“Ehh? N-Nakakahiya…” mahinang reklamo ni Analyn, sabay hinawakan ang kamay ni Anthony na nasa buhok niya para sana alisin ito. “Bakit ka mahihiya?” Naalis na ni Anthony ang sinasabi niyang dumi, at ngayon ay nakatingin siya sa mukha ni Analyn. “Si Elle lang naman ang nandito. Hindi na ‘yan iba sa atin.”“Ibang klase ka talaga, Kuya Anthony! Kaya naiinggit ang ibang tao kay Analyn, eh…” sabat naman ni Elle.“Ooops! Dapat yata Ate Analyn na ang itawag ko sa ‘yo,” patungkol niya kay Analyn. Biglang namilog ang mga mata ni Analyn. “Bakit mo ko tatawagin ng ganun?”“Siyempre. Kuya ang tawag ko kay Kuya Anthony. Eh, asawa ka niya. Eh di, dapat Ate Analyn ang itawag ko sa ‘yo.”Bahagyang napaubo si Analyn. “Alam mo, ikaw… ang dami mong alam sa buhay. Tara na! Ihahatid na kita sa labas. Baka gabihin ka pa sa daan,” sabi ni Analyn habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Elle, sabay hila sa babae ng nasa tapat na siya nito.“Bye, Kuya!” pahabol ni Elle bago tuluyang sumara ang pintuan.
Pagpasok sa loob ng bahay, tulala si Analyn. Nakatunghay si Anthony sa laptop niya ng napansin niya ang naglalakad na asawa. Ng nakita niya ang itsura nito, napahinto siya sa binabasa at saka tumayo, hinarang si Analyn. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa babae. Sinalat pa nito ang noo nito. Pinilit ni Analyn ngumiti at saka ipinakita kay Anthony ang hawak na telepono. “Wala lang ‘to. May nabasa lang kasi akong balita na hinuli raw si Kaye kahapon dahil nagda-drugs daw siya.”Pansin ni Analyn na tila dumilim ang mukha ni Anthony, pero agad ding umaliwalas ang mukha nito. “Alam mo namang matindi ang kampanya ng Tierra Nueva tungkol sa droga. Kung talagang gumagamit siya ng droga, malamang na makukulong talaga siya,” sabi pa ni Anthony. “Pero hindi ba parang napala-coincidence?” tanong ni Analyn.Nahulaan ni Anthony ang ibig sabihin ng tanong ni Analyn. “It’s not me.” Agad namang na-guilty si Analyn, pilit niyang binabale-wala ang nasa isip niya kanina pa. “Sorry…” sabi niya at saka
Pinaningkitan ni Anthony ng mga mata si Analyn. Takot na umiling si Analyn at saka muling humakbang paatras. “Ayoko, Anthony. Hindi ako papasok diyan, uuwi na ko.”“Analyn, huwag kang makulit.” Pagkasabi nun ni Anthony ay inisang hakbang niya si Analyn at saka sinaklit ang babae sa beywang at saka walang hirap na binuhat paalis doon. Karga-karga ni Anthony si Analyn habang naglalakad sa pinaka loob ng shop.“Anthony! Ibaba mo ako! Ayoko! Ayokong magpa-tattoo!”Pagdating sa isang kuwarto, agad na isinara ni Anthony ang pintuan nun at saka mahinang ibinalibag si Analyn sa kama. Pinilit bumangon ni Analyn pero hinawakan agad ni Anthony ang braso ni Analyn at saka itinali iyon sa kama.“Anthony? Ano’ng ginagawa mo?!” Hindi sumagot si Anthony hanggang sa maitali niya pa ang isa pang kamay ni Analyn at ang dalawa pang binti nito. “Anthony!” Pero hindi pa rin siya pinansin ng lalaki, sa halip ay hinila nito ang kurtina roon kaya dumilim sa loob ng kuwarto. “Anthony… maawa ka, please…” k
“Anthony, tapos na ba kayo?” Biglang tumuwid ng tayo si Anthony at saka humiwalay kay Analyn. Naglakad ito papunta sa kurtinang nagsisilbing tabing ng kuwarto. Nakatayo roon ang matandang sumalubong sa kanila kanina. “Maraming salamat sa pagpapagamit ng lugar at mga tools, Uncle Hans.”Iwinasiwas ng matanda ang kamay niya, na parang sinasabi nito na ‘walang anuman’. Saka lang niya napansin si Analyn. Itinuro niya ang babae. “Kaano-ano mo ang magandang babaeng ito?”Biglang nakaramdam ng hiya si Analyn. Napaatras siya, alam niya na ang isasagot ni Anthony kahit hindi pa niya naririnig. Paano siya ide-deny ni Anthony? Ano’ng sasabihin nito? Na kaibigan lang siya? Girlfriend? Malabo ‘yun. Pero biglang hinawakan ni Anthony ang kamay niya at saka siya hinila palapit sa kanya. “I am married, Uncle Hans. And this is my wife.”Napamaang si Analyn. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Anthony kaya napatingala siya sa lalaki. “Talaga ba? Nagpakasal ka na?” masayang tanong ni Hans, pagkat
Sa unang dalawang laro, tinuruan muna ni Anthony si Analyn. Sa ikatlong round, nagsimula na ang totoong laro. “Best of three? Best of five?” tanong ni Anthony. “Three lang!” “Wow, confident…”Tumawa lang si Analyn. Sa una at pangalawang round, nanalo si Anthony. “One more win at talo ka na. Makukuha ko na ang reward ko,” nakangiting sabi ni Anthony habang binabalasa ang mga baraha. “Dinaya mo ba ako?” tanong ni Analyn. “Excuse me? Bakit ko naman gagawin ‘yun? Kahit kailan hindi ako nandadaya sa mga kalaro ko.”“Hmp!”“Natatakot ka bang matalo kita? Magaling lang talaga ako.”“Natatakot lang ako sa reward na nasa isip mo.” Inirapan pa ni Analyn ang lalaki. “Kaya humanda ka ng matalo sa third round,” bigay babala ni Anthony.Tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Hindi ka sure…”“Game,” sa halip ay sagot ni Anthony sabay ipinamahagi na sa kanilang dalawa ang mga baraha. Sinamang-palad na matalo si Anthony sa pangatlong round. “Haha! I told you… hindi ka sure…” malakas ang tawa na
Nasa loob ng kotse sila Anthony at Analyn. Doon nila itinuloy ng paghahalikan kanina sa daan galing sa shop ni Hans. Nahihiya raw kasi si Analyn sa maaaring makakita sa kanila roon. Pero hindi lang basta halik ang ginagawa sa kanya ni Anthony doon. Nakatanggal ang ilang butones ng blusa ni Analyn, habang ang isang kamay ni Anthony ay nasa loob ng bra ni Analyn, sakop ang isang dibdib niya. “Anthony… kiss lang ang sabi mo…” kunwari ay pagrereklamo ni Analyn, “bakit may pagdukot ka pa diyan…”Nag-angat ng mukha niya si Anthony mula sa paghalik sa leeg ni Analyn, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa dibdib ng asawa. Sa halip ay minasahe pa niya itong maigi, tinutukso ito. “My bad… ako nga pala ang natalo sa laro. Sorry… ano’ng gusto mong hilingin bilang premyo mo?” May naisip na kanina pa si Analyn, pero hindi niya agad nasabi kay Anthony dahil sa panghaharot nito sa kanya. “Tinatanong mo kanina kung bakit nasa bahay si Elle, di ba?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Analyn, mu
Masasabi ni Analyn na napakalaking bagay na galing siya sa Creatives, Inc.. Idagdag pa na nakuha niya ang pinakamataaas na award sa taunang pa-contest ng Philippine Designer’s Association. Naging madali para sa kanya ang pag-aayos ng bubuksan na design company. Idagdag pa nagkaroon siya ng mga koneksyon sa gobyerno magmula noong naupo siyang department head ng Design department at nanalo siya sa maraming design projects. Pinangalanan nila ang maliit na kumpanya nila ni Elle ng Blank. Ibig sabihin ay blanko, nagsimula sa wala. Naisipan ni Analyn na tawagan si Michelle at alukin ng trabaho sa kumpanya nila ni Elle. Matagal na rin naman ang babae sa ganoong industriya at mapagkakatiwalaan ito, kaya alam ni Analyn na magiging malaking tulong sa kanya ang kaibigan. [“Of course, I’m willing to help!”]“Pero hindi pa namin kayang ibigay ang sahod at benefits na kinikita mo sa Creatives.” [“Alam ko. Pero iba kasi kapag ikaw ang ka-trabaho.”]“Wala pang maipagmamalaki ang Blank.”[“So what
Nasa 25th floor ang opisina ng Blank. Inokupa nila ang buong palapag. Binayaran na ni Elle ang pang-isang taong upa sa buong palapag. Kaya kailangang kumita sila agad para mabawi na agad nila ang ibinayad sa renta.Maraming bisita ang nagpunta sa opening. Mga dating nakikilala ni Analyn sa Creatives, Inc. Mga dating naging kliyente at mga nakasalamuha sa pagdidisenyo. Humahalimuyak ang buong palapag sa dami ng mga ipinadalang bulaklak ng mga kakilala nila Analyn at Elle. Hindi rin nahihinto si Michelle sa pagre-register ng mga dumarating na mga bisita. At siyempre, hindi pwedeng wala roon ang Papa ni Analyn. Gusto ng babae na masaksihan ng Papa niya ang importanteng bagay na ito sa buhay niya.Hindi makakarating si Anthony. Pero para kay Analyn, okay na rin iyon. Ayaw niyang isipin ng mga tao na puppet lang siya ni Anthony sa maliit na negosyo na ito. Gusto niyang matanim sa isip ng mga tao na pinagpaguran niya ang kung anong meron siya ngayon.Hindi na nagulat si Analyn ng dumating
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.