Beranda / Romance / I'll Be Yours / Chapter 5 None Of Your Business (Raizel’s POV)

Share

Chapter 5 None Of Your Business (Raizel’s POV)

Penulis: Miss Elle
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-22 22:23:32

DUMATING ang weekdays, hindi ko na madalas makita ang boyfriend ni Bella mula sa tambayan ko, pero naroon pa rin ang mga loko-lokong mga lalaki na nagpapasarap.

Is he finally taking Bella seriously? If so, that’s good to know.

Pero parte ng isip ko ang umaasa na walang Brice sa paligid ni Bella. They don’t fit! Pareho lang ang first letter ng second name nila, iyon lang iyon!

Nahiga na lang ako sa damuhan at pumikit. Bigla kong naalala ang nangyari noong gabing iyon.

Paggising ko kinaumagahan, wala na akong katabi sa kama. May bakas pa ng tuyong dugo sa puting kobrekama. Ni hindi ko man lang naalala kung paano o kung na-enjoy ko man lang ang nangyari. Malakas ako uminom, dahil na rin sa tips ni Dad na uminom ng tubig kapag nararamdaman ko na ang lakas ng tama.

Baka may nilagay na kung ano sa inumin ko iyong babaeng nakasuot ng maid? Dalawang beses niya rin akong pinainom—alak at tubig. Maybe the first time failed, that’s why she waited until I cannot even stand straight, and even resorted drugging the drinking water.

Hindi dapat iyon ang iniisip ko! Sino kaya iyong babae na kasama ko nang gabing iyon? Hindi man lang nag-iwan ng phone number niya.

Magpapatulong na lang ako kay Tito Brix na kunin ang CCTV footage.

Kaso baka isumbong ako kay Dad.

Forget it! Kung may mabuo man sa nangyari, nakita niya naman ang mukha ko, hanapin niya na lang ako.

Tumunog na ang bell, tanda na simula na ang klase sa hapon. Tumayo na ako.

I need to be a good boy for a few days to make my Mom forget about what I did. Bawas allowance, bantay-sarado sa mga tauhan ni Tito Brix, maging si Ravi ay nangako rin na babantayan din ako sa loob ng campus. Parang sira, high school pa lang siya!

Papunta na ako sa classroom ko nang makita ko sa soccer field si Bella. The figure is far, but I just knew it was her.

“Himala, walang balak mag-cutting?” rinig kong tanong ni Meirin mula sa gawi ng classroom pero nilagpasan ko lang siya.

Dumiretso ako sa hagdan na nasa dulo ng hallway. Buti at tatlo-tatlo ang hagdanan ng building, magkabilaang dulo at sa gitna. Dapat sunod nilang ipagawa ang elevator. Nakakapagod umakyat sa hagdan!

Mula sa fifth floor, patakbo akong bumaba ng hagdan. Kahit hinihingal na ako, nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sa soccer field, umaasa na naroon pa si Bella.

Dahil sa naisip, napatigil ako. Nasa taas na rin naman ako ng field.

“Bakit ko pupuntahan si Bella?”

Napakurap-kurap ako. Nilagay ko rin ang kamay sa bibig ko at nag-isip ng sagot sa sariling tanong.

“Raizel? Tumunog na ang bell, bakit nasa labas ka pa? Vacant niyo?”

Napalingon ako sa nagsalita.

Nakasuot ngayon ng turtle neck blue shirt at high-waist na jeans si Bella. Long sleeves pa iyon. Palagi siyang nagsusuot ng preskong damit, mga croptop, cotton shirts, skirts, shorts at dress.

“Ang init, bakit balot na balot ka yata ngayon?” tanong ko.

“For a change?” She rolled her eyes at me. “Class hours na, ano pang ginagawa mo sa labas?”

Naglakad na siya at nilagpasan pa ako, kaya sumunod na lang ako. Nagtataka pa rin ako kung bakit ganito ang suot niya.

“Ikaw din naman, nasa labas. Huwag na tayong pumasok. Kain tayo ng street foods.”

Akma kong hihilahin pababa ang damit niya banda sa leeg nang ipilig niya ang ulo, at samaan ako ng tingin.

“Ala una pa lang, bata. Street foods mo, mukha mo.” Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. “Ano na naman iyang kamay mo? Mananakal ka na naman?!”

Biglang kumunot ang noo ko.

“Mananakal? Na naman? Kailan nangyari iyon?” nagtatakang tanong ko.

Palagi ko siyang inaasar pero hindi ko siya sinasaktan physically.

Tila nabigla rin siya sa sinabi dahil sa pamimilog ng mata niya, maging ang bibig niya ay napaawang at lumaki ulit ang butas ng ilong niya.

Tinaas ko ang phone ko, and clicked the camera. Hȇck, I’m always ready for these funny reactions.

“I-delete mo iyan!”

Mabilis kong itinaas ang kamay ko sa hindi niya maabot nang subukan niyang hablutin sa akin ang phone. Sumampa pa siya sa puting sapatos ko at humawak sa balikat ko, habang sinusubukan na kunin ang phone.

“Raizel, akin na ang phone! I-delete mo iyon. Sumosobra ka na sa mga pictures na iyan ha! Ipapakulam na kita!” sigaw niya sa mukha ko.

I can smell her breath—mixed mint candy and toothpaste. Hindi ganoon kalaki ang bibig niya, tama lang sa singer na puro sad song ang alam kantahin. Hindi kailangan nang mataasan na note. Sumisigaw lang siya kapag ako na ang kaharap niya.

Mayamaya ay naramdaman ko na tila matutumba siya. Wala sa sariling niyakap ko siya palapit.

“Careful!” gigil na sabi ko.

“Careful mo, mukha mo! Akin na kasi ang phone mo!” sigaw niya at patuloy pa rin na hinuhuli ang kamay ko. “Ilang pulgada lang naman ang tinangkad mo, ang daya!”

I smirked. Now she’s talking about the height difference. Is she finally aware that I am no longer a child?

Bigla ay nakaisip ako ng kalokohan.

Binaba ko na ang kamay ko at nilagay sa likod ko. She wanted my phone, then she should hug me.

“You jȇrk!”

And so she did. Sa ginawa niyang pagyakap, nakakuha ako ng tiyempo para tingnan ang batok niya.

May mga nangingitim na parte, at mukhang pasa ang mga iyon.

“Who did this to you?!” asik ko.

Nagpupuyos ang dibdib ko sa nakita. Who would dare mess with her fair white skin? Alagang-alaga siya tapos ganito ang mangyayari sa kanya?

Mabilis siyang lumayo sa akin. And again with her surprised reactions, and…

Disbelief.

“Sinong gumawa niyan sa iyo, Bella? Ipapakulam natin! Ipatusok natin iyong maliit niyang dala. Si Brice ba?”

She looked at me from head to toe and back to my eyes. She shook her head as if I was talking nonsense.

At least she knows that everything about us is nonsense.

“Sino nga?!” tanong ko pa.

Binawi ko na rin ang phone ko at naghanap ng pwedeng mangulam. Nang makakita ng isang ghost hunter, pinakita ko iyon agad sa kanya.

“O ito, legit na witch. Sabihin mo at nang makulam na natin. Grabe, nangingitim iyong leeg mo sa pasa. Pati ba sa braso, mayroon ka?”

I tried to grab her wrist, but she just pushed my hand.

“Tumigil ka nga! Wala kang magagawa dahil wala kang kayang gawin. Kulam? ‘Tαng ina, Raizel! Ano ka, kulto?!”

“I can be one,” I said sarcastically. “Now tell me, who did this to you!”

“None of your business!” She turned around and walked away.

Hinabol ko siya. Hindi pwedeng hindi ko malaman ngayon kung sino ang nanakit sa kanya.

“Hoy Bella, kung mayroong mambu-bully sa iyo, ako lang iyon. At kung may mananakit din sa iyo physically, ako lang din ang gagawa no’n!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • I'll Be Yours   Chapter 89 (Bella’s POV)

    “ANTHONY, ANDREW, huwag muna kayong magpasaway! Ibalik niyo muna iyan kay Ate Thea. Dali na at may assignment iyan.” “Play muna kasi tayo bago kayo school!” “Hindi nga pwede! Andrew, kukurutin kita!” “Mommy, iyong mga anak mo, oh! Hindi na nasasaway!” “Mama Bella, nagkukulit na naman sina Andrew at Anthony, oh! Nag-aaral kami ni Thea, nang-aagaw ng colors.” Weekend ngayon. May date sina Mommy Ellyna at Daddy John. May competition din na pinaghahandaan si Ravi. And Raizel was busy at work. Graduate na siya college at nag-level up na rin ang mga computer and mobile app na dine-develop ng company niya kaya super busy niya. Sa bahay lang din ako nagtatrabaho—gaya ng dati, I’m a one-man team when it comes to recording. About sa quality ng kanta, saka na ako lumalapit sa talent manager ko. Yes, I already have a talent manager at siya naman ang bahala sa schedules ko—mapa-concert man iyan, fan-meeting, fan-signing, o meeting with higher-ups and other actors and actresses for my MV. At

  • I'll Be Yours   Chapter 88 (Bella’s POV)

    HINDI PA RIN tumatawag si Raizel, kahit pa tinadtad ko na siya ng messages. Nag-aalala na ako sa kanya. Kahit busy siya sa online class at appointments niya sa doctor, he always finds time to text me back. Kahit hindi na siya tumawag, basta mag-reply lang siya ng tuldok, pero hindi niya ginagawa. Nababasa niya rin naman ang chats ko. Kung nawala niya ang phone niya, eh ‘di ipasabi niya o kaya humiram siya ng phone kay Dad. Just let me know he was doing fine.Nasa gitna kami ng panananghalian at hindi na ako nakatiis na magtanong kay Mom.“Mom, may balita po kayo kay Raizel?”“Wala eh. Hindi nga rin ako tinatawagan ng asawa ko,” she said, looking at Ravi na nasa right side niya.“B-Baka po may nang—“

  • I'll Be Yours   Chapter 87 (Bella’s POV)

    AT DAHIL HINDI pa pwedeng umuwi si Raizel, pinagkasya na lang namin ang maghapon na video call para lang makita niya kung anong ganap sa kambal niya.Palagi kaming napalilibutan ng magpipinsan, at parang hindi sila nagsasawa na tingnan sina Anthony at Andrew. Alalay din si Tita Ellyna sa akin kapag nagpapaligo at nagpapadede sa mga bata. Most of the time, sabay na umiiyak sa gutom ang kambal at pareho nilang gusto ang gatas ko kaysa sa formula.Lumipas ang tatlong buwan, nasasanay na ako sa pag-aalaga ng dalawang bata. Naging busy na rin sa school sina Athena, Aki at Ash kaya si Althea lang ang kalaro ng kambal.Nabawasan na rin ang oras ng pag-video call namin ni Raizel. Pinayagan kasi siya ng university na mag-online class. Sabi ko nga, huwag niyang pwersahin ang sarili niya at mag-focus na lang sa pag

  • I'll Be Yours   Chapter 86 (Bella’s POV)

    IT’S ALMOST SIX MONTHS since Tito John and Raizel flew overseas to see Dr. Agnone, Raizel’s psychiatrist.Naiwan ako kay Tita Ellyna. And my entire pregnancy, siya ang umalalay sa akin. Paminsan-minsan lang nakakadalaw sina Mommy at Tita Mia.Medyo nagkakailangan pa nga sila dahil nga nadamay sila sa misunderstanding namin ni Raizel na hindi agad namin nalinaw sa kanila. And Mom was guilty that she was somehow responsible of triggering Raizel’s traumαs.Sa nakalipas na six months, hindi namin nakausap si Raizel at tanging si Tito John lang ang nagbibigay ng update. I could tell that my future in-laws found it difficult, too—not Raizel, but their relationship. Tinudyo pa nga siya nina Tita Mia at Tita Maya na sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon na lang ulit nawalay nang matag

  • I'll Be Yours   Chapter 85 (Bella’s POV)

    Sabi nina Mom, alas tres ng madaling araw ako nagising kahapon. Sabi naman ni Tita Ellyna, hindi umuwi si Raizel matapos noong gabi na may inuwi siyang ibang Bella sa bahay. Hindi rin nila alam kung nasaan siya ngayon dahil naka-off ang phone. Pinapahanap na rin nila kay Tito Brix si Raizel.Nagpaalam na lang ako sa kanya na susubukan kong hanapin si Raizel.Una kong pinuntahan ang green field. Nagbabakasakali na dito siya nagpapalamig. Naiisip ko na na may nasabing hindi maganda sina Mom sa kanya ngayon na nagsumbong ako tungkol sa gαng rαpe. At alam ko na nasasaktan din siya. Napag-usapan na namin ang bagay na iyon pero naungkat na naman. Sana maintindihan niya na wala ako sa sarili ko nang sabihin ko iyon.Pagdating ko, wala siya. Pero may mga nagkakalat na sigarilyo at bote ng alak doon.

  • I'll Be Yours   Chapter 84 (Bella’s POV)

    I JUST WOKE UP and I felt like I did something bad. Para akong gising sa mga nakalipas na oras at wala sa sarili. Gano’n ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi naman sumasakit ang ulo ko. Nagtataka pa nga ako kung bakit narito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ni Mom.Where’s Raizel?Where are our daughters?Lumabas na lang ako ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Mom na may dalang tray ng pagkain.“Mom? Hindi kayo busy? Why am I here anyway?” tanong ko sa kanya nang makalapit ako. Kinuha ko rin sa kanya ang tray at bumalik kami sa baba para doon na lang kami kumain sa dining area.Nadatnan pa namin si Tita Mia na naghahanda ng mesa.“

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status