Jean Isang lingon pa kay Vera bago ko itulak ang pinto. Sakto rin bumukas ang pinto shop ni mommy. Si Kaizer ang lumabas nakatingin sa mata ko. Grabe siya, may nababasa ba ito bakit doon nakatitig. Kapagkuwan kumunot pa ang noo para bang may nakita. Buti na lang din ay saglit lang ngumiti na siya sa akin. “Hi,” nakangiti akong sinalubong siya. Uminit naman ang pisngi ko kasi walang pakialam itong si Kaizer. Hinapit niya ako sa baywang ko at siniil ako ng mabilis na halik sa labi ko. Tumingin tuloy ako sa shop ni mommy kung nakatingin siya sa amin buti hindi naman. Nakaharap lang si mommy sa laptop niya tila mayroo itong in-encode sa laptop niya. “Magpaalam muna tayo kay mommy,” saad ko nag-angat ng tingin sa kaniya. Tumango si Kaizer at hinagod niya ako ng tingin. Kapagkuwan ay may pagbuntong hininga inalis ang isang kamay ngunit nanatili naman nakayakap ang isa pa. Umatras pinagmasdan ako kaya nagtaka akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “May problema ba?” kandahaba ang ngu
Jean Parang walang nangyari balik si mommy sa shop at si Vera sa tinatahi niyang evening gown. Deadline raw next week kaya nira-rush ni Vera ngayon. Hindi muna ako lumabas pinanood ko na lang si Vera. Kumakati nga ang kamay ko tulungan siya ngunit design niya iyon ayaw kong makialam sa ginagawa niya. Nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko may pumasok na text galing kay Kaizer. Hubby: Wife, nakaalis na ako sa office patungo na ako r'yan. Nagpalam ka na ba kay mommy aalis tayo agad? Ako: Saan nga pala tayo pupunta? Aba bilis n'yang mag-reply huh! Hubby: Birthday ni doktora Nai. Sa bahay lang naman nila. Ako: Doon tayo pupunta bakit hindi mo naman sinabi!? Kaizer naman wala akong gift at wala rin akong damit. Aba tumawag pa hindi na lang i-text ang reply niya. Talaga naman. Sinagot ko nakatawa sa kabilang linya. Anong nakakatuwa sa sinabi ko hilig ng biglaan dapat kahapon sinabi na niya. “Ano bang problema kung wala kang baon na damit?” iyon agad ang tinanong sa akin.
Jean Madaling araw gising na ako dahil umuwi si mommy hinatid namin ni Kaizer sa labas. Pinahatid ni Kaizer kina kuya Nardo. Dahil alas-kwatro pa ng madaling araw. Ayaw rin ni mommy mapagod daw ako masyado kaya pumayag na lamang ako.Nang makaalis si mommy bumalik kami ni Kaizer matulog. Nagising ako ngayon lang alas diyes na ng umaga tanghali na wala ulit si Kaizer sa tabi ko. Bumango ako nanghihinayang hindi ko na naman naabutan bago pumasok sa office niya. Sana pala hindi ako bumalik matulog. Bulong ko pa sinisi ang sarili ko paglapat lang ng likuran ko sa kama mahimbing agad ang tulog ko.Dahil tinamad pa akong lumabas nanatili muna ako sa loob ng kuwarto. Kinuha ko ang phone ko sa study table at binitbit sa kama. Bumalik ulit ako sa paghiga. Kapag sarado pa ang pinto hindi naman ako gagambalain. Maliban sa manang Rosa na siyang may lakas loob na katukin ako pero ang iba kailangan pa ng pahintulot galing dito o ni Kaizer para gisingin ako.Tatawagan ko si mommy ngunit nakita ko m
Jean Napalingon kami pareho ni Kaizer ng bumukas ang pinto ng CR. Lumabas si lola nakabihis na. “Narito na pala ang asawa mo, apo? Paalis na ba agad kayo niyan? Tulog pa yata ang mommy mo,” ani nito palapit na rin sa amin ni Kaizer. Tumayo si Kaizer at nilapitan si lola. Nagmano rito at sinabayan na si Lola maglakad at nakaalalay pa sa siko ni lola binitiwan lang ng makarating sila sa sofa. “Dito ka po ‘la,” pinagpag ko ang tabi ko. “Ngayon na ba kayo aalis? Parang ang bilis lang, apo," “Opo ‘la. Gigisingin ko na lang po si mommy. Sabi naman noon kapag dumating daw si Kaizer. Gisingin lang daw siya.” “Pinakain mo na ba itong asawa mo ha, apo?” “Opo katatapos lang din po ‘la,” tugon ko. “Bakit nga pala isasama n'yo pa ang mommy mo? Ihahatid n'yo ba muna sa bahay bago kayo tumuloy pauwi?” “Hindi po ‘la. Ummm magtungo po kami sa clinic.” “Sinong maysakit?” gumuhit ang pag-aalala sa mata ng lola pareho niya kaming pinasadahan ng tingin ni Kaizer. Para bang nasa titig n
Jean "Ikaw lang mag-isa? Where are mommy and grandma?" "Nasa k'warto si mommy. Si lola naliligo," tugon ko. Hinagod niya ako ng tingin. Napanguso ako dahil hindi na kami nakaalis sa gitna. "Bakit?" "Kumain ka na?" "Iyon lang pala bakit ang laki ng problema. Oo naman. Gusto mong kumain? Ipaghahain kita. Marami pang natirang ulam. Nagtinola ng manok si lola at mayroon pritong isda." Kumikislap ang mata ni Kaizer. "Kung kakain ka?" "Ahmm busog pa ako pero sige baka hindi ka pa kumain ng tanghalian sasamahan na lang kita." "Kumain pero kaunti lang," tugon niya. "Bakit kaunti dapat marami ang laki mong tao hindi iyon sapat." "Iniisip ko kayo ni baby," "OA mo. Ngumisi lang ayon na naman parang kinikiliti ang tiyan ko sa kilig. "Halika na nga papakainin kita," hinila ko sa kamay niya at nagpahila naman si Kaizer. "Upo ka lang diyan ako," tinuro ko ang upuan. Siya ang naghila. Nakaupo na ngunit bawat galaw ko nakasunod siya ng tingin kaya uminit ang mukha ko. Pinanginiga
Jean May masayang ngiti sa labi paggising ko ngunit pagtingin ko sa tabi ko nabawasan ang aking kasiyahan dahil hindi ko na naman naabutan si Kaizer. Pumasok na naman ng office tulog pa ako. Bukas gigising na talaga ako ng maaga para naman masabayan kahit almusal si Kaizer. Dahil alas-nueve na bumangon na ako para maligo. Pupunta ako sa mommy magpapasama sa check-up ko ngayon. Tiyak magugulat iyon kapag sinabi kong buntis na ako. Pumayag naman si Kaizer na kasama ko si mommy. Doon din niya ako susunduin sa shop ni mommy. Sabi ko roon na siya pumunta hindi na ako uuwi rito hassle rin naman kung babalik pa ako mabuti na lang walang reklamo. Nag-pants pa rin ako kahit na preggy na. Tsaka na lang ako magsuot ng dress kung two months na si baby sa sinapupunan ko. Ngayon susulitin ko muna maong pants suot dahil matagal din ulit makapagsuot nito kaya ngayon gamitin ko na. May dalawang maid nagpapalit ng kurtina pagdating ko sa baba. “Hi,” binati ko sila. “Si manang Rosa po nasaan?”