Share

Chapter 3

Napahawak ako sa pisngi ko nang pag-akyat na pag-akyat ko sa itaas ay ang mabigat na palad ni dad ang sumalubong sa akin. Malalim akong bumuntong hininga at saka siya tiningnan.

“What did I do?” mahinahong tanong ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang sigawan. If I only had the guts to fight him, I would have done it a long time ago.

“Are you really asking because you don’t know?”

“Magtatanong ba ako kung alam ko?” tanong ko pabalik, dahilan para ang kabilang pisngi ko naman ang sampalin niya. Nakagat ko na lamang ang labi ko at inayos ang buhok ko dahil napunta ang ilang hibla noon sa mukha ko.

“You are foul-mouthed just like your whore mother.” Agad kong sinamaan ng tingin ang walang kwenta kong ama nang sabihin niya ang bagay na iyon.

“You can say whatever you want to say to me but don’t you dare insult my mother. She’s already dead! Kailan mo siya titigilanㅡ” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang marahas niyang hinatak ang buhok ko. I knew this would happen but for fuck’s sake, late na ako sa school.

“How dare you raise your voice at me?!” Napapikit ako nang mariin nang mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. He’s always been like this, he always hurts me whenever he got the chance. May hindi lang siya nagustuhan ay pagbabalingan niya ako ng galit. Sobrang init ng ulo niya sa akin to the point na kulang na lang ay bugbugin niya ako dahil lang sa humihinga ako.

“I-I’m sorry.” paghingi ko na lamang ng tawad dahil the more na sinusuway ko siya ay the more na sinasaktan niya ako.

“Where did you go last night?” tanong niya sa akin, ang kamay niya ay nasa likod pa rin ng buhok ko.

“I got drunk so, I stayed at the hotel.” sagot ko.

“Hindi ‘yan ang sagot na gusto kong marinig. Saan ka nanggaling kagabi?” Bahagya akong napapitlag dahil nagka-ideya na ako kung ano ang kinaiinit ng ulo niya. Right, kahit hindi ako umuwi ay walang siyang pakialam. He’s not mad because I didn’t go home, he was mad for some other reason and I know that lying will only make it worse. Siya pa naman iyong tao na nagtatanong pa rin kahit alam na niya ang sagot.

“Sa engagement party ni Dosㅡ” Marahas niya akong itinulak kaya naman natumba ako at muntik pang mauntog sa sahig dahil sa sobrang lakas ng impact noon. Mabuti na lang ay naiharang ko ang likod ng palad ko.

“Matagal na kitang sinabihan na lumayo ka sa pamilya nila, bakit dikit ka pa rin nang dikit?!” bulyaw niya sa akin, dahilan para lumabas ng kwarto si Kathy, my stepsister. I’m sure siya ang nagsabi kay dad kung saan ako pumunta kagabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin nang lagpasan niya ako at saka lumapit kay dad para hawakan ito sa braso na parang linta at handang s******p.

“Dad, don’t scold her too much. Alam mo naman na hindi siya makatiis na hindi lumapit sa mga Del Roman dahil may gusto siya sa kambal.” Kinuyom ko ang mga kamao ko at balak pa sanang magsalita ngunit nag-ring ang phone ni dad. I sighed a breathe of relief, that was a close call.

“Manang-mana ka sa nanay mong malandi.” ani dad bago sagutin ang tawag at pumasok sa study room niya. Agad akong tumayo at nilagpasan si Kathy dahil wala na akong natitirang oras para makipag-argue pa sa kanya. Not that I have time for her bullshit.

“P****k.” pasaring niya, dahilan para mapangisi ako saktong pagkaikot ko ng doorknob. Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip siya habang nakataas ang kilay sa akin na akala mo’y may nakuha siyang achievement. I’m already used being hurt by dad, physically or verbally. He’s been doing that for ten years now and I’m almost immune to it. Kung akala ni Kathy ay naaapektuhan pa ako roon, well she’s wrong.

“Nakatira ka na sa malaking bahay, utak squatter ka pa rin.” nakangising sabi ko bago marahas na buksan ang pinto ng kwarto ko at padabog iyong isara.

“Fuck!” madiing mura ko. Kung may ibang tao lang ang nakakita sa lahat ng nangyari, malamang ay aakalain nilang anak ako sa labas at si Kathy ang tunay na anak but, no—I’m the legitimate daughter at anak lang si Kathy ng mistress ni dad. We don’t even share the same blood pero kung paboran siya ni dad ay parang siya pa iyong tunay na anak at ako lang ang sampid. If it wasn’t for my father’s mistress, hindi sana magkakaganito ang buhay ko. If it wasn’t for her, buo pa sana ang pamilya namin, maayos sana ang trato sa ‘kin ni dad at higit sa lahat... My mother would still be alive.

“Why are you late?” mahinang tanong sa akin ng kaklaseng si Reo nang hinihingal akong tumabi sa kanya, mabuti na lang at lumabas ang prof kaya hindi ako masesermunan. I’m already a graduating student, I can’t keep being tardy.

“I’ll tell you later.” sagot ko habang hinahabol ang paghinga at pinapaypayan ang sarili gamit ang notebook na kinuha ko sa tapat ni Reo. “Nag-attendance na?”

“Yeah, don’t worry. I wrote your name.” aniya, dahilan para mapangiti ako nang malawak at halikan siya sa pisngi, but as usual—nandiri siya kaya naman natawa ako habang nakatingin sa kanya. His black shoulder-length hair with blonde highlight and the two small tattoos under his left eye was really attractive. He’ll be a real catch if he wasn’t into guys. Too bad, hindi kami talo.

Hindi mo talaga aakalaing lalaki ang tipo ni Reo dahil sa itsura at pangangatawan nito. I mean, despite being gayㅡhe’s so freaking manly. Isa nga siguro iyon sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nadidiskubre ng iba ang sikreto niya.

Now that I think about it, nabuo ang pagkakaibigan namin noong mahuli ko siya na may kahalikang lalake sa nightclub. Hindi pa kami magkakilala noon pero kinabukasan ay nagkita ulit kami sa iisang classroom at na-realize na magkaklase kami. I still remember how he threatened me not to breathe a word of what I saw in the nightclub and since then, lagi na kaming magkasama at magkatabi sa klase.

“For real? Must be sucks, na-reject ka ng hindi nagco-confess. Ano? Asa pa?” ani Reo matapos kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa engagement ni Dos. Hindi ko kasi siya sinabihan dahil alam ko na sermon ang aabutin ko sa kanya.

“Come on, you’re supposed to comfort me.” Ngumuso ako ngunit ngumisi lang siya.

Well, hindi ko rin siya masisisi kung bakit hindi niya ako kinokomfort sa oras na ito. Ilang beses na kasi niya akong sinabihan na ‘wag akong umasang mutual ang nararamdaman namin ni Dos pero pilit pa rin akong umasa. I mean, what can I do? I’m confused with the mixed signal he’s been giving.

“And so? Who gave you a hickey?” Nasamid ako nang tanungin niya iyon saktong pag-inom ko ng milk tea at bumara ang pearl sa lalamunan ko.

“Lol, sorry.” Paghingi ng tawad ni Reo matapos niyang tapik-tapikin ang likod ko at abutan ako ng tissue. Inilapag ko ang milk tea ko sa mesa at humawak sa leeg kong may Band-Aid. As expected, he’s sharp as needle. He knows exactly what’s going on. Scary!

“I had a one-night with Uno.” mahina kong sabi, natatakot na baka may makarinig sa amin since nasa cafeteria kami. Mabilis pa man din kumalat ang balita sa campus, minsan ay magugulat ka na lang na topic ka na sa forum kaya kailangan kong mag-ingat. Konting galaw lang kasi ay issue na sa mga estudyante rito sa university, iyon nga ang dahilan kung bakit talamak ang bullying dito. That’s one of the dark secrets of our school, akala ng iba ay maganda mag-aral dito dahil isa sa mga top universities. They thought studying here will give them a privilege, well yes somehow that’s true but studying here means living in hell.

Sobrang competitive ng mga estudyante kaya uso ang bullying. Karamihan ng nag-aaral dito ay feeling entitled, lalo na iyong galing sa mayayamang pamilya dahil alam nila na kahit anong gawin nila ay mapagtatakpan dahil may pera. But despite all that, hindi ko mapagkakaila na magaling ang mga professors sa pagtuturo. Marami at malawak ang matututunan, iyon nga lang… Hindi lahat pumapasa dahil sa hard work, ang iba ay dahil sa pera.

“Kharris to earth!” Sunod-sunod akong napakurap nang pumalakpak si Reo sa mismong mukha ko. Hindi ko namalayang lumilipad na pala ang isip ko.

“Sorry, what were you saying?” tanong ko bago ipagpatuloy ang pag-inom ng milk tea ko.

“I said who initiated the one-night stand? I mean, you hate that man so why?”

“He asked me if I wanted him to alleviate my loneliness so, I asked him back if he could make me forget all my problems. One thing led to another, so we ended up doing it.” Paliwanag ko, gusto ko pa sanang banggitin na in love si Uno sa fiancée ng kambal niyang si Dos pero na-realize ko na secret nga pala iyon at hindi tama na magpaka-Marites ako at ipagkalat ang tungkol doon.

“Damn, you’re wilding.” ani Reo, dahilan para mapangisi ako habang nasa bibig ko ang straw.

“Tell me about it.”

“Does he not have a girlfriend? That Uno Del Roman I mean.” tanong ni Reo, and for some odd reason natigilan ako. Wait, now that I think about it… Huling bisita namin ni Dos sa sariling bahay ni Uno ay may nakasalubong kaming babae na blonde ang buhok. Realizing that now makes me shiver, did I sleep with a guy who has a girlfriend? I mean, just because he’s in love with his brother’s fiancée doesn’t mean he can’t date.

“Shit.” Mura ko bago nagmadaling kuhain ang phone ko para ma-dial ang number ni Uno, naguguluhang tumingin sa akin si Reo kaya saglit akong nagpaalam na lalabas ako saglit. “Come on, pick up.”

“What’s wrong?” Iyon ang agad na bungad ni Uno nang sagutin niya ang tawag matapos mag-ring noon ng ilang beses.

“Where are you? Let’s talk.”

“Kharris, you know I’m a busy man.” aniya bago makarinig sa background ng kabilang linya ng mga taong nag-uusap, more like parang nagpe-present.

“Are you in a meeting?”

“Yeah.” sagot niya at may balak pa sana akong sabihin ngunit ibinaba na niya ang tawag. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa phone ko at hinigpitan ang hawak doon, damn that bastard! He’s back in his usual self, he’s back to being dismissive.

Napakagat na lamang ako sa labi ko at itinago ang phone sa bulsa ko bago balikan si Reo ngunit pagdating ko sa mesa namin ay nakaupo na sa pwesto ko si Kathy. What’s her deal this time?

“What are you doing here? Noob’s not allowed here.” sabi ko dahil ang layo ng tourism department dito sa cafeteria’ng kinakainan namin.

“Pfft!” natawa si Reo kaya naman lumukot ang mukha ni Kathy, hindi naman kasi langad sa kaalaman ko na sinusubukan niyang akitin si Reo dahil ang akala niya ay may namamagitan sa amin. That’s just how she is, ugali niyang agawin ang lahat ng meron ako. She likes pissing me off pero laging kabaligtaraan ang nangyayari dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko pinapakita na apektado ako. I already mastered the art of pretending, I’m a pro when it’s come to hiding my real emotions.

My deceased mother told me that I should be brave, that I should not show any weakness. And for as long as I can remember, ginagawa ko iyon kahit na sobrang hirap. It’s taking a toll on my emotional health but still—doing that helped me survive.

“Here.” May binato si Kathy sa mesa at nanlaki ang mata ko nang makitang picture ko iyon at ni Uno sa bar, iyong time na nasalo niya ako after kong mawalan ng balanse. What the hell?

“Did you put a tail on me last night?” seryosong tanong ko nang titigan ko siya nang diretso sa mata, and since nakaupo siya ay kinailangan niyang mag-angat ng tingin sa akin.

“What if I am? What are you gonna do about it?” nakangisi niyang tanong, dahilan para ngumiti ako nang matamis. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at ipinakita sa kanya ang picture niya na napapalibutan ng mga lalake sa isang nightclub noong mga panahong hindi pa nila nauuto ang dad ko. Noong mga panahon na sa squatter pa siya nakatira.

Someone send this picture to me last year, if my memory serves right... Isa sa mga ex ni Kathy, hindi ko alam kung saang lupalop niya nalaman na hindi maganda ang relasyon ko sa babaeng iyon. One day, nagulat na lang ako na sinend niya sa akin itong picture sa messenger.

Can’t believe magagamit ko ito ngayon, now.... Wala na ang ngisi sa labi ni Kathy kaya naman hinawakan ko ang laylayan ng buhok niya at pinaglaruan iyon bago yumuko nang bahagya at ngumisi.

“Remember this Kathy, Devil works hard but I work harder.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status