabayan siya sa pagsasalita.
"promise to cherish, honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth. My heart and soul is yours in any circumstances 'till forever."
Nang bumitaw sa'kin ang kanyang mata ay parang bumalik ang sarili kong kamalayan.
"Rings symbolize vows and promises. Ring has no end, it signifies true and never ending love. Oryrius and Loralee, you may now give the ring to each other."
Matamis ang ngiti ng batang lalaki na nasa walong taong gulang ang edad nang lumapit ito sa amin habang tangan-tangan ang hugis pusong kinalalagyan ng singsing.
Buong ingat na hinawakan ni Oryrius Delacorte ang aking daliri at itinapat ang singsing sa aking palasingsingan.
"Loralee, take this ring as a symbol of my wholehearted acceptance to whoever you are and as a reminder of my responsibilities as husband to you."
Walang imik ko namang kinuha ang singsing na para sa kanya at itinapat iyon sa kanyang daliri.
"Oryrius, I give you this ring as a visible symbol of my promises. Take this as I pledge my intention."
My intention of knowing the truth behind Ciara's death and my promise to give her the justice she deserves.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi, ngiting sa kaibuturan ko ay nangangahulugan ng aking totoong hangarin.
Ngunit unti-unting nabura ang aking ngiti nang magtama ang mga mata namin. Tila ba may nakita akong lungkot sa mga mata ni Oryrius Delacorte.
"I will wear it gladly, Loralee. Do whatever you want because from this day, I am entrusting my life and heart to you."
Napakurap ako. Masyadong tagos sa puso ang salitang kanyang binitiwan at ang mga mata nitong tila nangungusap.
Bago pa ako lamunin ng damdaming nakikita sa kanyang mga mata ay nagsalita ang matandang lalaki.
" By the authority vested in me, I now pronounce you, husband and wife. Oryrius, you may now kiss your bride."
Lumakas ang kabog ng aking puso nang lumapit ang mukha ni Oryrius sa aking mukha. Napapikit na lamang ako nang tuluyan niyang sakupin ang aking labi. Panandalian lamang ang paglapat ng mainit niyang labi sa aking labi ngunit tila naiwan ang iyon sa buo kong sistema at pagkatao.
Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ko ang alulong. Tila alulong ng mga aso. Unti-unting nanindig ang aking balahibo. Gumapang ang kilabot sa aking katawan.
Ang creepy.
Bakit naman kasi ngayon pa umalulong ang mga aso?
Awtomatiko akong napalingon kay Oryrius ngunit tila wala naman itong pakialam sa mga alulong. Nakaguhit ang munting ngiti sa kanyang labi habang nakatingala. Nang sundan ko ang kanyang tingin ay tumambad sa aking mga mata ang maliwanag na buwan. Hindi ko maipaliwanag pero tingin ko, mas lumaki ito kaysa sa karaniwan.
Nang tumitig ako roon ay tila nagkaroon ako ng kakaibang enerhiya. Lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang ibayong tapang upang isakatuparan ang aking plano.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Ngayong gabi, magiging saksi ang maliwanag na buwan sa pagsisimula ng aking paghihiganti.
Nang mapunta ang tingin ko sa mga bisita ay nakaguhit ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Tila ba masaya sila. Napaka-ironic lang dahil isa lang naman itong arrange marriage.
Naiiling na hinanap ng aking mga mata si Connor Billiones, ang aking kaisa-isang kakampi.
Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil natagpuan ko siya sa pinakaharap na upuan ng mga guest.
Makikita ang katandaan sa mukha nito dahil nagsisimula nang mangulubot ang kanyang balat. Manipis rin ang buhok nitong kulay kayumanggi. Halatang artipisyal lamang ang kulay no'n upang maitago ang pamumuti ng buhok nito. Gayunpaman ay makikita pa rin ang kakisigan nitong taglay dahil sa matangos na ilong at magandang ngiti. Hindi maikakailang galing ito sa mayamang pamilya dahil sa suot nitong suit na ginawa pa ng sikat na designer.
Nang magtama ang aming mga mata ay gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. Ngisi na tila nagsasabing nagtagumpay kami.
"You're not a Billiones anymore, Loralee." Agad nabura ang aking ngiti. Agad rin akong napatingin sa pinagmulan ng tinig.
Nasalo ng aking paningin ang kanyang kulay abong mga mata.
"Mula ngayon, masanay ka na, isa ka nang Delacorte."
Nang hindi ako umimik ay muli siyang nagpatuloy.
"You're my wife now."
Sinuklian ko siya ng ngiti.
Yes! Finally! I am Oryrius Delacorte's wife now.
"Or it would be better if we all each other as mate."
Marahan na lamang akong tumango kahit hindi ko naiintidihan kung bakit iyon ang gusto niyang endearment.
Sabagay, mas okay na iyon kaysa sa ibang call sign na masyadong cheesy.
So, I am claiming it now. I am now Oryrius Delacorte's mate....
Mate, the thirteenth.
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen