Share

5

Inayusan na kami nang mga make-up artist na kasama namin sa locking in.

"Gwapo na talaga ng jowa mo, Karen." banggit ng bakla kay Karen.

"40+ ka na ba talaga, Vhan?" tanong ng isa sa baklang kasama namin nang tabihan ako.

"Oo," sabi ko na lang sa kanila nilapitan ako ni Karen.

"Inaalagaan ko kaya mas gumu-gwapo ang mahal ko," sabat niya kaya natahimik kami sa sinabi niya.

"Kamusta na pala ang mga anak-anakan mo, Vhan?" tukoy ng nagsalita kanina isa itong kakilala ng pamilya ng asawa ko kahit hindi sila malapit kaya medyo nagulat siya nang malaman nitong iniwan kami noon ni Nikka.

Alam naman nito ang totoo hindi nakikisawsaw sa chismis mula sa pamilya ko kahit hindi sila close ni Nikka noon. Nagulat pa siya noon nang magkita kami sa isang network alam din nito na asawa ko si Nikka.

"Nasa bahay ng tita nila ang balita sa akin ni hon nakabalik na daw ang nanay ng magkapatid sana kunin na niya ang mga pabigat sa buhay ng hon ko." nasabi niya tumingin sa akin ang nagsalitang bakla.

"'Yon ang balita sa amin ni Mama," sabi ko na lang at tumayo ako.

"Ah, nakabalik na pala siya?" natanong nito sa aming dalawa.

"Oo, kilala mo?" tanong niya sa bakla.

"Hindi ko kilala," kaagad nasabi nito sa amin tinignan ko lang nang masama.

Narinig nila na tumawag na ang director lumabas na kami sa tent kahit may mga kasama kami sa tent hindi niya napagilang magselos at nagbago ang tingin niya sa bakla.

"Selosa talaga ang ka-loveteam mo kung alam niya ang totoo," sagot nito nang sabayan niya ako sa paglalakad.

"May makarinig sa'yo dyan at kumalat," sagot ko at iniwan ko na lang para pumunta sa pwesto ko.

"Ano 'yon?" tanong ng kasama nito nang maulinigan ko 'yon.

"Kita naman sa mukha ni Karen na nagseselos siya sa nanay ng anak-anakan ni Vhan advance kung mag-isip hindi naman niya kilala 'yon," dinig ko na lang sa kanila.

"Ikaw ba kilala mo ang nanay nila?" tanong ng baklang kasama nito.

"Vhan!" tawag ng director sa akin nagtaka naman ako.

"Natulala ka, Vhan, anong nangyari sa'yo?" bungad niya sa tabi ko huminga na lang ako hindi ko namalayan natulala na pala ako.

"Wala," pag-kaila ko na lang sa kanya.

"Ready na ba kayo?" sigaw ng director sa amin.

Tumango na lang kaming lahat sa director at pinabasa ulit sa amin ang script bago kami magsimulang umarte.

"Pack-up! Kumain muna tayo!" tawag ng assistant director sa aming lahat.

"Sige," sigaw ng director sa kanya nagpaalam kaming lahat na magpapalit muna kami ng damit bago sumabay sa kanila.

Umupo ako sa bangko at tumingin ako sa salamin bago ginulo ang buhok.

"Bakit natulalala ka kanina, hon, okay ka lang?" pag-bungad niya sa tabi ko napa-angat ako ng ulo.

"Ewan ko," amin ko na lang mula nang malaman kong nakabalik na sa Pilipinas ang asawa ko hindi na ako mapakali.

"May sinabi ba sa'yo si Mama?" tanong niya sa akin nang tumayo siya sa harap ko.

"Wala naman siyang sinabing kakaiba, hon ganito ako kapag may kakaibang nangyayari sa kanila." bulalas ko na lang sa kanya huminga na lang ako.

"Uuwi naman tayo sa susunod na linggo, hon kaya huwag ka na mangamba," sabi naman niya sa akin.

Tumayo na ako at nilapitan ang gym bag kumuha ako ng extrang damit sinuot ko lang kaagad saka kinuha ang bag at wallet ko.

Lumabas na kami sa tent at nakihalubilo sa mga kasamahan namin sa mahabang mesa na hiniram ng director namin sa may-ari ng bahay na ginamit para sa pelikula.

"Okay ka lang, Vhan?" tanong sa akin nang director dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Oo, okay lang ako, direk pasensiya na." sagot ko na lang sa kanila.

"Nag-away ba kayong dalawa, Karen? Huwag nyo idamay ang personal problem nyo ang trabaho natin." sabi ng director sa kanya at sumagot siya kaagad.

"Wala naman kaming problem, direk pagod lang siguro siya," sagot niya sa director namin.

"Malapit na tayong matapos baka namimiss mo na ang mga anak mo kaya ka ganyan normal lang 'yan, Vhan ilang linggo na lang babalik na tayo sa Pilipinas." sabi ng director sa akin katapat ko kasi siya namula naman ako sa sinabi nito.

"Hindi mo sila tunay na mga anak pero tinuring mong iyo ang mga bata," sabi ng isa sa kapwa kong artista.

Kung alam nyo lang ang totoo tungkol sa amin magugulat pa kayo ni-reveal ko ang katotohanan.

Tama si Nikka, dahil sa kontrata niya noon kaya nilihim niyang may pamilya na siya sa Pilipinas.

Katulad nangyari sa akin sa mga anak ko kahit gusto kong isa-publiko ang totoong relasyon namin hindi ko masabi dahil sa kontrata. Ang nakakaalam nang totoo ang manager ko at ang pamilya ko lang, maski kay Karen nilihim ko ang katotohanan.

Legal sa public ang relasyon namin pero hindi ang tungkol sa mga anak ko ayoko rin na mawalan sila nang privacy lalo na at nag-aaral pa rin sila.

Pagkatapos namin kumain nagpahinga na muna kaming lahat bago sumabak sa next scenes.

"Hon, handa ka na?" tanong niya sa akin huminto ako sa pagbabasa nang script nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.

"Hindi pa rin, hon pero tatapusin ko ito alam naman ni direk mauuna ang scenes nyo," sabi ko.

Narinig namin na tinawag na siya nang director. Nagsimula na rin sila umarte sa harap ko hindi ako nagseselos sa kanilang ginagawang bed scenes o sa iba pa niyang project.

Kumunot ang noo ko nang magbago ang itsura ni Karen naging mukha ni Nikka.

Bakit nagbago ang naramdaman ko?

Gusto kong hilahin si Karen sa kama kung saan nakapatong ang co-actor ko na ka-eksena niya nakikita ko sa kanya ang mukha ni Nikka.

Huminga na lang ako ng malalim bago ko binasa ang script nang matapos ko nanood pa rin ako sa bawat eksena nila. Nagbago na ang timpla ng mukha ko habang nanonood dahil nakikita ko pa rin sa kanya ang asawa ko.

"Hon," tawag niya nang matapos silang dalawa sa kanilang eksena hindi lang ako nagsasalita.

Bakit si Nikka ang nakikita ko kanina sa kanya?

"Masama ang mukha niya habang pinapanood kayo," dinig kong sabi ng kasamahan namin.

Nilapitan niya ako at tinabihan sa gilid ko hindi pa rin ako umiimik.

"Nagseselos ka ba sa ginagawa namin, hon?" tanong niya bigla umiling ako dahil hindi ko rin alam ang sagot.

Kinalabit niya ako dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Ano ang gumugulo sa isip mo para mag-iba ang timpla ng mukha mo?" tanong niya at kinuha ang hawak kong script.

"Wala, at akin na 'yan." inis kong sabi sa kanya at hinablot ang hawak niya.

Tumayo ako at pumunta na sa pwesto kung saan ako aarte umiiwas na lang ako nang tingin sa kanya. Sinunod ko ang bawat inuutos ng director sa akin hanggang sa matapos kaming lahat.

"May problema ka ba sa akin, bro?" pag-bungad isa sa kasama kong actor sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya bago tumingin sa likod niya kung nasaan si Karen.

"Wala akong problema, bro nagkataon lang na bad mood ako." sabi ko na lang dahil totoo naman.

"Nagselos ka ba sa ginawa namin?" tanong nito sa akin.

"Normal naman sa atin ang ganitong trabaho kaya, bakit ako magseselos? Kung totohanin nyo 'yan dyan tayo magkakagulo." sabi ko sa kasamahan ko.

Natahimik naman ito sa sinabi ko at tinalikuran ko na siya bitbit ang mga damit namin na nakalagay sa gym bag.

"Bumalik na tayong lahat sa hotel bukas ang huling shooting natin dito," sigaw ng director sa amin.

Sumakay na kaming lahat sa bus na inarkilahan namin. Tahimik lang ako nakaupo habang nakasandal sa braso ko ang ulo ng girlfriend ko.

"Galit ka ba, hon sa akin?" tanong niya.

Hindi pa rin ako nagsasalita sa kanya nagtataka ako kung bakit nakita ko sa kanya si Nikka at ayokong nakikitang may nakapatong sa ibabaw niya.

Naguguluhan na rin ako para sa sarili ko kailangan ko siyang makausap pagkabalik ko sa Pilipinas. Hanggang sa makabalik kaming lahat sa hotel hindi ko pa rin siya pinapansin.

Kinabukasan, nang matapos ang huling shooting namin pina-ready na nang director ang gamit namin para maaga kami maka-alis sa hotel.

"Makaka-balik na tayo sa Pilipinas, hon makikita mo na ang mga ampon mo," sabi niya dahilan para tinignan ko siya nang masama.

"Hindi ampon ang mga anak ko, Karen para sabihin mo 'yan," sagot ko sa kanya at nag-impake na ako nang gamit ko kasama nang mga pasalubong na binili ko para sa kanila.

Maaga kami natapos sa trabaho kaya bumalik na kami sa hotel ang ibang cast magpapa-iwan para dalawin ang kanilang kamag-anak ang iba sa kanila namili na nang pasalubong kasama na ang director namin at ang assistant director nito.

Kaming dalawa naman bumalik na sa hotel para mag-impake.

"Dahil ba sa kanila kaya ganyan ka o sa kanilang ina?" banggit niya sa akin dahilan para tumingin ako.

"Bakit naman nasali ang kanilang ina? Halos ikaw ang kasama ko dito at nakausap tapos sasabihin mong sa kanya ang dahilan, bakit ako nagka-ganito?" sagot ko sa kanya tumigil ako sa pag-iimpake.

"Hindi ba?" sagot niya sa akin nakita niyang tumingin ako nang masama sa kanya.

"Sa nakalipas na taon, Karen nakita mo bang niloko kita?" seryosong tanong ko sa kanya.

Nilapitan ko siya at umatras naman kaagad siya.

"Hindi," sabi naman niya sa akin.

"Kaya huwag mong i-dadamay ang ina nang dalawa kong anak wala siyang ginagawa sa'yo para sisihin sa pagka-ganito ko natutulad ka na sa pamilya ko." diin kong sabi sa kanya at tumalikod na ako tinapos ang pag-iimpake ko nang gamit ko.

"Hon! Nagseselos ako dahil nandyan na ang ina nang dalawang anak-anakan mo, natatakot akong maagaw ka niya sa akin," sigaw niya sa akin lumingon naman ako sa kanya.

"Natatakot..dapat ka talagang matakot dahil may karapatan siyang maagaw niya sa'yo, saan?" pag-kakailang tanong ko sa kanya.

"Nevermind! Hindi ka niya ma-aagaw sa akin kahit parehas kayong may karapatan sa magkapatid, hon kaya hayaan mong bawiin niya ang mga anak niya sa'yo para hindi na sila pab-" putol niya nang sumabat ako dahil parang narindi ako sa itutuloy niyang sasabihin.

"Bago mo pa ako nakilala sila na ang nakasama ko sa buhay maliban sa pamilya ko kaya huwag mo akong sasabihan na pabigat sila sa akin kung mawawala ka sa akin makukuntento na ako sa dalawa kong anak at kung hindi mo pa rin sila kayang tanggapin sa buhay natin kaya kong mawala ka sa buhay ko, mahal kita pero mas mahal ko sila." sabi ko sa kanya at humiga na ako sa kama nang matapos ako mag-impake nang gamit ko.

Hindi ko na siya pinansin at kinausap pa hanggang sa makatulog ako. Nagising ako sa iyak at nakita kong nakaupo pa rin siya nang maabutan ko.

Tumayo na lang ako at pumunta sa banyo nagulat ako nang yakapin niya ako pagkalabas na ako ng banyo.

"Hindi ko kayang mag-hiwalay tayo," sabi niya mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin.

Niyakap ko na lang siya at napapailing bago ko siya hinalikan sa noo. Hiniga ko na siya sa kama at kinantahan nang pam-patulog.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at may gusto akong alamin tungkol sa nararamdaman ko para sa kanilang dalawa. Natulog na kaming dalawa dahil bukas babalik na kaming lahat sa Pilipinas.

Lahat nang cast, staff at iba pa naming kasama nasa depaeture area na may naiwan pa dahil gusto pa -extend ang bakasyon kasama ang kanilang kamag-anak. Nag-check out na kaming lahat at pumunta na sa loob naka-hawak siya sa braso ko. Nag-text ako sa mga anak ko para ipaalam na babalik na kami sa Pilipinas.

"Hon, huwag mo ako iwanan," bulong niya sa akin nakaupo na kami sa upuan.

Hindi na lang ako nagsalita at hinalikan ko na lang siya sa noo.

Huminga na lang ako nang malalim bago ako nag-picture at sinend sa messenger ng dalawa kong anak nakita kong nag-bigay lang emticon na smiley ang anak ko.

Natawa na lang ako sa reply nang anak ko napangiti na lang ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status