Slave By The Ruthless Alpha

Slave By The Ruthless Alpha

last updateLast Updated : 2023-04-23
By:  iamsimpleOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
67Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Savina was the last witch of the powerful clan of Witches Canary. But due to conspiracy, her clan was slaughtered by the Golden Wolf Clan. Savina's father sacrificed his life for her to escape. She went into hiding for a few weeks before she was caught by the second-generation alpha of the clan that slaughtered her clan. Savina became a slave of the ruthless Alpha Desmon. She endured the hardships of being a slave just to take revenge on Desmon, who is the son of the late alpha of the Golden Wolf Clan. What if she suddenly falls in love with her enemy? Will she be able to take her revenge on the clan that slaughtered her clan? What if she discovered that there was a conspiracy about what happened to her clan?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Savina's Pov

Napangiwi ako nang bumagsak sa itaas ng ulo ng aking ina ang tubig na kinokontrol ng aking kanang kamay. Mag-iisang buwan na akong tinuturuan ng aking ina na gumamit ng iba't ibang uri ng kapangyarihan tulad ng magic, incantation at iba pa. Ngunit tamad akong matuto kaya kahit isang buwan na niya akong tinuturuan ay hindi pa rin ako natututo. Memorized ko na ang mga steps ngunit kulang pa rin daw ang aking determinasyong matuto na siyang pinaka-kailangan para matuto ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Mahina ang aking determinasyon dahil hindi kasi ako interesadong matuto. Para sa akin ay hindi ko na kailangang matuto pa ng kahit anong magic or spell dahil kaya naman kaming ipagtanggol ng aking mga magulang. Parehong makapangyarihan naman kasi ang mga magulang ko na mula sa angkan ng Witched Canary, ang pinakamakapangyarihang angkan ng mga witches. 

Ayokong matuto ng magic or spell or kahit anong kapangyarihan dahil gusto kong maging normal na tao katulad ng mga kaklase ko. Sa isang eskwelahan ng mga normal na tao kasi ako nag-aaral sa halip na sa school kung saan ang mga estudyante ay may alam na kapangyarihan dahil sila ay mga witch na kagaya ko. Ngunit kahit ayokong matuto ng magic ay no choice ako na pag-aralan iyon dahil ang aking ina mismo ang nagtuturo sa akin ng mga kakayahan ng isang witch. Nang sumapit ako sa edad na 18 ay saka ako inumpisahan ng aking ina na turuan ng witches power. Sa mga katulad naming witch kasi ay dapat na kaming mag-aral ng iba't ibang kakayahan ng aming lahi. Ngunit habang hindi pa sumasapit sa tamang edad ang isang batang witch ay hinahayaan munang huwag matuto ng power at mag-enjoy bilang isang normal na tao. At dahil nasa tamang edad na ako kaya dapat na akong mag-umpisang matutong gumamit ng power para maging isang ganap na akong witch sa ayaw at sa gusto ko.

"Focus, Savina! Kahit anong gawin mo ay hindi ka matututo ng kahit simpleng magic kung hindi nakapokus ang iyong atention sa ginagawa mo," sermon sa akin ng aking inang si Voila. I just rolled my eyes. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong nasermunan ngayong araw dahil hindi ako natututo kahit simpleng pag-kontrol ng tubig.

"Hindi talaga ako makakapag-focus dahil ayokong matuto, Mom. Mas gusto ko pang magbasa na lamang ng mga romance stories kaysa ang matuto ng power," nakasimangot na sagot ko sa kanya.

Umikot ng isang beses ang aking ina at sa isang iglap ay napalitan ng tuyong damit ang suot niya pagkatapos ay matalim ang tingin na nilapitan niya ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kailangan mong matutong gumamit ng kapangyarihan mo bilang witch para na rin sa iyong kaligtasan," giit ng aking ina. Ito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag sinasabi ko sa kanya na ayokong matuto ng witch power.

"Mom, hindi ko kailangang matuto ng witch power dahil nandiyan naman kayo. Makapangyarihan kayo ni Dad at walang makakatalo sa inyo," nagmamalaki ang tinig na sagot ko sa kanya. 

Huminga ng malalim ang aking ina pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at seryoso ang mukha na kinausap ako.

"Balang araw ay mare-realized mo rin kung gaano kahalaga ang kapangyarihan natin bilang mga witches para maipagtanggol natin ang ating sarili at ang mga taong mahalaga sa atin, Savina. Kapag dumating na ang araw na iyon ay maiintindihan mo rin kung bakit kita pinipilit na matutong gumamit ng kapangyarihan," sabi ng aking ina sa seryosong mukha na ipinagtaka ko. Bakit niya ito sinasabi sa akin gayong payapa naman ang mundo? Ang aming clan na lamang ang natitirang witches clan sa buong mundo kaya walang gulo na nangyayari sa pagitan ng mga clan. Kaya bakit ipinagpipilitan ng aking ina na matuto akong gumamit ng kapangyarihan?

"Huwag kang mag-alala, Mom. Matututunan ko rin ang paggamit ng kapangyarihan ko bilang witch pagdating ng tamang oras. Pero sa ngayon ay hayaan mo na muna akong mag-enjoy bilang isang ordinaryong tao," pakiusap ko sa kanya. Alam ko naman na kailangan kong matutong gumamit ng kapangyarihan dahil bahagi na iyon ng aming kultura at ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay isa sa aming abilities bilang isang witch. Ngunit ayoko pa talagang matuto ngayon at sana ay hayaan na muna ako ng aking ina sa aking kagustuhan.

Muling humugot ng malalim na buntong-hininga ang aking ina pagkatapos ay umiling. "Ikaw ang bahala, Savina. Napapagod na akong turuan ka at sana ay hindi mo ito pagsisihan," sabi ng aking ina pagkatapos ay tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Naiwan akong nasisiyahan dahil mukhang hindi na ako pipilitin ng aking ina na matutong gumamit ng kapngyarihan.

Nang wala na ang aking ina ay nagtungo ako sa isang malaki at malapad na batong nalililiman ng mayabong na dahon ng isang malaking puno. Nahiga ako sa ibabaw ng malapad na bato at ipinikit ang aking mga mata. This is life. Ito ang gusto ko. Tahimik at walang inaalala na kahit ano. Hindi nagtagal ay tuluyan akong nakatulog. Tahimik at mahangin ang paligid kaya napasarap ako ng tulog. Nagising ako nang biglang kumalam ang aking sikmura. Nakaramdam ako ng gutom. Sinipat ko ang aking relo at natuklasan kong tanghali na pala. Kaya naman pala ako nagugutom na. 

Bumangon ako sa kinahihigaan kong bato at naglakad pabalik sa bahay namin. Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa bahay namin nang makaamoy ako ng tila nasusunog na bagay. Napakunot ang aking noo nang matanaw ko ang makapal na usok na tila nagmumula sa bahay namin. Napatakbo ako ng mabilis para makarating agad ako sa bahay namin. Nanlaki ang  mga mata ko nang makita kong nasusunog ang aming bahay. Tatakbo sana ako palapit dahil baka nasa loob pa ang mga magulang ko, ang aking bunsong kapatid at ang iba pa naming mga kamag-anak ngunit bigla akong natigilan nang makita kong hinihila palabas ng bahay namin ang aking mga magulang ng ilang kalalakihan na may hawak na mga sandata. 

Hindi sinasadyang napatingin sa gawi ko ang aking ama. Umiling siya sa akin pagkatapos ay ipinitik niya sa hangin ang kanyang dalawang daliri. Bigla na lamang akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan at nang akmang sisigaw ako para tawagin ang aking mga magulang ay walang boses na lumabas sa aking bibig. Ginamitan ako ng magic ng aking ama para hindi ako makapagsalita at makagalaw. Siguro ayaw niya akong magsalita at lumapit sa kanila. Gusto nila akong itago mula sa mga lalaking humihila sa kanila.

"Nasaan ang panganay mong anak, Luzin?!" pasigaw na tanong sa aking ama ng lalaking tila siyang pinuno ng grupo.

"Hindi mo mahahanap ang anak ko dahil wala siya rito," matapang na sagot ng aking ama.

"Patayin mo na lamang kami, Gancho. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo malalaman kung nasaan ang aming panganay, Napatay mo ang aming bunsong anak ngunit hindi ka magtatagumpay na mapatay ang isa pa naming anak," puno ng galit na sigaw naman ng aking ina sa pinuno na Gancho pala ang pangalan. "Hindi magtatagumpay ang Golden Wolf Clan na ubusin ang aming lahi!"

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi ng aking ina. P-Patay na ang aking k-kapatid na si Sid? Hindi ito maaari! Hindi ito totoo! Biglang nag-unahang maglandas sa aking pisngi ang aking mga luha.

"Bilib din naman ako sa tapang ninyong mag-asawa. Kayo na nga lang ang natitirang buhay sa angkan ninyo ay matapang pa rin kayo" nakangising panuniya ni Gancho sa aking ina. Ibig sabihin ay pinatay na nila ang iba ko pang mga kamag-anak. 

"Matapang kaming mga witches at hindi katulad ninyong mga taong-lobo na duwag! Kaya gusto ninyong ubusin ang aming lahi dahil natatakot kayo sa amin dahil mas makapangyarihan kami kaysa sa inyo!" matapang na sigaw ng aking ama na sinagot lamang ng malakas na tawanan ng mga taong-lobo na nakapalibot sa aking mga magulang.

"Ipapakita ko sa inyo kung gaano kami katapang," nakangising wika ni Gancho pagkatapos ay nilapitan nito ang aking ina at dinukot ang puso nito.

No!! malakas kong sigaw sa aking isip nang makita ko ang walang awang ginawa ni Gancho sa aking ina. Helpless na napaiyak na lamang ang aking ama na nakamasid lamang sa aking inang wala nang buhay. Pagkatapos ay sunod namang dinukot ni Gancho ang puso ng aking ama habang nagtatawanan ang mga tauhan niya. Itinapon nito sa nasusunog naming bahay ang puso ng aking mga magulang.

Halos panawan ako ng ulirat dahil sa nasaksihan kong brutal na pagpatay sa aking mga magulang. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Wala akong sapat na kapangyarihan para ipagtanggol sila. At kaya ako inalis ng aking ama ang aking tinig at hindi ako pinagalaw dahil tiyak na hindi rin ako makakaligtas sa kamay ng masasamang taong-lobong ito. Ngunit makapangyarihan ang aking mga magulang kaya paano sila nagawang talunin ng mga taong-lobo na tanging lakas at bilis lamang ang taglay na kakayahan?

Golden Wolf Clan! Gancho! Isinusumpa ko na balang-araw ay  magbabayad ka ng mahal sa ginawa mo sa pamilya ko! nagpupuyos ang kalooban na hiyaw ko sa aking isip. Ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ako nagpursige na matutong gumamit ng kapangyarihan ko bilang witch. Sana ay naipagtanggol ko ang aking mga mahal sa buhay. Wala akong silbi! Wala akong kuwentang anak! 

Nang makita kong basta na lamang itinapon ni Gancho na parang isang bagay ang katawan ng aking mga magulang sa naglalagablab na apoy ay tuluyang nagdilim ang aking paningin. At ang mukha ng nakangising si Gancho ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
67 Chapters
Chapter 1
Savina's PovNapangiwi ako nang bumagsak sa itaas ng ulo ng aking ina ang tubig na kinokontrol ng aking kanang kamay. Mag-iisang buwan na akong tinuturuan ng aking ina na gumamit ng iba't ibang uri ng kapangyarihan tulad ng magic, incantation at iba pa. Ngunit tamad akong matuto kaya kahit isang buwan na niya akong tinuturuan ay hindi pa rin ako natututo. Memorized ko na ang mga steps ngunit kulang pa rin daw ang aking determinasyong matuto na siyang pinaka-kailangan para matuto ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Mahina ang aking determinasyon dahil hindi kasi ako interesadong matuto. Para sa akin ay hindi ko na kailangang matuto pa ng kahit anong magic or spell dahil kaya naman kaming ipagtanggol ng aking mga magulang. Parehong makapangyarihan naman kasi ang mga magulang ko na mula sa angkan ng Witched Canary, ang pinakamakapangyarihang angkan ng mga witches. Ayokong matuto ng magic or spell or kahit anong kapangyarihan dahil gusto kong maging normal na tao katulad ng mga kaklase
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
Chapter 2
Savina's Pov"Kumusta na ang pakiramdam mo, Savina?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Julie. Nang mahimatay ako matapos kong makita ang ginawang pagpatay sa mga magulang ko ng Alpha ng Golden Wolf clan ay natagpuan ako ni Julie na wala pa ring malay at nakahiga sa damuhan. Nasa kagubatan kasi ito kasama ang kanyang ama at nangunguha raw ng panggatong nang makita nila ako. Kaagad nila aking dinala sa bahay nila at magmula nang araw na iyon ay dito na ako tumira sa kanila."Kahit paano ay okay na ang pakiramdam ko, Julie. Salamat sa concern mo," nahihiyang sagot ko sa kanya. Ayokong maging pabigat sa kanya at sa mga magulang niya kaya kahit gusto kong magmukmok at umiyak sa isang tabi ay pilit kong inayos ang aking sarili. Kailangan kong magpakatatag. Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong magluluksa at ang magpapakahina-hina. Hindi ko magagawang makapaghiganti kung isa akong mahinang babae."Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin sa gubat para manguha ng mga tuyong sanga na panggat
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
Chapter 3
Savina's PovAgad akong napabalikwas ng bangon nang pagbalikan ako ng aking malay. Mabilis na pumasok sa aking alaala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Sinalakay ng mga taong-lobo sa pangunguna ni Desmon ang village na tinitirahan ng kaibigan kong si Julie. Walang awang pinagpapapatay nila ang mga taong makita at makasalubong nila. Like father like son. Katulad din siya ng kanyang ama. Malupit at walang puso."Ang sarap ng tulog mo, Savina. Ang tagal mo kasing nagising. Kanina pa ako nakaupo rito at hinihintay kang magising ngunit ngayon ka lang gumising," kausap sa akin ng pamilyar na boses. Nilingon ko ang lalaking nagsalita at nakita kong nakaupo si Desmon sa gilid ng kama sa may ulunan. Hindi ko napansin na may tao pala sa aking tabi. Mali ako. Dahil hindi pala tao kundi hayop pala ang nasa tabi ko. Dahil maliban sa isa siyang taong-lobo ay asal hayop din ang kanyang pag-uugali.Nagmamadali akong tumayo para lumabas sa silid na aking kinaroroonan ngunit mabilis akong na
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
Chapter 4
Savina's PovPagkatapos kong makatakas sa kuwarto na pinagdalhan sa akin ni Alpha Desmond ay hinanap ko saan nito ikinulong ang kaibigan kong si Julie kasama ang pamilya niya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa kanila. Dahil sa akin ay nalagay sa panganib ang buhay nila kaya nararapat lamang na iligtas ko sila at sama-sama kaming umalis sa lugar na ito na puno ng aking mga kaaway.Alpha Desmon. Ipinapangako kong babalikan kita at papatayin kasama ang ama mo, nagngingit ang kalooban na pangako ko sa aking sarili. Ngunit bigla akong natigilan nang may pumasok sa aking isip. Kung si Desmon na ang alpha ngayon ay nasaan ang kanyang ama na siyang unang alpha bago ito? Bakit hindi ko yata narinig ang pangalan ng ama ni Desmon bilsbg alpha? Inagaw ba niya ang titulo ng kanyang ama? Sabagay, hindi na ako magtataka kung totoo ang aking naisip na inagaw ng anak ang trono ng kanyang ama dahil pare-pareho lamang silang masasama. At sa aking mga mata ay lahat ng
last updateLast Updated : 2022-12-10
Read more
Chapter 5
Savina's PovHindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa biglang pagdating ni Desmon. Isa siya sa kinamumuhian kong nilalang sa mundo ngunit mukhang siya pa ang magiging tagapagligtas ko ngayon laban sa isa pang nilalang na hindi ko gusto."Sinabi na nga ng babaeng ito na alipin ko siya pero gusto mo pa rin siyang patayin. Minamaliit mo ba ang kakayahan ko bilang alpha ng Golden Wolf clan?" kalmado ang boses na tanong ni Desmon sa kalabang miyembro ng ibang wolf clan. Bagama't kalmado ang kanyang boses habang nagsasalita ay halatado naman sa mukha ang panganib na dala nito."Hindi ko kailangan ang tulong mo," mariin ang boses na sabi ko kay Desmon. Hindi ko kasi matanggap na siya pa ang magiging tagapagligtas ko ngayon."Talaga? Kung hindi nga ako dumating ay mukhang papalahaw ka na ng iyak diyan sa kinatatayuan mo," nanunudyo ang boses na sagot niya sa akin. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa kanyang likuran. "Hindi kita tinutulungan dahil nangangailanga
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 6
Savina's PovPabagsak na ibinaba ako ni Desmon sa ibabaw ng kama nang makabalik na kami sa kanyang mansion. Lalo lamang naragdagan ang galit ko sa kanya. Wala man lang pag-iingat. Ni hindi man lang niya inisip na nasaktan ako nang ibinaba niya ako na para bang nagbaba lamang siya ng isang sakong bigas na nasa balikat niya. Sabagay, ano naman ang aasahan ko sa katulad niyang ruthless. "Pakawalan mo ako, Desmon! Ayoko rito kaya puwede bng hayaan mo na akong umalis?" nilagyan ko ng pakiusap ang aking tono. Kahit alam ko nang hindi niya ako pakikinggan ay ginawa ko pa rin."Pakakawalan lamang kita kapag patay na ako. Kaya kung gusto mong makaalis sa poder ko ay magpalakas ka, Savina. Magpalakas ka at para makaya mo na akong patayin nang sa gayon ay makaalis ka na rito," kausap niya sa akin sa seryosong mukha.Lihim na lamang na naikuyom ko ang aking mga kamao. Matigas talaga ang puso ni Desmon. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa kanya ay hindi niya ako pakakawalan. Ngunit may point a
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 7
Savina's PovPumasok sa loob ng silid ang babaeng lobo na tinakasan ko kahapon na Moira ng pangalan. Matalim ang kanyang mga titig at kung nakakasugat lamang ito ay tiyak na sugat-sugat na ngayon ang buo kong katawan."Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas kay Alpha Desmon," kausap sa akin ni Moira. Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi. Salita siya ng salita ngunit nananatiling tikom pa rin ang bibig ko. Sa inis ni Moira ay itinapon niya sa mukha ko ang damit na isusuot ko bilang alipin. "Bingi ka ba o bigla kang naging pipi dahil hindi mo matanggap na hindi ka nakatakas dito?"Saka ko lamang pinansin si Moira nang marinig ko ang huling sinabi niya. "Obvious naman na hindi mo gusto na narito ako, Moira. Kaya bakit hindi mo na lang ako tulungan na makatakas dito? Nng sa gayon ay hindi mo na makita ang pagmumukha ko?" pangungumbinsi ko sa kanya. At sana ay makumbinsi ko siya. Ayaw niyang narito ako at ayoko rin namang narito ako kaya dapat ay magtulungan na lamang kami."Ibig mong
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 8
Savina's PovDala ang ilang piraso ng niluto kong bacon at ham na half-cook lamang ang pagkakaluto ay nakasimangot na nagtungo ako sa silid ni Alpha Desmon. Mabuti na lamang nasa first floor ang kanyang silid dahil kung nagkataong nasa itaas ay tiyak na mahihirapan akong magbuhat at mag-akyat ng tubig papunta sa kanyang banyo. May generator naman ang bahay niya dahil hindi kayang maabot ng supply ng kuryente ang lugar na ito ngunit bakit hindi na lang din ginamitan ng makina para nagkaroon sila ng gripo nang sa gayon ay hindi na mahihirapan ang mga alipin sa pagsalok ng tubig. Hindi kaya biro ang paulit-ulit na magsalok at magbuhat ng tubig mula sa ilog hanggang dito sa mansion. Kailangan ng matinding lakas at stamina para magawa ang trabahong iyon. Mabuti sana kung sobrang lapit lamang ng ilog ang kaso malayo. Ang laki ng mansion na ito ngunit walang gripo.Nang makarating ako sa tapat ng silid ni Alpha Desmon ay malakas na kumatok ako sa pintuan."Come in," pagalit na sagot nito mul
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 9
Savina's PovKahit nasa harapan ako ng puntod ng ama ni Desmon na dating alpha ng Golden Wolf clan ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na wala na nga siya. Ano ang silbi ng kanyang paghihiganti kung hindi niya makikita at mararamdaman ang sakit na naramdaman ko nang mawala ang mga mahal ko sa buhay?"Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Hukayin mo ang puntod ng ama ko at gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanyang mga buto para makaganti ka sa ginawa niya sa pamilya mo," mariin ang boses na wika ni Desmon sa akin. Ngunit hindi ako kumilos at nanatili lamang akong nakatingid sa puntod ng ama niya. "Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Gawin mo na kung ano ang gusto mo?" sigaw ni Desmon nang hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko.Masama ang tingin na sinulyapan ko si Desmon. "Hindi ako masama katulad ninyo. Hindi man ako makapaghiganti sa kanya ay natitiyak ko na nabubuhay pa ang iba pa niyang mga kasama na lumusob sa tahanan namin.""So ano? Hindi mo na ako paghihigantiha
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 10
Dorco's Pov"Ano? May pinatay si Desmon na miyembro ng ating pack?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong ko kay Arkin na aking kanang kamay. Si Desmon ay ang bagong alpha ng Golden Wolf clan at mortal na kaasay ng aming Silver Wolf clan. Gusto ko siyang patayin para ako na ang mamuno sa kanyang pack. Ako na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang alpha ng aming lahi."Opo, Alpha Dorco. Hindi sinasadyang nakita namin sa kagubatan ang katawan ni Allou na pinag-aagawan ng mga hayop. Nang suriin namin ang katawan niya ay natuklasan namin na wala na siyang puso. Dinukot ang kanyang puso at alam naman natin kung sino lamang ang nilalang na may kakayahang gumawa ng ganoong kalupit na pagpatay. Tanging si Alpha Desmon lamang ay nakakagawa niyon," paliwanag sa akin ni Arkin.Sa tindi ng galit ko ay itinapon ko ang mesang nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinatay ni Desmon na miyembro ng aking pack dahil kinaiinisan ko rin namam si Alloy na anak ng aking beta. Palagi niya ako
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status