Mag-log in"Hindi mo ba kaya? Wala ka bang kamay?"
Kumunot ang noo ko lalo dahil sa mga tanong niya. Madalas niya namang itusok 'yong straw sa yoghurt ko, ah, bakit parang masama pa yatang nasanay ako't hinahanap-hanap ko na? Inabot ko na lamang 'yong yoghurt at akmang ako na lang ang magtutusok ng straw nang hawakan niya ito na para buksan din nang magdampi ang mga kamay namin. Mas ikipinagtaka ko ang mabilis niyang pag-react at pagbitiw sa kamay ko.
"What the hell is happening? Do I have a disease? Why would you react like that?" naiinis kong tanong.
Umiwas siya ng tingin. "N-nothing."
Lalong nag-usok ang ilong at tainga ko sa inis.
"Anong problema mo?" sigaw ko, pero hindi siya sumagot kaya naman tumayo na ako at iniwan siya. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Dati naman ay bigla niyang hinahawakan ang braso ko para patigilin ngunit ngayon ay kahit tawagin ang pangalan ko ay hindi niya ginagawa. Kaya nilingon ko siya nang buong inis at nakita kong nakatingin siya sa paligid na para bang nagtataka.
"Jenna, why are they staring at us?" he asked, pertaining to our classmate.
Hindi ko agad napansing nasa classroom na pala kami at nang tingnan ko ang tinutukoy niya, nakita ko ang mga kaklase naming kapwa nakatingin sa amin. Nagpapalitan sila ng mga tingin na para bang may pinatutukuyan.
"What's with all of you?" sigang tanong ni Yves sa kanila. May lalaking lumapit sa kaniya na isa sa mga kaklase namin na hindi ko naman matandaan ang pangalan dahil hindi siya gwapo at hindi ako interesado. May ibinulong siya kay Yves na naging dahilan ng paglaki ng mga mata nito at pagtingin sa akin nang malala.
Ano na namang bang ginawa ko?
Magtatanong pa sana ako nang hawakan ni Yves nang mahigpit ang braso ko na siyang inaasahan ko kanina pa, bago niya ako hinatak palabas ng classroom.
"S-sandali, Yves! Masakit!"
At nakita ko na lang muli ang sarili kong kasama siya, ngunit ngayon sa rooftop na.
"Did you just—?" tanong niya na naputol dahil parang naghahanap siya ng magaang salita para komprontahin ako. Kita ko sa mukha niya ang inis. Namumula ang pisngi niya maging ang kaniyang mga tainga. Habang ako ay narito lang sa harap niya at nakatitig sa kaniya nang makahulugan habang hinahampasan ng malamig na hangin ang aking balat. Nadadala din ng hangin ang palda ko at ang buhok ko.
"Did you tell them that I am your boyfriend?" Halatang sinusubukan niyang kumalma.
"No," matigas kong sambit.
"Then, what are they talking about? Why are they looking at us like that?"
Huminga ako nang malalim. "I never told them that you are my boyfriend. Kay Desiree ko lang sinabi," pag-amin ko. Napasinghap siya at napapikit. I can see that he's really annoyed with me. Ano bang mali sa ginawa ko?
"Sinabi mo kay Desiree? You lied to her about us?"
Ako naman ang kumunot ang noo. Hindi ko alam na babalik muli ang inis ko sa kaniya kanina habang nasa cafeteria kami.
"Ano naman? Bakit parang affected ka?"
"Jenna, you lied to her. Now, everyone knows that lie."
Nagngitngit ang mga ngipin ko. Bakit ba idinidikdik niya sa akin na kasinungalingan lang iyon? Alam ko naman, eh.
"Ano naman kung sabihin kong boyfriend kita? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?"
Katahimikan ang naging sagot niya sa tanong ko. Dahil sa pagtitig niya sa akin nang matagal at sa hindi pagbukas ng kaniyang mga bibig mukhang alam ko na ang sagot.
"Hindi."
Para akong sinampal at ginising sa katotohanan ng isang salitang iyon. Ni hindi man lang siya nag-atubiling magsinungaling.
"Now, you go tell them that you were just bluffing."
Parang mas marami ang iiiyak ko kaysa sa Desiree na 'yon kanina.
"I am not your boyfriend, Jenna, and I will never be."
Tuluyan niya akong tinalikuran at iniwang mag-isa sa rooftop. Ito ang unang beses na iniwan niya ako. Palagi niya akong sinasamahan at ipinagtatanggol pero sa unang pagkakataon, hindi niya ako pinagbigyan. Ganoon ba kalala ang nagawa ko para magalit siya nang ganito? Hindi niya ba talaga ako gusto? Imposible ba talagang maging kami? Kahit man lang kasinungalingan. Gusto niya pang sabihin ko sa lahat na hindi iyon totoo. Saan ako kukuha ng mukha para sabihin kay Desiree na nagsinungaling ako? Baka isipin niyang sobrang desperada ko.
Ayoko. Ayoko.
Napaluhod na lang ako sa sahig at tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Agad na napalitan ang alaala ko ng halik namin kanina ng masasakit niyang salita. Ang sakit sa dibdib. Hindi ako makahinga. He should've told me in a way that I won't get hurt this much. Hindi niya ba alam na gusto ko siya? Hindi niya ba ramdam?
O dahil magkamag-anak kami kaya hindi talaga pwede?
Bakit ba kasi sa lahat ng magiging kamag-anak ko, siya pa? Bakit sa lahat ng magugustuhan ko, 'yong lalaki pang iyon? Akala ba niya mabilis turuan ang puso? Kung mabilis lang sana siyang kalimutan, matagal ko nang ginawa. Kaso dahil sa mga pakikitungo niya sa akin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Bakit kasi ang ang bait niya sa akin? Bakit inaalagaan niya ako? Bakit pinoprotektahan?
At bakit nabibigyan ko ng malisya ang lahat na hindi naman dapat?
Ilang oras akong naroon sa rooftop. Hindi na ako pumasok pa sa natitira naming subjects sa hapon. Ayoko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat lalo na kay Yves.
Nakayupyop lang ako sa gilid habang umiiyak nang walang humpay. Mugto na nga ang mga mata ko pero ayaw pa ring tumigil. Sana lang ay nababawasan ng pagluha ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi. Walang epekto.
Hindi ko namalayang nakatulog ako roon at madilim na ang paligid nang magising ako. Bumaba ako mula sa rooftop. Sa dami ng hagdan na hinahakbangan ko, bawat hakbang nananalangin ako na sana mapasala ang apak ko para mahulog ako at mabagok ang ulo. Na sana mawalan ako ng alaala para kahit papaano ay makalimutan ko si Yves maging ang nararamdaman ko sa kaniya.
Lumabas na ako sa building namin at natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Jenna!"
"Why? What do you mean? Why are you talking like this?" nababahala niyang tanong. "Please take everything you can from me." "W-what?" His eyebrows furrowed. "What's happening?" Mahigpit ko siyang nayakap. My arms are around his neck while my face is buried on his shoulder. He just placed his hand on top of my back, caressing and comforting me. "I don't know what to do, Yves. I still want to see you. Hindi ko kayang hindi tayo mag-usap, but dad prohibited me from doing so. He wants me to cut off ties with you. What should I do? I can't live a second without you, Yves." "A-alright. Calm down." Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa akin. "Good thing, one side of my shoulder is fine." "What should we do now?" giit ko. "We can still talk, you know?" Napabitiw ako sa yakap niya at agad na sumalubong sa akin ang kaniyang ngiti. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Paano? Bawa
I stood up to get out of the studio para pumunta sa cafeteria at mananghalian nang mapadaan ako sa field."Strike!"Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Yves, kasama ang lalaking kausap niya nitong umaga. Napahinto ako para panoorin siya. Yves is currently on the field playing baseball while I'm watching from afar. Niyaya pala siya ng teammate niya kanina na mag-practice at base sa paglalaro ni Yves, mukhang dito niya ibinubunton ang inis niya sa akin."Strike!"Hindi na naman natamaan ng batter ang pitch ni Yves. Nawala ang pagkakunot ng noo ko at pasimpleng gumihit ang ngiti ko. Parang hindi ko mapapanindigang hindi siya pansinin sa tanang buhay ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Isa siyang baseball player... at hindi lang basta baseball player dahil magaling siya. Palagi ko siyang pinanonood noon dahil gusto ko siyang makitang gwapong-gwapo sa baseball uniform at baseball ca
"Jenna and Zeus." Napapikit na lang ako nang marinig ko 'yon. Hindi ko alam kung nakikisama ba ang tadhana para lalo kaming paghiwalayin ni Yves. "Jenna," pagtawag sa akin ni Zeus na para bang nag-aalangan kung lalapitan niya ba ako o hindi. "Okay lang ba? Hindi ba magagalit si Yves?" Umiling ako at hindi ko na sinubukan pang sulyapan si Yves dahil lalo akong papatayin ng kunsensya ko sa pag-iwan ko sa kaniya sa ere. Ako itong humahabol-habol sa kaniya, at ayaw na maiwanan, pero siya itong naiiwan ko. "Ikaw ba? Galit ka ba sa 'kin?" Muli kong naalala ang araw na suntukin niya si Yves. That day, Yves told everybody that he was planning to do something for me at his birthday party. Was that even true? And here I am, letting this guy go near me. "It is just speculation, Jenna. You know that I won't do that to you. I had clear intentions when I asked you to
Hinatid niya ako sa kwarto ko. The moment the door locked, pumalahaw na ako ng iyak. Unang-una, dahil ayaw kong matanggal si Yves sa Altrius. Dalawang taon na nga lang siyang mamamalagi roon na kasama ako dahil hindi na siya mag-aaral, tatanggalin pa siya ni dad.What am I supposed to do now?Bantay-sarado na ako at hindi na ako makakalapit sa kaniya o kahit makausap man lang siya ay imposible ko nang magawa. Ni hindi ko man lang siya nasabihan.How was he supposed to take this?I leap when my phone rang. My cries intensified when I saw Yves' name flash on the screen. But as soon as I was about to answer, someone took it from me."No phone, Je
"Tingin mo bakit?"Ibinato niya ang unan niya sa tabi ko tsaka siya gumapang para humiga. Tinakasan ako ng hininga lalo na nang hilahin niya ako patalikod sa kaniya. Ngayon yakap-yakap niya ako na hindi makakilos."Matulog ka na," bulong niya. "Kapag hindi ka natulog, hindi talaga kita patutulugin ngayong gabi.""Lagi mo akong pinagbabantaan," bulong ko rin sa kaniya. "Hindi mo ba alam na hindi ako natatakot?"Tumawa siya. "Alam ko naman kung saan ka takot, pero hindi ko kayang gamitin 'yon laban sa 'yo."Sinulyapan ko siya. "Saan ako takot?""Takot kang iwan kita."
"Fine. I'll show you how much I love you."Naramdaman ko na lang ang mainit niyang kamay na hinihila ako pabalik sa bahay niya. Marahas niya akong ipinasok sa bahay niya at saktong pagsara ng pinto ay ang pagsunggab niya sa akin ng halik. He cupped my face and devoured me aggressively."Yves... s-sandali..."Binitiwan niya ako at tinitigan. "What?" Nakakunot ang noo niya. "You want me to stop? Am I still making you confuse?"Nangilid ang mga luha ko."If you're still confuse, then let's stop, Jenna. Matutulog na tayo," dagdag niya pa."Matutulog tayong magkasama?" tanong ko. "Sa kama?"







