"Duel?! Duke, you can't hurt the father of my child!" Mabilis na nakatayo si Lucy at niyakap ang prinsipe na mabilis din siyang itinulak. Nasapo ni Estacie ang noo at tsaka napailing. Pagkatapos ay sinulyapan si Eckiever. "There's no reason for us to talk. Ngayong alam mo na ang buong katotohanan, siguro naman ay titigilan mo na rin ako? Kasi sa totoo lang, ayaw na kitang makita." Pagkasabi ni Estacie, mabilis niyang inaya ang kanyang Lola palayo sa grupo kasunod ang kanyang Lolo. Inalalayan siya ng mga ito habang paulit-ulit na humihingi ng pasensya dahil nahuli ang pamilya ng dating. Si Eckiever naman ay lalong naging mabalasik. Pakiramdam ng binata ay hindi siya makahinga pagkatapos marinig ang sinabi ng dalaga. Kita niya sa mata ni Estacie ang pagkadismaya, galit at lungkot. Mga damdamin na hindi alam ni Eckiever na magpapahirap sa kalooban niya. "Here's your sword, Your Highness." Ani ng isang taga-silbi. Bitbit ang sariling espada ng prinsipe. "Bago tayo magsimula, gusto
Inabot ng gabi ang pag-uusap at pag tuklas sa mga sekreto na naka-baon na sana sa limot. Subalit dahil sa tatlong babae na sina Elena, Sylvia at Estacie, muling nabunyag ang lahat at tuluyan na ngang naging malinaw. Sa pagod at emosyon, hinayaan ni Estacie na dalhin siya ng kanyang Lolo at Lola sa isang mansyon na nakatayo sa loob ng bakuran ng Palasyo. Kasama ang kanyang ina-inahan na si Vista, ang kapatid nitong si Clewin, at ang mag-inang Elena, pansamantalang doon namahinga sa Mansyon ang lahat. Kinausap din ng mag-asawang Hanvoc sina Vista at Clewin. Labis ang pasasalamat ng mga ito dahil sa pag-ligtas at pag-aruga ng mga ito kay Estacie. Samantala, kasalukuyang nasa terrace ng kanyang silid sa mansyon si Estacie. Nakatingala habang naka-titig sa mga bituin na sa paningin niya ay kumikinang upang batiin siya. Maya-maya ay itinaas niya ang kanang kamay at ibinuka at itiniklop ng ilang beses. Maraming bagay pa sa mundong ito ang hindi pa niya alam at gusto niyang tuklasin. Ang pl
Pabagsak niyang isinara ang pinto at mabilis na tinungo ang kama. Kabado man, sinikap ni Estacie na makatulog. Bagama't hindi talaga niya batid kung bakit parang hindi alam ng kanyang Lolo't Lola na may taong naka-akyat sa terresa. Samantala, sa labas, ilang minutong nanatili si Eckiever sa labas ng terresa. Nagbabakasali na muling lumabas si Estacie at kausapin siya. Makalipas nga ang ilang minuto at walang Estacie na lumabas, laylay ang balikat na kinikiskis ni Eckiever ang singsing na suot. At tsaka parang usok na itim na lumaho siya sa terresa. Singsing na ipinamana ng kanyang Ama bago namatay. Tanging Arkhil lang nakakahawak sa nasabing singsing. Ayun sa kanyang ama na dating pinuno ng sandatahan, ang singsing ay gawa sa piraso ng puso ng dragon na huli netong nakalaban. Mayroong kapangyarihan na lipulin ang mga kaaway sa pamamagitan ng apoy na nagmula din sa kapangyarihan ng dragon. Kung ang Arkhil ay may apoy ng dragon, napunta naman sa kumbento ang singsing ng may kakayahan
Kunot ang noo na napa-limgon si Sylvia sa pwesto ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ng babae at nasabi neto ang ganoon. Nang hindi man lang siya nilingon ni Estacie, si Elena ang sinulyapan niya. Nakaupo ang isa pa niyang kaibigan sa ibaba ng trono. Napa-kibit balikat lang si Elena sa kanya na ang ibig sabihin ay hindi rin nito alam ang sagot. Sa tindi ng frustrations, napa-buntong hininga si Sylvia at minasahe ang noo. "Hindi ko talaga mabasa ang takbo ng utak mo beshy!" Bulong niya sa sarili. Beshy ang tawagan nilang tatlo. Ito ang itinuro sa kanila ni Estacie na ang ibig sabihin daw ay bestfriend. Bagamat may pagdududa siya. "So, are you two close?" Napa-flinch si Sylvia ng marinig ang kanyang uncle na magsalita. Bihira magsalita ang lalake pero parang napapansin niyang interesado ito kay Estacie. "Hah.. Yeah. Siya ang gumawa ng gown ko, you see?" Sagot ni Sylvia habang naka-ngiti. Pinasadahan ni Eckiever ng tingin ang gown na suot ng pamangkin. Indeed,
Nang muling sumapit ang gabi, tahimik na ang buong palasyo. Wala nang masyadong ingay na konektado sa nangyaring pagha-hatol. Maliban sa isang pribadong silid na may lawak na mahigit kumulang 100 sqm.Ang silid ay hindi sakop ng palasyo subalit nasa loob ng bakuran ng palasyo. Malapit sa mataas na guard tower na siyang ginagawang look out location ng mga kasundaluhan. Sa loob ng silid, nagtitipon ang lahat ng sundalo na natitira sa Prekonville. Nakasuot ang mga ito ng kasuotang pandigma at bawat isa ay may espada sa tagiliran. Naka-upo ang mga ito sa gilid habang seryoso ang ekspresyon ng mukha. Samantala, si Estacie ay kasalukuyang natutulog sa kanyang silid sa loob ng mansyon na sakop parin ng Palasyo. Sa makalawa pa ang alis ng kanyang Lolo at Lola pabalik sa Hanvoc. Lugar na kung saan ang mga ito naka-tira. Ang lugar ay isinunod sa apilyedo ng mag-asawa upang madaling tukuyin ng sino mang naglalayag. Sumapit ang umaga na walang nangyari. Normal ang lahat, maliban kay Eckiever A
Pabalagbag na binuksan ni Eckiever ang pintuan ng mansyon na pansamantalang tinutuluyan ng Hanvoc. Kahit pa nga ilang beses siyang sinubukan na pigilan ng mga tauhan ng mag-asawa. Gulat ang bumadha sa mukha ng matanda na ilang segundo lang ay napalitan ng pag-tataka. "Duke Arkhil. Base sa paraan mo ng pag-bukas ng pinto, importante ang dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong ng matandang Lalake. Nagpalinga-linga muna si Eckiever bago sumagot ng hindi makita ang hinahanap. "Nasaan si Estacie?" Nakalimutan niya ang pag bigay ng respeto sa dalawa dahil sa tindi ng pag-aalala. Medyo hindi naman nagustuhan ng dalawa ang paraan ng pagtatanong ni Eckiever kaya napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha neto. "Aaminin ko sa'yo na hindi ko gusto ang paraan ng-""Alam kong medyo bastos ang pagtatanong ko, Mr. Hanvoc. Pero importante sa akin na malaman kung nasaan si Estacie hanggat maaga pa. Nasaan siya?" Nakalimutan na nga ni Eckiever ang maging magalang. Nababalot kasi ng takot ang kanyang
Hindi alam ni Estacie kung ilang beses na siyang nawalan ng malay. Ang alam lang niya, mahapdi ang kanyang buong katawan. Nangangalay na rin ang kanyang dalawang braso na nakatali paitaas sa dalawang poste sa loob ng kwarto na pinag-dalhan sa kanya. Medyo hindi na rin niya maaninag ang tao na nasa kanyang harapan dahil sa dugo na humarang na sa kanyang paningin. Alam ni Estacie na malabo pa sa bagong baha na Ilog na makita siya ng mga taga-Prekonville. Pero ng nga sandaling yun, sa kauna-unahang pagkakataon, naisip niya na sana, mahanap siya ni Eckiever. Ang lalakeng kinaiinisan niya dahil ito ang dahilan kung bakit narito siya sa Prekonville. Ang lalakeng walang ibang ginawa kundi insultuhin siya. Lalakeng inakalang isa siyang magnanakaw. At higit sa lahat, ang lalakeng pinangarap niya noon, sa mundong ibabaw. Tama. Ang dahilan kung bakit ganun na lang ang galit ni Estacie sa lalake ay hindi lang dahil sa ito ang dahilan at pinag-simulaan ng lahat. Tandang-tanda ni Estacie ang nga
Magkasabay na lumabas at pumasok ng kwartong pinag-dalhan kay Estacie ang Ama ni Lucy at Eckiever. Gustuhin mang habulin ng binata ang pinuno ng Scorpion ay mas pinili pa rin nitong daluhan si Estacie na ngayon ay wala ng malay. Halos manginig ang katawan ng binata ng makita ang kalunos-lunos na sinapit ng dalaga sa kamay ng Scorpion kaya lalong tumaas ang galit sa kanyang dibdib. "Found you." Bulong niya sa dalaga kahit alam niyang hindi naman siya naririnig nito. Pagkatapos balutin ng sariling damit ang duguang katawan ni Estacie, dahan-dahang binuhat ni Eckiever ang dalaga palabas ng silid. Sakto namang dumating na rin ang ibang tauhan ng Prekonville at ilang kasundaluhan ng Hanvoc. Walang nakaimik kahit isa ng makita nila ang walang malay na si Estacie. Isa lang ang laman ng kanilang utak ng mga sandaling yun. Pag-patay. "Kill them all except, that father and daughter." Naniningkit ang mga matang utos ni Eckiever. "I want to kill them myself." Dugtong pa niya. Mabilis naman