You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon

You Tricked Me with a Fake Marriage, So I Married a Tycoon

By:  Sweet PancakesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ilang taon nang kasal si Adelaide Rufino sa nag-iisang tagapagmana ng Villareal Group. Sa mata ng lahat, isa siyang masuwerteng asawa. Pero sa loob ng bahay ng mga Villareal, isa lang siyang bisita na hindi kailanman tinanggap. Ginawa niya ang lahat para mapabilang. Nagpakapagod, nagpakasakripisyo, at halos mawala ang sarili, basta lang may mapatunayan sa pamilya ng asawang si Felix Villareal. Hanggang sa isang araw, gumuho ang mundo niya. Nalaman niyang peke ang kasal nila. Hindi siya ang tunay na Mrs. Villareal. Ang pangalan sa likod ng lahat ng papeles ay sa matalik niyang kaibigang si Angela. Mas masakit pa, alam ito ng mga magulang ni Felix mula pa sa simula. At ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman tinanggap ay simple at malupit. Hindi siya makapagbigay ng tagapagmana. Baog siya dahil sa isang aksidenteng nangyari habang inililigtas ang lalaking inakala niyang asawa. Sa araw na iyon, nawala ang pagmamahal. Napalitan ito ng pagsisisi. Pero hindi si Adelaide ang babaeng mananatiling nakaluhod sa sakit. Sa halip na magmukmok, gumawa siya ng plano. Isang planong sisira sa mga taong nagnakaw ng tiwala, panahon, at buhay niya. At ang unang hakbang ng kanyang paghihiganti ay ang pagtanggap niya ng kontrata bilang Mrs. Yuchengco. Hindi para magmahal. Kundi para gumanti. Gagawin niya ang lahat, mapagbagsak lang ang mga ito, kahit pa ipagkuno niya ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala.

View More

Chapter 1

KABANATA 1

“Miss, peke po ang sertipiko ng kasal na hawak ninyo.”

Tahimik na pinanood ni Laide ang receptionist habang ibinabalik nito ang dokumento. Maayos pa rin ang kilos ng babae, pero hindi maitago ang bahid ng pang-uuyam sa kanyang mga mata. Isang tinging parang sanay nang makakita ng ganitong eksena.

Kinuha ni Laide ang sertipiko, bahagyang napangiti. “At bakit ko naman gagawin iyon?” tanong niya, kalmado ngunit may diin. “Para lang lokohin ka?”

Nagkibit-balikat ang receptionist, pilit na pinipigil ang ngisi. “Baka po para makasali sa anniversary promo ng restaurant.”

Parang may sumabog sa isip ni Laide.

Promosyon? Anong promosyon? Ang tinutukoy ng receptionist. Mukha ba siya oppurtunista?

Wala siyang kaalam-alam tungkol doon. Ang tanging dahilan kung bakit niya pinili ang restaurant na ito para sa ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Felix Villareal ay dahil nagustuhan niya ang garden setup—simple, tahimik, at may pakiramdam ng pagiging pribado.

“Hindi ka basta-basta puwedeng mag-akusa na peke ang marriage certificate ko,” malamig niyang sabi. “May karapatan akong magsampa ng reklamo.”

Ngunit tila hindi iyon sineryoso ng receptionist. Umiling lang ito, parang nakarinig ng lumang biro.

Doon na tuluyang kumunot ang noo ni Laide. “At ano ang basehan mo?”

Hindi na sumagot ang receptionist. Sa halip, yumuko ito at mabilis na nag-type sa keyboard. Ilang segundo lang ang lumipas bago niya iniharap ang monitor kay Laide.

“Inilagay ko ang ID number ng asawa mo,” paliwanag nito. “At nakita kong nasa system na ang record niya.”

“So?” singhal ni Laide pabalik.

“Siya rin mismo ang nag-book ng anniversary set sa amin.”

Natigilan si Laide. “Nagbook siya rito?” ulit niya, hindi makapaniwala sa narinig.

Tiningnan siya ng receptionist na parang hindi niya agad naintindihan ang pinaka-obvious na bagay sa mundo. “Oo, si Mr. Villareal mismo ang nagbook noong nakaraang araw. Pero hindi para sa’yo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Huminga nang malalim ang receptionist, tila nagsasawang magpaliwanag. “Ibig sabihin, ibang babae ang kasama niya. Hindi ikaw ang Mrs. Villareal na naka-record dito.”

Parang nawalan ng hangin ang paligid. Hindi nakaimik si Laide, ngunit pilit niyang pinanatiling tuwid ang tindig. Lumapit siya at muling tumingin sa screen.

Doon, malinaw na malinaw, sa seksyong Mrs. Villareal, nakalagay ang pangalan pamilyar na pangalan.

Angela Morgan.

At sa isang iglap, gumuho ang lahat ng inakala niyang sigurado sa buhay niya.

Ang matalik niyang kaibigan.

Parang may humampas sa dibdib ni Laide. Ano… anong nangyayari?

“At si Villareal at ang kanyang asawa ay kasalukuyang nasa rooftop garden, ipinagdiriwang ang ikatlong anibersaryo ng kasal—”

Hindi na natapos ng receptionist ang sasabihin. Tumakbo na si Laide patungo sa hagdan, halos hindi na maramdaman ang pagod o hingalin.

Ang asawa niya, at ang matalik niyang kaibigan ay ipinagdiriwang ang ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal?

May mali. Siguradong may mali. May malaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Siguro ay nag-usap lang ang dalawa para surpresahin siya—tama! Iyon marahin ang dahilan.

Ngunit nang marating niya ang rooftop at makita ang eksena sa harap niya, bigla siyang napahinto.

Nagyayakapan ang dalawa.

Isang matangkad at maayos manamit na lalaki, suot ang dark suit at bow tie, kalmado ang tindig—ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon. Sa harap niya, isang babaeng elegante sa pulang dress, kumikinang sa ilalim ng ilaw, ang nakatingala sa sa asawa niya nang may matang puno ng lambing.

Kailanman ay hindi siya tinignan ng gano’n ni Felix.

Sa likod nila, isang malaking LED screen ang biglang nagliwanag kasabay ng pag-umpisa ng musika. Lumitaw ang mga salita: “Time Music Box.”

At nagsimulang umusad ang mga alaala.

Ang unang larawan—isang candid shot. Si Angela, hawak ang cellphone, bahagyang nakayuko, palihim na nakasilip kay Felix na nasa ilang hakbang ang layo. May ngiting pilit itinatago, parang isang lihim na hindi pa handang ilabas.

Sumunod ang mga larawan ng pagkakakilala nila—magkatabi ngunit may distansya sa pagitan nila.

Pagkatapos, isang hapunan. Magkaharap sila sa mesa, parehong nakangiti, parehong relaxed. Hindi na awkward. Parang matagal nang magkakilala, at malapit na malapit sa isa’t-isa.

Nagpalit ang larawan.

Sa loob ng kotse ni Felix—ang upuang akala ni Laide ay para lamang sa kanya—nakaupo si Angela sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana, habang si Felix ay palihim na nakangiti.

Sunod-sunod ang mga eksena.

Mga business trip na magkasama. Mga biyahe sa iba’t ibang lugar. Mga larawang kuha sa airport, sa hotel, sa mga lugar na minsan ay ikinuwento lamang kay Laide—ngunit hindi niya kailanman napuntahan kasama ang asawa niya.

At sa huli, isang larawan sa isang pamilyar na bayan.

Ang hometown ni Angela Morgan.

Parang unti-unting nilulunod si Laide ng bawat imahe. Hindi ito isang pagkakamali. Hindi ito biro. At lalong hindi ito isang simpleng hindi pagkakaunawaan.

Ito ay isang buong buhay—na itinayo sa likod ng kanya. At sa lahat ng ito, bilang asawa ni Felix Villareal at matalik na kaibigan ni Angela Morgan, wala siyang kahit kaunting kaalam-alam.

Lumabas sa screen ang mga eksenang hindi niya kailanman inakalang makikita.

Naghalikan sila sa ilalim ng papalubog na araw. Nagtawanan sa kama. At pagkatapos—isang larawang halos ikapigil ng hininga ni Laide. Nakayakap si Angela sa mga bisig ni Felix. Pareho silang walang saplot. Walang paliwanag. Walang kailangang idagdag.

Hanggang sa huling imahe.

Isang diyamanteng singsing ang dahan-dahang isinuot ni Felix Villareal sa daliri ni Angela. Kasabay ng eksenang iyon sa screen, gumalaw ang lalaki sa harap ng lahat. Kinuha niya ang isang malaking bouquet ng mga rosas mula sa mesa at lumuhod sa harap ng babae.

“Mrs. Villareal,” malambing niyang sabi, malinaw na malinaw sa mikropono, “ang ganda mo ngayong gabi.”

Tinanggap ni Angela ang mga rosas. Nang tumayo si Felix, agad siyang sumiksik sa mga bisig nito, inangat ang mukha, at hinalikan ang baba ng lalaki—parang likas na kilos na matagal nang ginagawa.

Marahang hinaplos ni Felix ang buhok niya. Ang mga mata nito’y puno ng pagmamahal—iyong uri ng titig na minsan akala niya ay sa kanya lang.

Tahimik na pinanood ni Laide ang dalawa.

Maaaring magkamukha ang mga tao. Maaaring may kahawig. Pero hindi siya bulag.

Ang dalawang taong nasa harap niya ay walang iba kundi sina Felix Villareal—ang asawang minahal niya—at Angela Morgan—ang kaibigang pinagkatiwalaan niya ng lahat.

Parang may pumutol sa loob niya. Pinilit ni Laide na huminga nang maayos. Tumalikod siya at naglakad patungo sa pasilyo, nanginginig ang mga kamay habang tinatawagan ang numerong ibinigay ng receptionist.

Ilang sandali ang lumipas bago muling may sumagot.

“Miss, nahanap na po namin. Naka-record sa system si Felix Villareal. Ikinasal siya noong Hunyo 6, tatlong taon na ang nakalipas.”

Hunyo 6.

Nanlamig ang buong katawan ni Laide. Hunyo 16 ang petsang ipinarehistro nila ang kasal nila ni Felix.

“Ang… ang pangalan ng asawa?” halos pabulong niyang tanong.

“Angela Morgan.”

Parang may humigpit sa kanyang lalamunan. “Sigurado ka bang walang mali?”

“Wala po.”

Doon tuluyang nadurog ang puso niya.

Hindi pala siya ang asawa. Siya pala ang ibang babae.

At ang legal na asawa ng lalaking minahal niya, ay ang tinawag niyang matalik na kaibigan.

Biglang umalingawngaw ang tunog ng biyolin mula sa rooftop.

Dahan-dahang inilingon ni Laide ang ulo, tumingin sa labas, at habang ang musika ay tuluyang lumalamon sa natitira pang lakas ng kanyang pagkatao.

Sa ilalim ng mabituing langit, napapalibutan ng mga bulaklak at sinasabayan ng himig ng biyolin, hinawakan ni Felix ang kamay ni Angela. Dahan-dahan silang umikot sa gitna ng ilaw, bawat hakbang ay punô ng lambing at karangyaan, parang walang ibang taong umiiral sa paligid.

Sa malaking screen, lumitaw ang panibagong larawan.

Kuha sa isang cruise ship.

Kumirot ang dibdib ni Laide.

Mayroon din siyang kopya ng larawang iyon. Pero sa kanya, tatlo silang nasa frame—siya, si Felix, at si Angela. Sa larawang ipinapakita ngayon, siya ang tinanggal. Para bang hindi kailanman naging bahagi ng eksena.

Napasinghap siya. Isa na naman iyong biyahe na siya mismo ang nag-ayos.

Diyos ko.

Parang umakyat ang init mula sa sikmura niya hanggang dibdib. Nakuyom ang mga kamao, naglakad siya pasulong, handang sumabog. Ilalantad niya ang lahat. Hihilingin niyang tumingin sila sa kanya at ipaliwanag kung bakit ganito ang ginawa nila. Kung paano nila nagawang lokohin siya ng harap-harapan.

Ngunit bago pa siya makarating sa kanila, may biglang hinugot si Angela mula sa kanyang bag at iwinagayway ito sa harap ni Felix.

Agad nag-iba ang ekspresyon ng lalaki. Nanlaki ang mga mata. Kinuha niya ang bagay na iyon, tinitigan nang mabuti, at biglang lumiwanag ang buong mukha niya, parang bata na nakatanggap ng matagal nang hinihintay na regalo.

Napahinto si Laide sa paglalakad, nanigas ang buong katawan niya.

Isang pregnancy test.

Kilala niya iyon. Masyadong kilala. Ilang beses na niyang hinawakan ang parehong piraso ng plastik—ilang beses na siyang umasa, at ilang beses ding nadurog.

“Magiging tatay na ako!” sigaw ni Felix, wala na ang dati nitong pagiging kalmado. “Magiging tatay na ako!”

Puno ng saya ang boses nito, handang ipagsigawan ang balita sa buong mundo.

At doon naunawaan ni Laide ang lahat.

Kung bakit. Kung paanong nagawa nila ang kasinungalingang iyon. Kung bakit siya ang madaling palitan.

Lumipas ang dalawang oras na parang walang katapusan.

Nang tuluyan nang matapos ang selebrasyon, sinundan ni Laide sina Felix at ang iba pa—tahimik, walang imik—pabalik sa bahay ng pamilyang Villareal, dala ang puso niyang wasak na wasak.

Kakababa pa lamang ni Angela Morgan mula sa kotse nang bumukas ang pinto ng bahay. Lumabas ang ina ni Felix, halatang hindi na mapigil ang tuwa.

“Ann!” masigla nitong tawag. “Tumawag si Felix at sinabing buntis ka raw! Naku, napakagandang balita nito!”

Parang hindi sapat iyon, dahil agad pa nitong idinugtong ang mga salitang mas masakit pakinggan.

“Hindi ko talaga pinayagan noon na pakasalan ni Felix si Laide,” diretsahang sabi ng babae, ni hindi man lang nag-atubili, “dahil sa aksidente niya. Nasira ang matris niya, hindi na siya puwedeng magkaanak. Hindi ako magkakaroon ng apo kung siya ang mamanugangin ko. ”

Tahimik na inabot ni Angela ang kamay ng matanda. Maayos ang ngiti, “Hindi po kayo nagkamali ng desisyon.”

Lalong lumiwanag ang mukha ng ina ni Felix. “Mabuting bata. Iyan ang gusto ko sa’yo, marunong kang umunawa, marunong kang tumayo sa tama.”

Mula sa di kalayuan, pinanood iyon ni Laide.

Ang biyenang kailanman ay hindi naging mainit sa kanya, na palaging malamig, palaging may distansya sa pagitan nila—ay ngayon hawak ang kamay ni Angela na parang sariling anak. Paulit-ulit niya itong tinatawag na mabuting manugang, saka masayang inakay papasok sa bahay ng pamilyang Villareal.

Doon niya tuluyang naunawaan kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya.

Dahil sa nasira niyang matris kaya siya kinamuhian nito. Kaya siya hindi kailanman trinato ng tama. Kaya palagi siyang sampid sa paningin nila

Ngunit ang aksidenteng iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya kailanman magiging ina, ay dahil iniligtas niya si Felix. At para lang hindi masira ang pangalan ng pamilyang Villareal, para hindi sila matawag na walang utang na loob, binigyan siya ng isang pekeng kasal.

Tatlong taon.

Tatlong taon siyang ginawang panakip-butas, ginawa siyang tanga ng lahat.

Biglang tumunog ang kanyang telepono.

Isang pangalan ang lumitaw, isang taong minsan ay inakala niyang wala sa tamang isip.

Huminga nang malalim si Laide bago sinagot ang tawag.

“Alam niyo po ba,” malamig niyang tanong, diretso at walang paligoy, “na peke ang kasal ko kay Felix Villareal?”

Ang pamilyang Yuchengco ang itinuturing na pinakaimpluwensiya at pinakakinatatakutang angkan sa lungsod. At ang taong tumawag sa kanya ay ang mismong pinuno nito.

Dahil sa isang proyekto sa negosyo, minsan na silang nagkaharap ni President Yuchengco. Kaya hindi na siya nagtaka nang anyayahan siya nitong makipagkita. Ang hindi niya inaasahan ay hindi pala tungkol sa partnership ang pakay ng matanda.

Kundi isang kasal, hindi kahit kanino lang kungi hindi sa anak nito mismo.

“Hangga’t handa si Miss Adelaide na pakasalan ang anak ko,” diretVillareal sabi ni President Yuchengco noon, walang paligoy, “at bigyan ang pamilya ng apo, sa iyo mapupunta ang buong ari-arian ng pamilyang Yuchengco balang araw.”

Noon, akala ni Laide ay may tama sa ulo ang matanda.

Paano niya mapapangasawa ang anak nito kung siya ay may asawa pa? Hindi ba’t katawa-tawa ang alok?

Pero ngayon, sa gitna ng lahat ng natuklasan niya, unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat.

Malamang, bago pa man binuksan ni President Yuchengco ang bibig niya noon, naimbestigahan na siya nito. Alam na nito ang totoo. Alam na naloko siya. Alam na nito na peke ang kasal na pinanghawakan niya sa loob ng tatlong taon.

“Miss Adelaide,” marahang sabi ng matanda sa kabilang linya, “pasensya na kung masakit ang katotohanang ito. Pero naniniwala akong mas pipiliin mo ang masakit na totoo kaysa sa isang maginhawang kasinungalingan.”

Tahimik si Laide sandali bago sumagot.

“Kung inimbestigahan ninyo ako,” sabi niya, malamig ngunit malinaw, “alam ninyo ring naaksidente ako. At alam ninyo kung gaano kahirap para sa akin ang magbuntis.”

“May kilala akong matandang manggagamot,” tugon ni President Yuchengco. “Hinawakan niya ang pulso mo. Sinabi niyang may tiwala siyang magbubuntis ka. At sapat na iyon para maniwala ako.”

Hindi alam ni Laide kung sino ang tinutukoy ng matanda. Hindi rin niya matandaan kung kailan may humawak sa pulso niya. Ngunit matapos ang lahat ng naranasan niya ngayong gabi, wala na siyang lakas para magduda sa lawak ng impluwensiya ng pamilyang Yuchengco.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang telepono.

Sinulyapan niya ang bahay ng pamilyang Villareal, maliwanag ang mga ilaw, masigla ang loob, para bang wala silang taong niloko.

Isang tahanang minsan niyang tinawag na sarili niya. At ngayon, ay hindi na niya ito magawang tignan katulad ng dati.

“Sige,” mariing sabi ni Laide, walang bakas ng pag-aalinlangan. “Pumapayag akong pakasalan ang anak mo.”

Isang sandaling katahimikan ang sumunod, saka agad napalitan ng masiglang tinig sa kabilang linya.

“Napakagandang desisyon niyan, Hija!”

Ngunit hindi pa tapos si Laide. “May kondisyon ako,” dagdag niya. “Gusto ko ng engrandeng kasal. At kailangan sa lalong madaling panahon.”

Bahagyang tumawa si President Yuchengco, halatang nasiyahan. “Siyempre. Ang kasal ng isang miyembro ng pamilya namain an ay hindi puwedeng simple lang. Dapat ay magiging usap-usapan ito sa buong lungsod.”

Naputol ang tawag na may malinaw na kasunduan.

Ang isang kasal, gaano man kabilis, ay nangangailangan pa rin ng paghahanda. Kaya itinakda ito isang buwan mula noon—sapat para gulatin ang buong lungsod, at sapat para tuluyan nang putulin ni Laide ang natitirang bahagi ng nakaraan niya.
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status