MasukNerd! Iyan ang bansag kay Dianne Celestine sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya sa kaniyang propesyon. Isa siyang kilalang abogado, ngunit mula nang pumanaw ang kaniyang mga magulang, tuluyan nang nagbago ang kaniyang pagkatao. Simple na ang kaniyang pananamit at hindi na niya inaalintana ang hitsura. Para sa kaniya, iyon ang paraan ng pagluluksa sa pagkawala ng kaniyang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang tagumpay, may isang problemang hindi niya kayang takasan. Lubog sa utang ang kompanyang iniwan ng kaniyang mga magulang, at ayaw niyang tuluyan itong maisara. Iyon na lamang ang natitirang pamana ng kaniyang pamilya na nais niyang pangalagaan. Ngunit tila wala na siyang ibang paraan upang maisalba ito kundi ang tanggapin ang alok ni Alfonso David. “Pakasalan mo ang anak ko na si Tj David, Atty. Dianne, at ibabangon ko ang kompanyang iniwan ng mga magulang mo,” saad nito. Isang kasunduang hindi niya kailanman inakalang papasukin. Tatlong taon niyang kailangang makasama bilang asawa ang isang lalaking halos hindi niya kilala. Si Terrence John David, o mas kilala bilang Tj David, ay isang sikat at hinahangaang aktor. Gwapo, mayaman, at maraming babaeng nagkakagusto sa kaniya. Ngunit sa likod ng kaniyang popularidad ay isang lalaking hindi madaling pakisamahan. “Pagsisisihan mo ang mga desisyong ginawa mo, Atty. Dianne Celestine! Dahil sa tatlong taong pagsasama natin, gagawin kong impiyerno ang buhay mo!” banta ni Tj. Ngunit hindi nagpatinag si Dianne. “Really, Mr. David? Then try me! Tingnan natin kung sino sa atin ang magdadala ng buhay ng isa’t isa sa impiyerno!” Sa tatlong taong pagsasama, sino ang unang susuko sa ngalan ng pag-ibig? Kaya kayang lunasan ng pagmamahal ang galit at poot sa puso ni Dianne? At paano kung matuklasan niyang sa likod ng alok ni Alfonso David ay may isang lihim na magbabago sa kanilang buhay?
Lihat lebih banyakHi, Andy!
Nakangiting bati ko sa babaeng naghihintay sa may entrance ng grand ballroom. She was wearing an elegant black gown, carrying a small designer handbag. Despite the controversies she had gone through, hindi pa rin nawawala ang natural niyang ganda. “Attorney Dianne Celestine!” She greeted me with a warm smile before giving me a hug “Congratulations! Finally, everything is over,” masayang bati niya. “Well, that’s part of my job, Andy. I’m glad everything worked out.” Si Andy Velasco ay isa sa pinakasikat na personalidad sa industriya ng show business. Isa siyang kilalang modelo sa mundo ng fashion at award-winning actress sa larangan ng pag-arte. But everything almost fell apart when she became involved in a scandal. A private video of her with Congressman Jeffrey Perez, a married politician, spread like wildfire across social media. The controversy immediately caught the attention of the public. Her career was suddenly put at risk, especially when the congressman’s wife, Beca De Jesus Perez, filed a case against them. It wasn’t an easy case to handle. Several lawyers had already refused to accept it, knowing how complicated and controversial the situation was. Until I came along. “Nakaka-overwhelm pa rin isipin, Attorney. I honestly thought my career was over,” Andy admitted. I gave her a reassuring smile. “Don’t worry too much. What’s important is that you learned something from this experience. Just be careful next time.” “Thank you so much, Attorney. I don’t know how to repay you.” “You don’t have to. I was just doing my job.” She smiled and nodded. Hindi ko rin naman inaasahang magiging ganito kabilis ang resulta ng kasong hinawakan ko. I had only been back in the Philippines for a few months after spending years in the United States. But I knew one thing for sure. I didn’t return to this country just to build a successful career. I had a much bigger reason. A reason that had been buried deep in my heart for years. “By the way, Attorney, may I ask you something?” biglang tanong ni Andy. “Sure. What is it?” “How did you manage to discover the truth about Beca? I mean, even her own husband didn’t know about her secret.” I simply smiled. “Let’s just say that I know where to look and what questions to ask.” Hindi naging madali ang paghalukay ko sa nakaraan ni Beca. But after carefully examining the evidence, I discovered her relationship with another woman named Sandra Falcon. The truth was shocking, even to Congressman Jeffrey himself. “You’re really good at what you do, Attorney,” paghanga niyang sambit. “Thank you, Andy.” “Excuse me, ladies.” Napalingon kami sa lalaking biglang lumapit. A tall, handsome man wearing a perfectly fitted black tuxedo stood in front of us. His charming smile and confident aura could easily capture anyone’s attention. “Oh! Atty. Alfred!” masayang bati ni Andy. “Good evening, Andy. Congratulations on winning your case.” “Thank you!” He then turned his attention toward me. “And congratulations to you as well, Atty. Dianne Celestine. You’ve done an excellent job.” “Thank you, Attorney Dominquez.” Si Atty. Alfred Dominquez ang isa sa mga kilalang abogado sa aming law firm. He was not only intelligent but also undeniably handsome. I had only been working with the firm for a few months since my arrival from the United States, kaya hindi ko pa gaanong kilala ang lahat ng mga taong naroon. “Well, enjoy the evening, ladies.” With that, he excused himself. I simply smiled before taking my seat. Hindi naman ako iyong tipo ng babaeng madaling maakit sa isang gwapong lalaki. I had more important things to worry about than entertaining unnecessary distractions. Especially now. I had already wasted too many years of my life carrying a burden that no one else could understand. My parents. Their deaths. And the person who was responsible for everything. I slowly tightened my grip around my glass. I came back to the Philippines for one reason—to uncover the truth behind my parents’ death. And I wouldn’t stop until justice was served. Not even if I had to put my own life at risk.Maingay ang paligid ng isang sikat na hotel sa Maynila. Halos lahat ng entertainment reporters ay nagkumpulan sa entrance nito. May mga camera, mikropono, at mga taong sabik na makakuha ng pinakabagong balita.Hindi iyon tungkol sa isang bagong pelikula.Hindi rin tungkol sa bagong relasyon ng isang artista.Kundi tungkol sa isang kontrobersiyang yumanig sa buong industriya.TJ DAVID, INAKUSAHAN NG RAPE!Iyon ang laman ng mga balita sa telebisyon at social media kinabukasan.Hindi makapaniwala ang publiko sa kanilang nabasa. Si Terrence John David, ang isa sa pinakasikat at pinakagwapong aktor sa bansa, ay nahaharap ngayon sa isang mabigat na paratang.Samantala, sa loob ng isang marangyang silid, galit na galit na ibinato ni Tj ang hawak niyang cellphone sa sofa.“What the hell is this?”Halos hindi siya makapaniwala sa mga larawang kumakalat sa internet. Nandoon ang pangalan niya, kasama ang pangalan ni Cindy Montimayor.“How could she do this to me?”Napahawak siya sa kaniyang ulo.
Maya-maya, napagpasyahan naming umalis na sa aming mesa at lumabas muna upang makalanghap ng sariwang hangin. Medyo nakakasakal na rin kasi ang ingay sa loob ng ballroom, at kailangan ko munang magpahinga sa kakangiti at pakikipagplastikan sa mga taong halos hindi ko naman kilala. Paglabas namin, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Medyo tahimik na rin sa bahaging iyon ng hotel, maliban sa ilang bisitang nagkukumpulan malapit sa parking area. Habang naglalakad kami, abala si Ja sa pagkukuwento tungkol sa isang babaeng nakita niya kanina sa loob. “Friend, nakita mo ba 'yung gown niya? Grabe! Parang kurtina sa sala namin!” Napatawa ako. “Ja, baka marinig ka.” “Eh, totoo naman! Hindi talaga nauubusan ng komento ang babaeng ito. Minsan nga, iniisip ko kung may nakatago ba siyang microphone sa bibig dahil hindi nauubos ang mga sinasabi niya. Pero bigla siyang natigilan. “Friend, look!” Napatingin ako sa direksyon ng itinuturo niya. At halos mapatigil ako sa paglalaka
Pagbalik ko sa ballroom, nakita ko agad si Ja na nakaupo sa aming mesa. Abala siya sa pagtingin sa cellphone habang hawak ang kanyang kopita.“Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ang tagal mo sa restroom?” tanong niya nang mapansin ako.Umupo ako sa tabi niya at agad na inayos ang basang bahagi ng aking gown.Nang mapansin niya ang mantsa sa dibdib ko, muntik na niyang maibuga ang iniinom.“DIANNE! Ano ’yan?! Huwag mong sabihing naligo ka sa alak!”Napapikit ako at napahawak sa noo.“Naku, Ja. Huwag ka na ngang magtanong. Pakiramdam ko, pati ugat ko sa leeg ay sasabog na sa inis.”Lalo siyang napakunot-noo.“Bakit? Anong nangyari? May nang-away ba sa’yo? Sabihin mo lang at—”“Nakabangga ko si Tj David sa hallway.”Natigilan siya.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kopita at napatingin sa akin na para bang may narinig siyang pinakamalaking rebelasyon sa gabing iyon.“Wait. What?”“Si Tj David,” ulit ko. “Huwag kang magpanggap na bingi.”“As in Terrence John David? Ang Tj David na pinagkakaguluh
Nasa mahabang hallway na ako habang hinahanap ang restroom. Halos lahat ng tao ay nasa loob ng ballroom kaya medyo tahimik na ang bahaging iyon ng gusali. “Bakit naman kasi napakahaba ng hallway dito?” bulong ko sa sarili. Nang makita ko ang karatula ng restroom, napangiti ako. Sa wakas! Akala ko kung saan na ako dadalhin ng paglalakad ko. Mabilis akong naglakad patungo sa entrance nito. Ngunit bago pa ako tuluyang makarating, may isang lalaking biglang lumabas mula sa kabilang hallway. Hindi ko siya napansin. At bago pa ako nakaiwas— BANG! “I’m so—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may malamig na likidong biglang tumapon sa dibdib ko. “Shit! Ang lamig!” Hindi na ako napatingin sa kaharap ko dahil abala ako sa pag punas ng aking dibdib at napaatras ako habang nakatingin sa basang bahagi ng gown ko. “Damn!” narinig kong mura ng lalaki. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba siya marunong humingi ng paumanhin? “Are you blind?” dagdag pa niya. Unti-unti ak












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.