Nakakaiyak nga kapag yung iba meron, ikaw lang hindi binigyan. Buti na lang may uncle Lucio ka Beth, I mean... hubby pala.
Naghikab-hikab si Beth no’ng magising siya kinaumagahan.Masarap ang tulog niya kagabi at para bang hindi siya galing sa pag-iyak dahil sa ginawa ng asawa niya.Gumawa nga si Lucio ng Tutti Frutti Ice Cream kaya yung sama ng loob at inggit niya kagabi ay nawala na. Napalitan ng tuwa at saya.Matapos niyang mag-unat-unat ng kamay, ay nagbalak na siyang bumaba ng kama para maligo pero dalawang matitigas na braso ang pumulupot sa bewang niya.At naramdaman niya ang maiinit na labi ni Lucio na nasa leeg niya.“5 minutes,” inaantok na sabi nito.“Maliligo lang muna ako. Matulog ka pa kung gusto mo.” Bulong ni Beth nang may ngiti sa labi.Mula ng magdecide sila ni Lucio na matutulog sa iisang kwarto, isa ito sa paborito ni Beth.Palagi siyang niyayakap ni Lucio kapag namamalayan nito na bababa na siya ng kama.“Sabay na tayong maligo. Let’s sleep again.”Huminga ng malalim si Beth at hinayaan na ihiga siya ni Lucio sa kama. “Okay, 5 minutes lang ah.”Pagkatapos ay agad pumulupot si Lucio sa
Maagang pumasok si Lucio sa trabaho kaya si Regar ang naghatid kay Beth sa hotel na pinapasukan nito.“Regar, may problema ba sa bahay?” tanong ni Beth dahil nagtataka talaga siya bakit maraming bodyguards ang hinire ni Lucio. May dumating kagabi na sampung dagdag ng bodyguards kaya tuloy ay iniisip niya kung may problema ba na hindi niya alam.“Wala naman po ma’am. Ganoon po talaga si sir, nagdadagdag po siya ng mga bodyguards quarterly.”‘Really?’ Hindi niya alam na ganoon pala patakaran ni Lucio.Nang hindi na siya nakasagot, nagsalita si Regar tungkol sa paparating na party.“Ahm, ma’am Beth, malapit na po pala ang party sa bahay ng mga Floreza. Hope you don’t mind if I ask, may naisip na po ba kayong damit na gusto niyong ipahanda ko sa inyo?”Nanlaki ang mata ni Beth.“Hala. Oo nga pala Regar. Nakalimutan ko. Malapit na nga pala ang party na yun.”Sinilip siya ni Regar sa salamin.“Opo ma’am…”“Paano yan? Wala pa akong damit e.”“Pwede po akong mag-utos na magpagawa g damit niyo.
Alam ni Beth kung ano ang planong gawin ng sales lady sa kaniya.Kita sa mukha nito ang ngiti na nagsasaad na na-corner na niya si Beth sa patibong niya.“Hindi ako magbabayad.” Mariing sabi niya, hindi na rin siya nakangiti pagka’t nagpupuyos na ang kalooban niya sa galit.“Kaya mo pala pinipilit na isukat ko ang dress dahil alam mong may punit na ito sa simula pa lang.”“Ma’am, hindi po ako sinungaling.” Nagtaas na ng boses ang sales lady kaya yung ibang customers na nasa loob ay napapatingin na sa gawi nila.“Sa tingin mo ba madadaan mo ‘ko sa padrama mo?”Ngumisi ang sales lady. “Bakit ayaw niyo pong panagutan ang kasalanan niyo ma’am? Sinukat niyo ang dress at ngayon ay napunit na ito. Ganiyan ba talaga kayo? Tatakasan niyo ang problema niyo at hahayaan kaming mga naghahanap-buhay na siyang magbayad sa mga kasalanan niyo?”Dahil sa sinabi ng sales lady, yung ibang customers na naroon ay agad na nakisimpatya sa kaniya.“Grabe ka naman miss. Kung hindi mo pala kayang magbayad, bakit
“Anong ginagawa mo?” nanlalaki ang matang tanong ni Beth.“What? Gusto mo bang tawagin ko pa si dad para siya ang magresolba sa kahihiyan na ito?” pananakot ni Nice.Nakagat ni Beth ang labi niya at agad na nangilid ang mga luha. “Kaya kung ayaw mong bumalik kayo sa dati kung saan kinasusuklaman ka niya, then manahimik ka at hayaan mo ‘kong e resolba ang gulong ito sa paraan na gusto ko.” Bulong ni Nice. Humarap si Nice sa harapan. “Pasensya na po talaga. Magkano po at babayaran ko.”Kumuyom ang kamao ni Beth. Tumulo ang luha niya.Nang makita niyang kinakausap na ni Nice ang sales lady, nagsalita siya.“Bakit mo ba ito ginagawa? Sinabi kong wala akong kasalanan e!”Napatigil ang lahat na papaalis na sana.“Gosh! Hindi pa ba siya tapos? Napakapapansin niya ah!” Side comment no’ng customer na nasa exit na door na.“Tumahimik ka na Beth. Ako na bahala mag-ayos ng gulong ito.” Sabi ni Nice gamit ang malambing nitong boses.“Pero sinabi ko ng hindi nga ako ang may kasalanan!” Aniya haban
“Ma’am Beeeeeth!!” maagang-maaga pa lang e sinalubong na ni Leah si Beth sa labas ng trabaho nila.“Ma’am Beth, pasensya na kung hindi ko kayo natulungan ma’am. Nagmadali akong puntahan ka pero hindi na ako nakapasok dahil nakasara na ang pinto no’ng boutique.”Ngumiti si Beth kay Leah at hinawakan ang kamay nito. “Ayos lang Leah. Nandoon naman ang asawa ko para ipagtanggol ako.”“Pero kasi ma’am Beth, naguilty ako kahapon. Hindi sana yun nangyari kung hindi kita iniwan mag-isa.”Lumabi si Beth. “Kasalanan ng sales lady yun lahat. Naging okay naman pagkatapos. Iyon nga lang, alam kong viral na naman ako.”Kumunot ang noo ni Leah. “Hindi mo pa po ba alam ma’am Beth? Shut down na po yung mga live kahapon.”Nagulat si Beth at nanlaki ang mata. “Shut down?”“Opo ma’am. Parang walang live na naganap kahapon. Bigla nalang silang naglaho lahat sa social media. At buti na lang talaga.”Agad na naisip ni Beth ang asawa niya na si Lucio.“Siya kaya ang may gawa no’n?”“Huh? Sino po ma’am?”“Ah,
Mabilis na natapos ang mga araw. Another weekend came at ngayong araw ay hinihintay ni Beth na dumating ang new dress na pinagawa ni Lucio para sa kaniya.Habang wala pa, busy siya kakabasa ng mga impormasyong na bigay ni Regar sa kaniya na maaari niyang makasalamuha doon sa party.Kaya si Lucio sa tabi ay mahaba ang nguso dahil hindi siya pinapansin ni Beth kanina pa.Nasa sofa si Beth, focus sa kaniyang pagbabasa, tapos siya ay nasa harapan na sofa, nagpapansin. May hawak siyang folder na kunwari ay binabasa rin niya.Pero yung mata niya ay pasimple namang napapatingin sa asawa niya.‘Kailan ba siya matatapos diyan? They won’t matter anyway.’ Sabi niya sa isipan niya at mas humaba pa ang nguso.Gusto niyang magcuddle sila together o di kaya ay mag-usap, manood ng TV, or anything basta pinapansin lang siya. Hindi iyong may pinagkakaabalahan itong ibang bagay. Naiinis siya.“I’m hungry,” aniya tapos sumulyap siya ulit kay Beth pero parang wala itong narinig dahil hindi man lang ito tum
“Alam mo Regar, duda na talaga ako dito sa amo mo.” Sabi ni Aidan na hindi pa rin nakagalaw sa kinatatayuan niya.Nasa gate pa rin sila habang si Lucio nasa loob na ng bahay niya.“Pasensya na po sir,” sabi nalang ni Regar dahil pati siya hindi rin inaasahan na hindi pala gets ng amo niya ang sugar daddy.“Hindi naman siya pinanganak na kulang sa buwan. Ano kaya ang problema? Ano sa tingin mo?”“Siguro sir dahil busy si sir sa trabaho kaya hindi na siya updated sa trend?” hindi siguradong sagot ni Regar.Bumuntong hininga si Aidan at agad na sinundan si Lucio sa loob.Lucio and Aidan proceed to their short meeting. At pagkatapos, agad na nagpaalam si Lucio sa kaniya na uuwi na siya.“Wait brute,” Aidan stopped him.“Yes?”“May sasabihin ako tungkol sa sugar daddy.” Naging seryoso naman ang mukha ni Lucio at lumapit muli kay Aidan.“Ang sugar daddy ay ano, ahm… ginagamit siya ng Gen Z, referring sa mga matatandang lalaki na nagbibigay ng pera or gifts sa kanilang mga batang girlfriend.
Nasa salon si Beth at Leah at magkatabi habang may nagmamani-obra sa kanilang mga kuko.“Ma’am Beth, bakit mo pala naisipang magpa-nail extension?”Supposed to be, si Leah lang sana ang magpapa-appoint ngayon, pero matapos niyang sabihin kay Beth ang balak niya, agad itong nagsabi na gusto nitong sumama sa kaniya.“May party kasi kaming pupuntahan ng asawa ko kaya nagpapaganda ako.”“First time mo lang ba magpa-nail extension ma’am Beth?”“Oo. Wala kasi akong kaibigan dati na mahihila ko dito.”“Naku ma’am Beth, marami ka pa palang hindi na try no’ng dalaga ka pa.”Ngumiti si Beth kasi iyon ang totoo. Marami nga siyang hindi pa natry.“Nagsisisi ka ba ma’am Beth na nag-asawa ka ng maaga?”Tumingin si Beth kay Leah bago sumagot. “Hindi naman. Mabait kasi ang asawa ko kaya hindi ako nagsisisi na siya ang pinakasalan ko.”“Mabuti naman ma’am Beth. Kung may mga bagay kang hindi mo pa na-try, pwede mo naman gawin yun kasama ang husband mo or kung busy siya, pwede ring ako.”Ngumiti si Beth.
After 3 years...Sa loob ng isang café, naroon si Lucio kasama ang mga anak niya.Sa isang round table, nakapalibot sila doon. Apat na chocolate shake at apat na chocolate cake ang nasa ibabaw ng mesa tapos isang kape.Despite of Lucio's busy schedule, dapat sa isang buwan, at least may oras siyang nakalaan para e date ang apat na prinsesa niya."Dada, nag-away ba kayo ni mama?" tanong ni Ada habang uminom ng shake."Same question kay Ada, dada." Ana"Hindi naman kami nag-away ng mama niyo. Why?" nagtaka siya."Really dad? But we heard her." Ava"Heard?" takang tanong ni Lucio at napabalik tanaw kung anong nangyari kahapon para masabi ng mga anak niya na nag-away sila ni Beth."Yes dada. Sabi pa nga ni mama, spank me hubby!" AyaBiglang nabilaukan si Lucio sa kape na iniinom niya. Yung mga tao naman sa tabi nila e biglang napatingin sa gawi nila."Tapos sabi pa ni mama-""Okay okay... Stop right there baby." Namumulang sabi ni Lucio.Huminto naman ang mga anak niya pero halata sa mukha
Couple of months later...Dumating na ang araw na nasa hospital si Beth dahil manganganak na siya. Hawak-hawak ni Lucio ang kamay niya.He's being calm and compose kaya si Beth e hindi na rin kinakabahan."Are you okay wife? May masakit ba sa'yo?" he asked nang maramdaman na humigpit ang paghawak ni Beth sa kamay niya.Ngumiti si Beth at umiling.Kung nagkataon na matataranta si Lucio e baka ay nataranta na rin siya at nagpapanic.Sabi nila, yung mga asawa daw madalas ang nagpapanic but Lucio is different. Walang ganoon ang makikita sa mukha niya.Na para bang hindi siya kabado. "The doctor will be here in any moment."Tumango si Beth."Thank you hubby at hindi ka nagpapanic."Kinuha ni Lucio ang kamay niya at dinala iyon sa labi.He smiled. His reaction in the outside is quite different in the inside. "Yung mga gamit ng babies natin?""Nasa kay Aidan, pinahawak ko."Natawa si Beth. "Ginagawa mo talagang alila mo si sir Aidan.""He's my best friend, wife. And if he needs me, I'll be
Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
“Are you okay?” tanong ni Manzo kay Ten pagkauwi.“Yes dad.” Ngumiti ito at binigay ang pinadala ni Beth. “For you. Sabi niya, huwag ka daw magkasakit at kumain ka ng marami.”Ngumiti si Manzo nang makita ang mga niluto ng anak niya. ‘She’s really sweet just like her mother. Kapag nakikita ko siya, baka ay mas mahirapan lang akong makalimutan ang mama niya.’May nakita rin siyang note kasama ng mga pagkain. Agad niya yung kinuha at binasa.It’s from Beth.“Hi dad. How are you? Sabi ni Ten e maayos na raw ang pakiramdam mo. I just want to say that I forgave you and you’re still my dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin kasi inaalagaan po ako ni Lucio ng mabuti. I heard uuwi ka daw po ng Netherlands. Mag-iingat ka doon and when you’re sad at gusto mo kausap, please don’t hesitate to call me. Love you dad!”Napangiti siya at dinala niya ang note na iyon sa labi niya para kaniyang mahaIikan.Both Atilla and Beth are sweet child. Kahit kaninong anak pa sila, mamahalin pa rin niya ang da
A week afterMula no’ng nahimatay si Manzo, hindi na nakita ni Beth ang dad niya pero alam niyang maayos na ang kalagayan nito dahil patuloy na nagrereport si Ten sa kanila para ibalita ang kalagayan nito.At mula din no’ng nalaman niya ang tungkol kay Atilla, hindi na rin siya ilag kay Ten.At ngayon ay nasa bahay nila ito, binibisita sila.Kaya busy siya sa pag-aayos ng mga pagkain na gusto niyang ipadala kay Ten.“Ang dami naman niyan.” Natatawang sabi ni Ten sa kaniya. Si Lucio naman ay nasa tabi, pasimpleng sumusulyap.Hindi na siya kinakabahan kapag nasa malapit si Ten kay Beth dahil alam na niyang asawa ito ni Atilla.Hindi gaya no’ng una na halos patayin niya ito.“Oo para kumain ng marami si dad at ikaw rin, kumain ka rin ng marami ah? Hindi pwedeng magkasakit ka.”Ngumuso si Ten. “Ang weird. Ang bait mo na sa akin matapos mong malaman na brother-in-law mo ‘ko.”“Natural lang yun. Asawa ka ng kakambal ko kaya dapat lang na tratuhin kitang pamilya. Mahalaga ka na rin sa akin, T
Dinala agad si Manzo sa hospital. Iyak nang iyak si Beth at takot na takot na baka napano ito.Pero matapos sabihin ng doctor na wala namang ibang kumplikasyon, nahimatay lang ito dahil sa labis na pagod at stress, nakahinga siya ng maluwag doon.Habang nakatulala siya sa kawalan, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lucio na nakapulupot sa bewang niya. Napatalon siya sa gulat at napalingon dito.Nang makita na si Lucio iyon, humaba ang nguso niya at naglalambing na yumakap dito.Mabigat pa rin ang loob niya. Gusto pa niyang umiyak at sabihin ang lahat ng dinaramdam niya.“Akala ko may nangyari ng masama sa kaniya.” Mahinang sabi niya. “Ayoko siyang mapahamak, hubby. Kahit na may nagawa siyang kasalanan, yung puso ko, kinikilala pa rin siya bilang ama ko. Kaya halos mamutla ako kanina nang bigla siyang natumba.”Hinigpitan ni Lucio ang pagyakap sa kaniya.Ramdam ni Lucio ang takot niya. Halos nabasa nga ang damit niya dahil sa malalaking butil ng mga luha ni Beth.“Gusto kong sisihin a
Ilang araw ring hindi nakita ni Beth si Manzo kaya naninibago siya habang nakaharap dito. Ang tahimik nila noong una, ramdam ang bigat at lungkot.Nag-aya siya dito ng dinner, hindi dahil namiss niya ito, kun’di dahil gusto niyang magkaroon sila ng closure para maliwanagan rin siya sa lahat lalo na ang tungkol sa kakambal niya.She did not bother to ask about Atilla, hinayaan niya lang si Manzo na magkwento kung bakit lumaki sa puder niya si Atilla habang siya ay kay Bernardo.Hinayaan lang niya na magkwento ito kung paano nito pinalaki ang kapatid niya.Napapangiti siya kapag naririnig ang mga kalokohan ng kakambal niya. ‘Tama nga si Ten, sakit siya ng ulo ni dad.’Nang matapos magkwento si Manzo, bumalik ulit ito sa pananahimik. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Beth gaya ng dati. Nagbaba siya nang tingin at humingi nalang muna siya ng paumanhin.“I’m sorry… Wala na akong ginawang tama sayo, B-Beth.” Malungkot na sabi niya.Ang bigat-bigat ng puso niya. Miss na miss na
Present TimeRegar: Sir, mukhang hindi lang kamukha ni ma'am Beth si Ms. Isha na nakilala natin noon. I think, si Ms. Isha ay ang kakambal ni ma'am Beth.Iyon ang nabasa ni Lucio sa mensahe ni Regar sa kaniya na agad na ikinakunot ng noo niya.Nasa bahay pa rin siya ng dad niya.Agad siyang nagtipa ng reply. Lucio: Where are you now? Is my wife, safe? Regar: Nasa sementeryo kami ngayon sir. And she's safe. Huminga ng malalim si Lucio nang mabasa na ligtas lang si Beth. Lucio: Sementeryo? Regar: Yes sir. It turned out na wala na si Ms. Isha. Sandaling natulala si Lucio. Bigla niyang naisip noon si Isha. "She's my wife's twin? Pero paano nangyari?" naguguluhan siya dahil kahit siya, inakalang kaedaran lang niya noon si Isha. "Kung ganoon, Isha was really a child back then." Bigla siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Years ago, when she saw Beth as Joliever's girlfriend, the reason bakit niya sinundan ito noon ay dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. He
"Bakit yun umiyak? Inaway mo ba?" tanong ni Casper nang makita nila si Atilla kanina na umiiyak habang papasok ng bahay."No. Bigla na lang siyang umiyak.""But you hugged her. Nakita kita, huwag mo i-deny." Pinagsingkitan pa siya nito ng mata. "It's the other way around." Aniya at bumuntong hininga. "Talaga lang ha!""She's just a child, Cas. Stop overreacting." "There's no way that that girl is a child. Can't you see that she's a woman?"Nagkibit balikat lang si Lucio. Para sa kaniya, bata ang pagtingin niya kay Atilla. Agad nalang niyang inutusan ang maid na gumawa ng snacks para kay Atilla."Yaya, please prepare a snack for Isha.""Masusunod po sir.""You're being considerate to her, man. Are you falling for her?"Hindi talaga siya nilulubayan nito kakatanong. Hindi naman porke't nagpakita lang siya ng interes sa babae o kabutihan e gusto na niya ito. "Again, she's just a child to me.""Hindi mo naman kailangan e deny brute. You're single. Hindi ba hiwalay na kayo no'ng Rainah?